Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-hari…natagpuan ni Thelma

Pag-ibig sa Dulo ng Bahag-Hari

…natagpuan ni Thelma

(para kay Thelma Pama- Arcallo)

ni Apolinario Villalobos

 

Makulay ang pag-ibig na kanyang natagpuan

Pangakong ligaya ay tila walang katapusan

Pangako na kanya nang nararamdaman

At pati ginhawang hindi matatawaran.

 

Sa paraisong animo ay dulo na ng bahag-hari

At sa piling ng mga katutubo – mga T’boli

Landas nila ay nagtagpo, animo’y hinabi

Pinatatag ng pagsubok, lalong sumidhi.

 

Parang t’nalak na hinabi ang kanilang buhay

Masinsin ang pagkahabi, ‘di basta bibigay

Dahil subok, t’nalak ay talagang matibay

Tulad ng sumpaan nilang ‘di mabuway!

Thelma Pama

 

 

——————

Note:

Bahag-hari – rainbow

T’boli- natives of South Cotabato

T’nalak – T’boli cloth made from abaca fibers

lalong sumidhi – became stronger

masinsin –  finely and delicately woven

mabuway – soft and easily bends; weak

 

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ang Talumpati ni Pnoy Aquino sa

Mamasapano Massacre Anniversary (25 January 2016)

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagsalita ni Pnoy Aquino sa anibersaryo ng pagpatay sa SAF44 ngayong araw, 25 ng Enero, ay kung ano-ano na namang matulaing kataga ang binitwan niya. Kaylan kaya titigil ang presidente sa ganitong gawain na bistado namang puro buladas lang? Hindi makakalimutan ang mga binitiwan niyang mga pangako lalo na ang “tuwid na daan”, noong nangangampanya pa lang siya, hanggang sa siya ay umupo na. Pati ang mga “pangako” para sa mga pamilya ng mga pinatay na SAF44 ay hindi pinatawad ni Pnoy dahil sa mga bulilyaso na naman.

 

Ayon sa tatay ng isang pinatay na SAF, iilan lang sa mga pinangakong benepisyo ang kanilang natanggap. Ang pabahay ay maliit at nasa isang liblib na panig ng Laguna at hindi mararating kung walang sariling sasakyan. Ang isang benepisyo para sa dependent ay tahasang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi pwedeng ibigay dahil lampas na sa minimum na gulang ang tinutukoy na dependent, subalit sana ito ay ginawang exemption na lang, dahil gagamitin sa isang hindi pangkaraniwang sitwasyon…subalit hindi nangyari, sa kabila ng pangako ni Pnoy.

 

Hindi makalimutan ang hindi niya pagsalubong nang dumating ang mga labi ng SAF44, pagkatapos ay sasabihin niyang dadalhin daw niya hanggang sa hukay ang sakit na dulot ng nangyari na gusto pa niyang ituring na isang “insidente” lamang, at hindi “masaker”? Dahil sa kasanayan na niyang magbigkas ng mga kasinungalingan, akala niya lahat ng mga sinasabi niya ay totoo….napaniwala niya ang sarili sa ganito. Subalit hindi tanga ang taong bayan upang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

 

Upang mabawasan ang bigat ng kanyang mga pagkukulang bilang presidente ay panay paninisi ang ginagawa sa nakaraan administrasyon ni Gloria Arroyo na nagpamana daw sa kanya ng mga kapalpakan. Bakit hindi na lang niya ituwid kung may mali at punan kung may kakulangan, sa halip na siya ay magdadakdak na hindi gawain ng isang lalaking tao, lalo pa at ayon sa kanya ay  “ama” siya ng sambayanang Pilipino? Ang salitang “ama” ay nanggaling din sa kanya dahil sa kahiligan yata niya sa tula, subalit hanggang turing na lang ito, dahil hindi nga niya pinapakinggan ang kanyang mga “boss” na taong bayan, ang bago na namang turing na “ama” pa kaya? Hindi lang tahasang pagbibingi-bingihan ang kanyang ginagawa, kundi pati na rin ang pagbubulag-bulagan, at lalo pa ang pagmamaang-maangan kaya marami tuloy ang nagtatanong kung may presidente ba ngayon ang Pilipinas.

 

Ang pinakamagandang magagawa ni Pnoy upang makabawi sa mga kahihiyan ay huwag nang mangako at bawasan ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa kanyang mga talumpati. May panahon pa naman siya upang mabago kahit kapiraso ang pagtingin sa kanya ng sambayanang Pilipino at makakuha uli ng respeto…yan ay kung pakikinggan niya ang mga matitino niyang taga-payo, lalo na ang mga “boss” niya.

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

Ang Pamilyang Pilipino: Misyonaryong Alagad ng Eyukarista

Ang Pamilyang Pilipino: Misyonaryong Alagad ng Eyukarista

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang matatag na hibla ng pananampalatayang Kristiyano…ito ang pamilyang Pilipino. At, ang panata ay marubdob na pagpapalaganap ng Eyukarista, simbolo ni Hesus na nagligtas sa sangkatauhan mula sa mga minanang kasalanan. Ang malalim na pagkaugat ng pananampalataya sa bawat tahanan, payak man o nakakariwasa ay bunga ng halos limampung siglong paghubog ng mga Kastilang prayle sa kanilang mga ninuno. May sangkot mang karahasan, inunawa na lang dahil sa layuning maka-Diyos, at dahil na rin sa paniniwala na ang mga nabulagang prayle ang nagkamali noon at hindi ang simbahan.

 

Hindi lang Pilipinas ang sinasaklaw ng taimtim na pananampalataya dahil kahit sa ibayong dagat, saan man nakakarating ang mga anak, ina, o ama ng isang Pilipinong pamilya bilang dumadayong manggagawa, kipkip pa rin nila ang Bibliyang pilit pinalulusot sa mga paliparan at daungan. Sa mga bansang iba ang umiiral na pananampalataya, nagagawa pa rin nilang magtipon-tipon nang palihim upang ipadama sa isa’t isa na buo ang katatagan nila bilang mga Kristiyano na hindi nagsasawa sa mga salita ni Hesus. Marami nang naparusahan, subalit hindi hadlang ang kanilang kamatayan upang ang pagsamba nila sa Diyos ay mapigilan.

 

Ang Eyukarista na maituturing na isang pagtitipon, kung saan ay nasa gitna si Hesus… ay lalong tumatatag at lumalawak pa ang nilalambungan ng biyaya nito dahil sa pambihirang katangian ng pamilyang Pilipino. Marami nang hadlang ang kanilang nalampasan sa pag-usad ng panahon na lalo pang nagpalakas ng kanilang pananampalataya dahil sa paniniwalang walang makakatalo sa kapangyarihan ng Diyos na siyang naglalang ng lahat sa ibabaw ng mundo. Hindi sila mahirap akayin dahil sa paniniwala na kung tungo sa kabutihan ang landas na tatahakin lalo pa at ang gabay ay si Hesus, walang pasubaling sila ay susunod.

 

Hindi maiwasan kung may ibang pamilyang napapalihis ng daan dahil sa umiiral na makabagong panahon, subali’t may mga pangyayari at pagkakataon na nagpapakita ng pagbabago…at ito ang hangad sa kanila ng ibang pamilya na sa kanila ay maigting na kumakapit upang hindi tuluyang maligaw. Ang damayan ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino na nagpapatatag ng bawat tahanan, at isa rin itong katangian na ginagamit sa paggabay sa kanilang kapwa upang mapanatili ang katatagan ng pananampalataya. Nagsisilbi din itong lakas na ginagamit ng bawa’t pamilyang Pilipino upang maakay pabalik sa tamang landas ang mga naligaw.

 

Mapalad ako dahil ako ay bahagi ng isang pamilyang Pilipino na may matatag na pananampalataya sa Panginoon at bahagi ng pagtitipong Eyukarista… na ang kahalagahan ay pilit kong pinamamahagi sa abot ng aking makakaya. Hindi man nakakariwasa sa anumang materyal na bagay, hitik naman ang pagkatao ko ng mga bagay na buong puso kong inaalay sa Kanya. Ang puso ko ay pinatitibok ng taos kong pananampalataya, at ang aking payak na karunungan ay umaapaw sa paniniwala sa Kanyang kapangyarihan.

 

Nagpapasalamat ako dahil itinuring ako ni Hesus bilang kapatid niya…at sa pagturing na yan ay kasama ang aking pamilya. Sumasama ang aking kalooban kapag nakakarinig ako ng panlalait kay Hesus ng mga hindi nakakaunawa sa Kanya. Halos magutay ang aking puso kapag ako ay nakakakita ng mga sinasadyang paglihis mula sa itinuro niyang tamang daan. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit sa kabila ng paghirap at kamatayan Niya sa burol ng Golgota, ay nagagawa pa rin ng ibang siya ay itakwil.

 

Ganoon pa man,  dahil sa nakagisnan ko nang katatagan bilang katangiang bahagi ng pamilyang Pilipino, naniniwala akong sa abot ng makakaya ko… namin….at nating lahat, matatamo din ang matagal nang inaasam na kapayapaan at pagkakaisa na siyang layunin ng Banal na Eyukarista – simbolo ng pagmamahal ni Hesus sa sangkatauhan at buong mundo!

 

Ang Pagmumura at si Duterte

Ang Pagmumura at si Duterte

Ni Apolinario Villalobos

 

Dapat mag-ingat kahit kaunti si Duterte dahil tumitindi ang smear campaign laban sa kanya. Noon ay ang patagong banat sa kanya laban sa kanyang “pambabae” daw at “salvaging”. Mabuti at siya mismo ay nagsalita na tungkol sa mga bagay na ito at umamin pa, kaya wala nang mauukilkil tungkol sa mga ito upang hantarang ibabanat sa kanya. Isa sa mga tinitingnan ngayon ng mga naninira laban sa kanya ay ang ugali niyang pagmumura. Masama mang banggitin, may ginagamit na mga taga-media ang mga kalaban niya kaya sa isang iglap, kalat agad sa buong bansa kung may masambit man siyang pagmumura. Wala tayong magagawa dahil yan ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang malas, “tinuka” niya ang pain na tanong tungkol sa pagdating ng santo papa, sa pagsagot subalit may kasamang pagmumura. Pinagpipiyestahan ng mga maninira ang ugali niyang pagmumura at pagiging prangka. Dahil sa ginagawa niyang pagmumura ay nagiging tactless siya.

 

May mga taong naging ugali na ang pagmumura kaya automatiko ang pagsambit ng maaanghang na salita na naging bahagi ng kanyang bokabularyo. Dapat baguhin ang ganitong pag-uugali na hindi man dinidekta ng puso ay masama ang epekto lalo sa mga taong banal kuno pero mahilig namang magbanggit ng “for Christ’s sake” o “for God’s sake” na mas matinding blasphemy at laban sa isa sa mga kautusan sa Ten Commandments. Ang mga banal na ito ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng masama o nakakita ng masama. Bakit hindi na lang sila maglagay ng busal sa mga tenga o di kaya ay maglagay ng pantakip sa mga mata na ginagamit ng mga kutsero sa kanilang kabayo para diretso ang kanilang tingin kapag naglalakad sa kalye? Pero kung marinig lang sila kung murahin nila ang kapitbahay at kasambahay kahit pa kararating lang nila mula sa simbahan dahil dumalo sa misa……..nakuuuu!

 

Upang maipakita ko ang katapatan sa binabahagi ko tungkol sa pagmumura at upang maging makatotohanan ang mga sinasabi ko, aaminin kong nakikita ko ang sarili ko kay Duterte dahil naging bahagi na rin ng pananalita ko ang pagmumura tulad ng “tangna” na pinaiksing “putang ina”, ang “belatibay” na pinaiksing “latibay” upang hindi masyadong maanghang pakinggan, at ang pabulong na “..hit” na sana ay “shit”, pero hindi pa rin nawawala ang “yodiputa”. Tulad ni Duterte, marami rin ang nagalit at nakadanas din ako ng panlilibak dahil sa pagmumura ko. Ang masakit lang, ang iba pala sa kanila ay matindi naman palang manira ng kapwa!

 

Sa mga naging president ng Pilipinas ang kilala sa pagmumura ay si Manuel L. Quezon na ang ginagamit na kataga ay mula sa wikang Kastila…maraming nagalit sa kanya noon lalo na ang mga kasama niya sa gobyerno na karamihan ay nakatikim ng pagmumura mula sa kanya. May dati akong boss na ang ginagamit na salita ay “Jesus Christ” or “Jessezzzz” sabay hawak sa kanyang noo…at ngayon ay malamang kasama na niya dahil namayapa na siya. Yong isang kaibigan ko naman ay paborito ang “damn you” at “go to hell”, patay na rin siya at malamang ay nandoon na rin siya. Yong isa pa ay “demonyo ka” o di kaya ay “demonyo” lang kung walang kausap pero nadapa o nauntog o may nakalimutan sa bahay.

 

Ang pagmumura ay isang paraan upang lumuwag ang naninikip na dibdib ng isang taong galit. Sa halip na lakas ang gamitin niya sa pamamagitan ng pagsuntok sa kausap o manira ng anumang gamit na mahawakan ay dinadaan na lang niya sa pagmumura.  May nasimulan naman sa Japan na pantanggal ng tension na sanhi ng paninikip ng dibdib, at ito ay ang pagsigaw kahit halos namamaos na. Subalit may paraan na ngayon upang mapalitan ang ganitong uri ng paglabas ng galit, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim o “deep breathing”. Sa kamalasan, may isa akong kaibigan na sa sobran galit ay pinilit ang sunud-sunod na deep breathing kaya hinimatay dahil na-choke…kinapos ng hangin! Ayaw kong mahimatay tulad niya.

 

Ang problema sa kultura natin na may pagka-colonial pa rin, kapag ang pagmumura ay ginawa sa English o Kastila, parang wala lang ang epekto, pero kung ang pagmumura ay ginawa na sa Pilipino, ang nakakarinig, lalo na mga banal daw ay para nang natapunan ng ipot ng pusa sa mukha. Hindi ko sinasabing hindi masama ang pagmumura. Subalit dapat ay maghinay-hinay sa paghusga sa mga taong nagmumura. Mabuti nga lumabas ang masamang salita lang mula sa kanya, hindi tulad ng ibang nagbabanal-banalan na ang masamang ugali ay nagkakaugat sa puso nila at diwa kaya habang tumagatal ay yumayabong pa. Ang pagmumura namang inilalabas ay walang pagkakataong yumabong dahil….yon nga, ibinuga na ng bibig!

 

Narinig ang tape tungkol sa pagmumura ni Duterte sa santo papa, kaya malinaw na ginawa nga niya. Isa itong maituturing na “tactlessness” o kawalan ng pasubali o ugaling bara-bara sa salitang kanto….na talagang mali. Subalit si Duterte ay kilala sa paghalo ng mga biro sa kanyang pananalita, kaya malamang, para sa kanya ay joke ang sinabi niya….pero joke na masama o hindi nararapat dahil si Francs bilang pinakamataas na lider ng simbahang Katoliko ay tinuturing na banal kay tinawag na “santo papa”.

 

Kilalal sa pagbiro ang mga Bisaya, na kahit maanghang sa pandinig ay hindi naman bukal sa kalooban ng nagsabi, tulad ng pabirong “gi-atay ka”  o “lilinti-an ka” na ang mga kahulugan ay ayaw ko na lang sabihin. Mabuti na rin ang ginawang pagpuna kay Duterte, para hindi isipin ng santo papa na tino-tolerate ng mga Pilipino ang ganitong ugali…at baka hindi na siya magsalita ng blessing sa Pilipino tuwing mamintana upang magbasbas sa mga taong nag-aabang sa kanya.

 

Pero, sa isang banda, kung papipiliin ako sa pagitan ng isang taong nagmumura subalit ang layunin ay magkaroon ng pagbabago sa isang sistema ng gobyerno na may makapal na kulapol ng korapsyon at may napatanuyan na, at sa isang taong namang dahilan ng kagutuman at kahirapan ng buong bayan dahil sa kawalan ng malasakit, kahit hindi pa nagmumura at animo ay larawan ng pagkabanal at pagka-santo na pagkukunwari lang pala….ang pipiliin ko ay ang nagmumura!

 

Ang ginawa ni Duterte kahit pa maituturing na joke ay patunay sa binitiwan niyang babala noon na kung maging presidente siya ay wala siyang sasantuhin….kaya humanda na sila!

 

Naisahan ni Duterte ang mga Detractors sa Pag-amin ng mga Ginawa Niya…hindi siya Plastic tulad ng Iba!

Naisahan ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin

ng mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang kagatul-gatol na inamin  niyang nagkaroon siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na “kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga ito?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?

 

Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay “Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang Pilipino,  tulad ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon – lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man 100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi driver.

 

Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan. Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.

 

Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat, na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist groups.

 

Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!

 

Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!

Ricardo Jamorabon, Jr.: “Mr. Discipline” and Among the Pillars of Notre Dame of Tacurong College

Ricardo Jamorabon, Jr.: “Mr. Discipline”

And Among the Pillars Of Notre Dame of Tacurong College

By Apolinario Villalobos

Even before I entered the gates of Notre Dame of Tacurong College as a first year high school student in the early part of the ‘70’s, I already heard the name “Jamorabon”, who was known for being “strict”. He was in-charge of the PMT (Preparatory Military Training) and ROTC (Reserved Officer Training Corp) of the school. When I finally enrolled in first year high school, I saw and heard him talk – with an intimidating booming voice that became his signature for years to come. It was Boy Scout for the first two years of my high school, but on my third and fourth years, there was no choice but to undergo the rigid PMT drills in the amor seco –filled activity ground of the campus. He was indeed, strict, having proved it myself after several push-ups and runs that I did for being late during several formations.

Our school was small compared to other Notre Dame campuses in Cotabato that time, before the province’s partition that made our part become Sultan Kudarat, with the rest as, South Cotabato, North Cotabato, and Maguindanao. We were also among the smallest in population. But every time there were inter-campus drill competitions, we were always on the top three. Thanks to Mr. Jamorabon who took pains in sharing with the corps, platoon, and squad commandeers what he knew about military drills. To be a “commandeer” then, was a sacrifice on the part of the chosen outstanding students, as practice drills after classes would last up to the “novena hour” which was six in the afternoon. On the other hand, the string of patience was practically extended as needed by the big-voiced mentor.

The rigid discipline that was imposed by him among the PMT cadets was also experienced by the college students who took up ROTC, and that included me later on, because he was with us, until our graduation…with our batch of college graduates in 1975 being the last. The college department was closed temporarily due to the lack of enrollees that could sustain its operation. While we left the campus as graduates, Mr. Jamorabon stayed behind as the High School Department was still in operation, besides, he was also teaching Mathematics, and most especially, he was the coach of the basketball team. That was also the last time that I saw him.

More than ten years later, while I was attending a seminar as a PAL employee, at the Development Academy of the Philippines in Tagaytay, I received a note from, of all people, Mr. Jamorabon! He was also attending a seminar in the same facility. He saw my name among those in the list posted on the door of the room where my group was having sessions and took chance in sending me a note for the confirmation of his curiosity. When we finally met, I could not explain what I felt, for having been honored by such curiosity. I was not expecting him, a well-respected teacher in our school, to remember me, as I considered myself an insignificant student when I was in high school and college. After that meeting, it took years again before we saw each other, and that was when I was invited by our school as Commencement Exercises speaker during the last term of the Dominican Sisters as administrators. That meeting was followed, after a long time again, which was when I visited his wife, Ma’am Emma, after her stroke.

When I had a rare chance to talk to Mr. Menandro Lapuz, a respected pioneer resident, I asked him for names of people in our city, whom he consider to be outstanding as local citizens. He mentioned “Jamorabon” among the first five names without hesitation, before groping for the rest of names in his memory.

An important note on Mr. Lapuz…he and his two brothers, Eusebio and Felipe, arrived in the area when Tacurong was yet a vast land of rice paddies and swamp. They came from Luzon and upon arriving in the wharf of Cotabato they took a local ferry plying the Rio Grande de Mindanao that took them to one of the villages in Sultan sa Barongis. The Lapuzes were already comfortably settled in Tacurong when it was weaned from Buluan as one of its sitios known as Pamansang. He was around when the foundation of the Notre Dame, one of the first Catholic schools in the whole of Cotabato was established by the Oblates of Mary Immaculate (OMI) fathers. He was also around when the pioneering teachers and staff of the school, together with the “working students” joined forces to construct the basketball court and multi-purpose stage, as well as, in undertaking projects for the parish church. Among those in the “volunteer labor force”, according to him, was “Ric” Jamorabon who caught his attention because of his intimidating “big voice”.

I am in touch today with Mr. Jamorabon through his sons who follow my blogs in facebook. I see in the statements of his sons when they make comments, the same rigidly- disciplined personality and wit that I experienced from their father. I do not know if my “remarkable teacher” could still recall how he let me clean the “armory” during one afternoon of PMT formation, to escape the “hair cut inspection” that he would conduct. I failed during the time to have a hair cut simply because I had no money… that, I told him straight before the formation in the field when he beckoned to me. With a straight face, he told me to run to the “armory” and sweep its floor which saved me from suffering the humiliating “crisscross” hair cut that he would give to the long-haired cadets. That recollection triggered my desire to write this blog, for how can I ever forget such kindness behind the intimidating booming voice? He knew for a fact, that being on my own, and also a working student that time and without parents, a peso meant so much.

My ardent wish is for this unassuming guy to be given due recognition that he more than deserve after spending and sacrificing the best time of his life in molding the early waves of the students of NDTC – I, being one of them, a proud graduate of an equally- proud campus in the whole of Cotabato, that used to be a struggling parochial school, but today garnering recognitions for excellence!…I am just looking back to where I came from.

T’boli

T’boli

By Apolinario B Villalobos

Gentle people of South Cotabato –

Epitome of strength who moves with agility

But graceful enough to sway with the wind

With innocent smile easily parting their lips

And laughter that crease their gentle face.

Fortunate people, contentedly they live –

In the fastness of green, rivers, hills and valleys

By God’s will, long- hidden from lowlanders

Which did them good, but then time came –

The haze was parted, and finally, they were seen.

Clothed in patiently – pounded fibers

And woven into the smooth cloth – t’nalak

The men stand proud in the earth-colored garb

While women looking regal in their vivid dress

Seen from afar, they seem to float in the breeze.

People of the rainbow, these people are –

And placid that made them prey to the greedy

But to them, God is kind, made them secured

From harm that only the heartless could inflict

And nature’s wrath, to them could easily wreak.

Straight from their heart, to God they pray

Sincere praises are mumbled by betel-red lips

No pretensions in their offered dances

Pleadings are for their safety and health

That for them are well- cherished wealth…

(The T’boli is one of the indigenous tribes of the Philippines, found in the southern part of the archipelago, particularly, South Cotabato province, island of Mindanao)

Mindanao, Sulu and Palawan, Almost Got Separated from the Jurisdiction of the Philippine Government…during the American Regime

Mindanao, Sulu, and Palawan, Almost Got Separated

From the Jurisdiction of the Philippine Government

…during the American Regime

Apolinario Villalobos

In November 1923, the American Chamber of Commerce of Mindanao and Sulu made a proposal to make the Muslim area as an unorganized domain directly under the rule of the Americans. A distinct system of government suited for the area was suggested. However, the proposal was not given much attention, until the Bacon Bill revived the issue.

The sponsors of the Bacon Bill expressed that they just wanted to protect the “defenseless and unarmed, though proud and self-respecting Moros”. As expected, the Filipino leaders opposed the Bill, as they saw the hidden motive behind it which was the exploitation of the areas for rubber production in favor of the American interest. During the time, about more than three million hectares of land in Mindanao were suitable for the cultivation of rubber tree. The Filipinos vehemently insisted that, would there be foreign investors interested in seizing the opportunity of cultivating rubber in Mindanao, it should be fairly done under the administration of the Philippine Government.

As a last desperate argument, proponents of the proposal also insisted that the Moros in Mindanao were never desirous of independence, but prefer to remain under the sovereignty and protection of the Americans. They cited an incident in the past, whereby, Moro leaders supposedly, petitioned the Governor General and the US Congress about such desire. Unfortunately, this allegation was not factually established, as some parties insisted that Filipino Muslims did not really want to separate from their Christian brothers and sisters, but to have independence with them.

The importune Bacon Bill, fortunately, did not illicit support from then, President Collidge and the US Congress. Lately, there’s another move to separate the Moroland from the archipelago via the “original” Bangsamoro Basic Law but was fortunately reviewed for revision before it got implemented. The separation proposal was championed by the Moro Islamic Liberation Front, under Iqbal, and ably supported by Ferrer and Deles, two government representatives in the negotiation panel for peace in Mindanao. The proposal is now assuming another name, “Basic Law for Bangsamoro Autonomous Region” which is more appropriate to be consistent with the rest of the other autonomous regions that are already in place. History repeats itself, indeed….

Sa Isyu pa rin ng Bangsamoro Basic Law…hantad na ang kuwestiyon sa papel ng Malaysia

Sa Isyu pa rin Bangsamoro Basic Law

…hantad na ang kuwestiyon sa papel ng Malaysia

Ni Apolinario Villalobos

Noon pa man ay nagtaka na ako kung bakit kinuha ng gobyerno ang Malaysia bilang “third party” o mediator sa usaping BBL, ganoong napakaliwanag ng mga sumusunod na dahilan kung bakit hindi dapat:

  • May pinagtatalunang kaso ang Pilipinas at Malaysia tungkol sa pagmamay-ari ng Sabah, at tulad ng China gumamit din ng ampaw na historical facts ang Malaysia. Tulad ng China, ayaw din ng Malaysia na may mamagitang international court sa usapin.
  • Kalat sa internet ang sinabi ni Iqbal na ang orihinal na biyahe dapat noon ni Ninoy Aquino ay papunta muna sa Malaysia kung saan ay magkikita sila, hindi diretso sa Maynila kung saan siya ay pinatay. Kung sa Malaysia siya nakarating, malamang na kinanlong siya ng Malaysian government na galit kay Ferdinand Marcos na siyang may ideya ng pag-agaw sa Sabah gamit ang mga recruits na sinanay sa Corregidor at kalaunan ay na-massacre, at tinaguriang “Jabidah massacre”. Ang nagbulgar ng planong pagbawi ng Pilipinas mula sa Malaysia ay si Ninoy Aquino na noon ay senador. Ang pagbulgar na ito ang dahilan ng “Jabidah Massacre”. Kung hindi ito binulgar ni Ninoy, malamang ay nabawi na ng Pilipinas ang Sabah.
  • Binulgar ni Nur Misuari ng MNLF na sinusupurtahan sila ng Malaysia sa layunin nilang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas na hanggang ngayon ay adhikain nila. Kaya, personal akong nagulat nang malaman kong ang orihinal na BBL ay tila patungo sa pagiging hiwalay na estado. Kapag nagkaganoon ay madali na ring isama sa federation ng Malaysia ang Mindanao kung sakali. Kung hindi man maisama ay maaaring mas malaki ang magiging pakikipagtulungan ng hiwalay na Mindanao sa Malaysia dahil sa magkaparehong kultura at relihiyon ng dalawa. Ang malaking isyu sa Mindanao ay ang hindi matawarang likas na yaman nito na hindi pa “nailalabas”. Sa kabila ng yamang ito, naghihirap pa rin ang mga Muslim sa Mindanao, na ginamit na malaking dahilan upang magkaroon ng Bangsamoro. Lumalabas na napapabayaan ng central government ng Pilipinas ang Mindanao.

Nang banggitin ko sa mga isinulat ko noon ang banta ng Malaysia sa BBL, tahimik ang Senado at nagkaroon na ng seremonya sa pag-apruba ng BBL “in principle”. Tahimik ang lahat, subalit  dahil malapit na ang eleksiyon, nabanggit na ito ni senador Marcos, lalo na ang tungkol sa Malaysia…. at marami na rin ang nakikisawsaw!