Napoles is the Most Appropriate State Witness in Pork Barrel Scam

Napoles is the Most Appropriate

State Witness in Pork Barrel Scam

By Apolinario Villalobos

 

If Duterte would like to dig up the roots of the pork barrel scam the investigation of which he would like to reopen, the most appropriate state witness is Napoles. Only she knows who were the government officials, lawmakers and the responsible agency staff who manipulated the “operation”, and likewise, benefited from the scam.

 

As a practice, government “commissioners” would come up with projects from which they could derive “fat commissions”. The project is complete with ways on how to circumvent restrictive laws and cohorts such as NGOs and sources of funding. The NGOs serve as “conduits” of funds from financiers which in the case of the pork barrel scam is Napoles. In other words, she was used by the government officials and knowledgeable agency staff, as they know when funds would be released for certain projects. These government people tell Napoles what to do to get hold of the fund. Meanwhile, in most cases, she may have already “advanced” the commission of the concerned government officials. The system literally makes Napoles, “buyer” of projects.

 

If Napoles shall surface as a prime state witness, the statements of government officials about their signature being forged shall definitely crumble. Although, it is true that concerned officials did not sign the documents personally, they may have given the authority to Napoles or her staff to forge their signature, as what Benhur Luy had been alleging, so that the processing of documents could be facilitated even without them (government officials) around. This is the technicality that “BRIGHT” lawyers of crook officials always use. Forging signatures in official documents is very prevalent….and everybody knows that!

 

Finally, if the scheme of making Napoles the principal witness in the reopening of the pork barrel scam cases would materialize, it will definitely make the world of erring government officials smaller day by day….

Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy…sabi ni de Lima ng DOJ

Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy
….sabi ni de Lima ng DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Ano ba, ate Leila?…wrong ang judgment call ni Pnoy pero sasabihin mong walang kasalanan? Wrong na nga, pero walang kasalanan? Ano yon?….nahihilo na rin yata ang magaling na kalihim ng “Hustisya”. Hindi ba dahil mali ang desisyon ni Pnoy, kaya nagkaroon ng masaker….kaya dapat lang sabihing siya ay may kasalanan? Magtiwala ba naman siya sa isang suspendidong tao na malabo pa sa tubig-pusali ang kredibilidad! ANG KASALANAN NI PNOY AY RESULTA NG KANYANG PAGKAKAMALI SA PAGGAWA NG DESISYON!…..ganoon lang kasimple ang analysis – dahil mali, may kasalanan. Hindi na kailangang maging abogado, mag-Masters, mag-Doctorate o magtapos sa kung anong mga unibersidad pa upang maisip ito. Ang desisyon ni Pnoy ay galing sa sarili niyang utak, hindi sa ibang tao, kaya hindi sana siya nagtuturo pa ng iisang tao, habang nag-aabsuwelto naman ng kanyang best friend.

Wala daw “chain of command” ang PNP sabi pa ni de Lima, dahil pang-military lang ito at ang PNP ay ahensiyang sibilyan. Ilang mga respetadong tao na ang nagsabi na ang chain of command ay kapareho lang ng “flow of responsibility” na malinaw na pinapakita ng isang organizational flow chart ng lahat ng mga ahensiya o kumpanya. Malinaw na kinausap ni Pnoy si Purisima at Napeῆas, prerogative man niya man ito na sinasabi ng iba, dapat ay panagutan niya (Pnoy) kung ano ang resulta. Bakit pinipilit ni de Lima na maging “literal”, makadulot lang siya ng kalituhan? Dapat tumigil na siya sa kanyang trying hard na approach upang magpakita ng “galing” kuno.

Ang dapat gawin ni de Lima ay payuhan si Pnoy na bigkasin naman nito nang malinaw ang pangalan ni Purisima na isa sa mga may kasalanan din, tuwing magbukas siya ng mga bibig upang magsalita tungkol sa Mamasapano masaker, hindi yong si Napeῆas na lang palagi. Hindi naman tanga ang mga Pilipino upang hindi maunawaan ang mga nangyari dahil sa dami ng mga katotohanang lumulutang, salamat sa media.

Ang mali ni de Lima ay ang panggatong niya sa isyu. Tumahimik na lang sana siya, pero atat yata sa media mileage, kaya halos hindi ina-analyze ang mga sinasabi. Pinipilit na nga ng mga Pilipinong kahit papaano ay unawain si Pnoy sa ugali nito na hindi marunong mag-sorry, nanggatong na naman siya kaya lumaki na naman ang naglalagablab na galit ng mga pilit nilang lokohing mga tao. Nagdrama pa ang Malakanyang upang maawa ang mga Pilipino kay Pnoy – may sakit daw ito….wow namang strategy yan – hindi nakuha sa panloloko ang mga Pilipino, kaya dinaan nila sa kurot sa puso!!!

Ang “Chain of Command”…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!

Ang “Chain of Command”
…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!
ni Apolinario Villalobos

Wala daw “chain of command” sa PNP ayon kay Purisima dahil wala ang mga ganoong salita sa Saligang Batas na tumutukoy sa Philippine National Police. Kung tinuruan siya ni de Lima at Lacierda, dahil halata naman sa masyado niyang confident na pananalita sa hearing, mali sila! Dahil sa paniwala ni Purisima na “civilian” ang PNP, para sa kanya ay wala itong “chain of command”, na ang tunog ay “military”. Mabuti na lang binara siya ni senadora Miriam.

Historically, ang PNP ay nag-evolve sa Philippine Constabulary, isang sangay ng Armed Forces of the Philippines. Hindi dahil kinonvert ang ahensiya upang magkaroon ng mukhang pangsibilyan ay nawala na ang nakagawiang alituntunin nito na may pagka-miltar. Ang salitang “chain of command” ay pang-military, kaya lumalabas na upang makalusot ang mga taga-Malakanyang, si de Lima, lalo na si Purisima ay kung anu-ano na lang ang ini-imagine na paliwanag, at iniangkla ang paliwanag sa pagka-sibilyan daw ng PNP. Hinanap nila ang mga salita sa mga provision ng Saligang Batas na tumutukoy sa PNP bilang sibilyan na ahensiya. Ganoon ang takbo ng isip nila…literal, kaya puro sila semplang…dahil sa ugaling palusot!

Ang “chain of command” ay hindi naiiba sa pangsibilyan na “chain of supervision” o “chain of authority”. Kung gusto ni Purisima ay palitan ang “chain” ng “flow” para talagang maging tunog “civilian” ito. Sa isang private organization o sa isang sibilyang ahensiya ng gobyerno, hindi ba may ranking, mula sa pinakahepe o simpleng puwesto na manager hanggang sa pinakamababang puwesto? Paanong dumaloy ang poder o authority? Hindi ba kung pababa ay mula sa manager hanggang sa mga clerk, at kung pataas ay mula sa mga clerk hanggang manager? Ang ganitong prinsipyo ay may kaakibat na respeto sa nakakataas at responsibilidad ng nakakataas sa nakakababa sa kanya. Kung hindi man ito binanggit na literal sa Saligang Batas, dapat nakalagay ito sa Operating Manual ng PNP, kung meron sila nito.

Sa usaping Mamasapano massacre, kung ihahalimbawa ang simpleng daloy ng poder na pangsibilyan, ang clerk ay si Napeῆas at ang pinaka-manager ay ang OIC niya sa PNP, at ang isa pang boss niya ay ang kalihim ng DILG. Sa ganoong sitwasyon, obligado si Napeῆas na magreport sa dalawa. Bakit hindi niya ginawa? Hindi naman si Purisima ang boss niya dahil suspendedo ito, para sundin niya ang lahat ng utos. Dahil ba dikit si Purisima sa pangulo?

Ang pagpapatupad ng responsibilidad ay may kaakibat na respeto sa nakakataas, ano mang organisasyon ang kinasasaniban ng isang tao. Ito ay isang prinsipyo na nakatuntong sa common sense. May unawaan na basta subordinate ay kailangang makipag-alaman sa nakakataas sa lahat ng pagkakataon kung ano ang ginagawa niya, dahil responsibilidad siya ng nakakataas sa kanya.

Binubulasaw ng mga taga-Malakanyang at mga tauhan ng pinaghihinalaang presidente, lalo na ni Purisima at de Lima ang mga simpleng alituntunin ng mga nanahimik na ahensiya. Nanggugulo sila gamit ang kanilang pagmamarunong at pagmamagaling upang mailusot si Purisima at ang pinaghihinalaang presidente. Kung ipipilit nilang walang alituntunin na sumasaklaw sa respeto sa nakakataas sa PNP, para na rin nilang sinabi na magkanya-kanya na lang ang mga pulis ng diskarte….tanggalan ng mga rangko…lahat puro “pulis” na lang…wala nang P01 o P02 o P03, SP01 o SP02 o SP03, etc. Kung ganoon ang pinipilit nila, aba’y hayaan nang magbarilan ang mga pulis kung feel nilang gawin halimbawang mainit ang ulo nila, dahil wala naman silang nirerespetong nakakataas! Dahil sa ganitong takbo ng isip nila, nagulo na nga ang administrasyon ng kinabibiliban nilang presidente!

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador…pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons

Dapat mag-spot check sa massacre site ang mga imbestigador
… pati mga opisyal ng gobyerno na resource persons
Ni Apolinario Villalobos

Upang maging kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon nila sa Mamasapano massacre, dapat ay pumunta sa Mamasapano ang mga senador. Sa imbestigasyon kay Binay ay nag-spot check ang mga imbestigador, kaya dapat ay pumunta din sila sa Mamasapano dahil may narinig sa ibang senador na wala silang kaalam-alam sa kung ano ba ang hitsura ng lugar na pinangyarihan ng massacre. Baka kapag nakita na nila ang kapatagang tinamnan ng mais na tinakbuhan ng mga minasaker, kaya animo ay naging mga practice target sa shooting gallery ay mababawasan na ang mga walang katurya-turyang mga tanong nila na nagpapatagal lang ng imbestigasyon.

Dapat ay sumabay na rin ang mga nagmamagaling na mga kongresista, na todo ang self-introduction bago magtanong. Dahil sa ginawang self-introduction na kumain ng maraming minuto, kaunting panahon na lang ang natira para sa pagtatanong. Nang sitahin na ng moderator, nakipag-away pa. Doon sa Mamasapano, magsawa sila sa kaiimbistiga at sa katatanong…kung gusto nila, mag-overnight pa sila…magtayo ng tents sa gitna ng maisan kung saan ay minasaker ang mga bayaning SAF 44, para ma-feel nila ang ginagawang pag-imbistiga. Sana ma-meet din nila ang mga BIFF upang maimbistigahan din dahil namatayan din daw.

Dapat sumama ang hepe ng BIR upang ma-asses din ang bahay na tinirhan ni Marwan, kung may buwis bang maipapataw, at baka may makita rin siyang iba pa lalo na yong mga nagtitinda ng tilapia, daing na dalag, pastil at tinagtag. Isama si Dinky Soliman kung may dapat bigyan ng mga pinakatago-tagong relief goods na hindi “inubos” (bakit?) ipamigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda – kung may natira pa dahil sa nangyaring nakawan na “parang wala lang”.

Sumama na rin dapat si Mar Roxas dahil may mga nagtatanong kung may mga ongoing projects ang gobyerno sa Mamasapano, huwag lang siyang umiyak sa site. May nagtanong din kasi na kung maayos naman ang mga proyekto bakit may mga sumama sa grupo ng terorista (wow!!!). Kailangan ding sumama si de Lima bilang kalihim ng Hustisya for obvious reason. Sumama din ang namumuno ng Human Rights dahil maraming mga taga-roon sa Mamasapano ang namatay, pati na mga MILF at BIFF, at may mga taniman din ng mais na napinsala…kawawa naman ang mga magsasakang kababayan natin na nanginginig pa siguro dahil sa takot. At lalong dapat sumama si Purisima, upang ma-feel niya ang epekto ng “pagpayo” niya kay Napeῆas na huwag makipag-coordinate sa AFP at OIC ng PNP….dahil siya na daw ang bahala sa dalawa!…baka si presidente gusto ring sumama bilang “guest”…pagbigyan!

Huwag na palang isama si senadora Miriam dahil may sakit siya, lalo na at dumadanas ng cancer pain. Dapat siyang alagaan dahil sa hanay ng mga senador, siya lang ang may common sense at tapang na bumato ng mga nararapat na tanong sa mga resource persons. Sapat na yong ginawa niyang matapang na pambabara sa mga taong pakialamero maski suspendido, mga sinungaling at may sakit na kalimot sa Senate hearing na dinaluhan niya. Sana ay gawin niya uli ang pambabara sa susunod na hearing at baka sakaling may bumigay sa mga sinungaling, pagkalipas ng ilang gabing hindi pagkatulog dahil sa bangungot at kurot ng konsiyensiya!

Baka gusto ng mga pumunta sa Mamasapano na umupa ng eroplano ng Cebu Pacific nang makapag-avail ng murang pamasahe, siguraduhin lang nilang hindi sila mapagsarhan ng check-in counter…sigurado magmumura sila! Kailangan pala nilang mag-load sa cellphone dahil baka kailangan nilang mag-text…epektibo “yata” ito kaya may pagtitiwalang ginagamit na komunikasyon pati ng military at PNP….maski sa gitna ng barilan.

Suggestion o payo lang po ito…take it or leave it!