Ang Pag-abuso sa mga salitang “Karapatang Pangtao” (Human Rights)

Ang Pag-abuso sa mga salitang “ Karapatang Pangtao” (Human Rights)

By Apolinario Villalobos

 

Maraming Pilipino ang nagmamagaling at nagmamarunong tungkol sa “human rights” ganoong sila mismo ay hindi nagrerespeto nito. Sila ang mga ipokritong human rights advocates….mga walang hiyang mapagkunwari. Akala nila ang tinatawag na “human rights” ay hanggang sa karapatang mabuhay lamang. Ang hindi nila alam dahil sa kanilang katangahan, pati ang pambabarat kapag bumili ng isang bagay mula sa isang mahirap na tindera ay may kaakibat nang “human rights”. Ang isang may kaya sa buhay ay hindi na dapat tumatawad kapag bumili sa mga nagtitinda sa bangketa halimbawa, o di kaya ay mga nagtitinda na ang ginagamit ay kariton na nag-iikot sa mga subdivision. NAPAKARAMI kong alam na ganyan ang ugali, mga nakatira pa sa mga mararangyang subdivision pero kung baratin ang nagtitinda na maghapong nagtutulak ng kariton ay ganoon na lang. Tinatakot pa ang iba na kung hindi sila pagbibigyan ay irereklamo sila (mga nagtitinda) sa barangay upang hindi na papasukin. MGA WALA SILANG KONSIYENSIYA DAHIL KAKARAMPOT NA KIKITAIN SANA NG MALILIIT NA NAGTITINDA AY TILA NINANAKAW PA NILA!

 

Maraming saklaw o concern ang “human rights” at ang simpleng paalala tungkol sa mga ito ay, “nagtatapos ang karapatan ng isang tao, kapag lumampas siya sa kanyang hangganan at tumapak sa karapatan ng iba”….sa Ingles, “one’s rights end where the rights of others begin”. Para sa akin, ang isang magnanakaw na naaktuhan sa loob ng bahay kaya napatay ng may-ari ng bahay ay walang karapatang mabuhay….o di kaya ang isang drug pusher na sumira sa buhay ng maraming kabataan at gumawa pa ng ibang krimen tulad ng panggagahasa ay walang karapatang mabuhay. At, ang mga yudiputang mga kriminal na ito, kapag nahuli ay may lakas pa ng loob na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO), na ang mga abogado ay sinusuwelduhan ng taong bayan…all for the sake of “due process” na bukam-bibig naman ng mga ipokritong mga human rights advocates!

 

Ang hirap kasi sa iba, kapag nahuling nag-shoplift halimbawa sa grocery, ang idadahilan ay mga anak na nagugutom….ang tanong ko diyan ay kung bakit nag-anak sila ng marami ganoong hindi naman pala niya kayang buhayin….nagpakalibog sila at pagkatapos ay walang pakialam kung ang anak nila ay lumalaking nanlilimahid. Marami akong na-check na ganyan ang istilo ng pamumuhay at na-shock ako nang malaman ko na may mga mag-asawang ang “hanapbuhay” ay panloloko sa kapwa o swindling at pagnanakaw. At, habang lumalaki ang mga anak ay ginagamit  rin nila sa masama nilang gawain.

 

Ang mga nang-iiskwat ay abusado rin pagdating sa “human rights”. Alam nilang hindi kanila ang lupang iniiskwatan, subalit hindi sila naghahanda para sa susunod na gagawin kapag pinaalis na sila, at sa halip ay nagsisigaw ng “mayaman lang ba ang may karapatang mabuhay?” kapag pinaalis na. May mga bahay sa squatter’s area na aircon at kumpleto sa iba pang mga gamit tulad ng flat tv, 2-door ref, mga sala set at kamang mamahalin. Ibig sabihin, kaya ng ilang iskwater na mag-ipon ng perang pambili ng kahit 50sqm. na lupa sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Ang pinakamasama pa ay ang pagiging “professional squatter” ng ilan. Nang-iiskwat sila kahit saan pwedeng iskwatan, patatayuan ng maliit na barung-barong at pauupahan. Ang isang uri pa ng pagiging professional squatter ay pagtanggap halimbawa ng offer ng gobyerno na mailipat sila sa relocation site. Pagkalipas ng ilang taon ay babalik sa lunsod at mang-iiskwat uli, samantalang ang bahay sa relocation site ay pauupahan.

 

Hindi ako anti-poor. Galit ako sa mga taong umaabuso ng “human rights” at mga puitikong gumagamit sa kanila. Galit din ako sa mga mapagkunwaring human rights advocate kuno, regular pang nagsisimba kung saan mang sambahan nila pero ang simpleng karapatan ng kanilang kasambahay ay hindi marespeto dahil palagi nilang minumura….at kung mamili sa mga sidewalk vendors ay daig pa ang timawa kung tumawad!

 

Paalala lang sa mga taong mahilig pumapel….bago magsisigaw ng human rights ng mga iskwater, drug pusher, magnanakaw, at iba pang kriminal ay mag-isip muna ng ilang daang beses para hindi magmukhang tanga! Alam ng mga kapitbahay ninyo ang ugali ninyo kaya siguradong pinagtatawanan kayo kapag nakabasa ng mga mapagkunwaring comments ninyo sa facebook tungkol sa bagay na ito.

 

AT, HIGIT SA LAHAT, ALAM NG NASA ITAAS KUNG ANO ANG MGA KATARANTADUHANG GINAGAWA NINYO AT PILIT NINYONG PINAGTATAKPAN NG PALUHUD-LUHOD SA SIMBAHAN, PAKOMUNYON-KUMONYON, PADASAL-DASAL NG ROSARYO, AT PASIGAW-SIGAW NG HUMAN RIGHTS NG MGA KAWATAN AT DRUG PUSHER DAHIL PARA SA INYO AY TAO DIN SILA AT MAY KARAPATANG MABUHAY…ISANG ADBOKASIYA NG BULAG, BINGI AT KAPALMUKS!…IBIG SABIHIN, WALANG KONSIYENSIYA!

 

 

Ang “Human Rights” Kuno na Pinaglalaban ng Ilang Pilipino

Ang “Human Rights” Kuno

na Pinaglalaban ng Ilang Pilipino

Ni Apolinario Villalobs

 

Ang “human rights” kung Tagalugin ay “karapatang pangtao”, ibig sabihin ay para sa tao. Sa madaling salita, hindi ito angkop sa mga taong ang ugali ay mala-hayop. Kabilang diyan ang mga rapists, mamatay-tao, holdaper, kidnapper, lalo na mga drug addict na ay pusher pa at mga drug lords. Nawalan sila ng karapatang “makatao” nang gumawa sila ng karumal-dumal na krimen sa kanilang kapwa. Pasalamat sila at kahit papaano ay may batas na nagpo-protekta sa kanila kaya sinasabi ng mga kapanalig nila na dapat ay dalhin sila sa husgado upang patunayan nilang wala silang kasalanan. Ibig sabihin, kahit naaktuhan silang gumawa ng masama kaya pinatay ng nagtanggol sa sarili, ang may kasalanan ay ang nag-self defense pa!

 

Bago umupo si Duterte ay kalat na ang balita tungkol sa “recycled drugs” na pinabebenta sa mga scavengers, driver, at cigarette vendor ng mga tiwaling pulis sa kalye. Ang mga mahuli namang pusher ay napapakawalan dahil sa “technicalities” ayon naman sa mga tiwaling huwes. Yan ang dahilan kung bakit namamayagpag ang krimen sa Pilipinas dahil talagang “bulag” ang hustisya. Pwedeng sabihin ng iba na wala tayong magagawa dahil nasa ilalim tayo ng demokrasya…fine, pero sana naman ay hindi dumating ang panahong ang nagsasabi nito mismo ang maging biktima ng mga kriminal!

 

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga karumal-dumal na nagawa na ng mga kriminal na pilit pinaglalaban ng mga kapanalig nila sa ngalan ng “human rights”:

 

  • Adik na anak, kapag bangag sa droga ay ginagahasa ang nanay na mahigit 60 na ang edad. Pinagpaparausan niya ang nanay kapag nalibugan na sa pinapanood na video. Walang magawa ang nanay dahil baka siya patayin ng anak.
  • Adik na apo ginagahasa ang lola dahil ang tingin niya dito ay tin-edyer kapag siya ay bangag sa droga. Walang magawa ang lola dahil baka daw bugbugin ang apo niya kapag nakulong kung isumbong niya sa pulis.
  • Tatay na adik na nagalit sa sanggol na anak na iyak nang iyak, habang siya ay sumisinghot ng shabu, kaya hinawakan ang mga paa nito at inihampas sa kalsada.
  • Tatay na bangag sa droga, tinakpan ng unan ang mukha ng sanggol na anak dahil tingin niya dito ay tiyanak.
  • Adik, hinubaran ang asawa at pinaglakad sa kalsada nang ayaw siyang bigyan ng perang pambili ng shabu. Ang pinagkikitaan lang ng asawa ay pagbenta ng sigarilyo at kendi sa bangketa at ang adik na asawa ay nangingikl sa mga jeepney driver.
  • Mga adik na high school students, nanggahasa ng batang babae, pinasakan ng sanga ng ang puke, at tinadtad pa ang katawan.
  • Mga anak-mayamang adik, pinagtripang gahasain ang isang hostess at binuhusan pa ng rugby ang puke at tinadtad ng staple wird ang dalawang suso.
  • Mga anak-mayamang adik pinagtripan ang isang salesman na nagda-drive ng van, ginahasa kaya inabot ng ilang stitches ang puwet dahil napunit.
  • Mag-asawang adik na nang mabangag ay masayang nag-camp fire sa loob ng barung-barong kaya ang compound na may iba pang barung-barong ay naabo.
  • Adik na high school student, palaging ginagahasa ang kanyang ate.
  • Mga nanay na adik, binebenta ang mga anak na tin-edyer, babae man o lalaki sa Avenida.
  • Kumare kong nakatira sa Dagat-dagatan (Malabon), pinasok ng adik na kapitbahay ang tinitirhan at sinaksak silang mag-ina. Mula sa likod ay lumusot hanggang sa harap ng kumare ko ang itak na pinangsaksak sa kanya, mabuti na lang sinuwerte pang mabuhay.
  • Adik na bangag sa Quiapo, nilaslas ang dalawang pulso at habang sumisirit ang dugo ay humahalakhak pang pinapakita sa mga tao.
  • Nanay na adik, pinakukunan ng retrato ang anak na sampung taong gulang sa mga kostumer niya sa pagpuputa sa Avenida, habang ang anak ay pilit niyang pinagma-masturbate.
  • Kilalang artistang bangag sa droga, inihian sa set ng shooting ang isang beteranong actor na kasama sa pelikula.
  • etc. etc. etc.

 

Nang mabalita ang resulta ng imbestigasyon ng NBI tungkol sa kamatayan ng nakakatandang Espinosa sa loob ng kulungan at lumabas na “rubout” ang nangyari, maraming text messages ang natanggap ng radio station na nagbalita. Ang mga text ay mula sa mga taga-Samar na nagsabing talagang salot sa buong Samar ang mag-amang Espinosa at nalulungkot sila na maraming hindi nakakaalam ng istorya nila sa Samar. Sa tagal daw ng panahong kontrolado sila ng mag-ama, kalat na kalat ang droga kaya sila yumaman. Dapat nga daw, pati si Kerwin ay patayin na rin.

 

Ang palaging sinasabi ng mga ungas, dapat daw ay  mga drug lords ang habulin upang makasuhan, sa halip na ang mga drug addict at drug pusher. Paanong hulihin at kasuhan ang mga demonyong drug lords na nasa Bilibid na, pero hanggang ngayon ay nakakapagtransaksyon pa ng droga dahil sa iba’t ibang paraan kahit walang cellphone? Kaya nga ang gusto SANA ni de la Rosa na itigil na rin ang dalaw sa mga ito dahil ang mga bisita nila ang binibigyan na nila ng instruction, pero pag ginawa yan, papalag na naman ang “human rights” advocates….at kontrabida na naman siya at si Duterte! At, paanong hindi sawatahin ang mga drug pushers at drug addicts na ang ginawang pagsuko noong kasagsagan ng panawagan sa kanila ay “palabas” lang pala kaya balik na naman sila sa dating ginagawa?

 

Madali para sa iba ang magsalita at pumanig sa mga human rights advocates at mga kriminal dahil hindi sila direktang nabiktima, o di kaya kapamilya o kaibigan man lang nila. Wala rin silang nakita, kundi nabasa lamang sa diyaryo at narinig sa TV o radyo. Kaya para sa kanila ay madaling magsabing dapat bigyan ng pagkakataong “makatao” ang mga kriminal na sumira sa buhay ng mga taong nananahimik. Pwede ba ang mga kriminal na ito sa karapatang pangtao lamang, gayong masahol pa sila sa hayop dahil sa mga ginagawa nila?

 

Ang mga nabanggit na kriminalidad ay nasaksihan ko o sinabi sa akin ng mga kaibigan kong kamag-anak ng mga adik mismo na gumawa ng mga kademonyuhan.

Ang Karapatang Pang-tao

ANG KARAPATANG PANG-TAO

Ni Apolinario Villalobos

 

NAKAKAINIS AT MASAKIT SA TENGA ANG PAULIT-ULIT NA SINASABI NG MGA GALIT KAY DUTERTE TUNGKOL SA “KARAPATANG PANG-TAO” NA NAWALA KUNO DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA PAGPATAY SA MGA DRUG ADDICT, DRUG PUSHER, AT DRUG LORDS NA ANG MAY PAKANA AY SIYA (DUTERTE) KUNO.

 

NOONG HINDI PA PRESIDENTE SI DUTERTE, ANO ANG GINAWA NG MGA IPOKRITONG SUMISIGAW NG “KARAPATANG PANG-TAO” TUNGKOL SA MGA SUMUSUNOD:

 

  • PAG-RAPE AT PAGPATAY NG MGA INOSENTE, AT PANGHO-HOSTAGE NA GINAGAWA NG MGA DRUG ADDICT DAHIL BANGAG SA DROGA
  • PANGHOHOLDAP SA MGA KALYE, BUS AT JEEP NA KUNG GAWIN NG MGA DRUG ADDICT AY PARA LANG NAG-SA SHOPPING UPANG MAY PANUSTOS SA KANILANG BISYO
  • PAGTANGGAP NG PERA MULA SA MGA KANDIDATO TUWING PANAHON NG ELEKSIYON
  • PAGNANAKAW NG MGA IBINOTONG MGA OPISYAL SA KABAN NG BAYAN
  • PAGLIPANA O PAGDAMI NG MGA BATANG SUMISINGHOT NG RUGBY NA KUNG MAHILO AY BASTA NA LANG HIHILATA KAHIT SAAN AT HINDI PINAPANSIN NG MGA PULIS AT MGA STREET SWEEPERS GANOONG PWEDE NAMAN NILANG ITAWAG SA SOCIAL ACTION OFFICE NG LGU O DIRETSO MISMO SA DSW
  • ANG PAGNANAKAW NG MGA DONASYONG NAKALAAN SA MGA BIKTIMA NG MGA KALAMIDAD
  • ANG PANDADAYA SA MGA PROYEKTONG INFRASTRUCTURE KAYA MAHINA ANG MGA MATERYALES NA GINAMIT, NA ANG RESULTA AY ANG HINDI PAGTAGAL NG MGA ITO TULAD NG MGA HIGHWAY AT TULAY
  • ANG MATAPANG NA KUTSABAHAN NG MGA TAGA-GOBYERNO SA MGA KAWATANG KONTRAKTOR AT NGO NA NAGPAPASIMUNO NG GHOST PROJECTS
  • ANG MGA KATIWALIAN SA LOOB NG NEW BILIBID PRISON AT SA IBA PANG AHENSIYA TULAD NG LTO, LTFRB, CUSTOMS, AT MARAMI PANG IBA

 

LAHAT NG MGA ISINAAD SA ITAAS AY SUMASAKLAW SA KARAPATANG PANG-TAO. SA TAGAL NG PANAHONG PAPALIT-PALIT ANG PRESIDENTE NG PILIPINAS, SILA AY NAIPON DAHIL HALOS WALANG GINAWA UPANG SILA AY MATIGIL O MABAWASAN MAN LANG, KAYA NANG UMUPO SI DUTERTE, ANG NADATNAN NIYA AY HALOS NAAAGNAS NANG SISTEMA NG GOBYERNO AT KULTURA NG MGA PILIPINO.

 

NGAYONG NAGSISIMULANG “MAGLINIS” SI DUTERTE NA INUMPISAHAN NIYA SA PAGPIGIL NG PAGLALA NG SALOT NA DULOT NG DROGA, BASTA NA LANG SISIGAW ANG MGA IPOKRITO NG “KARAPATANG PANG-TAO?”…MAY KONSIYENSIYA O NAG-IISIP KAYA ANG MGA TAONG ITO? …O BANGAG SA KAHANGALAN!

 

Mga Tanong sa Philippine Commission on Human Rights (CHR): Mga Kriminal lang ba ang may Dignidad at Karapatan? Ang mga Biktima ba ay Wala?

MGA TANONG SA PHILIPPINE COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR):

MGA KRIMINAL LANG BA ANG MAY DIGNIDAD

AT KARAPATAN? ANG MGA BIKTIMA BA AY WALA?

Ni Apolinario Villalobos

 

PALAGI NA LANG NA BINABANGGIT NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) ANG KARAPATAN AT DIGNIDAD NG MGA KRIMINAL, KAYA DAPAT DAW NA IDAAN SA TAMANG PROSESO ANG PAGLITIS SA MGA KASO NILA. OKEY LANG SANA ITO KUNG SILA  AY PINAGBIBINTANGAN PA LANG, SUBALI’T PAANO KUNG HULING-HULI SA AKTO AT MARAMI ANG NAKASAKSI SA GINAWA NILANG KRIMEN…SASABIHIN PA RIN BA NG CHR NA INOSENTE  ANG MGA ITO AT KAILANGANG PROTEKSIYUNAN ANG KANILANG DIGNIDAD? …WALA BANG DIGNIDAD AT KARAPATAN ANG MGA BIKTIMA NILA?

 

SA NABANGGIT NA SITWASYON SANA AY TUMAHIMIK NA LANG ANG CHR DAHIL TALAGA NAMANG MAGKAKAROON NG PAGLILITIS SUBALIT HINDI MAIIWASANG PAGDUDUDAHAN ANG RESULTA DAHIL HALOS WALA NA RING NAGTITIWALA SA  JUSTICE SYSTEM NG PILIPINAS.  PAANO KUNG MAYAMAN ANG MGA KRIMINAL AT MARAMING PERANG PAMBAYAD SA MAGALING NA ABOGADO?  TATANGGAPIN NA LANG BA ANG HAYAGANG ANIMO AY “PAGBILI” NILA NG HUSTISYA? DAPAT TANDAANG MARAMI ANG NAGREREKLAMO SA PAGLABAS-MASOK NG MGA KRIMINAL SA KULUNGAN DAHIL SA PIYANSA.  DAPAT MAGHINAY-HINAY ANG CHR SA PAGBABANGGIT NG “DIGNIDAD” NG KRIMINAL.

 

TULAD HALIMBAWA SA MGA NAHULI SA AKTONG MGA DRUG PUSHER NA PINAPARUSAHAN SA PAMAMAGITAN NG “WALK OF SHAME” NA GINAGAWA NG ISANG MAYOR SA BATANGAS. KAHIT SINABI PA NG MGA OTORIDAD DOON NA HULI SA AKTO ANG MGA PINARUSAHAN, PARA PANG PINANIGAN NG CHR ANG MGA ITO SA PAGBANGGIT NG DIGNIDAD DAW NILA….PAANO ANG SINIRANG BUHAY NG MGA BIKTIMA NILA NA MALAMANG AY MGA KABATAAN? DIGNIDAD LANG BA NG MGA KRIMINAL ANG MAY HALAGA,  AT ANG NASIRANG BUHAY  NG MGA BIKTIMA AY WALA?

 

MAY DINEPENSAHAN NA BANG MGA BIKTIMA NG KRIMEN ANG CHR, AT KUNG MERON MAN, HANGGANG SAAN  INABOT ANG PAGMAMAGALING NITO? MAY MGA BIKTIMA NA BANG PINANIGAN SILA AT NAKAKAMIT NG HUSTISYA?

SA TINGIN NG CHR, PANG-AAPI BA ANG PAGPAPARUSA SA MGA KRIMINAL DAHIL SA MGA KASALANANG GINAWA NILA? ANO ANG TAWAG NG CHR SA MGA NAGING  DRUG ADDICT NA MGA KABATAANG BIKTIMA NG MGA DRUG PUSHER?…NG MGA NAGAHASA NG MGA ADDICT NA RAPIST, AT ANG IBA AY MISMONG INA O KAPATID NILA?….NG MGA PINATAY NG MGA BAYARANG MAMATAY-TAO?…NG MGA BIKTIMA NG MGA ILLEGAL RECRUITER?…ETC.?

 

ANO ANG GINAWA NG CHR SA MGA BIKTIMA NG MGA AMPATUAN SA MAGUINDANAO NA HANGGANG NGAYON AY HINDI PA NAKAKAMIT NG HUSTISYA?…SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG YOLANDA NA HINDI NAAMBUNAN NG MGA DONASYON DAHIL SA KAPABAYAAN NG MGA AHENSIYA?…SA MGA BATANG YAGIT  NA DINADAAN SA PAGSINGHOT NG RUGBY ANG PAGPAWI SA GUTOM?…SA MGA BADJAO NA NAGKALAT SA KALYE NA NAMAMALIMOS UPANG MABUHAY?….SA MGA BIKTIMA NG DEMOLITION NA WALANG RELOKASYON KAYA NGAYON AY NAKATIRA SA MGA BANGKETA AT TABI NG ILOG SA IBA’T IBANG PANIG NG METRO MANILA?

 

SA TINGIN NG CHR, MGA KRIMINAL LANG BA ANG “HUMANS” O MGA TAO, AT ANG MGA BIKTIMA  NILA AY HINDI O HAYOP KAYA HINDI SILA SAKLAW NG MGA RESPONSIBILIDAD NITO NA “PANGTAO”? ANG MGA BATANG YAGIT, MGA BADJAO, MGA DISPLACED NA MGA PAMILYANG BIKTIMA NG PUWERSAHANG DEMOLITION, AT MARAMI PANG IBA  AY INIHAHALINTULAD NA LANG BA NITO SA MGA ASO AT PUSANG KALYE? MAY NAGAWA NA BA SILA PARA MAPAAYOS ANG BUHAY NG MGA ITO O MAG-INGAY MAN LANG UPANG MAPANSIN NG GOBYERNO?

 

BAKIT HINDI ITO MAKIPAG-COORDINATE SA IBANG AHENSIYA NG GOBYERNO UPANG MAGING EPEKTIBO AT MA-JUSTIFY ANG TINATANGGAP NA SUWELDO NG MGA TAUHAN NITO? HANGGANG SA PAG-ABANG NA LANG BA ITO NG MGA SENSATIONAL NA BALITA SA RADYO, TV, AT DIYARYO, TULAD NG RAPE JOKE NI DUTERTE, NA EEKSENAHAN PARA MASABING MAY GINAGAWA ANG MGA TAUHAN NITO? WALA NA KAYANG MAS MAHALAGANG MGA KASO KAYSA RAPE JOKE NI DUTERTE? KUNG MAY MGA KAKULANGAN ITO SA MGA TAUHAN AT BUDGET BAKIT HINDI GUMAWA NG MGA KARAMPATANG HAKBANG?

 

ANG PAGTATANONG AY KARAPATAN KO BILANG ISANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS….AT NAGPAPASANA NA MASAGOT ANG MGA ITO…UPANG MAGKAROON NG KALINAWAN AT TULOY AY MARESPETO NG LUBUSAN ANG NASABING AHENSIYA, BILANG KARAPATAN DIN NITO, AT MATIGIL NA ANG MGA PAGBABATIKOS DITO….SANA….SANA…SANA!!!

Panahon na Kaya Upang Buwagin ang Commission on Human Rights?

Panahon na Kaya Upang Buwagin ang

Commission on Human Rights?

Ni Apolinario Villalobos

 

Personally, wala pa akong nalamang may ginawang kapaki-pakinabang ang Commission on Human Rights (CHR). Ang napansin ko pa, kung may isyung matunog, saka ito pumapapel upang makisalo sa interes ng madla…yon bang gigitna din sa eksena upang masapol ng limelight at mga camera.

 

Nabahaw na lang ang isyu sa masaker ng 44 na miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao, ay hindi man lang naringgan ng pahayag ang Komisyon na ito. Dahil kaya nananantiya at tila maraming masasagasaan lalo na ang Presidente? Kahit pa sinabing may mga kakasuhan daw na kung ilan ang  DOJ – mga sundalo at mga rebelde, subali’t, ano naman ang ginawa ng CHR?

 

Nabaon  na lang din sa kalimot ang Maguindanao Massacre ay wala ring narinig na maski paswit o matinis na sipol man lamang mula sa Komisyon na ito. Ang mga Ampatuan ay tila maaambunan ng grasya, kaya ang iba ay nakapag-piyansa na, at napapansin na rin ang kaluwagan sa kanila. Ano pa ang aasahan ng mga mahal sa buhay ng mga biktima kung ganito rin lang ang mangyayari? Wala bang “human rights” ang mga biktima at mga naghihinagpis na mahal nila sa buhay?

 

Ang mga iskwater na inilipat sa mga relocation sites na wala naman palang mga pasilidad na kailangan upang mabuhay ng maayos ay lalo pang naghirap, kaya ang iba ay nagsibalikan sa lunsod kung saan ay may mapupulot na basura upang ibenta…at upang may maipambili ng pagkain. Hindi ba “human rights” ang mabuhay kahit sa paraang isang kahig isang tuka? Hanggang tungkol lang ba sa mga bagay na may kinalaman sa pagpatay ang pakikialaman ng Komisyon na ito?

 

Ang mga Badjao at mga nagra-rugby na mga kabataang nagkalat sa kalye at bangketa, bakit hindi pakialaman ng CHR, ganoong nakita namang inutil din pala ang Department of Social Welfare pagdating sa bagay na ito? Hindi pakikialam kung sumawsaw ang Commission on Human Rights sa mga gawaing para sa mga tinukoy na mga taong dapat tulungan, kundi isang “pakikipagtulungan” sa mga ahensiyang dapat ay may direktang responsibilidad tulad ng Department of Social Welfare at mga local government units. Bakit hindi inspeksiyunin ng Komisyon na ito ang mga rehabilitation facilities ng mga local government units para sa mga kabataan? Baka ang iba ay wala pa ngang maayos na pansamantalang tirahan ng mga kabataan, kaya ang  “social welfare office” ng ibang local government units ay hanggang referral lang, kahit may malaking budget naman!

 

Ang mga biktima ng mga illegal na recruiters, bakit hindi asikasuhin ng CHR, lalo pa at hindi pa sila miyembro ng OWWA? Ang mga nabibiktimang OFW sa ibang bansa, bakit ayaw pakialaman ng CHR sa tulong ng kanilang international counterpart? Akala ko ba, bawa’t bansa ay may Commission on Human Rights. Bakit hindi sila naririnig tuwing may dumadaing na mga Pilipinong OFW na pinagmalupitan ng mga amo nila sa ibang bansa? Ang mga hindi makauwi dahil tumakas lang sa pagmamalupit ng mga amo kaya nagbebenta ng laman upang makaipon ng pamasahe…bakit hindi tulungan ng CHR?

 

Pagdating ng panahon, siguradong mababanggit  sa mga pahina ng kasaysayan ng bansang Pilipinas, na minsan ay may pangulong nagtalaga ng mga tao sa Commission on Human Rights, sa ilalim ng kanyang administrasyon, pero wala palang nagawa…

Hindi daw Masaker and Nangyari sa Mamasapano…sabi ni Rosales ng CHR

Hindi daw Masaker ang Nangyari sa Mamasapano
…sabi ni Rosales ng CHR
Ni Apolinario Villalobos

Paano kaya ginawa ng CHR ang kanilang imbestigasyon sa Mamasapano? Kahit kaylan talaga, ang ahensiyang ito ay palaging wala sa tono. Ang “mis-encounter” na pinagpipilitin ni Rosales ay hindi rin katanggap-tanggap dahil maaga pa lang ay alam na ng MILF na mga pulis ang kanilang kaputukan. Hindi itinigil ng MILF ang pagpapaputok kahit ang SAF ay tumigil na dahil akala nila ay kinilala na sila ng MILF. Nang lumabas ang mga pulis mula sa taniman ng mais na nakataas ang mga kamay, pinaputukan pa rin sila. Nang bumagsak na ang mga SAF commandos, tinaggalan sila ng bullet-proof vest at pinagbabaril pa rin. May isa pang video na naging viral sa internet na nagpakita ng pagbaril sa isang SAF sa ulo nito ng malapitan. Sa kabila ng mga nabanggit, sinasabi sa report ng CHR na walang masaker na naganap!……ganyan ka-“galing” ang mga ahensiya ni Pnoy!

Sa trahedya na dulot ng bagyong Yolanda, walang ginawa si Rosales upang matulungan ang mga inaping biktima na hindi nakatikim ng tulong dahil sa kapabayaan ng mga ahensiya ng gobyerno. Hindi rin nito pinakialaman ang panloloko sa pagpapatayo ng rehabilitation facilities dahil sa paggamit ng sub-standard na mga materyales. Ang mga pagpapabayang ito sa mga inaping Pilipino ay hindi ba pagyurak sa kanilang karapatan? Bakit hindi man lang kumibo si Rosales at ang CHR niya? Dahil ba BFF niya si Soliman?

Sa Maguindanao massacre, ano ang ginawa ni Rosales? Naghuhumiyaw ang mga ebidensiya ng hindi makataong pagpatay sa mga taong inosente. Bakit hindi tumulong si Rosales sa pakikipaglaban para sa mga naulila ng mga biktima upang lalong bumigat ang kaso ng mga Ampatuan at mga kasabwat nila? Hindi ba niya naisip na kung kikilos siya, maaaring makahingi ng tulong sa international community o kasama nilang ahensiya sa ibang mga bansa upang ma-pressure ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpabilis ng paglitis na sa ngayon ay usad-pagong? Takot ba siya sa mga Ampatuan?

Bakit hindi tutukan ni Rosales ang mga overstaying na mga nakakulong sa Bilibid at iba pang kulungan sa buong bansa, na karamihan ay matatanda, ang iba ay may malalang sakit at halos mamatay na? Lumutang na ang iba sa mga ito ay natalo sa kaso dahil walang pambayad sa abogado. Bakit hindi niya “linisin” ang record ng mga pasilidad na ito upang mabawasan ang laman ng mga kulungan upang lumuwag ang mga ito? Hindi ba makataong karapatan ng mga nakakulong ang magkaroon ng maayos na kulungan kung ang gamit ng correction facilities na ito ay mabago ang takbo ng kanilang buhay tungo sa kabutihan? Malilipatan ang Bilibid sa Nueva Ecija, pero paano ang ibang kulungan? Ayaw ba niyang mag-inspection sa mga kulungan dahil nandidiri siya?

Ano ba talaga ang papel ng CHR na ang ibig sabihin ay COMMISSION ON HUMAN RIGHTS? Hanggang ngayon ay marami ang hindi nakakaunawa kung ano ang kanilang pinaggagawa. May mga sitwasyon na dapat nilang pakialaman subalit hindi nila ginagawa dahil siguro maigsi lang ang media mileage.
Ngayon, tatlo na ang mga babae sa administrasyon na friends ng MILF – sina Ferrer, Deles, at Rosales. At kung questionable performance naman ang pag-usapan, apat na silang babae….. pang-apat si Soliman.

Pag-isipang Mabuti ang Pagreklamo

Pag-isipang Mabuti ang Pagreklamo

ni Apolinario Villalobos

 

May kasabihang “nasa Diyos ang awa…pero nasa tao ang gawa”. Dapat lang talaga. Hindi dapat palaging umasa sa Diyos para sa lahat ng bagay na ginagawa natin sa ibabaw ng mundo. Maraming pagsubok, subali’t hindi Niya tayo bibigyan nito na hindi natin kakayanin. Tulad na lamang ng kakapusan ng pera na siyang pangunahing pangangailangan, at maski nga totoo, ay may mga paraan upang mabawasan ang mga pahirap na dulot nito. At, may mga problema din na ang dahilan ay ang maling desisyon natin.

 

Tungkol na lang sa kahirapan sa paghanap ng trabaho maski pa may tinapos na kurso… unang-una, sino ba ang gumawa ng desisyong kumuha ng BS Tourism? …ng abogasya?…management courses?…at iba pang kurso na pinanloloko ng mga kolehiyo at unibersidad sa mga ambisyosong kabataan? Nae-engganyo ang mga kabataan at magulang sa imaheng sosyal ng ino-offer na mga kurso ng mga eskwelahang ito, kaya kinakagat nila. Sa bandang huli, kung walang makitang trabaho, kaliwa’t kanan na ang reklamo lalo na sa gobyerno, at dahil sa sisihan nila sa isa’t isa kung minsan, nagkakaroon na ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang pamilya.

Sa mga jeepney at hindi aircon na mga bus, may mariring kung minsan na mga reklamong kesyo maalikabok, mainit at siksikan. Ang mga naiinis sa naririnig na reklamo ay hindi mapigilan ang sariling magparinig din sa mga reklamador. Nangyayari din ito sa LRT at MRT, lalo na sa mga bangketa ng Divisoria, Baclaran, Avenida, Quiapo, Cubato, etc., na nag-uumapaw sa mga mamimili. Kaya kung minsan, hindi maiwasan ang pagbabangayan. Yong mga reklamador kasi, ay kung bakit hindi na lang sumakay ng taxi, di kaya ay sa mga aircon na malls mag-shopping.

 

Meron ding idinadaan sa reklamo ang pagpapansin, palibhasa’y balikbayan halimbawa. Gustong mapansin ng iba ang “balikbayan look” nila, at para kumpleto ang epek, nagpapa-brown pa ng buhok…nagmumukha tuloy Badjao na bagong salta! Ang kaibahan lang ay nagsasalita ng English ang balikbayan, ang Badjao ay diretsong nangangalabit para humingi ng pera!

 

One time, sa isang mall, habang sakay ako ng escalator na animo pagong sa kabagalan, may narinig ako sa bandang ibabang baytang ng, “oh, these elevators OF THE PHILIPPINE STORES…moves like hell!”. Nang tingnan ko ang nagsalita, ako’y namangha sa aking nakitang halatang mga retokado…ilong na may bukol sa gitna para magmukhang matangos, hindi maintidihan kung naninilaw o namumutlang mga pisngi na iba ang kulay sa leeg at ibang bahagi ng katawan na kulay brown pa rin, halatang idrinowing na mga kilay, mahahabang pilik-mata, namumusargang mga labi (Sophia Loren look), kulay blue na mga mata, at blond na buhok…suot niya ay hapit na shirt na nagpapakita ng cleavage, pero may mga patches ang balat sa dibdib, parang an-an. Nang makatuntong na kami sa sahig, hinayaan kong mauna dahil baka murahin niya ako sa English. Naka-boots din pala siya. Ayon, napansin tuloy siya ng marami kaya na-analyze ng todo ang kanyang porma. Tinakpan ng isang lalaking sinusundan ko ang inaakbayan niyang babae…inisip ko na lang na asawa niya ang babae at naglilihi.

 

Minsan ra rin akong napahiya sa pagreklamo nang basta-basta. Sa isang pilahan sa bangkong pinuntahan ko, ilang beses akong siningitan. Nang hindi na ako makatiis, nagparinig ako, at siyempre, lumingon ang natumbok kong huling sumingit… hindi lang siya senior, kundi parang ang edad ay lampas otsenta na! Nginitian ako ni “mommy”…bungal siya, sabay sabi ng sorry dahil kailangan niyang bumalik agad sa ospital. Wala daw kasing kasama ang asawa niya. Magwi-withdraw lang daw sana siya ng pera na pambili ng gamot at pang-partial payment sa ospital. Kung nakamamatay ang hiya, siguradong naghingalo na ako noon. Dama ko ang pag-init ng aking mukha sa sobrang hiya. Kung siya ay isang beses nag-sori sa akin, ako ay naka-anim yata ng sori sa kanya. Gumawa tuloy ako ng paraan upang makiusap sa bank manager na asikasuhin agad si “mommy” dahil emergency ang pangangailangan, na pinagbigyan naman. Pinaalis siya sa pila, pinaupo habang inaayos ang withdrawal niya. Nagpang-abot kami sa labas ng bangko dahil hindi agad nakakuha ng taksi. Marahil ay iniwasan ng mga hangal na taxi driver na madalas nilang gawin sa mga senior citizen. Inihanap ko pa siya ng taxi at sinamahan sa ospital para makita ang asawa na halos buto’t balat na pala dahil sa bone cancer. Pain reliever ang gamot na binili namin sa botikang katapat ng ospital.

 

Kailangan ang isang masidhing pag-iisip bago mamutawi ang isang reklamo sa ating mga bibig. Kung maliit lang naman, maaari na sigurong palampasin ang isang bagay na irereklamo. Isa pa rin itong pagpapakita ng kababaan ng loob. Mahalaga ito, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang nakakapansin ng mga bagay na nairereklamo. Maaaring may mapansin din ang ibang tao sa atin upang tayo ay ireklamo…at malaking bagay para sa atin kung hindi ito itutuloy dahil sa pakiusapan o pakikipagkompromiso. Pasok dito ang Golden Rule: huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.