Ang Mga “Devil’s Advocate”

Ang Mga “Devil’s Advocate”

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ang mundo ay pinatatakbo ng dalawang puwersa, mabuti at masama. Ito yong tinutukoy ng mga Intsik na “Ying” at “Yang”…negative at positive. Nakasanayan nating basta masama ay inihahalintulad agad sa demonyo, kay Satanas, o kay Lucifer.  At, ang kabutihan ay sinasabing gawain ng mga maka-Diyos. Marami ang hindi nakakaalam na si Lucifer ay dating anghel at ang pangalan niyang “Lucifer” ay may kahulugang “bearer of light” o taga-tangan o hawak ng ilaw. Ang kanyang pagbasak ay sanhi ng kanyang pagkontra sa mga kagustuhan ng Diyos kuno. Ibig sabihin siya ay isang rebeldeng anghel kuno.

 

Sa panahon ngayon ay palasak ang tinatawag na “devil’s advocate” o taga-sunod ng demonyo. Ang ilan sa kanila ay mga matatalino, nagtapos sa mga mamahaling unibersidad, naging abogado, pero dinadaan sa pamimilosopo ang kanilang mga kaalaman. Ang iba sa kanila ay gustong maging abogado upang mapag-aralan kung paanong lusutan ang mga batas  na tadtad ng butas. Lahat na lang ay kinukuwestiyon nila. Ang malungkot nga lang ay, kahit saan mang anggulo tingnan ang isang ginagawa o bagay na talaga din namang  para sa kabutihan ng nakararami, ay kinukuwestiyon pa. Ang sabi  pa rin ng ilan sa kanila, mabuti na daw yong may nagtatanong kaysa naman wala. Ang masama pa rin, ang mga pagtatanong, kadalasan ay nagsasanhi ng pagkaantala sa pagpapatupad ng mga may mabuting layunin.

 

Ang iba namang “devil’s advocate” ay talagang bobo na pamasid-masid sa paligid upang maka-tiyempo ng masasakyang mga mabibigat na isyu, sa ano mang paraan. Maraming ganitong uring mambabatas na binoboto ang mga Pilipino…nanalo lang dahil sa pera, o di kaya ay mga miyembro ng mga political dynasty at hindi dahil sila ay may talino. Sila yong mga nagsasayang ng mahalagang oras sa kongreso at senado ng Pilipinas….oras na binabayaran ng pera ng mga Pilipino, dahil gusto nila, lahat ng isyu ay dapat magkaroon ng hearing sa kongreso o senado.

 

Ang iba sa kanilang nakaupo sa dalawang bulwagan ng Batas ay nagsimula sa mas mababang puwesto at upang makakuha ng milya-milyang exposure sa media ay nag-iingay na parang mga gutom na pusa at pato…miyaw ng miyaw at kwak ng kwak. May mga nagpapakita ng kasipagan kuno, tahimik, at pagdating ng eleksiyon ay biglang bibitaw sa puwesto kaya nabitin ang mga mahahalagang dapat gawin na dati nilang hawak….kaya ang mga umaasang Pilipino ay naiwang nakanganga sa kawalan!

 

Upang hindi ako kutusan ng mga “human rights” advocate kuno, nakikiusap ako na ang mga “devil’s advocate” na ito ay unawain na lang ng mga Pilipino. Lawakan pa natin ang ating pang-unawa sa kanilang pagka-bobo at pagkagahaman sa kapangyarihan, na ang mga ambisyon ay lumago dahil walang humpay nilang diniligan ng panloloko at paninipsip sa ilalim ng ilang administrasyon dahil sa pagpalit-palit ng kulay – mga hunyango kasi. Alalahanin natin na sila ay nilalang din ng Diyos!…no choice tayo dahil nandiyan na sila na nakatanghod sa atin…silang parang mg buwitre!!!!!

Advertisements

Ang Walang Kamatayang “Human Rights” bilang Depensa ng mga Kriminal

ANG WALANG KAMATAYANG “HUMAN RIGHTS”

BILANG DEPENSA NG MGA KRIMINAL

Ni Apolinario Villalobos

 

BAKIT MARAMI ANG NAPAPATAY NA MGA TAONG MAY KINALAMAN SA DROGA?…DAHIL SOBRANG DUMAMI SILA BAGO UMUPO SI DUTERTE, PALATANDAAN NG KAPABAYAAN NG MGA DAPAT MAGPATUPAD NG BATAS AT KALAMYAAN NG MGA MAMBABATAS AT MGA UNANG NAMUNO NG BANSA. ANG MGA MAIINGAY TUNGKOL SA “HUMAN RIGHTS” AY ISANG PANIG LANG NG KARAPATANG ITO ANG TINITINGNAN – ANG “KARAPATAN” NG MGA KRIMINAL…AT BULAG NAMAN SILA SA KARAPATAN NG MGA BIKTIMA.

 

ANG NAKAKATAWA PA, MAY MGA SAKSI NA NGANG NAKAKITA SA KRIMEN AY “HUMAN RIGHTS” PA RIN NG KRIMINAL ANG GUSTONG IBANDERA NG MGA “HUMAN RIGHTS” ADVOCATES KUNO NA ITO! KUNG NAGDEPENSA SA SARILI ANG BIKTIMA AT NAPATAY ANG KRIMINAL, DAPAT PA RIN DAW IMBESTIGAHAN!….YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAWINDANG-WINDANG ANG BUHAY NG TAO….ANG PAG-ABUSO NG MGA BATAS NA ANG GAMIT AY “HUMAN RIGHTS”!

 

NGAYONG GINAGAWA NG PRESIDENTE ANG DAPAT NIYANG GAWIN AY MAY MGA NARIRINIG NA NAMAN TUNGKOL SA “HUMAN RIGHTS”. ANG MGA TAONG NAGTUTULAK, MGA DRUG LORDS, MGA PULIS AT MGA OPISYAL NG GOBYERNO NA NAGPAYAMAN, NAKAISIP BA NG KARAPATANG ITO NG MGA BIKTIMA NILA? BAKIT TILA ANG MGA TAONG IBINOTO NG MGA PILIPINO AT ITINALAGA SA MGA PUWESTO UPANG MAGING TAGAPAGTANGGOL AY PALAGI NA LANG INIISIP ANG KARAPATAN NG MGA KRIMINAL KAYSA MGA KAWAWANG BIKTIMA? HINDI BA NILA NAISIP NA DAHIL SA GINAWA NILANG KADEMUNUYAHAN AY MAY MGA ANAK NA NANGGAGAHASA NG SARILING INA AT MGA KAPATID?…NANUNUNOG NG BAHAY NA NAKAKADAMAY NG BUONG KOMUNIDAD?…NANANAKSAK NG SARILING AMA?

 

NABATIKOS SI DE LIMA NOON DAHIL WALANG EPEKTO DAW ANG MGA GINAWA NIYANG PAG-RAID SA BILIBID, LALO PA AT BIGLA SIYANG BUMITAW SA TRABAHO UPANG TUMAKBO BILANG SENADOR, KAYA ANG SABI NILA AY PARA YATANG KUMUHA LANG SIYA NG “EXPOSURE MILEAGE”. ANG BUWELTA NAMAN NIYA, SA LAWAK DAW NG BILIBID MALABONG MA-CHECK ANG KABUUHAN NITO. MALIIT BA ANG SWIMMING POOL UPANG HINDI MAPANSIN? BIGLANG NABIGLA  DIN ANG SAMBAYANAN NANG IBRODKAST NA KAMAG-ANAK DAW PALA NIYA ANG PILIPINONG DETINADO NA HIGH-TECH ANG “SELDA” AT MAY RECORDING STUDIO PA. DAHIL SA MGA PANGYAYARI, MISTULA DAW ININSULTO ANG KATALINUHAN NG MGA PILIPINO NA GINAWANG BOBO AT NILOKO SA KABILA NG PAGTITIWALANG IBINIGAY NILA.

 

BATAY SA SINASABI NI DUTERTE AYON SA MAINGAT NA SINIYASAT NA MGA IMPORMASYON, MATAGAL NA PALANG NAG-OOPERATE ANG DRUG “TRIAD” NG MGA INTSIK SA LOOB NG BILIBID. SA KATAGALAN NG PAMUMUNO SA DEPARTMENT OF JUSTICE, IMPOSIBLENG HINDI ITO ALAM NI DE LIMA DAHIL ANG ILAN SA KANYANG MGA AHENSIYA AY MAY PONDO PARA SA INTELLIGENCE GATHERING. MAY MGA NAGTATANONG TULOY NA BAKA BINIGYAN SIYA NG KOPYA PERO HINDI NIYA PINANSIN…SANA HINDI TOTOO.  SANA AY TUMAHIMIK NA LAMANG SIYA TUNGKOL SA ISYUNG ITO AT MAGMASID KUNG MAY MAGAGAWA NGA TALAGA SI DUTERTE AT SAKA NA LANG SIYA PUMALAG KUNG MAKITA NIYANG HANGGANG PANGAKO LANG ANG BAGONG PRESIDENTE. HINDI SIYA DAPAT MAKIPAGSABAYAN DAHIL NAKAKASAGABAL LANG SIYA. ANG BATAYAN NG MGA KILOS NIYA NA “HUMAN RIGHTS” AY HINDI NA BUMENTA NOON. DAPAT PA NGA AY MAKIPAGTULUNGAN SIYA SA BAGONG ADMINISTRASYON DAHIL NASA SENTRO ANG AHENSIYANG PINANGGALINGAN NIYA…NA MAY BAHID NG KAPABAYAAN. SANA NAMAN AY HINDI SIYA MAPAGDUDAHAN DAHIL SA GINAGAWA NIYA.

 

DAHIL DROGA ANG MAINIT NA ISYU NGAYON, PALAGING NABABALITA, PALAGING NAHAHAGIP NG KAMERA….MAY MGA GUSTONG SUMIKAT, KAYA NAKIKISAKAY! MAY MGA TAUHAN NAMAN SILANG PWEDENG MAG-RESEARCH TUNGKOL SA MGA TAONG SANGKOT AT PINATAY, BAKIT HINDI IPAGAWA ITO UPANG HINDI SILA MAPAHIYA PAGKATAPOS NILANG MAGTANGGOL SA “HUMAN RIGHTS” NG MGA KRIMINAL NA ITO NA MISMONG MGA KAANAK AT MGA KAIBIGAN ANG NAGSASABING TALAGANG SANGKOT SILA SA DROGA AT PINAGSABIHAN NA NGA DAW PERO AYAW PA RING TUMIGIL. LAHAT SILA AY MAY MGA RECORD NA AT DAHIL MAY MGA “FINANCIER” AY LABAS-MASOK SA KULUNGAN. HINDI PA BA ITO SAPAT? BAKIT MANGHINAYANG SA BUHAY NA NAGBIBIGAY LANG NG SALOT SA LIPUNAN? ANG BALAK NA IMBESTIGASYON NA GUSTONG GAWIN NG KONGRESO AT SENADO AY PAGSASAYANG LANG NG PERA NG BAYAN!

 

MAY MGA LUMULUTANG NANG BALITA NA ANG PAGSURENDER NG ILANG PUSHER AY PALABAS LANG. AT DAHIL HINDI IKINULONG, SA “LABAS”  AY BUMABALIK PA RIN DAW SILA SA KANILANG BISYO AT PAGTUTULAK. ITO BA ANG “HUMAN RIGHTS” NA SINASABI NG MGA NAG-IINGAY? MALINAW NA TALAGANG NARARAPAT ANG “KAMAY NA BAKAL” UPANG MATIGIL ANG SALOT NA DULOT NG DROGA SA LIPUNAN!

 

ANG GINAGAWA NG BAGONG ADMINISTRASYON AY HINDI DAPAT BALEWALAIN DAHIL NAPAKASELANG BAGAY. DITO NAKASALALAY ANG KINABUKASAN NG MGA KABATAAN, EKONOMIYA, AT NG BANSA SA KABUUHAN. HINDI ITO DAPAT HARANGAN NG MGA TAONG GUSTO LANG MAGPASIKAT.

Ang Walang Katapusang Pagbungkal ng Kalsada sa Kalakhang Maynila at mga Karatig-Lunson

Ang Walang Katapusang Pagbungkal

Ng Kalsada sa Kalakhang Maynila

At mga Karatig-Lunsod

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Nanggagalaiti sa galit ang mga nakatira sa Maynila at karatig-lunsod na apektado ng walang patumanggang pagbungkal ng mga kalsada upang ayusin daw, o di kaya ay para mapalitan daw ang mga culvert o drainage o tamburong na daluyan ng maruming tubig (sewage). At ang lalong nagpasama ay kung kaylan tag-ulan na, saka pa ginawa ang katarantaduhang ito na nagbigay ng hindi maisalarawang perhuwisyo lalo na sa mga commuters.

 

Sa puntong lalakihan daw ang mga tamburong na dadaluyan ng maruming tubig (sewage), ito daw ay para hindi na bumaha. Ang dahilang ito ng ahensiya, kung DPWH man o local government ay parang fairy tale na kinukuwento sa isang bata. Una, paanong maniniwala ang taong bayan na hindi babaha, ganoong ang lebel ng taas ng dagat kung high tide na humaharang sa labasan ng tubig mula sa mga tubong ito kung tag-ulan ay hindi nagbabago at lalo pa ngang tumataas, kaya maliit man o malaki ang tubo, may baha pa rin? Maski si Juan na nagtitinda ng sigarilyo ay alam yan. Hindi rin nadadaragdagan ang mga pumping station na dapat sana ay nakakalat sa kalakhang Maynila upang mapabilis ang pagpapalabas ng tubig-baha sa dagat. Nasaan ang pondo para sa mga ito? Pangalawa, ang mga hindi pa tapos na mga proyekto ay hinahayaang nakatiwangwang kaya natatambakan ng basura, bato, lupa at kung anu-ano pang bagay,kaya by the time na isasara na ay wala nang silbi ang mga tamburong.

 

Sa sistema ng gobyerno para sa mga proyekto, ibang contractor ang nagbubungkal at iba naman ang nagsasara o nag-aayos ng kalsadang binungkal. Kaya dahil sa kabagalan ng mga contractor,  perhuwisyo ang dulot sa mga tao kapag nagkaroon ng baha! Nakakatipid daw kapag magkahiwalay ang contractor. Talaga? Hindi tanga ang mga Pilipino para maunawaan na batay sa simpleng computation ay dapat nakakatipid kung iisa lang ang contractor para sa dalawang nabanggit na trabaho….yon nga lang, iisa lang ang “mapagkikitaan”, kung totoo ang hinala…na sana naman ay hindi.

 

Maraming binungkal na maaayos at bagong gawang kalsadang aspaltado ang pinalitan ng konkreto na dahil sa malabnaw na timpla, ilang ulan lang ang bumagsak ay naglitawan na ang mga graba. Hindi din yata naisip ng mga “engineer” kuno ng mga ahensiyang gumagawa nito na mas malaki ang bentaha ng aspaltadong kalsada lalo na pagdating sa maintenance. Kung may mga crack ang aspaltadong kalsada, bubuhusan lang ng panibagong latag o layer at ilang oras lang ay pwede nang gamitin. Pero kung konkreto naman, ang gangga-buhok na crack ay kailangang palakihin pa upang “madikitan” ng semento, pero hindi rin naman tumatagal, at bibilang ng araw bago madaanan uli. Ang sa aspalto, habang tinatapalan ng bagong timplang pang-repair, ito ay kumakapal at lalong tumitibay, at ang tunay na gastos ay MALIIT kaya nakakatipid ang gobyerno. Ang sa konkreto, dahil sa malakihang pagbungkal, ang nakakadudang “gastos” ay MALAKI!

 

Hindi masama ang maghinala dahil kasama ito sa talinong ibinigay ng Diyos sa tao….ibig sabihin gumagana ang utak.  Ang hindi naghihinala at basta na lang umaayon o di kaya ay walang reaksiyon man lang ay may diperensiya sa utak o di kaya ay robot!

Dapat ang Tawag sa mga Baril at Droga sa Crimes ay “Nakumpiska” at Hindi “Na-recover”

DAPAT ANG TAWAG SA MGA BARIL AT DROGA NA NAKUKUHA

SA CRIME SCENES AY “NAKUMPISKA” AT HINDI “NA-RECOVER”

Ni Apolinario Villalobos

 

Napansin ko lang naman na ang tawag ng otoridad o kapulisan sa droga at baril sa crime scenes ay mga “na-recover”. Kung na-recover, ibig sabihin ay “nabawi”…kaya kung “na-recover” o “nabawi” ang mga mga bagay na tinukoy ko, ibig bang sabihin ay galing sa kanila (otoridad o kapulisan) ang mga iyon at ginamit ng mga kriminal, at nang nagpang-abot sila na umabot sa pagkamatay ng kriminal ay “nabawi” nila? Kasama sa tinutukoy ko ang mga kilo-kilong shabung “nare-recover” daw nila tuwing raid na ngayon ay hinahanap ng mga Pilipino kung nasaan dahil sumulpot ang isyu tungkol sa pag-recycle ng mga ito….isyu na siyang dahilan daw kung bakit napakaraming ordinaryong pulis at mga opisyal nila ang biglang yumaman.

 

Sa isang banda, dapat ang  mga ganoong bagay  kung tawagin ay mga “nasamsam” o “nakumpeska” dahil ang mga iyan ay  pag-aarin ng mga kriminal. Maliban pa rin kung “itinanim nila” (otoridad o kapulisan), upang magamit na mga ebidensiya kuno sa paglaban ng mga kriminal lalo na ng mga dumadaming pinapatay na mga sinasabing “drug runners”….na ayon sa marami ay tinutumba upang hindi na makapag-piyaet kung saan galing ang drogang binebenta nila.

 

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nagsimula ang paggamit ng salitang “recover”. Hindi naman basta gagamitin ng mga taga-media ang salitang yan kung hindi nila na-pick up sa mga ini-interview nila. At, ang mga taga-media namang nakakaunawa, lalo pa at malakas ang impluwensiya nila sa kanilang mga taga-sunod, sana ay matutong magtama ng mali. Ang hirap pa rin, karamihan sa kanila ay hindi rin alam ang tamang paggamit ng “kung saan”.

 

 

 

 

Ang Panukalang “No Work, No Pay” para sa mga Mambabatas

ANG PANUKALANG “NO WORK, NO PAY” PARA SA MGA MAMBABATAS

Ni Apolinario Villalobos

 

 

MAGANDA ANG PANUKALANG “NO WORK, NO PAY” PARA SA MGA MAMBABATAS UPANG MASIGURONG HINDI SILA UMA-ABSENT SA MGA PULONG. MAITUTURING ITONG “DEATH PENALTY” PARA SA MGA PABAYANG MAMBABATAS.

 

KAHIT WALANG NAKASULAT NA BATAS TUNGKOL SA PAGPALYA NG MGA MAMBABATAS, “OBLIGASYON” ANG DAPAT NA NAGTUTULAK SA KANILA, SUBALIT WALA SA ISIP NILA ITO. MALAKAS ANG LOOB NILANG UM-ABSENT SA MGA PULONG DAHIL “NO CHOICE” ANG KONGRESO KUNDI TANGGAPIN ANG MGA DAHILANG SASABIHIN NILA. HALIMBAWA YAN NG KULTURANG “PALUSOT” NG PILIPINO NA DAPAT SUPILIN.

 

KUNG TUTUUSIN, MARAMING MAMBABATAS ANG GUMAMIT NG IMPLUWENSIYA AT PERA UPANG MAKAUPO DAHIL SA PANSARILI NILANG AGENDA, AT KASAMA DIYAN ANG PAGPAYAMAN…KAYA TALAGANG WALA SA KANILA ANG INTERES NA MAKA-ATTEND NG MGA SESSION.

 

YONG ISANG MAMBABATAS AY PUMALAG AT SINABING “CHILDISH” DAW ANG PANUKALA. SA TOTOO LANG, OKEY NA ANG “CHILDISH” DAHIL MAY INNOCENCE KAYSA MABANSAGANG “KURAKOT” AT “BUWAYA” DAHIL ANG MAIISIP AGAD AY KASUWAPANGAN AT PANGIL….DAPAT NGA AY BANSAGAN PA SILANG DEMONYO, PARA MAYROON DING SUNGAY!!!!