Ang Pagnenegosyo

ANG PAGNENEGOSYO

Ni Apolinario Villalobos

 

Mula noong unang panahon ay uso na ang pagnenegosyo na ginagawa sa iba’t-ibang paraan. Mayroong naglalakbay ng ilang daang milya sa disyerto upang makapagbenta ng ilang blokeng asin sa mga bahagi ng kontinente ng Africa. Mayroong tumatawid ng karagatan upang makipagkalakalan kahit sa pamamagitan ng senyas sa halip na wika. Ang isa sa mga kinilalang  pakikipagkalakalan ay gumamit ng tinawag na “Silk Road” at namayagpag din ang mga Portuguese dahil sa kanilang “Galleon Trade”. Nabanggit sa Bibliya na ang nakapaligid na pader sa templo ng Herusalem ay mga gate na itinalaga sa iba’t ibang uri ng kalakal tulad ng tupa, isda at ibang pagkain, balat ng hayop, etc. Subalit ang pinakamatandang “negosyo” ay ang bentahan ng laman o “flesh trade” na ang puhunan ay katawan.

 

Sa pakikipagkalakalan, ang unang ginamit na paraan ay sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga itinitinda o “barter”, at napalitan ng paggamit ng mga pinirasong ginto, pilak at tanso, hanggang ang mga ito ay tuluyang ginawang pera na may iba’t ibang katumbas o halaga.  Naglimbag rin ng mga papel na pera at tseke. Ang pinakahuling sistema sa pagbayad ay sa pamamagitan ng credit card, charging sa mga deposito sa bangko gamit pa rin ang credit card, at swiping ng cellphone na may impormasyon tungkol sa halaga ng perang laman nito.

 

Hindi maiwasang magkaroon ng lokohan o lamangan sa pagnenegosyo. Nangyayari yan ngayon sa pagitan ng mga bansa na may mga kasunduan sa larangan ng negosyo, at umiiral din sa pagitan ng malalaki at maliliit na negosyante. Hindi rin nawawala ang competition o tagisan sa pagitan ng mga negosyante sa pamamagitan ng iba’t ibang media at ang tawag sa hakbang na ito ay “advertisement”.

 

Ang pinakamatinding elemento ng pagnenegosyo ay may kinalaman sa “inggit”. Sa panahon ngayon, mapapansin ang pagsulputan ng mga magkaparehong negosyo sa iisang lugar. Sa simula ay iisang puwesto ang nakita kaya nagkaroon ng maraming mamimili kaya lumago. Okey lang sana kung ang lugar ay palengke at hindi bukana halimbawa ng isang maliit na subdivision o barangay.  Ang paglago ay nakita ng iba, nagkaroon ng ideya at maski pa i-deny, malinaw ang umiral na inggit. Pwedeng sabihin ng nainggit na pinairal nila ang karapatan sa pagbenta na tama naman, pero ang inggit ay nasa damdamin pa rin nila. Kung hindi sila nainggit, dapat ay nag-isip sila ng ibang mapagkikitaan at hindi pinairal ang masamang panuntunang, “sila lang ba ang may karapatang kumita?” bilang pamimilosopo. Dahil nakigaya lang at biglang dumami, siyempre humina ang kita hanggang sa magkalugian kaya sa kagustuhan nilang ipagpatuloy ang “negosyo” ay umutang at kumagat sa malaking porsiyento.

 

Hindi dahil may nakikita tayong umasenso sa negosyo ay iisipin na natin na pwedeng mangyari din sa atin. Hindi lahat ng tao ay may pagkatao o personalidad na angkop sa pagnegosyo. Ang iba ay talagang walang hilig sa pagnegosyo, at nakisakay lang sa uso o nainggit. Ang hirap kasi sa iba, masabi lang na “negosyante” ay pinapairal ang kayabangan at inggit. Sa halip din na personal na asikasuhin ang negosyo kahit maliit lang, ay pinapaubaya sa mga taong sinisuwelduhan kaya ang kakarampot na kita ay pumupunta lang sa pangsuweldo at kung minalas ay nakukupitan pa ng kita, kaya doble ang lugi!

 

Marami akong alam na nagkandalitse-litse ang buhay dahil sa ganitong pangyayari. Ang iba ay nagbenta o nagsanla ng mga ari-arian hanggang sa tuluyang mawala. May iba kasing nakikinig din sa pangbubuyo o sulsol ng mga kaibigan na ang hangad ay makibahagi sa pera ng sinulsulan at hindi sa kikitain ng negosyo kaya sa pagtulong kuno ay okey na sa kanilang bigyan ng  “allowance”, hindi sweldo dahil pangit ang dating…what are friends for nga naman. Dahil diyan, walang pakialam ang nanulsol kung malugi man ang negosyo pagdating ng panahon. Sa sistemang ito, karamihan sa mga nautong “biktima” ay ang mga may-asawang kumikita ng malaki sa abroad, na ang tingin ng iba ay mayaman dahil na rin sa kanilang pagyayabang. Yong ibang asawa ay hindi kini-clear sa kanilang asawa sa abroad ang gagawin. Yong iba namang nagtatapat sa asawa, ay pinipilit ang plano kaya walang magawa ang asawa kundi pumayag. Kapag nalugi ang negosyo, ang susunod ay sisihan at kung malasin ay nagtatapos sa hiwalayan!

 

 

Noong Panahong Nagsusuot ako ng Maong at Antique na Barong Tagalog sa Opisina

NOONG PANAHONG NAGSUSUOT AKO NG MAONG

AT ANTIQUE NA BARONG TAGALOG SA OPISINA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ang maong ay ginawa para sa mga minero noong unang panahon sa Amerika. Ang orihinal na kulay ng tela ay puti na siyang kulay ng mga hiblang ginamit sa paghabi ng mga tela, at kinulayan lamang kapag nabuo na ang tela o di kaya ay natahi nang kasuotan ng lalaki o babae bilang pantalon, jacket o coverall. Nang magkaroon ng makabagong teknolohiya ay saka lamang nagawang makulayan ang mga sinulid bago mahabi bilang tela na nang matahi at mabuo bilang pantalon ay tinatawag sa Ingles na “denim” o “jeans”.

 

Nang mauso ang pagsuot ng maong, napakamahal ang tela lalo na ang mga nayaring pantalon. Ang Ateneo ang nagpa-uso sa pagsuot ng “blue jeans” dahil angkop sa kulay ng eskwelahan na asul. Subalit dahil uso ay nawala rin kalaunan at napalitan ng kurduroy at “wash and wear”. Ganoon pa man, marami pa rin ang nagsusuot…at isa na ako diyan. Noong kapanahunan ko sa PAL, tuwing araw na pinapayagan ang pagsuot ng “civilian attire”, maong ang sinusuot ko. At, dahil iisang araw sa isang linggo ang pinapayagan sa pagsuot ng “civilian attire”, hindi halatang dadalawang pares lang ang maong ko. Hindi ko makalimutan ang mga maong na yon na nabili ko sa Bambang, ang lugar sa Maynila kung saan ay nagsimula ang negosyong “ukay-ukay” o “relip” (“relief”, hango sa” relief goods” na donation mula sa Amerika).

 

Sa probinsiya pa lang ako ay narinig ko na ang Bambang sa pag-uusap ng mga magulang ko dahil nagnegosyo din sila ng ukay noong maliit pa ako. Isang kasama ko sa boarding house sa Baclaran ang nagdala sa akin sa Bambang at talagang na-love- at- first sight ako sa lugar na yon na binalik-balikan ko na dahil doon na rin ako namili ng iba ko pang damit pang-opisina, pati sinaunang sapatos na kung tawagin ay “charol”  o yong ang nguso ay may kumbinasyong puti o may design na butas-butas. Lalo akong natuwa nang madiskubre ko ang isang puwestong may mga lumang barong tagalong na yari sa jusi, cotton, at seda. At, ang lalong nagustuhan ko pa ay ang napakamurang presyo!

 

Tuwing “civilian attire day” sa opisina, ang suot ko ay maong at barong tagalong na ang style ay yong bandang dibdib lang ang may butones o bukasan. Tinutupi ko ang mga mahabang manggas kaya ang resulta ay style na “three-fourth”, upang hindi ako magmukhang ibuburol. Ang naka-shock sa nakakapuna sa akin ay ang sapatos na suot ko, kaya may mga hindi nakatiis magtanong kung saan ko daw sila nabili. Sa simula, akala ko ay bilib sila, yon pala ay mga pahiwatig na kantiyaw ang tanong. Ang mga suot kasi nila ay bili sa mga department store at ang iba ay pumupunta pa sa Hongkong tuwing weekends upang mamili lang. Pero kahit nalaman ko ito, ay hindi ko na lang pinansin dahil masaya ako sa kasuutan ko. Ang pang-shock ko pa noon ay ang pagsuot ng mga antique na kuwintas na pilak, singsing at bracelet na binili ko naman sa Ermita. Bago nauso ang mga bracelet na yari sa stainless steel at balat ng hayop, ay nagsusuot na ako ng mga nabanggit. At, ang pangtripleng schocker ay ang hindi ko pagsuot ng medyas at paggamit ng kurbata sa regular na barong tagalog (diretso ang bukasang may butones hanggang ibaba), pero naka- tuck in naman. Ang mga kurbata ay sa Bambang ko rin binili at dahil mura ay marami akong naipon. Ang mga pinagsawaan kong mga kurbata ay binigay ko sa mga kaibigan kong magbubukid na ginamit bilang pantali sa balag na ginagapagangan ng pananim nilang gulay at ang iba naman ay nagamit nilang sampayan sa loob ng bahay.

 

Noong naka-ipon na ako, nadagdagan ang pang-accent ko sa sinusuot kong pang-opisina ng mga relos na “de susi”, mga antique na nabili ko naman sa Arranque. Kaya meron akong relos noon na ang tatak ay “Hamilton”, “Lyric” at marami pang iba na gawa sa Switzerland pero lahat ay de-susi. Mura ang pagkakabili dahil ang iba ay may halagang wala pang isang daang piso. Mayroon pang napasingit sa mga nabili kong tunay na Rolex pero de-susi rin. Laking pasalamat ko dahil nang magipit ako ay napakinabangan ko sila.

 

Para mapasaya ang mga nangangantiyaw noon sa akin, at dahil tanggap ko namang para sa kanila ay weird ang dating ko, sinabihan ko rin sila na ang gusto kong mapangasawa ay hindi kailangang “virgin”…pwedeng pinagsawaan din (hiwalay) o antique (matrona), sabay sabing “I don’t give a damn sa inyo, basta masaya ako!, at tinutuldukan ko ng “mga litse kayo”…na nagpapatigil sa kanila.

 

 

The Militants should Stay on the Side instead of Muddling the Effort of the Duterte Administration

THE MILITANTS SHOULD STAY ON THE SIDE

INSTEAD OF MUDDLING THE EFFORT OF THE DUTERTE ADMINISTRATION

By Apolinario Villalobos

 

Personally, I do not know what the militant groups such as Bayan, Gabriela and others want to show and prove. They seem blind to and ignorant on what the new administration is doing, especially, in reaching out to the communist group and the Islamic groups in the south. Peace negotiations with these groups are in the offing as president Duterte has given instruction for the issuance of safe passes for their leaders. On the other hand, the subordinate groups of the communists, they that just love to hold rallies are doing otherwise.

 

Their rallies every time a US diplomat visits the Philippines have become sickeningly irritating. They seem oblivious to the realities of issues at hand, such as those that revolve around the West Philippine Sea. To which are these groups leaning when clearly, their hierarchy has already expressed support to the Duterte administration? In the first place, they have not done anything for the country, except disrupt the traffic, deface the US embassy façade, disturb the air with their senseless shouts for the Americans to leave the country, and scatter trash on the streets after their rallies.

 

If what these groups crave for is just the attention of the public, they should know that the Filipinos are no longer political suckers. If they expect Filipinos to applaud their rallies, they are wrong. On the other hand, motorists and commuters are cursing them every time the already hellish traffic gets MORE tangled every time they hold rallies. Before the Filipinos would totally lose their respect to these irresponsible nationalistic groups “kuno”, the latter should better think twice before hitting the street again to hold another senseless rally!

 

IF THEY WOULD INSIST ON DOING WHAT THEY WANT, IT JUST PROVES THAT THEY HAVE NO CLEAR DIRECTION AND OBJECTIVE, BECAUSE FOR THEM, ALL ADMINISTRATIONS ARE EVIL! IT SEEMS THAT ALL THEY WANT IS TROUBLE!…THE BIG QUESTION IS, WHY????