Hindi Garantiya ang Pinag-aralan upang Makapagpakita ng Katapatan sa Sinasabi

HINDI GARANTIYA ANG PINAG-ARALAN

UPANG MAKAPAGPAKITA NG KATAPATAN SA SINASABI

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pag-imbestiga kay Matobato sa senado, palaging sinasabi ni de Lima at Trillanes na Grade One lang daw ang inabot nito kaya dapat asahan ang mga inconsistencies sa mga sasabihin niya. Subalit nabisto ang maling impormasyon tungkol dito nang sabihin ng NBI na hanggang Grade Three ang inabot niya batay sa unang salaysay na hawak nila. Halatang kasama sa pagsisinungaling sa inabot na edukasyon ang inaasam na impresyon ng makakarinig sa sasabihin niya na gustong palabasing totoo dahil sa kanyang “pagka-ignorante” o dahil Grade One lang ang inabot.

 

Binoldyak ni Pacquiao ang balak ni Matobato at ng mga kung sino mang nagba-back up sa kanya. Tahasang sinabi ni Pacquiao na kung tapat siya sa kanyang sinasabi, dapat ay hindi pabago-bago ang mga ito dahil nanggagaling sa isip at puso, kahit Grade One lang ang inabot niya. Pero kung may nagdidikta pang iba, talagang malilito siya kaya ang resulta ay ang pabago-bago niyang mga sinasabi. Dahil sa animo ay pinraktis na mga salaysay mula pa noong unang pagpunta niya sa NBI dahil gusto siyang gamitin ng DOJ sa ilalim ni de Lima sa pagdiin kay Duterte sa mga kaso ng extra –judicial killing sa Davao, hindi tuloy tumugma ang mga salaysay niya.

 

Sa sinabi ni Matobato na nagpapabili daw si Makdum na “terorista” daw pala, ng malawak na lupain sa Samal upang gawing parang “training center”, imposible ang sinabi niya dahil ang isla ay halos kalbo na at ang mga tanim ay mga niyog lamang.  Paanong magagamit ng mga terorista na “training center” nila ang Samal na sa himpapawid pa lang ay animo hubad na sa paningin ng mga dudungaw sa eroplano ng commercial flights? Ang Garden City of Samal ay dinadaanan ng mga eroplano bago lumapag sa paliparan ng Davao kung ang direksyon ay pakanluran.

 

Sa sinabi niyang noong-noon daw ay kumita siya ng 300 thousand pesos o mahigit pa sa pag-aahente ng lupa, mukhang imposible din dahil noong wala pa ang mga resorts ay kamurahan pa ng mga lupain sa Samal, lalo at hindi rin productive dahil mahina lang din ang kita sa mga niyog. Kaya paano siyang kikita ng ganoon kalaki kung sa panahong ito nga, kahit house and lot ang ibenta sa paligid ng Maynila, ang kikitain ng ahente ay halos 200k pesos lang? Gusto niyang palabasing siya ay isang lehitimong “real estate agent” upang masabing ang ginamit niya sa pagbili ng mga baril niya ay galing sa trabahong ito….at hindi sa pagpatay ng tao.

 

Sa mga sinasabi niyang pinapapatay sa grupo nilang DDS kuno, hindi rin kapani-paniwala ang pinagpipilitan niyang wala siyang tinatanggap…kung totoo ngang “mamamatay tao” siya.  Hindi tanga ang isang hired killer na basta na lang papatay kung walang perang kapalit!  Noon pa mang hindi pa mayor si Duterte ng Davao, may mga naglilipana nang mga “hired killers” at vigilante groups dahil sa sobrang kaguluhan na ang tinuturong sentro ay Agdao kaya tinawag ito noong “Nicaragdao”. Naglipana ang droga at mga NPA. Masasabi ko yan dahil nag-second year high school ako sa Holy Cross of Agdao at tumira sa Ipil, isang “squatter’s area” na malapit sa Lanang Bay kung tawagin. Mula sa eskwelahan ay nagso-short cut kami sa slum area ng Agdao na nasa tabi ng dagat upang marating ang tabing dagat na binabaybay namin hanggang Ipil.

 

Sa mga testimonya niya sa senado ay nagbabanggit na rin siya ng uri ng baril na malamang ay dinikta din sa kanya dahil ito ang pinamimigay ni Duterte sa iilang mga sundalo bilang pabuya ngayon, upang palabasing ito (Duterte) nga ang may pakana ng mga pinpapatay nga mga kriminal sa Davao. Subalit napapagpalit-palit niya ang impormasyon tungkol sa mga baril kung uulitin ang mga tanong. Sa kagagamit niya ng salitang “parang”, lalo lang lumutang ang pagkasinungaling niya dahil lumalabas na wala naman pala siyang direktang nalalaman tungkol sa mga pakikipag-usap ni Duterte sa mga binanggit niyang mga pulis na palagi niyang sinasamahan kung may papatayin kuno. Pumalpak din siya sa pagsabi na inihahatid niya sa Ateneo de Davao si Paolo ang anak ni Duterte, pero ang katotohanan ay sa Philippine Women’s University pumapasok ito. Ang Ateneo ay sa sentro ng lunsod at ang PWU ay sa Matina area kung saan nakatira ang mga Duterte.

 

Kung sa puso at isip mismo ng taong nagsasalita ang mga sasabihin niya, ibitin man siya ang patiwarik, walang mababago sa sinasabi niya kung talagang matapang siya tulad ng pinapakita ni Matobato. Subalit kung may naisamang mga galing sa ibang tao, magkakaroon siya ng pagkalito dahil  dalawa na ang panggalingan ng mga lumalabas sa kanyang mga bibig, ang pansariling kaalaman at ang “itinanim” sa kanyang kaisipan.

Tungkol ito sa mga Taong Humahadlang Kay Duterte…

TUNGKOL ITO SA MGA TAONG HUMAHADLANG KAY PRESIDENTE DUTERTE…

 

 

DAPAT AY TUMIGIL NA ANG MGA SUMISIRA KAY DUTERTE SA PAGSABING SIYA ANG RESPONSABLE SA MGA NANGYAYARING PAGPATAY NG MGA DRUG PUSHER AT DRUG LORD….NAPATUNAYAN NA BA NILA?  DAPAT AY MATAUHAN SILA SA KASO NG MGA ESPINOSA NA NAGPAPAKITANG TALAGANG TALAMAK NA ANG DROGA SA PILIPINAS DAHIL PATI ANG MGA LGU OFFICIALS AY SANGKOT NA. HINTAYIN NILA ANG IBA PANG IBUBUNYAG! DAPAT AY MAGULAT SILA SA DAMI NG MGA LUMALANTAD UPANG UMAMING MAY KINALAMAN SILA SA PAGBEBENTA NG DROGA.

 

HINDI DAPAT PANSININ ANG SINASABI NG MGA MAPAGKUNWARI AT WALANG BINATBAT NA MGA  INTERNATIONAL NGO AT UNITED NATIONS NA NAGKOKONDENA SA MGA PAGPATAY SA MGA DRUG LORDS AT PUSHERS SA PILIPINAS. MAY MAGAGAWA BA ANG MGA ITO KUNG TULUYANG MASIRA ANG PILIPINAS DAHIL SA DROGA? ANO ANG GINAWA NG UNITED NATIONS SA PAGKAWASAK NG SISTEMA NG MGA BANSA SA SOUTH AMERICA DAHIL SA DROGA?….WALA!…HANGGANG NGANGA LANG ANG TILA INUTIL NA ORGANISASYON NA ITO NG MGA BANSA!….SA ISANG BANDA, KAHIT MAY DESISYON ITO SA ISYU NG WEST PHILIPPINE SEA, MAY KAPANGYARIHAN BA SILA UPANG PUMIGIL SA MGA GINAGAWA NG TSINA?….WALA!….WALA!

 

ANG HIRAP SA MGA BANTAD NA ITO AY ONE-SIDED ANG MGA PANANAW NA NAKABATAY SA “BUHAY” KUNO….YON LANG. ANG MGA YUDIPUTANG DRUG PERSONALITIES LANG BA ANG MAY KARAPATANG MABUHAY? PAANO ANG MGA SINIRA NILANG BUHAY? IILAN LANG SILA KUNG IKUMPARA SA MILYON-MILYONG BUHAY AT PAMILYANG SINIRA NILA!….AT ANG HALOS WALANG PAKINABANG NA UNITED NATIONS…ANO ANG MGA NAGAWA SA MGA KAGULUHAN SA AFRICA?…SA EUROPE?…SA KAGUTUMAN NA KUMAKALAT SA BUONG MUNDO?…WALA!

 

MAY PROSESO SA PAGLITIS NG NAGKASALA SA PILIPINAS, PERO ITO BA AY PINAPATUPAD NG MGA BAYARANG OPISYAL? NGAYONG PUMUTOK ANG KASO NG MGA ESPINOSA, ANO ANG MASASABI NG MGA MAYAYABANG NA NGIYAW LANG NG NGIYAW NA PARANG MGA ULOL NA PUSANG NALILIBUGAN PERO WALANG MAKITANG MAKUBABAWAN!

 

MAY MGA NGO SA LABAS NG BANSA NA NAG-UUDYOK SA MGA PILIPINONG MAG-AKLAS LABAN SA MGA KARAHASAN NA ANG ITINUTURONG PROMOTOR AY ANG BAGONG PRESIDENTE….MAY KATUNAYAN BA SILA? GUSTO LANG YATA NILANG MAGING POPULAR TULAD NG IBANG MGA HANGAG AT UGOK NA MGA PILIPINONG WALA PALAGI SA TONO KUNG MAGSALITA!

 

ANG MGA PILIPINO NAMANG MAIINGAY UPANG MAPANSIN LANG KAYA NAKIKISAKAY SA ISYU NG DROGA, DAPAT AY TUMULONG NA LANG SA PAGGAWA NG PARAAN UPANG MAGKAROON NG MARAMING REHABILITATION CENTERS SA BUONG PILIPINAS DAHIL MARAMI PALA ANG MGA DURUGISTA NA GUSTO NANG MAGBAGO KAYA DAPAT TULUNGAN. ITO ANG DAPAT GAWIN NG MGA NAGPUPUTAK UPANG MAKAKUHA NG MEDIA MILEAGE!

MASAMA ANG MAGHAMBING SUBALIT HINDI MAIIWASANG UMABOT SA GANITO UPANG MAKAPAGPALIWANAG NA MABUTI. KAYA ANG MGA TANONG KO: ANG PURSIGIDONG GINAGAWA NI DUTERTE NA PAGLABAN SA PAGKALAT NG DROGA SA BANSA, GINAWA BA NG MGA NAKARAANG PRESIDENTE?….HINDI! ANG HANTARANG GALIT NA IPINAKITA NI DUTERTE SA MGA NPA AT ABU SAYYAF NA UMABOT SA SUKDULANG PAGMUMURA NIYA, GINAWA BA NG MGA NAKARAANG PRESIDENTE?…HINDI! SA TAGAL NG PAGKAUPO NG MGA NAKARAANG PRESIDENTE, MAY NAGLAKAS NG LOOB BA SA KANILA NA SUMUWAG SA MGA DRUG LORDS NA ALAM NAMAN NILA KUNG NASAAN?…WALA! BAKIT NGAYONG MAY GINAGAWA SI DUTERTE AY PUMAPALAG ANG MGA TAMBALUSLOS AT ISIP-TUNGAW NA MGA PILIPINO KUNO SA PAGSABING “MASAMA ANG PUMATAY”? SINO ANG MGA NAGPAPAINGAY SA KANILA? AT, MAS GUSTO PA YATA NILANG MANATILING “BUHAY” ANG MGA TAONG NAGDUDULOT NG SALOT SA LIPUNAN!

 

HIGIT SA LAHAT, ANG LAKAS NG LOOB NA UDYUKAN NG MGA HANGAG NA MGA ITO UPANG MAGREKLAMO ANG MGA PILIPINO  NA KUNG ILANG DEKADA NANG NAGTIIS SA PAGLIPANA NG MGA BISYO AT KRIMINALIDAD!  NGAYONG MAY NAKIKITANG MAGANDANG RESULTA ANG GINAGAWA NI DUTERTE, HINDI TANGA ANG MGA “TUNAY” NA MGA PILIPINO PARA BUMITAW SA PAGSUPORTA…..

 

YONG MGA TAGA-IBANG BANSA NAMAN, MASDAN MUNA NILA ANG KANILANG PALIGID NA NADADAWAGAN NA RIN NG IBA’T IBANG BISYO AT KRIMINALIDAD BAGO NILA PUNAHIN ANG NANGYAYARI SA PILIPINAS….MAGWALIS MUNA SILA SA KANILANG BAKURAN BAGO TUMINGIN SA BAKURAN NG KAPITBAHAY NILA……INGGIT LANG SILA!….SILA ANG MGA PESTE NG MUNDO!!!!!

Dapat ang Tawag sa mga Baril at Droga sa Crimes ay “Nakumpiska” at Hindi “Na-recover”

DAPAT ANG TAWAG SA MGA BARIL AT DROGA NA NAKUKUHA

SA CRIME SCENES AY “NAKUMPISKA” AT HINDI “NA-RECOVER”

Ni Apolinario Villalobos

 

Napansin ko lang naman na ang tawag ng otoridad o kapulisan sa droga at baril sa crime scenes ay mga “na-recover”. Kung na-recover, ibig sabihin ay “nabawi”…kaya kung “na-recover” o “nabawi” ang mga mga bagay na tinukoy ko, ibig bang sabihin ay galing sa kanila (otoridad o kapulisan) ang mga iyon at ginamit ng mga kriminal, at nang nagpang-abot sila na umabot sa pagkamatay ng kriminal ay “nabawi” nila? Kasama sa tinutukoy ko ang mga kilo-kilong shabung “nare-recover” daw nila tuwing raid na ngayon ay hinahanap ng mga Pilipino kung nasaan dahil sumulpot ang isyu tungkol sa pag-recycle ng mga ito….isyu na siyang dahilan daw kung bakit napakaraming ordinaryong pulis at mga opisyal nila ang biglang yumaman.

 

Sa isang banda, dapat ang  mga ganoong bagay  kung tawagin ay mga “nasamsam” o “nakumpeska” dahil ang mga iyan ay  pag-aarin ng mga kriminal. Maliban pa rin kung “itinanim nila” (otoridad o kapulisan), upang magamit na mga ebidensiya kuno sa paglaban ng mga kriminal lalo na ng mga dumadaming pinapatay na mga sinasabing “drug runners”….na ayon sa marami ay tinutumba upang hindi na makapag-piyaet kung saan galing ang drogang binebenta nila.

 

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nagsimula ang paggamit ng salitang “recover”. Hindi naman basta gagamitin ng mga taga-media ang salitang yan kung hindi nila na-pick up sa mga ini-interview nila. At, ang mga taga-media namang nakakaunawa, lalo pa at malakas ang impluwensiya nila sa kanilang mga taga-sunod, sana ay matutong magtama ng mali. Ang hirap pa rin, karamihan sa kanila ay hindi rin alam ang tamang paggamit ng “kung saan”.

 

 

 

 

Marerespeto Lamang ang Isang Bagay Kung Lubos ang Pagka-unawa Dito…ganyan ang dapat gawin sa Bibliya

Marerespeto Lamang ang Isang Bagay

Kung Lubos ang Pagka-unawa Dito

…ganyan ang dapat gawin sa Bibliya

Ni Apolinario Villalobos

 

Matalino talaga ang Diyos. Habang maaga ay naipakita niya na hindi pala malawak ang pang-unawa ni Manny Pacquiao dahil ang isip niya ay naka-kahon lamang o limitado sa mga nakapaloob sa Bibliya na halatang hindi naman niya inunawa na mabuti. Ang Old Testament kung nasaan ang Leviticus ay patungkol sa mga  Israelista noong unang panahon. Ang mga nakapaloob na mga utos ay para sa kanila at angkop sa kapanahunan nila…ngunit may iilan naman na ang “substance” o “essence” ay maaaring gamitin sa makabagong panahon…kaya hindi dapat “literal” ang interpretasyon. Marami ang nasiraan ng isip dahil sa pagkapanatiko sa literal na pagpaniwala sa mga kautusang ito sa Old Testament. Maraming nasirang pamilya sa makabagong panahon dahil ipinagpalit ng isang ama ng tahanan ang kanyang pamilya sa isang kopya ng Bibliya kaya lumayas at “nag-pastor” sa iba’t ibang lugar. Maraming nag-resign sa trabaho at nag-astang “Moses” at nagpastor-pastoran, sumasampa sa mga jeep at bus upang mag-share kuno.

 

Nakakabahala ang ginagawa ni Pacquiao na pagsangkalan sa Bibliya sa pangangampanya upang ipakita sa taong bayan na mabuti siyang tao. Ano ngayon kung naniniwala siya sa Bibliya niya?…ang dami diyang inaalmusal, tinatanghalian, at hinahapunan ang pagsambit sa pangalan ng Diyos, at tuwing araw ng pagsimba ay nasa simbahan din sila, pero magnanakaw naman pala ng pera ng taong bayan! Paano na lang kung manalo siya bilang senador? Gusto ba niyang ipilit sa mga hindi “Born Again Christians” ang nabasa niya sa kanyang Bibliya?

 

Ang isa sa mga totoo na sinasabi sa Bibliya ay darating ang panahon na maglalabasan ang mga hangal na taong nagkukunwaring mga “sugo” ng Diyos at pag-usbungan ng iba’t ibang grupo na nagbabalatkayong “maka-Diyos”…dahil nangyayari na…at may naghuspa pa na ang ibang tao ay masahol pa sa hayop dahil nagkakagusto sila sa isa’t isa!

 

Ang Bibliya ay isang sagradong bagay, ano mang uri ito na ginagamit ng iba’t ibang relihiyon. Ang mga hindi naniniwala ay dapat magpakita man lang dito ng respeto. Ang pag-abuso dito ay isang uri ng pambabastos sa Diyos.

 

May kasabihan sa Ingles na “respect begets respect” at sa Pilipino ay, “ang respeto ay nasusuklian ng respeto”. Dahil diyan, marerespeto pa kaya si Pacquiao dahil mismong Bibliya ay hindi niya nirespeto sa pagbigay ng ibang kahulugan sa mga nilalaman nito?

 

ASAHAN ANG HINDI PAG-RESPETO SA KANYA NG MGA TAONG NADISMAYA SA KANYA SA ARAW NG KANYANG LABAN. KUNG MAY MAG-BOO SA KANYA AY OKEY LANG…HUWAG LANG SIYANG BATUHIN NG KAMATIS HABANG NASA IBABAW NG RING! BILIB SANA AKO SA KANYA…NGAYON AY HINDI NA!

 

 

 

Si Manny Pacquiao at ang Bibliya Niya

Si Manny Pacquiao at ang Bibliya Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ito isyu ng kabaklaan o katomboyan, kundi tungkol sa lawak o kakitiran ng isip ng isang tao, lalo pa at nadadamay ang relihiyon na hindi dapat. Sa pinakahuling interview kay Manny Pacquiao sa isang radio station halatang hindi niya naiintindihan ang isyu na naglagay sa kanya sa alanganin, dahil paulit-ulit lang siya sa pagbanggit ng Diyos at Bibliya. Kung ganoon ang takbo ng kanyang isipan, sa halip na pumasok sa pulitika, nag-pastor na lang sana siya. Dapat isipin ni Pacquiao na hindi lahat ng Pilipino ay naniniwala sa Bibliya at katulad niyang Kristiyano. At bilang mambabatas, ang trabaho niya ay gumawa ng batas para sa ikabubuti ng LAHAT ng Pilipino, ano man ang relihiyon nila, AT HINDI ANG MAGYABANG NG KAALAMAN TUNGKOL SA BIBLIYA NA GINAGAMIT NILA SA KANILANG CHRISTIAN GROUP! Binara siya ng radio announcer nang banggitin niya ang Leviticus na pinagmulan daw ng sinabi niya tungkol sa “karumal-dumal” na ginagawa ng mga tomboy at bakla na ayaw niya. Ang nasabing chapter ng Bibliya ay maselan, at hindi lahat ng sinasabi dito ay angkop sa kasalukuyang panahon. Swak sa kanya ang kasabihang, “a little learning is a dangerous thing”.

 

Paulit-ulit na sinasabi ni Pacquiao na ayaw niya ang ginagawa ng mga bakla at tomboy sa isa’t isa dahil bawal daw sa Bibliya at binanggit pa ang Sodom at Gomorrah. Ano ang gusto niyang gawin ng mga bakla at tomboy na may mga ka-live in at nakatira sa ilalim ng iisang bubong?…magdasal minu-minuto at mag-ngitian? Kung uunawain niya ang isang tao, dapat ay unawain din niya ang buong pagkatao nito. Hindi ba niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito bilang paraan ng pagparaos? Napaka-ipokrito niya kung hindi niya ito alam. Kung totoo ang sinasabi niyang may mga kamag-anak siyang bakla, bakit hindi niya tanungin ang mga ito upang malaman niya? Mag-ingat siya dapat dahil may lahi silang bakla, at alalahanin niyang may dalawa siyang anak na lalaki, na sana ay hindi makitaan ng mga senyales. Si Rustom Padilla ay umaming may pusong babae at nagpakababae, hindi noong bata o tin-edyer pa lang siya, kundi nang siya ay may asawa na.

 

Nang tanungin si Manny kung bakit si Binay ay malakas magdasal pero nagnanakaw pa rin, kinausap na raw niya ito at nagsabi na hangga’t walang napapatunayan, ay inosente siya. Magkasama sila sa iisang partido. Ngayon ako naniniwala sa kasabihang, “birds of a feather flock together….”

 

Kung Bibliya ang pinagbabatayan niya ng sinabi niyang masahol pa sa hayop at karumal-dumal ang ginagawa ng mga taong pareho ang kasarian kaya ayaw niya, nakalimutan yata niyang sa libro ring ito nakasaad ang mga karumal-dumal na pakikipagtalik sa iba’t ibang babae, ng mga paborito ng Diyos na sina David at Solomon! Huwag niyang sabihing maka-Diyos ang ginawa ng mag-ama noong unang panahon sa pagkaroon ng harem na kinabibilangan din ng mga babaeng pagano na ayaw na ayaw ng Diyos.

 

Kung gusto niyang magbanggit ng kahayupan, bakit hindi niya banggiting masahol pa sa hayop ang mag-asawang babae at lalaki na maya’t maya ay nag-aaway dahil sa pera, o di kaya ay pabaya sa mga anak na tin-edyer pa lang ay adik na, o di kaya ay nagsabwatan upang maglaglag ng nabubuong sanggol sa sinapupunan, na basta na lang ipa-flush sa inuduro o itapon sa basurahan? Bakit hindi niya sabihing masahol pa sa hayop ang ibang mga “tunay” na babae at  lalaki na kung atakehin ng kalibugan ay masahol pa sa asong ulol, na kung tawagin ay sex maniac  at nympho maniac? Bakit hindi niya sabihing masahol pa sa hayop ang mga kapareho niyang mga pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan ng perang dapat ay ginagastos para sa mga nagugutom? Bakit hindi niya kondenahin ang mga halos mamatay sa paghinagpis na mga “sports men” kuno na pilit nagpapakalaki ganoong pusong babae naman pala? Bakit hindi niya kondenahin ang mga taong sa kagustuhang kumita ay nambubugbog…tulad niya?

 

Kung hindi alam ni Pacquiao,  ayon sa siyensiya hindi nalalaman kung ang isang sanggol ay magiging tomboy o bakla. Sa kanilang paglaki at nagkaroon ng kaliwanagan, kaya ang may pera ay nagpapalit na lang ng kasarian na tutugma sa tunay nilang nararamdaman. Dapat ay malaman din niya na ang tao ay may DNA kung saan ay nakaimbak ang lahat tungkol sa kanyang pagkatao  at hindi niya ito kontrolado. Ang mga nakalagay sa DNA na ito ay BIGAY ng Diyos, hindi hiningi ng nabubuong sanggol sa sinapupunan ng kanyang nanay, at lalong hindi hiningi ng mag-asawang ibigay sa magiging anak nila na resulta ng kanilang pagpaparaos! Kaya, ibig sabihin ay dapat respetuhin at unawain ang isang tao kung ano mang uri siya dahil lahat ng bagay tungkol sa kanyang pagkatao ay BIGAY ng Diyos! Kung karamihan sa mga pari ay nananahimik na nga lang tungkol dito dahil ang iba ay guilty, at ang santo papa naman ay nagpapahiwatig ng pang-unawa, si Pacquiao naman ay nagyayabang sa pagsabing “….ayon sa Bibliya..”. Dapat pala ay nasa pulpito si Pacquiao na ngayon ay nangangampanya bilang senador!

 

Kung gusto niyang patunayang may sampalataya siya sa Diyos at Bibliya niya, bakit hindi siya magpatayo ng mga bahay sambahan sa iba’t ibang liblib na bahagi ng Pilipinas dahil ang mga tao dito ay naglalakad pa ng kung ilang kilometro makarating lang sa pinakamalapit na kapilya?

Ang tunay na pananampalataya ay hindi binabatay sa uri ng relihiyon at Bibliya. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nakaangkla sa pagmamahal at pang-unawa sa kapwa dahil kung hindi kayang gawin ito ng isang tao, lalabas na nagkukunwari lang siya sa pagsampalataya sa Diyos na hindi niya nakikita. Ang dalisay na pananampalataya sa Diyos ay umuusbong mula sa puso, hindi dinidikta ng Bibliya at ibang tao, lalo na ng mga ipokrito.  Ang isang taong masahol pa sa hayop ay yong nagkukunwari bilang Kristiyano dahil ginagamit nila si Hesus upang magyabang ng pananalig na ampaw – walang laman…at hanggang pakitang-tao lang.

 

Kawawa talaga ang Pilipinas dahil naglipana ang mga hayop sa lahat ng sulok, lalo na sa gobyerno – mga buwaya, buwitre, linta, aso, unggoy, ipis, langaw, at tungaw!!! Naalala ko tuloy ang mga mga pilosopong malibog kaya dumami ang mga anak, na sa Bible daw ay may utos na,  “go forth into the world and multiply”…yon lang. Hindi nila inuunawa ang kabuuhan ng utos. Maraming ganyan ngayon na nagmamarunong nang makahawak ng Bibliya, kaya akala nila sa sarili ay pantas na pagdating sa mga nilalaman nito. Ang pagiging maka-Diyos ay pinapakita sa gawa, hindi pinagyayabang sa pamamagitan ng pagsasalita!

The Importance of History…and the Educated Youth Today

The Importance of History

…and the Educated Youth of Today

by Apolinario Villalobos

Some educated youth of this generation do not seem to know or are familiar with the country’s history. Just imagine the consternation of a field TV reporter interviewing a student when asked, who the first President of the Philippine Commonwealth was. The student was obviously caught by surprised and could not utter a word. The reporter asked her another question about Tandang Sora to which she finally replied as “a place in Quezon City…in Commonwealth Avenue”. When asked about her school, she proudly mentioned a university along Espaῆa St. in Sampaloc. Her current school has got nothing to do with her ignorance, but her previous schools, those she went to as an elementary pupil and the one she attended as a high school student. Still, on her own, she could have, at least, exercised a little diligence in enriching her knowledge about her country. The danger here is that, she may transfer this ignorance to her offspring, a vicious cycle which is happening today.

That is the irony of the current educational system. Schools give attention to their need in developing with the time, with reference to the fast technological transformation of practically everything that influence life. So, schools are worried when their computer system is outdated or they do not have the latest modules for courses that they offer to be more competitive with other educational institutions, to entice more enrollees.  But sadly, many courses today, do not fit in any way to jobs that are available. This lackadaisical approach in the current educational system, also shows well in how institutions seem to have disregarded the importance of basic knowledge of our country’s history, shamefully manifesting in the ignorance of some students who thought that they have learned enough.

On the other hand, some students, themselves, may be blamed for their ignorance. At an early age they get fascinated with the games in the internet. Growing older, they get glued to its social webs….facebook, twitter, etc. They would rather browse for photos that they could share in their timelines or exchange messages about trending issues. They disregard sites that are just clicks away from the facebook or twitter pages. These are sites from which they can gain insights on what the Philippines was, years ago, and the people whose gallantry propelled the country towards democracy.

Worse is the discernible attitude of some students who are seem to be just proud about their ignorance of their country’s history, as if trying to give an impression that they belong to the modern hi-tech age.  That is why, they are no longer interested in what happened before. During the latest May 1 Labor Day protest rallies, one young student was asked why he joined the march. Without any hesitation, he said, “there is no class anyway, and I am with my boardmates”. Obviously, he has no knowledge about the historical significance of the traditional May 1 celebration, and the historical issues behind the insufficient wage for which the different labor unions are fighting for. All he knew was that he was having fun, marching and shouting slogans with his boardmates.

College or university graduates whose parents pawn properties and spend lifetime savings for their education, find it difficult to land a reputable job. They failed to check historical information about the course they have chosen, courses that become useless as they do not fit the requirements of available jobs. These are the young graduates who look forward to clerical jobs in the air-conditioned offices but, which come in trickles compared to the surge of good paying technical jobs, some of which require only two years of studies and on-the-job trainings.

A little looking back will not result to a stiff neck, but still, most of the youth, especially, the “highly” educated who believe they belong to a different realm, refuse to do it. They just refuse to learn some lessons from the failure of their predecessors in the past, lessons that could give them a push forward. For their failure to find a job, these ignorant youth blame the government for “not creating jobs”, insult the President for being a “slave” of America, blame employers for low wage, etc. They blame practically everybody, except themselves who waste precious time playing internet games in cafes or chat with friends about show business happenings.

Given a chance to rise from his grave and live again for even just a few minutes, I cannot imagine what Jose Rizal would say about the Filipino youth of today. Will he still say that “the youth are the hope of our nation”, when some of them may not even have an idea that it was he who uttered this hopeful statement? They who have no idea where Mt. Buntis is? They who do not know where Maragondon is? They who have not heard of Princess Tarhata? They who do not know how to pronounce the letter “R” properly when speaking in Filipino? They who shout obscenities in front of the US Embassy but toe the line for an American visa to be stamped on their passport?

For the youth who may happen to view this discourse, don’t lose heart if you honestly think that you do not belong to the “some” whom I mentioned. Instead, extend a helping hand by admonishing those whom you think are concerned.

Ngayon lang Nalaman ng Gobyerno ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History ng mga Estudyante???!!!

Ngayon lang Nalaman ng Gobyerno

Ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History

Ng mga Estudyante??!!

ni Apolinario Villalobos

Kung hindi pa dahil sa tanong mula sa mga kabataan at kumalat sa social media kung bakit palaging nakaupo si Apolinario Mabini, hindi pa nalaman ng mga kinauukulan sa gobyerno ang kawalan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mahahalagang bagay sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakakahiya!!!

Pinalitan ng Asian Studies ang Philippine History sa High School. Nakakaduda rin kung may itinuturong kasaysayan sa mga mababang baytang ng mga paaralan. Sa dami ng mga “workbooks” na nakasilid sa animo ay maleta na bag ng mga bata, sila ay nalilito na kaya walang pumapasok halos sa kanilang kamuwangan. Paanong hindi pagdudahan ito, ganoong ang pagturo nga lang ng tamang pagbigkas ng mga letrang Pilipino lalo na ang letrang “R” ay hindi nga nagagawa ng  ibang titser. Napansin kong maski ang ibang mga titser mismo ay guilty sa maling pagbigkas ng letrang “R”. Para kasi sa kanila, ang pa-English na pagbigkas ng letrang “R” ay sosyal ang dating. Mariin kong nililinaw na hindi lahat ng teacher ay guilty sa pagpapabaya.

Nakakahiyang malaman na ang alam ng karamihan sa mga estudyante tungkol sa “Tandang Sora” ay yong kalye sa Quezon City. Bago rin  sa pandinig nila ang pangalang “Dagohoy”. Lalo na siguro ang pangalang “Sikatuna” at “Lakandula”, “Marikudo”, “Sumuroy”, “Maniwangtiwang”, at iba pa. Pero tanungin sila tungkol sa mga games sa internet at cellphone…lahat alam nila!

Nakakahiya ring malaman na ang ibang estudyante ay may kayabangan pang umaamin na kaunti lang ang alam nila tungkol sa Philippine History. Para sa kanila, walang class ang Philippine History, hindi tulad ng Information Technology, kaya mula sa paaralang halos walang itinuro dahil sa nakakalitong mga “workbooks”, hanggang sa pag-uwi kung saan ang aatupagin naman ay computer games at pagpi-facebook, ano pa ang aasahan sa mga kabataang kinabibiliban ni Rizal kaya itinuring niyang mga “pag-asa ng bayan”?

Sino ngayon ang may kasalanan?…marami! Kasama diyan ang korap na gobyernong manhid at bulag sa tunay na kalagayan ng sistema ng edukasyon, ang mga teacher na nakakalimot sa pagturo ng tamang asal at pagbigkas ng mga titik ng wikang Pilipino, ang mga magulang na pabaya dahil mas gusto pang nasa internet café ang mga anak upang hindi sila naiistorbo sa pangangapitbahay at pagtotong-its, ang mga barkada ng mga kabataang humahatak sa kanila tungo sa mga bisyo, at ang makabagong pamumuhay at teknolohiya kung saan nakakapulot ang mga kabataan ng mga karahasan dahil sa mga games na kanilang nilalaro.

Huwag nang magmaang-maangan. Tanggapin ang masakit na katotohanan tungkol sa kapabayaan na nagresulta sa kabobohan ng ilang mga kabataan, dahil hangga’t walang tinatanggap o inaaming kasalanan o kamalian… walang maitutuwid o maitatama.

Ang “Authority without Responsibility” o “Responsibility without Authority”

Ang “Authority without Responsibility”
O “Responsibility without Authority”
Ni Apolinario Villalobos

Sa Senate hearing kung saan ay sinupalpal at binoldyak ni senadora Miriam si Purisima, parang may nabanggit siyang ibinigay niya kay Napeῆas na “authority without responsibility” o “responsibility without authority”, hindi ko lang sigurado kung alin sa dalawa, pero ang mga ito ay parehong mali kung ang pinag-uusapan ay maayos na relasyong propesyonal ng isang nakakataas sa isang nakakababa sa puwesto.

Paanong ang isang tao ay makakapagpatupad ng kanyang responsibilidad kung wala siyang poder o kapangyarihan? …eh, di pagtatawanan lamang siya ng mga uutusan niya! O, di kaya ay aanhin ng isang tao ang isang poder o kapangyarihan kung wala naman siyang ipapatupad na responsibilidad?…eh di nasayang lang ang nasabing kapangyarihan, dahil tutunganga na lamang siya! Sa dalawang nabanggit, ang dapat na ginamit ni Purisima ay “with” sa halip na “without” upang pagbali-baligtarin man ay parehong tama, upang tuloy ang paghuhugas niya ng kamay mula sa mga sagutin dahil sa mga bulilyaso na nagresulta sa pagmasaker ng 44 na SAF commandos.

Palagay ko ay na-rattle siya dahil halos hindi makasingit na rumerepekadang sinasabi ni senadora Miriam. Hindi na nahiyang magbanggit si Purisima ng mga prinsipyo o alituntunin o batas, ganoong ang kaharap niya ay international ang kalibre ng pagka-abogada…graduate pa ng UP…iskolar ng bayan! Sa nangyari, hindi lang siya nagmukhang talunan, kundi kawawa – mistulang basang sisiw sa ilalim ng ulan ng mga pangungutya, dahil trying hard ang dating niya sa harap ng isang intelehenting mambabatas.

Pero kung pangangatawan niya ang sinabi niya, alin man sa dalawang nabanggit sa titulo, ay lalabas na talagang kinawawa niya si Napeῆas dahil pinagmukha niyang tanga, kaya ngayon ay napasama sa dinidekdek sa mga mga imbestigasyon. Pagsabihan ba naman niyang huwag makipag-coordinate sa mga dapat kausapin dahil siya na ang bahala! Sa pinakita niyang lakas ng loob sa pakikialam, animo ay hindi siya suspendido bilang hepe ng PNP! Kanino siya kumukuha ng lakas ng loob upang magawa ang mga dapat ay hindi niya ginagawa sa ngalan ng delikadesa?

Ang mga nagoyo namang nagmamatigas sa pagsinungaling at pagtatakip, may mga pinangako kaya sa kanilang trabaho maski mawalan sila ng benepisyo kung matanggal sa pwesto? Sabagay, maganda ang lupain sa Nueva Ecija, at malawak ang tubuhan sa Tarlac.

Ang “Chain of Command”…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!

Ang “Chain of Command”
…wala daw nito ang PNP ayon kay Purisima!
ni Apolinario Villalobos

Wala daw “chain of command” sa PNP ayon kay Purisima dahil wala ang mga ganoong salita sa Saligang Batas na tumutukoy sa Philippine National Police. Kung tinuruan siya ni de Lima at Lacierda, dahil halata naman sa masyado niyang confident na pananalita sa hearing, mali sila! Dahil sa paniwala ni Purisima na “civilian” ang PNP, para sa kanya ay wala itong “chain of command”, na ang tunog ay “military”. Mabuti na lang binara siya ni senadora Miriam.

Historically, ang PNP ay nag-evolve sa Philippine Constabulary, isang sangay ng Armed Forces of the Philippines. Hindi dahil kinonvert ang ahensiya upang magkaroon ng mukhang pangsibilyan ay nawala na ang nakagawiang alituntunin nito na may pagka-miltar. Ang salitang “chain of command” ay pang-military, kaya lumalabas na upang makalusot ang mga taga-Malakanyang, si de Lima, lalo na si Purisima ay kung anu-ano na lang ang ini-imagine na paliwanag, at iniangkla ang paliwanag sa pagka-sibilyan daw ng PNP. Hinanap nila ang mga salita sa mga provision ng Saligang Batas na tumutukoy sa PNP bilang sibilyan na ahensiya. Ganoon ang takbo ng isip nila…literal, kaya puro sila semplang…dahil sa ugaling palusot!

Ang “chain of command” ay hindi naiiba sa pangsibilyan na “chain of supervision” o “chain of authority”. Kung gusto ni Purisima ay palitan ang “chain” ng “flow” para talagang maging tunog “civilian” ito. Sa isang private organization o sa isang sibilyang ahensiya ng gobyerno, hindi ba may ranking, mula sa pinakahepe o simpleng puwesto na manager hanggang sa pinakamababang puwesto? Paanong dumaloy ang poder o authority? Hindi ba kung pababa ay mula sa manager hanggang sa mga clerk, at kung pataas ay mula sa mga clerk hanggang manager? Ang ganitong prinsipyo ay may kaakibat na respeto sa nakakataas at responsibilidad ng nakakataas sa nakakababa sa kanya. Kung hindi man ito binanggit na literal sa Saligang Batas, dapat nakalagay ito sa Operating Manual ng PNP, kung meron sila nito.

Sa usaping Mamasapano massacre, kung ihahalimbawa ang simpleng daloy ng poder na pangsibilyan, ang clerk ay si Napeῆas at ang pinaka-manager ay ang OIC niya sa PNP, at ang isa pang boss niya ay ang kalihim ng DILG. Sa ganoong sitwasyon, obligado si Napeῆas na magreport sa dalawa. Bakit hindi niya ginawa? Hindi naman si Purisima ang boss niya dahil suspendedo ito, para sundin niya ang lahat ng utos. Dahil ba dikit si Purisima sa pangulo?

Ang pagpapatupad ng responsibilidad ay may kaakibat na respeto sa nakakataas, ano mang organisasyon ang kinasasaniban ng isang tao. Ito ay isang prinsipyo na nakatuntong sa common sense. May unawaan na basta subordinate ay kailangang makipag-alaman sa nakakataas sa lahat ng pagkakataon kung ano ang ginagawa niya, dahil responsibilidad siya ng nakakataas sa kanya.

Binubulasaw ng mga taga-Malakanyang at mga tauhan ng pinaghihinalaang presidente, lalo na ni Purisima at de Lima ang mga simpleng alituntunin ng mga nanahimik na ahensiya. Nanggugulo sila gamit ang kanilang pagmamarunong at pagmamagaling upang mailusot si Purisima at ang pinaghihinalaang presidente. Kung ipipilit nilang walang alituntunin na sumasaklaw sa respeto sa nakakataas sa PNP, para na rin nilang sinabi na magkanya-kanya na lang ang mga pulis ng diskarte….tanggalan ng mga rangko…lahat puro “pulis” na lang…wala nang P01 o P02 o P03, SP01 o SP02 o SP03, etc. Kung ganoon ang pinipilit nila, aba’y hayaan nang magbarilan ang mga pulis kung feel nilang gawin halimbawang mainit ang ulo nila, dahil wala naman silang nirerespetong nakakataas! Dahil sa ganitong takbo ng isip nila, nagulo na nga ang administrasyon ng kinabibiliban nilang presidente!

Mga Paulit-ulit na mga tanong ng mga senador…nakakainis na!

PAULIT-ULIT NA MGA TANONG NG MGA SENADOR
…NAKAKAINIS NA!
Ni Apolinario Villalobos

Kahit kaylan, talagang ang mga senador maliban kay Miriam ay nagpapatalbugan sa Mamasapano massacre hearing dahil ang mga tanong na nasagot na ng mga resource persons ay tinatanong pa rin ng mga sumusunod na senador o senadora. Lumalabas na ang mga senador ay hindi nakikinig habang ongoing ang hearing, dahil hindi nila alam na nasagot na pala ang mga tanong nila at na-record na. Malamang na kung basahin ang na-transcribe na mga tanong at sagot, hindi lang doble ang naitala kundi baka triple pa!

Kung ang konklusyon ng Senate hearing ay ibabatay sa naipong mga sagot ng mga resource persons, dapat ay marami na ang mga naipon nila…MALIBAN LAMANG SA IMPORMASYONG MAGTUTURO KUNG SINO O SINU-SINO ANG DAPAT SISIHIN DAHIL PALAGING LIHIS ANG MGA TANONG NA NAPUPUNTA SA MGA ISYU NA HINDI NAMAN SAKLAW NG OBJECTIVE NG HEARING!…SA BANDANG HULI, HINDI NA NAMAN MAIBABAGSAK ANG SISI SA TALAGANG DAPAT SISIHIN.

MABUTI PA SI MIRIAM, NAGBANGGIT NG APAT NA DAPAT SISIHIN – KASAMA SI PURISIMA AT SI AQUINO. ANG MGA KASAMA NIYANG SENADOR AYAW ITUON SA DALAWA ANG TAKBO NG MGA KATANUNGAN.

SINAYANG NA NAMAN ANG ORAS NG MGA SENADOR, PERA NG TAONG BAYAN, AT PAGOD NG MGA RESOURCE PERSONS. ANG SISING-SISI AY MGA REPORTERS NA DISMAYADO…ULI!