Ang Genetically Modified Organism (GMO) at ang Buhay

ANG GENETICALLY MODIFIED ORGANISM (GMO)

AT ANG BUHAY

Ni Apolinario Villalobos

 

Malinaw ang sinasabing alamat sa Bibiliya na pinaniniwalaan naman ng marami na kung ilang beses ang pagsubok na ginawa ng Diyos bago tuluyang nakagawa siya ng tao ayon sa mga gusto niyang katangian nito. Sa ganang ito, ang hindi napansin ng mga taong may adbokasiya sa kalikasan ay ang katotohanang noon pa man ay ginagawa na ang mga pagbabago sa mga halaman na ang bunga ay pinapakinabangan ng tao hanggang ngayon. Ang hitsura ng mais noon ay hindi katulad ng mais ngayon dahil noon ito ay may iilang butil lang at maliit pa, samantalang ngayon, ito ay malalaki at puno ng butil. Ang mga kahoy na dating namumunga ng maliliit, mapakla o maasim, ay nagawang ma-modify upang lumaki, maging  mabango at matamis. Ang pakwan noon, bukod sa maliit ay malaki rin ang guwang o espasyo sa gitna at maraming buto, pero ngayon mayroon nang seedless. Ang kamote at patatas noon ay maliit at maraming hibla o fibers, pero ngayon ay malalaki na at halos walang hibla. Etc.

 

Dahil sa mga peste at pagbago ng panahon na hindi na umaayon sa dating cycle nito, maraming pananim ang nasisira at mga hayop na namamatay. Kung hindi man masalanta ng balang (locust), virus, at iba pa, marami rin ang nanguluntoy nang itanim sa nakagawiang panahon pero dahil sa sinasabing hindi inaasahang “climate change”, sa halip na ulan ang dumating ay matinding init ang nagpatigang sa lupa. At, dahil diyan ay nadanasan ang gutom sa lahat ng panig ng mundo.

 

Upang malabanan ang epekto ng “climate change” at upang lalong maging kapaki-pakinabang ang mga punong kahoy at hayop na pinanggagalingan ng pagkain ay gumagawa ng paraan ang mga siyentipiko na nilalabanan naman ng mga maka-kalikasan kuno. Ang sabi nila, baka daw ang mga gagamiting elemento o gamot sa pag-modify ng mga gulay, prutas at hayop ay makakasama sa tao. Ang tinutukoy nila ay ang pagbago kuno ng ugali ng tao dahil sa paghalo sa dugo nito ng mga katangiang galing sa hayop at halaman. At, dahil diyan ay magkakaroon kuno ng ugaling hayop ang tao. Hindi man lang inisip ng mga taong ito na noong unang panahon pa man ay iniinom na ng tao ang gatas ng mga hayop at ang ibang tribu ay umiinom din ng dugo ng alaga nilang hayop upang may panlaban sila sa sakit at maibsan ang gutom at uhaw! Kung sa Pilipinas ang pagkaing “dinuguan” ay galing sa dugo ng kinatay na hayop, sa ibang bansa naman ang pinanghahalo sa lugaw na trigo ay galing sa buhay pang hayop na alaga nila, na pinakakawalan pagkatapos masipsipan ng dugo.

 

Bakit ngayon lang umaalma ang grupong maka-kalikasan kuno? Bakit hindi sila mag-picket sa mga pagawaan ng plastic dahil ang produktong ito ang isa sa mga dahilan ng pinsala sa mundo, lalo’t hindi sila nalulusaw? Sa halip na kung anu-anong kabalbalan ang ginagawa nila, dapat ay isulong na lang nila ang tama at napapanahong pagputol ng kahoy man lang upang hindi agad nakakalbo ang mga kagubatan. Dapat isulong nila ang adbokasiya sa pagtatanim ng kahoy sa mga nakalbong kabundukan. Dapat unawain nila na ang tanging layunin ng mga siyentipiko ay patibayin ang panlaban ng mga halaman at hayop sa mga peste, sobrang init ng panahon at matagal na pagkalublob sa tubig tuwing panahon ng baha…isang layunin para sa kapakanan naman ng sangkatauhan.

 

May nagawa na ba ang grupong ito upang maiwasan ang mga kamatayang sanhi ng gutom ng mga tao na bahagi rin ng kalikasan? Sa kakitiran ng kanilang pag-iisip, akala nila ang kalikasan ay sumasaklaw lang sa gubat, dagat, ilog, kalawakan, kahanginan, kahayupan….nakalimutan nila ang tao na may karapatan ding mabuhay at napakalaking bahagi ng kalikasan.

 

Ang mga pagbabago sa ibabaw ng mundo ay hindi mapipigilan at ang tanging magagawa lamang para sa kapakanan ng pangkalahatang kabutihan ay pagpapalumanay ng epekto ng mga pagbabagong ito sa sangkatauhan at kapaligiran…at higit sa lahat ay dapat bigyan ng bigat ang layunin para sa nakararami, at hindi ang kapakanan ng iilan lang na mga maka-kalikasan kuno!

Hindi Dapat Binabalewala ang mga “Maliliit” na Bagay

Hindi Dapat Binabalewala ang mga “Maliliit” na Bagay

ni Apolinario Villalobos

 

Sa panahon ngayon, marami ang nababalewalang mga bagay na akala natin ay katiting lang ang kabuluhan. Marami rin ang nakakalimot tungkol dito pagdating sa kaperahan, ganoong ang piso ay nagsisimula sa isang sentimo. Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga hindi masyadong  nabibigyan ng pansin dahil sa hi-tech na pag-unlad ng mundo…at, ang pagpapaalala ay idinaan ko sa tanong:

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang aspile, perdible , sinulid, karayom, zipper, butones, tela…may mga maaayos kayang damit ang tao? Subali’t mapapansin ang walang pakundangang pagtapon ng mga bagay na ito. Idagdag pa diyan ang mga lumang damit na ang mga hindi naido-donate ay basta na lang itinatapon sa basurahan o ginagawang basahan o trapo kahit maayos pa. Sana bago gawing basahan ang pantalon, tanggalin ang zipper nito upang magamit pa, ganoon din ang mga butones sa mga damit upang hindi na bumili kung isa o dalawa lang naman ang kailangan. Sa patahian, ang bayad sa pagpapalit ng zipper ay hindi bababa sa singkuwenta pesos.

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang garapon, bote, at iba pang lagayan ng maliliit na bagay, gawa man sila sa plastic, bubog o kristal? Sa halip na ang mga basyo ay pahalagahan at i-recycle, itinatapon na lang sila kaya nakakadagdag sa mga bara ng imburnal at kanal. Pero, kapag nangailangan na ng kahit isang garapon, nagkakatarantahan na sa paghanap.

 

Paano kung hindi naimbento ang besagra, pako, turnilyo…maayos pa rin kaya ang mga bahay sa kasalukuyang panahon? Walang pakundangan din ang pagtapon ng mga itinuturing na sobra o di kaya ay makitaan kahit kaunting kalawang lang, sa halip na ipunin at gamitin uli.  May mga pagkakataong nangangailangan tayo ng kahit isa o dalawang pako lang na pwedeng gamiting sabitan, pero dahil wala naitatabi, kailangang bumilit pa sa hardware.

 

Paano kung hindi naimbento ang tissue paper, toothpaste, sabon? Marami sa mga mayayabag ay walang pakundangan kung gumamit ng tissue paper na dahil hindi nari-recycle ay lalong dapat tipirin. Dapat ding alalahanin na galing sila sa kahoy, kaya kung balahura ang gumagamit, kailangang gumawa ng maraming ganito at dahil diyan ay marami ring kahoy ang puputulin na magiging dahilan naman sa mabilis na pagkakalbo ng mga gubat. Ang iba namang balahura, kahit may natitira pang toothpaste sa tube ay itinatapon na ito. Ang sabon naman, kahit hindi masyadong lusaw ay itinatapon na dahil mahirap daw hawakan kung maliit.

 

Paano kaya kung hindi naimbento ang lapis at papel? Siguro hanggang ngayon ay sa dahon, kahoy, basag na palayok, at kawayan pa sumusulat ang mga tao. Subalit, maraming pasaway na mga batang nag-aaral na kinukunsinti rin ng mga pasaway na mga magulang sa kanilang kabulagsakan sa paggamit ng mga nabanggit na bagay. Ang mga lumang notebook na may natitira pang mga malinis na pahina ay itinatapon na, pati mga lapis na nangangalahati pa lang ang pagkapudpod dahil sa katamarang magtasa. Ang nakakalungkot, para sa mga batang kapos subalit nagpupursigeng mag-aral, ang mga ito ay itinuturing na “kayamanan”. Sa mga liblib na lugar, halos ayaw idiin ng mga mag-aaral ang lapis nila upang hindi mapudpod agad. Ang mga papel naman ay sinisinop upang ang likod na hindi nasulatan ay magamit pa.

 

Ang ginagawa kong pagpapaalala ay maaaaring ituturing ng walang halaga dahil tungkol sila maliit na bagay din. Ang dahilan nila ay….”kung may magagastos naman, bakit kailangan pang magpakahirap sa pagtipid?”.

 

Subali’t ang pinakamalahalagang tanong…hindi ba ang tao ay galing sa dalawang maliliit na “bagay” na pinag-isa ng kalikasan upang magkaroon ng buhay?

Helping the Tagbanuas of Northern Palawan

Color My World

The Tagbanuas are considered one of the oldest tribes in the Philippines. Mainly found in northern and central Palawan, the dark-skinned Tagbanuas are possible descendants of the Tabon Man, one of the earliest humans recorded in the Philippines.

tag3 The Tagbanuas, an old indigenous tribe in the Philippines, scattered along the areas of central to northern Palawan. (courtesy of thejoysofjourneying.wordpress.com)

The Tagbanuas are a simple, yet fiercely independent lot. They were never conquered by the Spanish, and the establishment of a Leper Colony in Culion during the American regime would only serve to isolate the island’s native inhabitants all the more. It was only after the intense evangelization efforts of foreign missionaries in the early 60s that development would start to set in for the Tagbanuas of Culion.

tag4 Educating the Tagbanuas in far-away Culion. (courtesy of choosephilippines.com)

The leper colony would later be phased out with the onset of advanced treatment methods…

View original post 1,269 more words