Ang Walang Kamatayang “Human Rights” bilang Depensa ng mga Kriminal

ANG WALANG KAMATAYANG “HUMAN RIGHTS”

BILANG DEPENSA NG MGA KRIMINAL

Ni Apolinario Villalobos

 

BAKIT MARAMI ANG NAPAPATAY NA MGA TAONG MAY KINALAMAN SA DROGA?…DAHIL SOBRANG DUMAMI SILA BAGO UMUPO SI DUTERTE, PALATANDAAN NG KAPABAYAAN NG MGA DAPAT MAGPATUPAD NG BATAS AT KALAMYAAN NG MGA MAMBABATAS AT MGA UNANG NAMUNO NG BANSA. ANG MGA MAIINGAY TUNGKOL SA “HUMAN RIGHTS” AY ISANG PANIG LANG NG KARAPATANG ITO ANG TINITINGNAN – ANG “KARAPATAN” NG MGA KRIMINAL…AT BULAG NAMAN SILA SA KARAPATAN NG MGA BIKTIMA.

 

ANG NAKAKATAWA PA, MAY MGA SAKSI NA NGANG NAKAKITA SA KRIMEN AY “HUMAN RIGHTS” PA RIN NG KRIMINAL ANG GUSTONG IBANDERA NG MGA “HUMAN RIGHTS” ADVOCATES KUNO NA ITO! KUNG NAGDEPENSA SA SARILI ANG BIKTIMA AT NAPATAY ANG KRIMINAL, DAPAT PA RIN DAW IMBESTIGAHAN!….YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAWINDANG-WINDANG ANG BUHAY NG TAO….ANG PAG-ABUSO NG MGA BATAS NA ANG GAMIT AY “HUMAN RIGHTS”!

 

NGAYONG GINAGAWA NG PRESIDENTE ANG DAPAT NIYANG GAWIN AY MAY MGA NARIRINIG NA NAMAN TUNGKOL SA “HUMAN RIGHTS”. ANG MGA TAONG NAGTUTULAK, MGA DRUG LORDS, MGA PULIS AT MGA OPISYAL NG GOBYERNO NA NAGPAYAMAN, NAKAISIP BA NG KARAPATANG ITO NG MGA BIKTIMA NILA? BAKIT TILA ANG MGA TAONG IBINOTO NG MGA PILIPINO AT ITINALAGA SA MGA PUWESTO UPANG MAGING TAGAPAGTANGGOL AY PALAGI NA LANG INIISIP ANG KARAPATAN NG MGA KRIMINAL KAYSA MGA KAWAWANG BIKTIMA? HINDI BA NILA NAISIP NA DAHIL SA GINAWA NILANG KADEMUNUYAHAN AY MAY MGA ANAK NA NANGGAGAHASA NG SARILING INA AT MGA KAPATID?…NANUNUNOG NG BAHAY NA NAKAKADAMAY NG BUONG KOMUNIDAD?…NANANAKSAK NG SARILING AMA?

 

NABATIKOS SI DE LIMA NOON DAHIL WALANG EPEKTO DAW ANG MGA GINAWA NIYANG PAG-RAID SA BILIBID, LALO PA AT BIGLA SIYANG BUMITAW SA TRABAHO UPANG TUMAKBO BILANG SENADOR, KAYA ANG SABI NILA AY PARA YATANG KUMUHA LANG SIYA NG “EXPOSURE MILEAGE”. ANG BUWELTA NAMAN NIYA, SA LAWAK DAW NG BILIBID MALABONG MA-CHECK ANG KABUUHAN NITO. MALIIT BA ANG SWIMMING POOL UPANG HINDI MAPANSIN? BIGLANG NABIGLA  DIN ANG SAMBAYANAN NANG IBRODKAST NA KAMAG-ANAK DAW PALA NIYA ANG PILIPINONG DETINADO NA HIGH-TECH ANG “SELDA” AT MAY RECORDING STUDIO PA. DAHIL SA MGA PANGYAYARI, MISTULA DAW ININSULTO ANG KATALINUHAN NG MGA PILIPINO NA GINAWANG BOBO AT NILOKO SA KABILA NG PAGTITIWALANG IBINIGAY NILA.

 

BATAY SA SINASABI NI DUTERTE AYON SA MAINGAT NA SINIYASAT NA MGA IMPORMASYON, MATAGAL NA PALANG NAG-OOPERATE ANG DRUG “TRIAD” NG MGA INTSIK SA LOOB NG BILIBID. SA KATAGALAN NG PAMUMUNO SA DEPARTMENT OF JUSTICE, IMPOSIBLENG HINDI ITO ALAM NI DE LIMA DAHIL ANG ILAN SA KANYANG MGA AHENSIYA AY MAY PONDO PARA SA INTELLIGENCE GATHERING. MAY MGA NAGTATANONG TULOY NA BAKA BINIGYAN SIYA NG KOPYA PERO HINDI NIYA PINANSIN…SANA HINDI TOTOO.  SANA AY TUMAHIMIK NA LAMANG SIYA TUNGKOL SA ISYUNG ITO AT MAGMASID KUNG MAY MAGAGAWA NGA TALAGA SI DUTERTE AT SAKA NA LANG SIYA PUMALAG KUNG MAKITA NIYANG HANGGANG PANGAKO LANG ANG BAGONG PRESIDENTE. HINDI SIYA DAPAT MAKIPAGSABAYAN DAHIL NAKAKASAGABAL LANG SIYA. ANG BATAYAN NG MGA KILOS NIYA NA “HUMAN RIGHTS” AY HINDI NA BUMENTA NOON. DAPAT PA NGA AY MAKIPAGTULUNGAN SIYA SA BAGONG ADMINISTRASYON DAHIL NASA SENTRO ANG AHENSIYANG PINANGGALINGAN NIYA…NA MAY BAHID NG KAPABAYAAN. SANA NAMAN AY HINDI SIYA MAPAGDUDAHAN DAHIL SA GINAGAWA NIYA.

 

DAHIL DROGA ANG MAINIT NA ISYU NGAYON, PALAGING NABABALITA, PALAGING NAHAHAGIP NG KAMERA….MAY MGA GUSTONG SUMIKAT, KAYA NAKIKISAKAY! MAY MGA TAUHAN NAMAN SILANG PWEDENG MAG-RESEARCH TUNGKOL SA MGA TAONG SANGKOT AT PINATAY, BAKIT HINDI IPAGAWA ITO UPANG HINDI SILA MAPAHIYA PAGKATAPOS NILANG MAGTANGGOL SA “HUMAN RIGHTS” NG MGA KRIMINAL NA ITO NA MISMONG MGA KAANAK AT MGA KAIBIGAN ANG NAGSASABING TALAGANG SANGKOT SILA SA DROGA AT PINAGSABIHAN NA NGA DAW PERO AYAW PA RING TUMIGIL. LAHAT SILA AY MAY MGA RECORD NA AT DAHIL MAY MGA “FINANCIER” AY LABAS-MASOK SA KULUNGAN. HINDI PA BA ITO SAPAT? BAKIT MANGHINAYANG SA BUHAY NA NAGBIBIGAY LANG NG SALOT SA LIPUNAN? ANG BALAK NA IMBESTIGASYON NA GUSTONG GAWIN NG KONGRESO AT SENADO AY PAGSASAYANG LANG NG PERA NG BAYAN!

 

MAY MGA LUMULUTANG NANG BALITA NA ANG PAGSURENDER NG ILANG PUSHER AY PALABAS LANG. AT DAHIL HINDI IKINULONG, SA “LABAS”  AY BUMABALIK PA RIN DAW SILA SA KANILANG BISYO AT PAGTUTULAK. ITO BA ANG “HUMAN RIGHTS” NA SINASABI NG MGA NAG-IINGAY? MALINAW NA TALAGANG NARARAPAT ANG “KAMAY NA BAKAL” UPANG MATIGIL ANG SALOT NA DULOT NG DROGA SA LIPUNAN!

 

ANG GINAGAWA NG BAGONG ADMINISTRASYON AY HINDI DAPAT BALEWALAIN DAHIL NAPAKASELANG BAGAY. DITO NAKASALALAY ANG KINABUKASAN NG MGA KABATAAN, EKONOMIYA, AT NG BANSA SA KABUUHAN. HINDI ITO DAPAT HARANGAN NG MGA TAONG GUSTO LANG MAGPASIKAT.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s