Tag-ulan na naman….

Tag-ulan na Naman…

Ni Apolinario Villalobos

Tag-ulan na naman. Tulad ng inaasahan, kikilos na naman ang pamahalaan sa paglinis ng mga daluyan ng tubig sa kalakhang Maynila. At, papasyal na naman ang mga pulitiko sa mga “buhay na boto” na nakatira sa tabi ng mga estero at ilog na namumuwalan na sa dami ng basura. At lalabas sa TV ang tagapagsalita ng Malakanyang upang magsambit ng mga pangako sa pagpapalipat ng mga informal settlers sa mga relocation sites. Paulit- ulit na sinasabi, taon-taon na lang, na may pondo naman daw na magagamit. Ang tanong naman ng taong bayan…nasaan?

Tag-ulan na naman. Nakailang taon na rin ang lumipas para sa mga biktima ng karahasan sa Zamboanga, pero hanggang ngayon, nasa evacuation center pa rin sila. Marami na rin ang namatay sa sakit dulot ng hindi malinis at masikip nilang kapaligiran. Nakailang taon na rin makalipas ang bagyong Yolanda, ngunit ang mga biktima ay nakatira pa rin sa maliit na “temporary shelters” na ang pagpatayo ay pinagkitaan pa ng mga tiwaling opisyal.

Tag-ulan na naman. Ang mga nasirang paaralan noong nakaraang mga bagyo, nakatayo pa rin, hindi ginalaw, wala raw pondo. Baka ang ibig nilang sabihin ay wala nang natirang pondo sa kaban ng bayan dahil ibinulsa ng mga magnanakaw na kapit-tuko sa katungkulan. Ang mga tulay na nilaylay ng pinakahuling bagyo…laylay pa rin, yong iba ay putol, kaya ang mga apektadong tao tumatawid sa mga rumaragasang ilog o nakikipagsapalan sa mga kawayan at lubid, umiindayog sa bigat nila at ihip ng hangin.

Tag-ulan na naman. Sisinghap–singhap at giginawin na naman si Juan, biktima ng baha at bagyo, maghihintay ng kakarampot na relief goods mula sa Department of Social Welfare (DSW).(Dagdag kaalaman: noong unang panahon ang tawag sa DSW ay Social Welfare Administration (SWA). Pinalitan dahil sinabi ng mga Pilipino noong unang panahon na mas angkop daw tawaging “SWApang”. Maski pa nabago ang pangalan ng ahensiya, wala pa ring nabago sa mga pamamalakad nito dahil ampaw pa rin.

Tag-ulan na naman. Magpapaligsahan na naman sa pagpatak ang ulan at luha ng mga taong walang masilungan, lulutang-lutang kung abutin ng baha, kumakapit sa mga puno kung bumayo ang bagyo, at nagtitiis sa pagkulo ng tiyan kung hindi mabigyan ng iilang pirasong instant noodles at ilang kilong bigas.

Tag-ulan na naman….ganoon nang ganoon na lang ang mga kuwento ng buhay ng mga kawawang Pilipino – walang pagbabago! …dahil walang awậ kung hagupitin ng kalikasan at masisibang tao sa pamahalaan!

Kung tulong ang ulan sa natutuyong mga dam at palayan, dusa naman ang dulot nito sa mga taong walang masilungan at ang inaasahan pa ay mga tumpok-tumpok na paninda sa bangketa at bilao. Subalit dahil matibay naman ang kanilang pananampalataya…pinapasa-Diyos na lamang nila ang kanilang kapalaran dahil lahat na kayang gawin ay ginawa na nila.

Ipagdasal natin sila ngayong tag-ulan….

Ang Ulap at Pangarap

Ang  Ulap at Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

Sa kalawakan, nakakatuwa silang masdan

Lumulutang, animo bulak, iba’t- ibang anyo

Sa isang iglap ay napakabilis ng pagbabago

Bigay ay ligaya sa nakakaramdan ng siphayo.

Sa kalawakang maaliwalas at kulay bughaw

Animo ay mga gasa at mangilan-ngilan lang

Kaya’t sa kanilang kalat-kalat na kanipisan –

Langit ay mistulang hubad kung pagmasdan.

Mga puting ulap, minsan ay nagkukulay abo

Badya ay masamang panahon, bagyo’t ulan

Sa kapal, kalawakan nama’y nalalambungan

Na nagdudulot ng pagkulimlim sa kalupaan.

Ganyan din ang buhay, mayroong mga ulap –

Sila’y pangarap, maraming hugis, kaaya-aya

Silang sa buhay natin, ang dulot ay pag-asa

At sa bawa’t tao, mga hugis nila ay magkaiba.

Subali’t kung mamalasin ang isang nangarap

Ang magandang hugis nito’t kulay ay nag-iiba

Nagiging abo, nalulusaw, hanggang mawala –

Na sa kalooban ng iba, ang dulot ay panghihina.

Subali’t hindi dapat manimdim ang nakaranas

Dahil may kasabihang sa kabila nitong mga ulap

Ay may pag-asang nakalaan para sa ating lahat –

Basta magtiyaga upang matamo ang pangarap!

Enslavement to Earthly Desires….results to exploitation of others

 Enslavement to Earthly Desires

…results to exploitation of others

By Apolinario Villalobos

We become what we choose in life. We can be nice if we want to, yet, we choose oftentimes, what are the easiest things to do which are the opposite. The earthly desires are all centered on the “self” of our person – our ego. On the other hand, the nice things entail sacrifice, “outward” acts that we do. Earthly desires result to selfish satisfaction while the sacrifice tends to satisfy others which some of us cannot even afford to imagine.

Enslavement to earthly desires may develop as a result from what we observe around us. We learn from the acts of our parents, siblings, neighbors, and other people. Practically, everybody learns from everyone else – a malevolent process. If a child belongs to a family with weak spiritual foundation, hence, the acts of the members are ruled by malice, then, what he sees…he will practice, too, expectedly, as he grows to become a member of the society.

Citing the government cannot be avoided in this regard, as it is supposed to provide us with all the needed corporal security. In a corrupt government such as that of the Philippines, the adage, “if he can do it, I can do it, too” becomes the rule. In other words, if an official can have the courage to rob the coffer or the treasury, then some of his colleagues may develop the same courage to do the same act. That is how the learned evil and selfish desire work. On the other hand, investigations on the crime may also be tainted still with self-serving intent on the part of the conducting parties… another earthly desire!

Meanwhile, the poor and exploited constituents are left gaping in wonder if justice can be had…that is the sorry state of the Philippines.