Claudio…..for Claudio Estante

Claudio
(for Claudio Estante)
By Apolinario Villalobos

Just when others quiver at the sight of a coming storm
Tremble at the sound of a deafening thunder
Give way to the gusty wind of a swirling typhoon
This man stayed put with eyes never blinking –
With courage, he stayed amidst life’s turmoil;
All the way, this man stood tall.

He worked without expecting so much to gain
But trusting and loyal friends surrounded him till end
For how can one be not drawn to his radiant smile
And teasing twinkle of eyes that mirrored his soul ?
This man, indeed, friends will never forget
As even in a milling throng, he stood out tall.

The few miles of his life, he took with careful stride
Knowing that someday come what may, he’ll call it quits
He’ll face the day and reckoning will be made
Hence, just when the light of his life started to flicker
He prepared for the day he’s been waiting;
So even in silence his innocent smile did not leave his lips
For at the pearly gate as he shall wave to all –
He shall do it proudly while standing tall.

(Claudio Estante initiated the operation of the Department of Social Welfare in Tacurong in the mid-70’s during which the encounters between the Christian Ilagas and Muslim Black Shirts were at their worst. He spearheaded the distribution of relief goods throughout the province with Tacurong as the base. Tacurong which was then a struggling municipality during that time was under the mayorship of Jose Escribano. When he retired, Mr. Estante organized the senior citizens of the city. He was at the helm of the organization until he finally rested in July 5, 2012.)

Ang Mga Ninuno ng mga Tsino ay Mangangalakal, hindi Mananakop…kaya hindi sila dapat idahilan sa issue ng West Philippine Sea

Ang mga Ninuno ng mga Tsino ay Mangangalakal
Hindi Mananakop…kaya hindi sila dapat idahilan
sa issue ng West Philippine Sea
Ni Apolinario Villalobos

Unang-una, hindi dahil ang West Philippines na tinatawag ding “South China Sea” ay may “China”, ay nangangahulugang pagmamay-ari na ito ng mga Tsino. Ang pangalang “South China Sea” ay ginamit bilang reference o batayan ng direksyon ng mga manlalayag noong unang panahon. Wala ni isa mang pahina ng history books ang nagsasabi na sinakop ng Tsina ang karagatang ito. Mangangalakal ang mga Tsino noon kaya kung saan-saan sila nakakarating at ginawang animo ay “highway” ang pinagtatalunang karagatan. Nadatnan ng mga Kastila ang mga Tsino noon bilang tahimik na mga negosyante, subalit may pagkatuso nga lang. Sinona o pinatira sila sa iisang lugar sa kabila ng Pasig at tinawag itong “Parian”. Tinawag din silang “Sangley”, na ang ibig sabihin ay “trader”. Ang Parian ay ang maunlad na ngayong Manila Chinatown, ang kauna-unahang Chinatown sa buong mundo.

Patunay sa kawalan nila ng intensyong manakop ang hindi pagtulong ng emperor ng Tsina noon sa mga Tsino sa Manila, nang mag-aklas ang mga ito laban sa pagmamalabis ng mga Kastila na umabot sa madugong labanan. Ayaw kasi ng emperor nila noon na umalis sila ng Tsina at tumira sa ibang lugar, kaya lumalabas na para silang itinakwil. Nagkaroon pa nga ng tinatatawag na “Bamboo Curtain” noon dahil sa inasal ng Tsina na hindi pakikipagrelasyon ng lubusan sa ibang bansa.

Kaya ang sinasabi ng mga lider ng Tsina ngayon na “nakakahiya” sa kanilang ninuno kung hindi nila ipaglalaban ang “karapatan” nila sa West Philippine Sea ay malabo. Ideya na lang yan ng mga pinuno ng Tsina ngayon dahil nangangailangan sila ng mapaglalagyan ng iba pa nilang mamamayan na umaapaw na sa mainland China, at nangangalap din sila ng pagmumulan ng langis na sinasabing matatagpuan sa West Philippine Sea. Bumabagsak na kasi ang Tsina at nadagdagan pa ng problema nila sa Hongkong dahil gustong kumalas mula sa mainland ang mga Honkongites.

Noong panahon ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng joint exploration sa West Philippine Sea ang Tsina at Pilipinas, para sana sa joint exploitation ng matatagpuang langis. Subalit nang makumpirma na mayaman nga sa langis ang ilalim ng karagatan, biglang kumalas ang Tsina sa magandang pakikipagtulungan. Tumahimik sila, at nang bumuwelta ay umiba na ang tono ng kanilang sinasabi, at inungkat pa ang “nine dash” na kaek-ekan nila. Dahil sa “nine dash” na yan, pinalabas nilang “sakop” daw nila ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, kaya nag-double time sila sa pag-reclaim ng mga bahura upang maging artificial islands ang mga ito. At, dahil pa rin diyan ay nagkaroon na ng “extension” ang kanilang nasasakop na teritoryo. Ngayon, lumalabas tuloy na talagang legal ang pangangamkam nila! Mga tuso nga…hindi na nagbago!

Mula noong naging aktibo ang Tsina sa pag-reclaim ng mga bahura sa West Philippine Sea, nasira rin ang maganda sanang samahan ng mga Pilipinong mangingisda sa mga kapwa nila mangingisdang Tsino, pati na sa mga nagpapatrulyang Chinese Navy. Nagpapalitan pa sila noon ng pagkain. Ang alam kasi ng lahat noon ay “neutral” ang nasabing karagatan dahil may iba pang mga bansang umaako sa mga bahagi nito, tulad ng Brunei, Malaysia at Vietnam, at wala pang maayos na napapagkasunduan hanggang ngayon.

Ayaw ng Tsina na mamagitan ang United Nations dahil alam nitong kung makialam ang ibang bansa, lalo na ang malalaki, ay matatalo sila. Ang gusto ng Tsina ay bilateral talk lamang sa pagitan nito at ng Pilipinas. Kung mangyayari ito, Pilipinas naman ang matatalo dahil siguradong dodominahen ng makapangyarihang Tsina ang usapan.

Ngayon, ang mayabang na Amerika ay walang magawa kundi mamangha at magbanta. Ang mga bansa namang nakiki-angkin din ng bahagi sa nasabing karagatan ay tahimik lamang dahil walang magawa. Ang isang maliit na hakbang kasi na gagawin ng maliliit na bansang nakiki-angkin ay maaaring gawing dahilan ng Tsina upang lumusob sa kanila. Sa katusuhan ng Tsina, maaari nilang sabihin na ito ay “act of aggression” o di kaya ay “trespassing”, at ang matindi ay baka sabihin nilang nilulusob sila! Hindi malayong mangyari ito, dahil sa kasisinungaling nila, pinapalabas pa nga nila na sila ang inaapi ng Pilipinas dahil nagsampa ito ng reklamo sa United Nations!

Kung sakaling magkaroon ng labanan sa karagatang ito, ang kawawa ay mga bansa ng Timog –kanlurang Asya na ilang daang milya lang ang layo sa mga bahura, kung saan ay mayroon nang base-militar ang Tsina. Malabong asahan ang Amerika na wala naman talagang naitulong sa Pilipinas mula pa noong pinalitan nila ang mga Kastila bilang mananakop. Nagtayo nga sila ng mga eskwelahan, mga tulay at kung anu-ano pa, pero ang kapalit naman ay ang walang pakundangang pakialam sa pamamalakad ng ating gobyerno at pangangahas (exploitation) sa ating likas-yaman (natural resources).

Ang malinaw ngayon, naisahan ng mga Tsino ang wise na mga Amerikano. Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng base- militar sa Pilipinas noon ang mga Amerikano ay upang mapangalagaan nila ang kanilang mga interes sa rehiyong ito ng Asya, kaya nga hanggang ngayon ay may base-militar pa rin sila sa Okinawa, Japan. Malas lang nila dahil napatalsik sila noong panahon ni Erap Estrada. Ang ginawang paraan na lang upang maparamdam ang kanilang presensiya sa rehiyon ay ang pagkaroon ng taunang joint military exercises na nakapaloob sa isang tratado na kinukuwestiyon naman ng mga makabayang sector. Ngayon, ang pinakamasakit na black-eye nila ay ang kabiguang maunahan ang mga Tsino sa West Philippine Sea. Akala nila kasi ay hanggang pagnenegosyo at pamemeke lang ang alam ng mga Tsino. Dahil sa mga pangyayari, napatunayang hindi pala ganoon kagaling ang Amerika, na nagbigay ng kahulugan sa kasabihang, “matalino man daw ang matsing ay napaglalangan din!”

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.