Sa Pilipinas, Pakapalan ng Mukha ang Labanan sa Pulitika

Sa Pilipinas, Pakapalan ng Mukha

ang Labanan sa Pulitika

Ni Apolinario Villalobos

Kung hindi matapang ang hiya ng isang tao, hindi siya pwedeng pumasok sa larangan ng pulitika sa Pilipinas kung saan ang labanan ay pakapalan ng mukha. Nakakatulong din ang pagkakaroon ng pangalan na kilala na sa larangang ito, kaya sumibol ang “political dynasty”. Ang palaging sinasabi kahit kahiyaan na ay, “nandito na rin lang sa pulitika, lubusin na”…kaya nagkakanya-kanya ng hakot ng kapamilya ang mga walang hiyang pulitiko upang maipasok sa larangang ito.

Para sa baguhan at hindi kilala, nagsisimula ang pakapalan ng mukha sa araw na magpilit siyang kaya niyang tumakbo sa isang posisyon at wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya o laitin kahit na ng mga kaibigan niya. Hindi rin ligtas sa mga panglalait ang mga kilala na sa pulitika na gustong tumakbo sa mas mataas na puwesto o di kaya ay tumakbo uli para sa dating posisyon hangga’t pasok pa sa alituntunin, subali’t bistado namang walang ginawa o nagawa kundi mangurakot lang. Talagang makakapal ang mukha!

Sa kaso ng mag-amang Binay, nang tanungin daw ang nakakatandang Binay kung ii-endorso niya ang kanyang junior kung tatakbo ito sa pagka-senador, ang sagot niya: “siyempre, dahil anak ko yan”. Ganoon sila kakapal sa garapalang pagpapakita ng mga tunay nilang layunin sa pulitika – ang magkaroon ng dinastiya o dynasty. Kung ang Makati ay literal na tinatakan nila ng letrang “B”, ang buong  Pilipinas pa kaya na sa tingin nila ay malaking oportunidad para sa isang malaking negosyo?

Si Mar Roxas ay ehemplo ng pinakamatinding pakapalan ng mukha dahil sa layuning tumagal sa larangan ng pulitika, kesehodang sa tingin ng mga kritiko niya ay nagmumukha siyang tuta ng kanyang iniidolo. Dahil sa ginagawa ni Roxas, nawalan na siya ng “self-respect”, isang palatandaan ng kahinaan kaya lalong nawawalan siya ng pag-asang manalo. Sino ba naman kasi ang boboto sa isang tao na walang sariling disposisyon at umaasa lang sa iba?…ang pagkakamali niya ay ang sumandal sa isang taong ampaw pala! Kung gusto niyang mabawi ang kanyang “self-respect” dapat ay mag-resign siya bilang Secretary ng DILG ngayon na, at tumigil sa kaaasta na parang loud speaker ni Pnoy sa pagsabi ng “tuwid na daan” at “reporma” na puro kathang isip lamang!

Kahit hindi tumakbo uli sa pagka-presidente, kinakapalan din ni Pnoy ang mukha sa pangungulit ng pakikipag-usap kay Grace Poe na sa tingin ng mga Pilipino ay may malaking potensiyal na maging presidente. Natataranta si Pnoy dahil kung hindi niya makukuha ang isang pangako mula sa isang tingin niya ay magiging presidente, siguradong makakasuhan siya at madadagdag sa listahan ng mga babatikusan dahil sa maling paggamit ng pondo ng bayan. Hindi nakakalimutan ng taong bayan ang sinabi ni Grace Poe bilang konklusyon ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre, na dapat ay managot si Pnoy dahil sa kapabayaan. Hindi ito pwedeng bawiin ni Poe dahil siya naman ang malalagay sa kahihiyan.

May mga tumatakbo rin na ang habol lang ay makalikom ng mga “donation” na pera para sa pangangampanya, subalit tinitipid naman upang malaki ang matirang pambulsa. Diyan nagkaroon ng malaking bahay at iba pang ari-arian ang isang kilalang pulitiko na tumakbo sa pagka-presidente pero natalo. Inamin niya sa isang interbyu na galing sa natirang donasyon daw ang kanyang pera upang palabasing hindi siya nangurakot sa kaban ng bayan. Wala siyang choice kundi aminin ang nakakahiyang ginawa kaysa naman madiin sa mga akusasyong may kinalaman sa pangungurakot, subali’t dahil sa kamalasan ay hindi pa rin natanggal ang akusasyon dahil malinaw naman na isa siya sa mga ginamit ni Napoles.

Ang iba naman ay buong kayabangan at katapatang nagsasabi na ang pagpasok nila sa pulitika ay isang “investment” kaya walang problema kung gumastos man sila ng malaki dahil inaasahan naman nila na sa loob lamang ng isang taong pangugurakot ay apat na doble ang maibabalik sa kanila!…at yan ay napatunayan na!

No Historic Landmark or Development can stay for a lifetime in the Philippines

No Historic Landmark or Development

can stay for a Lifetime in the Philippines

by Apolinario Villalobos

 

The politics in the Philippines is one of a kind. It is destructive, as well as, breeds very hideous corruption, that devastates even the foundation of the people’s culture. Greed is the very core of political system in the Philippines. Worst, is that despite the glaring manifestations of committed corruption, those involved keep on denying it.

Every administration of all government units, from the top executive down to the lowest level is fanatically obsessed with political slogans and colors that serve as their stamp. Even long-standing structures which have been budgeted significantly for their construction are not spared. It is expected always, that every time an election for the sets of government officials has been concluded, practically everything is washed over with new colors that stand for the passion of the winners. Along with this, what have been put up by the past administration, are unsparingly destroyed to give way to new ones that shall stand for the “accomplishments” of the sitting set of officials. On the other hand, the sitting government officials may not be totally blamed because unless they broadcast their accomplishments, the people will not know.

As to the historic landmarks that for centuries gave a grandiose image to the country, these are pitifully neglected. Some are renovated to assume a modernistic façade to serve the purpose of the mindless government officials. A sister of the president was even quoted as having indiscreetly remarked that the centuries-old Post Office building at the Bonifacio Park (formerly, Lawton Plaza), can be converted into a hotel. And, just a stone’s throw away from the said landmark is the deteriorating Manila Metropolitan Theater with its peeling walls and crumbling statues.

My heart cringes every time I browse the cyberspace and view the posts of bloggers – photos of the historic landmarks of neighboring Asian countries, all well-maintained and not overshadowed by mushrooming and towering modern edifices. Even the triangular and minuscule “tourist spot”, Intramuros is in a sorry state with its stinking nooks. Perhaps, it will remain as such, a stinking “spot”. It is a shame that we Filipinos always say, that we are proud of our race and country, but these are just verbal declarations without substance.

Yes, we have world-class singers and we have Manny Pacquiao, but it seems that our pride stops there. Our president is even touted as a lame duck, one reason why corruption in the government has worsened. But, as the saying goes, while we live, there is always hope…and as hoping is free, it’s all that the Filipinos can do…hope and pray for the better!