Mga Batang May Pangarap…tulad ko rin noon

Mga Batang May Pangarap

…tulad ko rin noon

Ni Apolinario Villalobos

 

Isang tanghaling katatapos ko lang kumain sa pastilan ni Luz, ay biglang may nagdatingang mga grupo ng kabataan….mga pupils ng Tacurong Pilot Elementary School. Ang pastilan ay malapit lang sa eskwelahan at sa labas ng plaza. Noon ko lang napansing alas dose na pala ng tanghali. Sabi ni Luz, sa kanya kumakain ang mga bata kapag “bitin” ang pera nila kaya nagkakasya na lamang sa isang balot na pastil na halagang Php10 at yong okey lang sa kaning tutong, ito ay libre na, pati ang sabaw. Kaya pala kung minsan ay wala akong naaabutang tutong. Akala ko ay inuubos ni Luz na mahilig din sa tutong. Ang ilan sa mga bata ay nakita ko na sa palengke na nagtatrabaho bilang tagatapon ng basura ng mga tinder at “errand boys”. Umamin ang karamihan sa mga batang wala silang pambili ng pastil at sumama lang sa mga kaibigan nila upang mamasyal sa plaza kaya ginawan na lang ng paraan upang lahat sila ay makakain ng pastil.

 

Maliban sa dalawa na Grade 5 pa lang, ang iba ay Grade 6 na kaya tinanong ko sila kung gusto pa rin nilang mag-aral sa Tacurong…sa National High School. Tatlo ang nagsabing sa Griῆo National High School, sa barangay Griῆo para hindi na daw gagastos sa pamasahe….taga-roon kasi sila.  Nang tanungin ko kung gaano kalayo ang bahay nila mula sa school, binanggit nila ang estimated distance mula sa kinalalagyan namin hanggang sa isang maliit na mall…na ang tantiya ko ay isang kilometro ang layo! Ganoon kalayo ang lalakarin nila mula sa bahay nila hanggang sa eskwela sa umaga at pauwi sa tanghali para mananghalian at babalik para sa klase sa hapon, at pauwi na pagkatapos ng klase….total na lalakarin sa isang araw ay 4 na kilometro!

 

Yong isa ay kukunin ng tatay na nasa Cebu…hindi na ako nagtanong kung bakit nandoon ang tatay at baka may makabagbag-damdaming madiskubre lang ako tungkol sa pagkatao niya. Yong iba ay sa Tacurong National High School na lang daw dahil may mga “suki” sila sa palengkeng “pinagtatrabahuhan”…pagtatapon ng basura at bilang “errand boys” kaya maski papaano ay may kikitain sila.

 

Lahat sila ay may mga pangarap na “maging” pagdating ng panahon. Apat ang nagsabing gustong maging pulis, dalawa ang gustong maging “army”,  ang iba ay gustong maging titser at ang isa ay gustong maging engineer.  Ang isang nahiyang kumain ay binigyan ko na lang ng pera para may pambili siya ng kanit banana cue kapag nagutom dahil may mga nagtitinda naman sa labas ng gate ng school nila. Pero binulungan niya ako ng, “babaunin ko ito bukas, uncle…”.

 

Bilib ako sa kanila dahil lahat sila ay malinis ang pinagkainan…wala ni isang mumo (wasted rice) na naiwan sa dahon ng saging na pinagbalutan ng pastil at pinggan.  Wala ring natirang sabaw sa mangkok. Ang mga pinakita nila ay palatandaan na karapat-dapat silang tulungan.

 

Nakita ko sa mga batang nakausap ko ang buhay ko noong nasa elementary ako na nag-aaral din sa “Pilot” na ang dating pangalan ay “Tacurong Elementary School”. Hindi kalayuan sa kinaroroonan naming carinderia ni Luz ay ang bakery na pag-aari ng mga Garcia at sa tambakan nila ay namumulot ako ng mga pakikinabangan pa, lalo na mga malalaking plastic na supot na ginagamit kong “bag” para sa mga gamit ko sa eskwela at ang mga mas malalaki pa ay pinagtatagpi-tagpi ko upang maging rain coat. Ilang dipa lang din mula sa carinderia ay ang kapitbahay naming may puno ng sampalok na ang mga lagas o mga nahulog na hinog ay pinupulot ko upang ibenta sa eskwela para may pambili ako ng papel man lang. Meron din silang puno ng balimbing na ang mga manibalang na bunga ay hinihingi ko para ibenta sa palengke pati ang mga hinog na bunga ng kaimito (star apple) namin, tuwing Sabado at Linggo. Nagtinda din ako noon ng pandesal sa madaling araw.

 

Tulad ng mga bata ay nangarap din ako noon…libre lang naman kasi!

 

 

Hagdan Tungo sa Pangarap

Hagdan Tungo sa Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

 

Pangarap –

Pangarap na hinahabi

Hinahabi at sana ay mangyari

Mangyari at matupad na mga inaasam

Inaasam at tinatanaw nang may agam-agam

Agam-agam na nagbibigay din ng mga alalahanin

Alalahaning baka hindi mapagtagumpayang mga mithiin

Mga mithiin ito na nagbibigay ng lakas at sa atin ay nagtutulak

Nagtutulak sa ating likuran at lakas na sa harap pa rin ay humahatak!

Pangarap

Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

Ang pangarap ay hindi maiwawaksi ninuman

Dahil itong bahagi ng diwa’y may kahalagahan

Nagpapalakas ng loob sa maalab na pagsikhay

Lakas na kailangan, habang tayo ay nabubuhay.

May nangangarap ng buhay sa loob ng kaharian

Kunwari’y hari, sa ubod-saya niyang  kapaligiran

Sa isang ungos, mga alipi’y  ‘di magkandaugaga

Sa pagsilbi’t pagkilos, lahat ay  nagkakandarapa.

May nangangarap ng yamang hindi mapantayan

Kaya’t lahat na lang ay gagawin, ano mang paraan

Mayroong gumagamit na ng katawan, hindi talino

HIndi bale nang mabuntis, makamit lang ang gusto.

Yong ang hangad ay madaling makuhang yaman

Ang puntirya ay kahit anong  pwesto sa pamahalaan

Naisip kasi nila, saan man sa pamahalaan ay may kita

Depende sa proyektong “lalagakan” ng nakaw na pera.

Mga batang iskwater, aking nakausap naman minsan

Simpleng mga pangarap, laman ng kanilang kaisipan

May gustong maging titser, isa’y pulis, isa’y mensahero –

Mayamang kapitbahay kasi, sa Customs, yon ang trabaho!

Ang pangarap, ‘di lang umiinog sa pera o kaginhawahan

Pati rin sa esperitwal na bagay, o mga gawaing simbahan

Mga pari’y nangangarap din, sana’y dumami ang bumalik

Sa piling ng Diyos, para sa buhay na maaliwalas at tahimik.

Mangarap lang tayo, ito naman ay libre, walang kabayaran

Sa masayang pangarap ang magulong iniisip ay ating palitan

Mahirap kasing sa kaiisip natin ng problemang ubod ng bigat

Baka maikling pisi ng katinuan ay bumigay, dahil ‘di ito sapat!

On the Philippines’ Desire in Hosting International Events

On the Philippines’ Desire in

Hosting International Events

By Apolinario Villalobos

The arrogance of the Philippine government is such that it does not think twice before offering the country as host to an international event despite inadequacies that made up reports about its progress and speeches cannot hide.

The latest issue on the attempted hosting is the failed bid of the country for the FIBA tournament which China got hands down. Not even a Manny Pacquiao or a Lou Diamond Philip was able to help sway the decision of the panel in favor of the Philippines, the wooing strategy of which was pitifully hinged on the Filipinos’ traits, hospitality, tourist attractions. China simply showed the hi-tech airport, venues and absence of traffic. So without much ado, China got it!

The Philippine government must accept the fact that the country has many inadequacies though they cannot stop us from being proud as Filipinos for having beautiful beaches and other tourist attractions. But progress is not just about having beautiful countryside, caves, mountains, etc. We should stop pretending that we are on the same level with China, Japan, and even our neighboring Southeast Asian countries. I am just being honest. We should acknowledge our inadequacies and work on how they can be transformed into plus factors. Unfortunately, the government is so corrupt that even if the people are willing to do their share, their effort becomes futile.

Of what use is hosting international events, if majority of the population is wallowing in almost all kinds of misery? How can we be proud of the crowded premier airports of Manila? How can we be proud of the slums that the tourists see along the way to their hotels from the airport? How can we be proud of the perpetual traffic along all thoroughfares of Manila and even major cities of the country? How can we be proud of the shameful and antiquated mass transit systems? How can we be proud of the opportunistic taxi drivers at the airport terminals of Manila? How can we be proud of the waterways that overflow with garbage resulting to floods even during a short rainfall? How can the Filipinos be proud of their government’s habit to borrow money and spend some of it in hosting international events, instead of their basic needs?

The government should stop this kind of arrogance as it just emphasizes the sickening corruption that eats up its system! It must wake up from daydreaming and bravely face the hurting reality! Hosting international “lively” events cannot hide its failures if that is its objective.

Ang Ulap at Pangarap

Ang  Ulap at Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

Sa kalawakan, nakakatuwa silang masdan

Lumulutang, animo bulak, iba’t- ibang anyo

Sa isang iglap ay napakabilis ng pagbabago

Bigay ay ligaya sa nakakaramdan ng siphayo.

Sa kalawakang maaliwalas at kulay bughaw

Animo ay mga gasa at mangilan-ngilan lang

Kaya’t sa kanilang kalat-kalat na kanipisan –

Langit ay mistulang hubad kung pagmasdan.

Mga puting ulap, minsan ay nagkukulay abo

Badya ay masamang panahon, bagyo’t ulan

Sa kapal, kalawakan nama’y nalalambungan

Na nagdudulot ng pagkulimlim sa kalupaan.

Ganyan din ang buhay, mayroong mga ulap –

Sila’y pangarap, maraming hugis, kaaya-aya

Silang sa buhay natin, ang dulot ay pag-asa

At sa bawa’t tao, mga hugis nila ay magkaiba.

Subali’t kung mamalasin ang isang nangarap

Ang magandang hugis nito’t kulay ay nag-iiba

Nagiging abo, nalulusaw, hanggang mawala –

Na sa kalooban ng iba, ang dulot ay panghihina.

Subali’t hindi dapat manimdim ang nakaranas

Dahil may kasabihang sa kabila nitong mga ulap

Ay may pag-asang nakalaan para sa ating lahat –

Basta magtiyaga upang matamo ang pangarap!

Serendipity and Positive Outlook

Serendipity and Positive Outlook

By Apolinario Villalobos

 

I have friends who confided that in the course of their travel, sometimes, they have a feeling of having been in a certain place that they are visiting for the first time. Some claim to have already heard the conversation they are having on a certain time with an acquaintance.

Still others say that they are familiar with some persons introduced to them for the first time. They insist that it could not just be luck or coincidence because similar incidents of familiarity keep on happening. This coincidence or luck is also referred to as serendipity, kismet, or chance.

 

Another medium of manifestation of serendipity is the dream. Some friends claim that they keep on dreaming of incidents until they finally happen. In my case, I foresaw three deaths in our family. The first when I was about five years old during which I kept on dreaming about an elder sister who had been living with our aunt for more than ten years. One day, while playing in a park several meters from our home, I saw a guy who handed an envelope to another elder sister. In a flash, I thought of my sister in Manila – dead, but I did not entertain such idea, being a young boy. When I went home an hour later, I found my sisters and brothers crying. My premonition about my sister was true! She died of ovarian cancer.

 

The second incident happened one year after the death of my sister. It was about the death of my father. I dreamed that he was bidding us goodbye and with him were old people not familiar to me. He was wearing white trousers and white long-sleeved shirt. My father that time was strong, although, he developed the habit of drinking coconut wine even in the morning. I saw the dream several times. Several months later, my father got sick while suffering from a bloated stomach. Two months later, he died, caused by the cancer of the liver.

 

The third incident happened a little more than one year after the death of my mother. Several times, I dreamed about talking with my father. I even asked him innocently, why he was not yet in heaven. He told me that he was waiting for someone. In my last dream, he told me that he was waiting for my mother. I did not know that during the time, my mother was already suffering from ovarian cancer. We thought all the while that the abdominal pain she was suffering, was caused by hyper-acidity as she had the habit of skipping meals , being a busy single mother who was single-handedly trying to raise nine siblings. She was brought to several quack doctors as we had no money for the regular and licensed ones. One month later, she died.

 

When I was in third year college, I was a student assistant in-charge of cleaning the seven rooms of the Training (elementary) department of our school. I had to wake up as early as three in the morning to start cleaning the rooms and premises using a kerosene lamp. The rooms must be ready by six in the morning during which the teachers would start coming in. I was always praying then, that I could find another job so that I would have more time for studies as I was maintaining an academic scholarship. My work as student assistant provided me with the cash allowance, being on my own, having been orphaned years earlier. While cleaning the rooms, I comforted myself with the imagined office job that would finally come my way. Just before the end of our second semester, the newly-opened Department of Social Welfare and Development (DSWD) in our town hired me as a Welfare Aide which was later upgraded into Youth Development Officer. The agency’s head did not settle for anybody else because I was the unanimous choice of people whom he asked for recommendations. During the interview, I honestly told him about my being a fulltime student. As a compromise, he asked me to work on weekends – Saturdays and Sundays, till late at night if necessary. That time was the height of evacuation of uprooted families from neighboring towns due to Muslim-Christian conflicts. I worked on reports as basis for the issuance of relief goods by the Regional Office. The job developed my familiarity with office work as I was forced to learn how to use the typewriter and prepare reports.

 

I still had dreams which later included those about my travel to far-off places. I did not give them much attention, though. When I graduated I tried my luck for a job with an airline. Among the more than sixty applicants, I was fourth from the last in line. It was almost dusk when I was interviewed. Fortunately, I was among the four who was taken in. Although the branch office where I was interviewed lost my documents, I went ahead with the panel interview which I passed. My first assignment was a not-so-interesting station in a far-off island province. I chose it at the instigation of one of the airline’s lady official. Never did I know that she was giving the opportunity to have more chance of learning the ropes of airline station operation while in that small station. My chance of exposure to different facets of operation was greater than those in bigger stations where my colleagues got stuck with just one particular job. When I applied for a different and a higher position in the head office, my documents again got lost by the office which was supposed to endorse them. I practically wrote another resume while being interviewed for the job. Weeks passed, and as my habit, I imagined myself to have been called by the Manila office to fill up the new vacancy. It happened exactly three weeks after I was interviewed.

 

Looking back at those episodes in my life, made me think that it seems, anything that happens to us is not pure luck. There are contributing factors that are difficult to understand. As among these factors, however, we should not count out His “influence”. Negative incidents such as death and accident could be part of His design of man’s fate. For the rest, however, that will have to come yet, we should look at them with positive attitude, buoyed by our self-confidence. 

Mga Pangarap ni Nanette…isang Batang Prosti sa Avenida

Mga Pangarap ni Nanette

…isang batang prosti sa Avenida

Ni Apolinario Villalobos

 

Nang minsang bumili ako sa isang tindahan sa Baseco Compound, may nakasabay akong batang babae na paulit-ulit na binibilang ang dalang mga barya, habang nakatingin sa naka-display na mga ulam. Nang akmang aalis na walang nabili, kinalabit ko siya at tinanong kung may gusto siyang bilhin na ulam. Hindi siya sumagot, nakatingin lang sa akin. Sabi ko huwag siyang matakot dahil kaibigan ko ang nakatira sa isang barung-barong sa kantong itinuro ko. Kilala pala niya ang mga kaibigan ko. Noon pa lang siya ngumiti at nagsabi na gusto sana niyang bumili ng kalahating ginataang gulay, pero kulang ang pera niya dahil ang iba ay naibili na niya ng bigas na nilutong lugaw. Ibinili ko siya ng ilang piniritong galunggong at dalawang takal na monggong ginisa. Sinabayan ko siya sa pag-uwi. Tanaw mula sa bahay ng kaibigan ko ang tinitirhan nila na isang halos ay magiba nang barung-barong.

 

Sabi ng kaibigan ko, iniwan sina Nanette ng kanilang ama kaya mag-isang itinataguyod silang magkakapatid ng kanilang nanay na ang pinagkikitaan ay ang pagbalat ng bawang at sibuyas. Nagulat ako nang ibulong niya na nabisto si Nanette na umiistambay sa Avenida, kasama ang isang kilalang bugaw. May ibig siyang sabihin na naunawaan ko agad.

 

Nang hapong yon, gumawa ako ng paraan upang makausap si Nanette na tumutulong sa kanyang nanay sa pagtalop ng mga bawang at sibuyas. Kunwari ay nagpasama ako upang bumili ng miryenda para sa kanila at sa mga anak ng kaibigan ko. Habang naglalakad kami, marami kaming pinag-usapan tungkol sa mga kapatid niya na ang isa ay nilalagnat pa. Dahil sa sinabi niya, bumili na rin ako ng gamot panglagnat sa tindahan. Pinakiramdaman ko siya at nang bandang mag-aalas kuwatro na, nagpaalam siya upang maligo daw. Bumalik na lang ako sa kaibigan ko. Subali’t may hinala na akong magbibihis na rin siya upang “rumampa” sa Avenida.

 

Nang makita ko siyang paalis na, nagpaalam na rin ako sa kaibigan ko upang sumabay kay Nanette. Biyaheng Recto ang sinakyan naming jeep. Ang dahilan ko sa kanya, LRT ang sasakyan ko pauwi. Subali’t pagdating sa Avenida, inanyayahan ko siyang kumain muna sa McDonalds. Doon ko na siya kinausap ng masinsinan. Dahil sa tiwalang nabuo, naging tapat siya sa mga sagot sa akin. Inamin niyang nagpapabugaw siya. Noon ko lang din nalaman na labing-anim na taong gulang siya.

 

Siya ang panganay sa kanila…anim sila lahat. Dalawa ang nag-aaral, at siya naman ay biglang tumigil sa kalagitnaan ng second year high school dahil sa paglayas ng kanyang tatay. Mag-isa siyang rumarampa sa tulong ng isang bugaw. Gusto niyang makatapos man lang ng high school kaya may itinatabi siya mula sa kanyang kita. Sa susunod na taon ay magpapa-enroll daw siya. May mga nahingi na siyang mga gamit mula sa mga nakilala niya sa Avenida- dalawang pares na sapatos, isang balat at isang goma, may bag na pwede pang-eskwela at ilang maaayos na damit. Pagkatapos daw niyang mag-high school, papasok agad siyang waitress sa gabi at mag-aaral ng computer sa isang eskwelahan sa Tondo, sa araw. Ito yong vocational course na pang-dalawang taon lamang daw. Malinaw ang mga paglalahad niya ng kanyang mga pangarap.

Nakakaantig ng damdamin ang mga sinabi sa akin ni Nanette…wala siyang kagatul-gatol sa pagsasalita na para bang nanggigil pa. Inisip ko na lang na excited lang siguro siya. Subali’t bigla niyang sinabi na gusto niyang ipakita sa lumayas nilang tatay na kaya nilang mamuhay, at kakayanin niyang magtaguyod sa kanyang mga kapatid katulong ang kanyang nanay.  Yong balak pala niyang ipamukha sa kanyang tatay na kaya nilang mamuhay nang hindi aasa sa kanya, ang dahilan ng kanyang panggigigil.

 

Hindi kami nagtagal ng pag-uusap dahil umiwas ako sa trapik subali’t nangako akong mag-uusap kami uli. Nabanggit ko si Nanette sa isa kong kaibigang balikbayan na nakatira sa Pasay. Pensiyonado siya bilang American citizen  at kaa-approve lang ng dual citizenship kaya nakakuha uli ng Filipino citizenship. Ako ang umalalay sa kanya sa pagpabalik-balik niya sa immigration office, dahilan upang magsabi na kung ano ang kailangan ko, siya naman ang tutulong. Pinaalala ko sa kaibigan ko ang pangako niya, sabay hiling ng tulong para kay Nanette. Chicken feed daw lang pala ang hiling ko.

 

Tinyempuhan namin si Nanette sa Avenida nang sumunod na Sabado at nang makita namin ay niyaya agad na kumain sa MacDonalds kasama ang bugaw niya. Doon binitiwan ng kaibigan ko ang pangakong tulong upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral, kaya sigurado na siyang makakapag-enroll sa susunod na pasukan, kaya lang second year pa rin – nagtawanan kami. Hindi rin napigilan sa pag-iyak si Nanette dahil sa sobrang tuwa, at dahil binigyan ng pera ng kaibigan ko, hindi na nagpabugaw nang hapong yon. Ang kaibigan ko ay nangakong tutulong pa rin kay Nanette upang makapag-aral sa isang government vocational training center, pagkatapos niya ng high school, pero hindi na computer ang ipapakuha sa kanya, kundi welding course na in-demand sa abroad, lalo na sa mga bansang Muslim.

 

Ang mga tulad ni Nanette ang nagpapamukha sa atin na hindi lahat ng pumapasok sa mga alanganin at hindi katanggap-tanggap na trabaho ay masama, dahil karamihan sa kanila ay biktima ng kapabayaan at naitutulak ng matinding pangangailangan.  May pangarap din silang mabuhay ng maayos sa hinaharap kaya sila nagsisikap at malaking bagay ang tulong na walang taling hila-hila ng nagbigay.

 

Hindi tayo dapat mainis sa mga batang yagit na namumulot ng basura o namamalimos. Ang mga bata ay walang kamuwang-muwang kung sila ay magiging bunga ng mga iresponsableng magulang o mayamang mag-asawa na sabik magkaroon ng anak, habang sila ay nasa sinapupunan pa. Sa pagmulat ng kanilang mga mata sa mundo, hindi sila nakakapamili kung saan sila hihimlay – sa sahig ba ng isang barung-barong sa gitna ng tambakan? o sa isang malamig na kwarto ng isang magarang bahay. Kadalasan, sa murang gulang nagagamit pa sila sa pamamalimos ng mga taong maitim ang budhi. Huwag natin silang pagkaitan ng ilang barya o isang pirasong tinapay, kahi’t  may kutob tayong nagmamaang-maangan lamang sila, dahil ang gutom ay hindi kayang itago ng pagkukunwari.