May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino pero hindi Pinansin…

May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino

Pero hindi Pinansin…

Ni Apolinario Villalobos

 

Noong panahon ni Cory Aquino bilang presidente at si Doy Laurel naman ang Bise-Presidente, may proposal pala ang naghihingalo nang si Marcos na ibabalik niya ang 90% na perang sinasabing kinamkam niya at mag-iiwan na lang ng 10% para sa kanyang pamilya kapalit ng pag-uwi niya sa Pilipinas kung saan niya gustong mamahinga nang tuluyan. Pilit pinarating ito kay Cory sa pamamagitan ni Doy Laurel na kahit minsan ay hindi pinagbigyang makausap hinggil dito. Kung pinagbigyan ni Cory si Marcos, sana ngayon ay hindi nagkaka-problema ang gobyerno sa isyung ito. Sa pagpasubasta nga lang ng mga alahas ni Imelda ay pinoproblema na ng gobyerno kaya ang pag-asa ng mga Pilipinong mabawi ang nakaw na yaman ay parang bula na nawala – nalusaw!….at yan ay dahil sa pulitika na malalim na ang pagkakaugat sa sistema ng gobyerno. Wala ring nangyari sa mga sequestration effort dahil napag-alaman na pinagkitaan lang din daw. Ilang dekada na ang nakaraan at ilang presidente na ang pumalit kay Cory, pero ang balak na pagbawi sa mga ninakaw na yaman ay “balak” pa rin hanggang ngayon.

 

Bago pa lang si Cory noon ay napansin nang maraming mga kaibigan at kamag-anak ang naitalaga sa iba’t ibang puwesto….kasama na diyan si Binay na tuluyang iniluklok sa Makati bilang mayor. Bukambibig ni Binay ang utang na loob nito sa pamilya ng mga Aquino, kaya ang malaking katanungan ay kung kakasuhan ba niya si Pnoy at mga kaalyado nito kung mananalo siya bilang presidente. Kaya tuloy marami rin ang nagsasabi na dahil halata namang hindi mananalo si Roxas, ang talagang “fallback” daw ni Pnoy ay si Binay. Dapat pansinin na ni minsan ay hindi nagpalitan ng maaanghang na mga salita sina Pnoy at Binay. Ang bumabatikos kay Binay ay “iilan” na kalaban niya lalo na sina Trillanes, Cayetano at Pimentel, maski ang Malakanyang ay tipid sa pahayag laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito?

 

Hindi pa man bumababa si Cory noon ay marami na ang nag-speculate na makakabalik din ang mga Marcos sa Pilipinas, subalit, kung namayapa na ang dating diktador. Nasa kultura ng Pilipino ang pagiging mahabagin, maawain, kumikiling sa underdog o inaapi na nangyari sa mga Marcos nang hindi pinayagang umuwi habang buhay pa ang diktador kahit naghihingalo na, at lalo na nang hindi pinayagang ilibing ang mga labi niya sa Libingan ng Mga Bayani.  Nasa kultura din ng Pilipino ang hindi pagtanim ng matinding galit kahit hindi makalimot sa mapait na nakaraan. Karamihan kasi ay mga Kristiyano kaya nagising sa mga turo o aral tulad ng pagpapaubaya at pagpapakasakit. Kung hawak ng grupo ni Cory ang Hukbong Sandatahan noong umupo siya, lalo pa at nasa likod niya sina Enrile at Ramos, bakit siya natakot sa pagbalik ni Marcos sa Pilipinas ganoong ito ay naghihingalo na? Isa pa, bakit hindi ilagay sa pipirmahan ni Marcos na kung magpapasimula siya ng kaguluhan ay ibabalik siya sa Hawaii?

 

Ang korapsyon sa gobyerno ay patuloy sa pamamayagpag nang umupo si Cory, kaya marami ang nadismaya. Hindi rin napansin ang pagbalik ng mga Marcos sa Pilipinas, at kung may nakapansin man ay nagkibit-balikat na lang. Kung seryoso ang gobyerno ni Cory noon na hindi pabalikin ang pamilya, bakit hindi gumawa ng mabigat na batas para dito? Nagkaroon ng bagong Konstitusyon noong panahon niya, bakit hindi gumawa ng batas na haharang sa “political dynasty”? Ngayong sumabak sa pulitika ang mga miyembro ng pamilya Marcos maliban kay Irene, at si Bongbong ay maraming sinasabi upang linisin ang pangalan nila, ay saka naman nagri-react ang mga mapagkunwaring marurunong daw. Hindi dapat sisihin si Bongbong dahil anak siya ng taong binabatikos kaya umiiral ang likas na damdamin niya bilang anak. Kung noon pa lang sana ay hinarangan na ang mga Marcos bago nakabalik, wala na sanang mga binibitiwang mapagkunwaring mga salita ang mga nasa puwesto pa at ibang aali-aligid na mga hunyangong pulitiko…naghihintay sa bagong mahahalal na presidente na uungguyin na naman nila at hahalikan sa paa at puwet!

 

Ngayon, sa henerasyon ng mga kabataan na karamihan ay walang kamuwang-muwang sa People Power dahil hindi naman ito itinuturo sa mga eskwelahan, ang mga nagpakitang-gilas noon na magbabangon daw sa nakalugmok na Pilipinas ay nangangako pa rin….at may nagbabanggit pa ng tuwid na daan! Pinipilit ding agawin ng mga gahamang ito ang karangalan sa pagpatalsik sa diktador, mula sa mga nagbuwis ng buhay na mga estudyante, mga madre na humarang sa mga tangkeng pandigma sa EDSA, sa mga nagpakagutom sa lugar pa ring yon ng kung ilang gabi at araw, at sa mga magsasakang nagtiyagang makisakay sa mga trak at naglakad makalahok lang sa pagpapatalsik. Tanggap ko na ang nagsilbing mitsa ng People Power ay kamatayan ni Ninoy Aquino, pero hindi dapat kalimutan na ang langis na nagpaapoy sa mitsa na yan ay ang katapangan, dugo at buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Paano na kung walang sumipot sa panawagan ni Cardinal Sin?… siguradong nilangaw ang EDSA at nakalaboso sina Enrile at Ramos!

 

Dahil sa kapabayaan ng mga namuno na nagsimula nang mawala si Marcos, nagpatung-patong na ang iba’t ibang uri ng korapsyon. Dahil ang mga dati nang mayaman ay lalo pang yumaman, wala silang problema ano man ang mangyari sa Pilipinas….samantalang ang mga mahihirap ay lalong naghihirap at nakanganga sa harap ng mga ampaw na pangako na naman…ngayong palapit na ang eleksiyon!

4 thoughts on “May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino pero hindi Pinansin…

  1. I think that story is apocryphal. Parang PR ploy ng current Marcoses para bumango ang mabahong pangalan nila.

    Someone as greedy as that family will give up a huge chunk of their ill-gotten wealth just for sentimentality? Incredible! I say, “if you can’t take life with a grain of salt, try pepper!”

    Sent from my iPad

    >

    Liked by 1 person

    • actually, that story leaked after Cory stepped down pero hindi na lang pinansin dahil wala na nga naman siya…pinaasa ni Cory ang taong bayan na kaya niya at PCGG ang pag-recover ng ill-gotten wealth at may pangako pa yata noon na bago bumaba ay marerekober na lahat….sa book na written ni Salonga about the recovery ng ill-gotten wealth, he mentioned that the commission was intended for the “good governance” of the country, parang pang trouble shooting, pero he said hindi niya kaya, so it was given the specific job which is to recover the ill-gotten wealth without even changing its name, kaya if you notice hindi angkop sa talagang ginagawa nito sa name….isa sa reklamo ni Salonga ay hindi pakikinig ni Cory sa mga suggestions ng mga officials na hindi ka-close at kamag-anak….unang suggestion niya bago siya umalis for States para umatend ng hearing on the ill-gotten wealth was, huwag munang mag-appoint ng mga uupo sa local governments ng Rizal dahil nakarating sa kanya na balak okupahin ng mga kamag-anak, subalit pagbalik niya, nakaupo na ang mga Sumulong….I have nothing against the Marcoses…ang ayaw ko ay ang uri ng mga namumuno na walang concern sa tunay na nangyayari sa Pilipinas – silang puro ampaw ang pangako….lalo na ang nakaupong presidente…

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s