Day: March 30, 2016
Be Sensitive to the Desire of Others for Privacy and Mutual Respect
Be Sensitive to the Desire of Others
for Privacy and Mutual Respect
By Apolinario Villalobos
Be sensitive to what our friends want when it comes to their privacy and their subtle desire to be respected as they do to us. We should not throw our weight around them or be nosy about their private affairs, or be too fatherly or motherly, or too elderly in treating them. Some people or friends for that matter are too shy to protest against our intrusive acts. Take note that not everybody is boastful or arrogant or too self-confident, if we have that kind of personality. Be sensitive about our friends’ body language as a simple silence could mean a lot.
We should always remember that what may be applicable to us, may not apply to them. If we allow for instance, friends to just barge in our home without knocking at the door anytime of the day, some of our friends may not, as they consider such act as too presumptuous or worse, abusive. Some friends may not want to be asked about any problem that might be nagging them, as their overly private character has made them too secretive about such sensitive matter.
We should learn how to “give a suggestion” instead of “impose an advice” just because those we want to help are younger than us or belong to a lesser social status. Let respect of their person and wisdom prevail. In this regard and based on my encounters, I found that even some of those who have earned only elementary education have wiser or sounder decisions than those who got educated in prestigious colleges and universities to earn “high-end courses”.
Finally, be careful and ever gentle in browsing through the pages of a book and most of all…do not judge it by its cover.
Duday: Nakadanas Makulong sa Kulungan ng Aso sa Gulang na 9 na taon
Duday: Nakadanas Makulong
sa Kulungan ng Aso sa Gulang na 9 na taon
Ni Apolinario Villalobos
Maliit si Duday, lampas lang ng kaunti sa apat na talampakan (four feet) sa edad niya ngayong wala pang 30 taon, kaya naisip kong noong 9 taong gulang pa lang siya ay kasya nga siya sa kulungan ng aso, na kasama ang asong pit bull ng malupit niyang amo.
Ayon sa kuwento ni Duday, taga-Negros siya at sa edad niyang 9 taon ay itinago siya ng isang recruiter ng mga katulong, sa isang malaking karton upang maipuslit sa barko patungong Maynila. Ni-recruit daw siya upang mamasukan sa Maynila na pinayagan naman ng mga magulang dahil sa labis nilang kahirapan. Pagdating sa Maynila ay idiniretso siya sa opisina ng recruitment agency sa Pasay. Marami daw silang “nakatira” sa opisina habang naghihintay ng mapapasukan, at ang mga inabot niya ay matatanda na at mga tin-edyer. Kalaunan ay dinala siya sa isang bayan ng Cavite at pinagtrabaho sa kamag-anak ng recruiter, at dahil bata pa, ang alam lang daw niyang gawin ay maghugas ng pinggan. Nang masira daw niya ang rice cooker, ikinulong siya ng kanyang amo sa kulungan ng alaga nitong pit bull sa loob ng dalawang linggo. Sa loob ng panahong yon, sabay silang pinakakain ng aso. Dahil kaunti lang ang pagkaing bigay sa kanya, sa sobrang gutom daw ay nadanasan niyang kumain ng dog food na ibinibigay sa aso…ibig sabihin, sa loob ng dalawang linggo ay dinanas niya ang mamuhay na parang hayop!
Mula sa amo niyang malupit, nang sumunod na taon, sa gulang na 10, inilipat siya sa isang bahay sa Cavite City at nanilbihan naman sa matandang mag-asawa at doon nakaranas siya ng makataong pagtrato subalit hindi rin tumagal dahil namatay ang asawang babae. Ibinalik siya sa pinanggalingan niyang bayan sa Cavite pa rin, kung saan ay nagpalipat-lipat siya sa apat na mga amo. Ang naipon niyang pera na mahigit sampung libong piso ay ipinagkatiwala niya sa isang kaibigan na magpupundar daw nito upang lumago, subalit ni anino ng pinagkatiwalaang kaibigan ay hindi na niya nakita.
Noong panahong naninilbihan siya sa pang-apat na amo, nakilala niya ang asawang si Chary na electrician ng isang power line agency. Ang pagsasama nila ay nabiyayaan ng apat na anak, na ang panganay ay 11 taong gulang at nasa Grade 5; ang ikalawa ay 9 na taong gulang at nasa Grade 3; ang ikatlo ay 7 taong gulang at nasa Grade 2; at ang bunsong 5 taong gulang ay ipapasok niya sa preparatory school sa susunod na pasukan. Kahit hirap sila sa pera ay pipilitin daw nilang mag-asawa na igapang ang pagpapaaral sa mga anak.
Tinutulungan ngayon ang pamilya ni Duday ng isang may magandang kalooban na nagpatira sa kanila sa isa nitong compound na may mga paupahang kuwarto, at ang kapalit ay ang kanilang pagiging “bantay”, kaya kahit papaano ay nakalibre sila ng tirahan. Subalit kailangan pa rin nilang kumita, kaya upang makatulong sa asawa ay naisipan ni Duday na magtinda ng mga ulam at ilang pirasong pagkaing pambata. Sa paraang ito ay nairaraos ni Duday ang pagkain nila sa maghapon kahit sa paraang pagpira-piraso ng ulam upang makatipid.
Walang ugaling maglabas ng hinaing o problema si Duday kaya nang umagang masalubong ko siyang humahangos ay wala siyang binanggit na may hinahabol palang taong uutangan sana ng pandagdag sa puhunang pambili ng mga ilulutong ulam. Sa hindi ko maipaliwanga na dahilan ay bigla kong naisipang sundan si Duday.
Nakita ko ang “tindahan” ni Duday – apat na maiikling lumang yerong bubong na nakasandal sa firewall ng gusali, may dalawang plastic na upuan at ang isa ay walang sandalan, maikling “counter”at isang maliit na mesa. Nabisto kong pinagkasya niya ang perang dala nang umagang yon sa kalahating kilong pinaghalong atay at balun-balunan (chicken liver and gizzard) ng manok na ilulutong adobo, kalahating kilong buto-buto ng baka na isisigang, dalawang kilong bigas, ilang pirasong mais na panlaga, at isang balot na toge (monggo sprout)….yon ang mga niluluto niya nang dumating ako.
Nang may dumaang nagtitinda ng isda at gusto sana niyang utangan ng kahit kalahating kilong tulingan sa halagang Php60 pesos ay hindi siya pinagbigyan dahil may Php200 pa siyang utang. Mabuti na lang at may dala akong kaunting halaga kaya ang utang niya ay binayaran ko at binili ko na rin ang kalahating kilong tulingan na nagustuhan niya upang idagdag sa ititindang ulam. Para hindi magkahiyaan, pinaliwanag ko na lang kay Duday na nagpapaikot lang din ng puhunan ang nagtitinda ng isda kaya kailangan din nito ang pera. Sa tantiya ko, ang tinutubo ng nagtitinda ng isda ay hindi aabot ng Php150, at kung malasin pa ay baka uutangin pa rin ang iba.
Sa pakikipag-usap ko kay Duday ay inamin niyang uutang sana siya ng Php1,000 sa taong hinahabol niya noong makita ko siya pero hindi nga niya inabot, kaya inabutan ko siya ng nasabing halaga para maipambili niya ng mga paninda at ilulutong ulam kinabukasan. Ang perang itinulong ko kay Duday nang umagang yon ay galing sa padala ni “Perla”, isa sa mga nagbabasa ng blogs ko, at gagamitin sanang pambili ng salamin ni Anna, ang babaeng nagtitinda ng mga napulot na junks sa Divisoria at ang isang mata ay halos bulag na, nai-blog ko na rin. Pero dahil nalaman kong tinulungan na pala si Anna ng isang pulitikong nangangampanya, binawasan ko ang perang padala ni “Perla” para magamit naman ni Duday. Pinapaliwanag ko lang ito para masagot ang tanong ng ibang mambabasa kung saan ako kumukuha ng pantustos sa mga ganitong gawain dahil mahirap lang din naman ako.
Ang buong pangalan ni Duday ay Luzviminda Legario at ang kanyang asawa ay si Chary Pelarca, na tubong Antique. Nang pasyalan ko si Duday ay nasa trabaho ang asawang si Chary at ang ibang anak ay may mga ginagawa kaya ang isang anak nitong babae ang napasama sa larawan. Bago ako nagpaalam kay Duday ay maluha-luhang inamin niya na halos hindi na niya maalala ngayon ang mukha ng kanyang mga magulang at mga kapatid na naiwan niya sa Negros dahil mula nang ipinuslit siya ng recruiter papuntang Maynila ay wala na siyang komunikasyon sa kanila.
Ilang “Duday” pa kaya meron sa ating paligid?
Experiencing Pure Bliss in Humble Moalboal ( Part 1)
Part 1 : SARDINES RUN in Moalboal
My favourite time of the day is when the sun will begin to emerge in the east showing its glowing glory, splashing its darling hues and gradually erasing the darkness which enveloped the earth several hours before. On one particular day in June and during my favourite time of the day I was in the city of Toledo. I was grateful for that beautiful sunrise. It made me feel good for it offered a promise of hope that the day will be fine. BUT…
View original post 1,837 more words
The Three Sites in Moalboal : Haven for Divers and Non Divers Alike
The Three Sites in Moalboal : Haven for Divers and Non Divers Alike
Sitting in solitude in the seat of the bus and leaning against the window, I looked at the people around. They seemed to be yearning for freedom from the stressed life in the city and desiring to escape from their daily routine. Maybe some were wanting to go home while others were wanting to ramble.
View original post 1,598 more words
Ang Iba’t-ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao…nagtatanong lang naman
Ang Iba’t- Ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao
…nagtatanong lang naman
Ni Apolinario Villalobos
Ano ang silbi ng magaling na abogado kung ang kanyang kaalaman ay binabayaran ng mga tiwali sa pamahalaan, mga big time drug dealers, illegal recruiters, landgrabbers, at iba pa upang maabsuwelto sa mga kaso, o di kaya ay binabayaran ng mga talagang may kasalanan upang ang walang sala na walang pambayad sa isang abogado ay makulong?
Ano ang silbi ng katalinuhan ng isang tao kung gagamitin niya ito upang manloko ng kapwa, o di kaya ay upang makapasok sa larangan ng pulitika kung saan ay nagmimistula na siyang demonyo dahil sa walang tigil na pagyurak sa karapatan ng kanyang kapwa na nagluklok sa kanya sa puwesto upang sana ay makatulong, subalit, kabaligtaran ang ginawa?
Ano ang silbi ng naaaaapaaakahabang dasal, ganoong ang gusto lang namang hingin ng nagdadasal ay yaman “pa more”, di kaya ay kapahamakan ng kapwa na sinasabayan pa ng pagtitik ng kandila?
Ano ang silbi ng dasal na maganda pa ang pagka-kuwadro sa mga facebook na nila-like at sini-share, kung ang gumagawa ng mga ito ay hanggang doon lang ang gusto – ang mag-admire lang sa prayer na maganda ang pagka-layout at may background pa, at ang iba ay may accompanying music pa kung i-like, sa halip na bigyan ito ng buhay sa pamamagitan ng paggamit ng nakasaad sa sinasabi? (maski ilang milyong beses pang mag-share ng “love your neighbor” ang isang taong hindi nagbabago ng masamang ugali, wala ring silbi ang ginawa niya).
Ano ang silbi ng malalaking simbahan kung may araw na sarado ang pinto nila dahil ang mga nangangasiwa sa mga ito ay nag day-off?
Ano ang silbi ng mga sinasabi ng bagong santo papa ng Romano Katoliko para sa pagbabago ng ilang mga “pastol” o mga pari kung hindi naman sila sumusunod?
Ano ang silbi ng K-12 program na nagdudulot ng bangungot sa mga magulang kung hanggang Grade 9 lang ang kaya nilang tustusan, kaya bagsak pa rin ang mga anak nila sa mga contractual na trabaho na sumusweldo ng 200-300 pesos sa isang araw? (nagsayang lang ang mga bata ng dalawang taon na ginugol sa Grade 7- 8, na dapat sana ay katumbas na ng diploma ng high school).
Ano ang silbi ng Kongreso at Senado kung hindi rin lang sila makapagpasa ng mga batas na “angkop” sa mga kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan, dahil mga batas lamang na nakakatulong sa pagtagal nila sa poder ang kanilang inaapura?
Ano ang silbi ng demokrasya kung mismong mga namumuno ay pasimuno sa pag-abuso ng mga karapatan ng mga mamamayan?
Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags to be Sold for a Living
Wilma Palagtiw: Repairs Junked Shoes and Bags
To be Sold for a Living
By Apolinario Villalobos
One early morning, while cruising the old railroad track of Divisoria where junks were sold, I chanced upon a woman who was engrossed in repairing a shoe. Her various wares on display were repaired bags, shoes, and other junk items. She obliged for some photos when I asked her, adding jestingly that I would send them to a movie outfit.
She was Wilma Palagtiw who hails from the island of Negros, so that we comfortably conversed in Cebuano and Ilonggo. She learned the skill of shoe repairing from her husband who has been in the trade for a very long time even before they met. That morning, Felix, her husband was out doing the rounds of garbage dumps for junks.
Without telling me her exact age, she confided that she was almost fifty and has six children with four already doing part-time and contractual jobs in different stalls in Divisoria. The two younger ones are both in Grade 7. Their pooled financial resources are enough to get them going every day with even a few pesos set aside for emergency needs, especially, for school needs of the two younger kids.
I did a quick mathematical estimate of their joint income, such as if a sales attendant of a stall in Divisoria receives 200 pesos a day, multiply it by 4, so that’s 800 pesos a day, and for a straight duty in a month without day off, the four elder children should be earning 24,000.00 pesos. Deduct the lunch for the 4 of them at 50 pesos each, so that’s 200 pesos…hence, 800 (total earning of the 4) less 200, that leaves 600 pesos net earnings of the 4 in a day. Finally, multiply the 600 pesos by 30 days that leaves 18,000 pesos net total earnings for the 4 kids.
Meanwhile, Wilma shared that she and her husband don’t earn much from selling junks. For every item sold, they earn from 5 to 20 pesos “profit” after deducting the cost of materials that they use for the repair of the junks. They cannot afford to offer their goods at a higher price due to stiff competition among “buraot vendors” like them.
The small room that they rent gives them just enough comfort as they retire for the night, especially, for the kids. The worst days for them are those of the “flood months”, as there could be no income for several days. Despite the hardship, Wilma was still all-smile while conversing with me. I had to leave her as customers were beginning to stop by to gawk at her items that are neatly displayed, while she braved the biting heat of the sun at eight that morning.
If only the rest of us are brave and contented like Wilma, then, there would be no more crying to the Lord, blaming Him why there is no pork dish on the table, or why the money is not enough for a brand new cellphone, or why the remittance from a toiling husband abroad is delayed in coming, etc. etc.etc…..