May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino pero hindi Pinansin…

May Proposal pala noon si Marcos kay Cory Aquino

Pero hindi Pinansin…

Ni Apolinario Villalobos

 

Noong panahon ni Cory Aquino bilang presidente at si Doy Laurel naman ang Bise-Presidente, may proposal pala ang naghihingalo nang si Marcos na ibabalik niya ang 90% na perang sinasabing kinamkam niya at mag-iiwan na lang ng 10% para sa kanyang pamilya kapalit ng pag-uwi niya sa Pilipinas kung saan niya gustong mamahinga nang tuluyan. Pilit pinarating ito kay Cory sa pamamagitan ni Doy Laurel na kahit minsan ay hindi pinagbigyang makausap hinggil dito. Kung pinagbigyan ni Cory si Marcos, sana ngayon ay hindi nagkaka-problema ang gobyerno sa isyung ito. Sa pagpasubasta nga lang ng mga alahas ni Imelda ay pinoproblema na ng gobyerno kaya ang pag-asa ng mga Pilipinong mabawi ang nakaw na yaman ay parang bula na nawala – nalusaw!….at yan ay dahil sa pulitika na malalim na ang pagkakaugat sa sistema ng gobyerno. Wala ring nangyari sa mga sequestration effort dahil napag-alaman na pinagkitaan lang din daw. Ilang dekada na ang nakaraan at ilang presidente na ang pumalit kay Cory, pero ang balak na pagbawi sa mga ninakaw na yaman ay “balak” pa rin hanggang ngayon.

 

Bago pa lang si Cory noon ay napansin nang maraming mga kaibigan at kamag-anak ang naitalaga sa iba’t ibang puwesto….kasama na diyan si Binay na tuluyang iniluklok sa Makati bilang mayor. Bukambibig ni Binay ang utang na loob nito sa pamilya ng mga Aquino, kaya ang malaking katanungan ay kung kakasuhan ba niya si Pnoy at mga kaalyado nito kung mananalo siya bilang presidente. Kaya tuloy marami rin ang nagsasabi na dahil halata namang hindi mananalo si Roxas, ang talagang “fallback” daw ni Pnoy ay si Binay. Dapat pansinin na ni minsan ay hindi nagpalitan ng maaanghang na mga salita sina Pnoy at Binay. Ang bumabatikos kay Binay ay “iilan” na kalaban niya lalo na sina Trillanes, Cayetano at Pimentel, maski ang Malakanyang ay tipid sa pahayag laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito?

 

Hindi pa man bumababa si Cory noon ay marami na ang nag-speculate na makakabalik din ang mga Marcos sa Pilipinas, subalit, kung namayapa na ang dating diktador. Nasa kultura ng Pilipino ang pagiging mahabagin, maawain, kumikiling sa underdog o inaapi na nangyari sa mga Marcos nang hindi pinayagang umuwi habang buhay pa ang diktador kahit naghihingalo na, at lalo na nang hindi pinayagang ilibing ang mga labi niya sa Libingan ng Mga Bayani.  Nasa kultura din ng Pilipino ang hindi pagtanim ng matinding galit kahit hindi makalimot sa mapait na nakaraan. Karamihan kasi ay mga Kristiyano kaya nagising sa mga turo o aral tulad ng pagpapaubaya at pagpapakasakit. Kung hawak ng grupo ni Cory ang Hukbong Sandatahan noong umupo siya, lalo pa at nasa likod niya sina Enrile at Ramos, bakit siya natakot sa pagbalik ni Marcos sa Pilipinas ganoong ito ay naghihingalo na? Isa pa, bakit hindi ilagay sa pipirmahan ni Marcos na kung magpapasimula siya ng kaguluhan ay ibabalik siya sa Hawaii?

 

Ang korapsyon sa gobyerno ay patuloy sa pamamayagpag nang umupo si Cory, kaya marami ang nadismaya. Hindi rin napansin ang pagbalik ng mga Marcos sa Pilipinas, at kung may nakapansin man ay nagkibit-balikat na lang. Kung seryoso ang gobyerno ni Cory noon na hindi pabalikin ang pamilya, bakit hindi gumawa ng mabigat na batas para dito? Nagkaroon ng bagong Konstitusyon noong panahon niya, bakit hindi gumawa ng batas na haharang sa “political dynasty”? Ngayong sumabak sa pulitika ang mga miyembro ng pamilya Marcos maliban kay Irene, at si Bongbong ay maraming sinasabi upang linisin ang pangalan nila, ay saka naman nagri-react ang mga mapagkunwaring marurunong daw. Hindi dapat sisihin si Bongbong dahil anak siya ng taong binabatikos kaya umiiral ang likas na damdamin niya bilang anak. Kung noon pa lang sana ay hinarangan na ang mga Marcos bago nakabalik, wala na sanang mga binibitiwang mapagkunwaring mga salita ang mga nasa puwesto pa at ibang aali-aligid na mga hunyangong pulitiko…naghihintay sa bagong mahahalal na presidente na uungguyin na naman nila at hahalikan sa paa at puwet!

 

Ngayon, sa henerasyon ng mga kabataan na karamihan ay walang kamuwang-muwang sa People Power dahil hindi naman ito itinuturo sa mga eskwelahan, ang mga nagpakitang-gilas noon na magbabangon daw sa nakalugmok na Pilipinas ay nangangako pa rin….at may nagbabanggit pa ng tuwid na daan! Pinipilit ding agawin ng mga gahamang ito ang karangalan sa pagpatalsik sa diktador, mula sa mga nagbuwis ng buhay na mga estudyante, mga madre na humarang sa mga tangkeng pandigma sa EDSA, sa mga nagpakagutom sa lugar pa ring yon ng kung ilang gabi at araw, at sa mga magsasakang nagtiyagang makisakay sa mga trak at naglakad makalahok lang sa pagpapatalsik. Tanggap ko na ang nagsilbing mitsa ng People Power ay kamatayan ni Ninoy Aquino, pero hindi dapat kalimutan na ang langis na nagpaapoy sa mitsa na yan ay ang katapangan, dugo at buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Paano na kung walang sumipot sa panawagan ni Cardinal Sin?… siguradong nilangaw ang EDSA at nakalaboso sina Enrile at Ramos!

 

Dahil sa kapabayaan ng mga namuno na nagsimula nang mawala si Marcos, nagpatung-patong na ang iba’t ibang uri ng korapsyon. Dahil ang mga dati nang mayaman ay lalo pang yumaman, wala silang problema ano man ang mangyari sa Pilipinas….samantalang ang mga mahihirap ay lalong naghihirap at nakanganga sa harap ng mga ampaw na pangako na naman…ngayong palapit na ang eleksiyon!

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ang Trapik ay Nasa Ibabaw ng mga Tunay na Problema

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang isyu ng problema sa trapik sa malalaking lunsod ng Pilipinas lalo na sa Manila ay yong sinasabi sa Ingles na “scum” o “froth”. Kung ihahalintulad sa hindi dumadaloy na tubig sa estero, ito yong mga animo ay bumubulang nakapaibabaw sa maruming tubig, at kung sa serbesa naman ay yong lumutang na bula pagkatapos ibuhos sa baso. At, dahil lumulutang agad ay unang nakikita. Ganyan din ang trapik na nakikitang problema sa mga kalsada ng mga lunsod. Subalit, ang katotohanan ay hindi ito mangyayari kung walang problema sa bandang “ilalim” ng sitwasyon. Ang mga sumusunod ay naisipan ko lang na baka mga problema:

 

  • Kaluwagan sa pagbili ng mga bagong sasakyan dahil nagkakamurahan ng presyo….at, hindi kinokontrol ng gobyerno. Kung kontrolin naman ay sasabihin ng mga apektado na laban ito sa karapatan ng isang malayang Pilipino. Ang kagustuhan ng karamihan na bumili ng sasakyan ay bunsod ng kultura ng Pilipino na may kinalaman sa kayabangan. Kahit nangungupahan lang ng kuwarto ang pamilya, halimbawa, ng isang simpleng empleyado ay gusto pa rin ng padre de pamilya na magkaroon ng sasakyan para may pangporma at magamit sa pamamasyal sa Luneta ang pamilya.

 

Para sa mga taong ito, hindi bale nang panay ang utang sa Bombay at halos walang pamasahe sa pagpasok sa trabaho o di kaya ay alaga ng pagmumura ng may-ari ng kuwartong inuupahan dahil sa naaantalang pagbayad ng upa, basta may kotse lang na naidi-display upag kaiinggitan ng mga kapitbahay, kahit walang garahe. Nag-operasyon noon upang mag-tow ng mga sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada, subalit “ningas-cogon” naman dahil makalipas ang ilang araw ay itinigil na.

 

  • Pagpapabaya ng mga mambabatas sa paggawa ng mga batas na may “pangil” at makatotohanan. At, pagpapabaya rin ng mga ahensiyang dapat magpatupad sa mga batas na naipasa na. Hindi rin isinasaalang-alang ang pagtalaga ng karampatang budget sa mga naipasa nang mga batas upang hindi magamit na dahilan ang kawalan nito kaya walang mga gamit at mga karagdagang tauhan, na kadalasang dahilan ng pagtuturuan ng mga mambabatas at mga ahensiya.

 

  • Ang mabagal o makupad sa pagpapatupad ng mga proyekto tulad ng mga kalsada sa lunsod at highway sa probinsiya. At, kung nagawa na, ang mga ito ay palpak kaya madalas ang pagpapaayos agad…halatang gusto lang talagang pagkitaan ng mga tiwaling opisyal at ahensiya. Nagreresulta tuloy ito sa pagdurusa ng mga motorista at commuters …pagdurusang nagsisimula sa paggawa ng mga proyekto hanggang sa pagpapa-repair ng mga ito…samantalang ang mga kurakot ay masaya!

 

  • Ang hindi pagbibigayan ng mga motorista dahil ayaw ng bawa’t isang malamangan. Dahil sa ugaling ito ng mga Pilipinong motorista, yong traffic sign na “Yield” ay walang silbi sa Pilipinas.

 

Sa madaling salita, kaya matindi ang trapik sa Pilipinas ay dahil walang disiplina ang mga motorista, maraming butas ang mga batas na ginawa ng mga tiwaling mambatatas kaya pinagkakaperahan ng mga tiwaling taong dapat magpatupad sa mga ito, at hindi kontrolado ang pagpasok ng mga bagong sasakyan na umaapaw sa mga kalsadang hindi nadugtungan at naluwangan. At, sa mga dahilang yan…nagbubulag-bulagan ang mga nakaupong tiwali na ay kawatan pang pinagkatiwalaan ng taong bayan!

 

 

 

 

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas

at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat ng gumagamit ng kalye ay dapat disiplinado, subalit dahil sa kawalan ng tiyaga, at ugaling palusot ng karamihan sa mga Pilipino, maya’t maya na lang ang mga napapabalitang disgrasya – nabundol na pedestrian, bumaligtad na sasakyan, nagbanggaang mga kotse o trak, nabanggang motorsiklo, at ang pinakamatindi ay bugubugan o patayan ng ayaw magbigayang driver…pati ang alagad ng batas na nagpapatupad ng mga patakaran ay sinasapok din ng mga mayayabang na driver. Sa panig naman ng mga nagpapatupad, nandiyang sila ay pinaparatangang nangongotong!

 

Ang problema naman kasi sa mga gumagawa ng plano ng kalye ay hindi iniisip ang kanilang ginagawa. Ang mga pedestrian overpass ay napakalayo sa mga nakasanayan nang babaan ng mga tao, kaya kaysa mag-overpass pa na kalahating kilometro ang layo sa isang waiting shed, nagbabakasakali na lang ang mga apuradong mananawid sa animo ay pakikipag-patintero sa mga motorista habang tumatawid sa kalsada. Noong panahon ni Cory Aquino ay nagsulputang parang kabute ang mga waiting shed na halatang pinagkitaan ng mga tiwaling kongresista at senador dahil ang karamihan sa mga pahingahang ito ay nagkakahalaga ng isang milyon.  Kung saan saan na lang sila inilagay, basta maibalandra lang ang pangalan ng mga tiwaling opisyal na ito na nag-donate daw, ganoong pera ng bayang pinagkurakutan naman ang malinaw na ginamit . Makaraan ang ilang taon, pinagbawal na ang pag-abang ng mga sasakyan sa mga overpass na ito at wala man lang directional sign kung saan dapat mag-abang ang mga pasahero. Na-expose pa sila sa init at ulan…samantalang ang mga korap na mga kumitang opisyal ay abot-tenga ang ngisi dahil sa laki ng mga nakurakot.

 

Sa panahon ngayon, nauso ang paggamit ng motorsiklo, kaya nagpasiklab ang noon ay pinuno ng MMDA na si Tolentino sa pagtalaga ng mga “motorcycle lanes” sa iilang lugar. Subalit dahil matigas ang ulo ng mga nagmamaneho ng mga motosiklo ay hindi rin ito nasunod dahil tuloy pa rin ang animo ay ahas na palusot-lusot nila sa trapiko. Bandang huli, ang mga lanes na ito ay nawala. Naglagay din ng yellow lane para sa mga pampasaherong bus, subalit dahil ayaw pumila ng karamihan ng mga bus driver na nag-uunahan sa pagdampot ng pasahero ay hindi rin ito nasunod. Maliit lang din ang multa kaya malakas ang loob ng mga bus driver na sumuway.

 

Naglagay ng mga plastic barrier sa mga main road tulad ng EDSA, at tulad ng dapat asahan, dahil sa ugali ng karamihan sa mga Pilipino na reklamador, ay tila nabuhusan ng malamig na tubig ang proyekto. Ang matindi pa, tinatanggal ng mga sira- ulong motorista ang mga barrier kung walang traffic enforcer na nagbabantay lalo na sa dis-oras ng gabi. Ganito rin ang nangyari sa pagsara ng ibang U-turn slots upang tumuloy-tuloy sana ang takbo ng mga sasakyan at upang mapigilang makasagabal ang mga lumilikong sasakyan sa daloy ng trapiko. Inereklamo ito ng mga motoristang nagmamadali at ang gusto ay mag U-turn agad sa unang butas na makikita.

 

Malinaw na kahit anong batas –trapiko ay hindi maipapatupad ng maayos sa Pilipinas, maliban na lang sa loob ng Subic Business and Commercial Center na dating US base sa Olongapo. Ang napapansin pa ay may mga Pilipino na kahit nangungupahan lang ng kuwarto ay may sariling kotse, kaya ang ginagamit nilang garahe ay kalye. Yong mga nakatira sa subdivision na “row housing” ang tinitirhan na walang garahe ay ganoon din ang siste – sa kalsada ang paradahan kaya ang masikip na kalyeng pinagpipilitang two-way ay naging one-way. Yong mga nasa subdivision pa rin nakatira subalit sa “single detached” na bahay nakatira o simpleng bungalow kaya may garahe pero para sa iisang sasakyan lang, ay gumagamit din ng kalye para sa pangalawa at pangatlong sasakyan na nakuha sa hulugan nang napakamura. Sa halagang thirty thousand pesos kasi ay may pang-down payment na at ang buwanang hulog ay ten thousand lang, kaya maski call center agent o ordinaryong empleyado ay kaya nang bumili ng kotse.

 

May panukala noon pa mang panahon ni Marcos tungkol sa pag-kontrol ng pagbili ng mga sasakyan subalit hindi na ito naipapatupad ng maayos. At may mga batas ding ginawa para sa mga paggamit ng motorsiklo, subalit ganoon din ang nangyayari – walang maayos na pagpapatupad.

 

Ang tanong ko….yon nga lang simpleng non-smoking sa mga public transportation lalo na sa mga jeepney ay hindi tinutupad ng mga driver at pasahero, at lalong hindi naipapatupad ng mga pulis-trapiko, ang mga patakaran pa kaya upang lumuwag ang trapiko at maiwasan ang mga sakuna? ….only in the Philippines yan!

 

 

The Heavy Pollution in China should Warn Third-World Countries

The Heavy Pollution in China

Should Warn Third -World Countries

By Apolinario Villalobos

 

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

 

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

 

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

 

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

 

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

 

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!

 

In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

Though how Progressive a Country is, there will always be Poverty because of Corruption

Though how Progressive a Country is, there will always be

Poverty because of Corruption

By Apolinario Villalobos

 

Perfection should be ruled out in the reckoning of a progressive country, because there will always be poverty due to corruption somewhere in the system of governance. In other words, the glitter of progress cannot hide poverty. For ultra-progressive countries, the signs may be insignificant as they try to blend with the glamour of urbanity. But in other countries, especially, the third-world, the signs are very prevalent, so that there is always a massive effort to cover them up occasionally, literally, as it is done every time there are special occasions such as visits of foreign dignitaries. This practice is successful in the Philippines.

 

Practically, poverty is the shadow of progress, and literally, too, as where there are looming high-rise buildings that are pockmarks of progress, not far from them are slums or homeless citizens who huddle together under bridges and nooks. These are misguided citizens who flock to the cities after selling their homestead, that have been farmed for several generations, to deceitful land developers, at a measly price. These are the urban squatters willing to be relocated but found out that the promised “paradise” do not even have a deep well so they go back to their sidewalk “homes”. These are contractual workers who have no job securities as they earn only for five to six months, after which they leave their fate to luck while looking for another job.

 

How does corruption ever be involved in the sad fate of the exploited? Simply, by the government’s negligence  in providing decent relocation sites with job opportunities and basic facilities to those uprooted from their city abodes for more than so many years; by its cuddling of the spurious contractualization perpetrated by greedy employers; by its failure to guide and protect the rights of farmers who sell their rice fields to subdivision developers at measly prices that are not even enough to sustain them for six months; by its failure to provide the citizens with the basic necessities as funds are allowed to be pocketed by corrupt officials; and practically by looking the other way despite the availability of laws against vote buying.

 

Third- world country leaders should stop using the word “progressive”, but instead they should use “surviving” to describe their respective economy. If a country’s economy cannot sustain, much less, provide a “comfortable life” to majority of its citizens, then it is still “ailing”…hence, expect poverty to be trailing behind, just a few steps away from the pretentious allegations!

 

 

 

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Mga Likas o Natural na Bagay ang Ginagamit na Anting-anting

…HINDI BALA NA MAY LAMANG PULBURA

Ni Apolinario Villalobos

 

Kawawa ang mga taong nagpapauto sa mga arbularyo o kung sino man na nagsasabing ang bala, lalo na ang “live” o ang may lamang pulbura ay isang anting-anting. Ang ganitong pang-uuto ay sinimulan ng mga taong nagnanakaw ng bala mula sa kung saan mang imbakan at binibenta sa mga taong tanga na naniwala naman. Sinabi ko na sa isang blog ko noon tungkol sa isyu ng tanim-bala, na kung ituring man na anting-anting ang bala, dapat ay yong walang lamang pulbura dahil ang ginagamit lang ay ang “metal” na nilalagyan ng pulbura na kung hindi yaring tanso ay tingga. Puwede ngang baguhin ang porma tulad halimbawa ng pagpepe o pag-flatten ng basyong bala upang maipormang pendant, o di kaya ay lagyan ng dalawang “kamay” upang magmukhang krus at magamit na palawit sa kuwentas….ganoon lang. Hindi kailangang bumili sa mga nagtitinda ng mga ninakaw na bala, sa halagang Php1,500.00 ang isang piraso! Ayaw ko na lang isulat kung bakit nagkakaubusan ng bala sa mga imbakan nito. Ang isang ordinaryong mamamayan ay hindi naman nakakabili ng paisa-isang bala.

 

Batay sa mga nasagap kong impormasyon galing mismo sa mga nagtatago ng balang may pulbura, “panlaban” daw ito sa mga taong may masamang balak sa kanila, kaya swak sana sa mga OFW na ayaw mabugbog o magahasa ng mga malupit o manyak na employer. Ang masama, pati mga matatanda ay napagpaniwala din ng mga unggoy na nangraraket! Sabihin ba naman ng mga hangal na ito na hahaba ang buhay ng taong may itinatagong bala, kaya ang mga uugud-ugod na gusto pa yatang mabuhay nang mahigit 100 taon, ay hindi rin magkandaugaga sa pagbili, sa halip na gamitin ang perang galing sa pension, na pambili ng gamot sa rayuma man lang!

 

Matagal nang ginagamit ang tanso o copper at tingga o lead, na panlaban sa masamang ispiritu, lalo na sa kapre, pero  hindi sa kapwa-tao. Bumibigat daw ang taong mayroon nito kaya hindi basta naitatakas ng kapre, kaya pati sanggol ay palaging may katabing bala na nakabalot sa pulang tela dahil ang kulay pula ay kalaban din ng masamang espiritu. At tungkol pa rin sa kulay pula…yong ayaw masaniban ng masamang espiritu, maliban sa balang nakabalot sa pulang tela ay nagsusuot din ng pulang bra o kamison at panty kung babae at ang lalaki naman ay palaging may pulang panyo. Sa ilalim ng unan nila ay mayroon ding pulang panyo. Sa panahon ng pagreregla ng babae, lalo silang ligtas!  Pinaniniwalaan na ito bago pa dumating ang mga Kastila.

 

Ang ginagamit na panlaban sa kapwa-taong may masamang balak ay dinasalang langis na umaapaw sa sinidlang maliit na bote kapag nasa harap mo ang taong may masamang balak. Hindi nakokontra ang isang masamang balak ng kapwa- tao sa pamamagitan ng balang nasa bulsa o pitaka, dahil kung totoo man, wala sanang inuuwing OFW na nasa kabaong o buntis dahil na-rape ng employer, o di kaya ay naka-wheel chair, o di kaya ay lalaking Pilipinong ni-rape o binugbog ng Arabo! At, lalong wala sanang namamatay sa pagkabaril o natutusok ng patalim, at nakitang nakahandusay na lamang sa isang tabi. Ang isang nakausap ko, tatlong bala nga daw ang palagi niyang dala, pero sa kasamaang palad pa rin, mahigit limang beses pa rin daw siyang naholdap sa Cubao! Kaya ngayon hinahanting na niya ang co-boarder niyang dating pulis na natanggal sa trabaho dahil sa katiwalian, upang pakainin ng mga balang ibinenta sa kanya! Dalawa daw sila sa boarding house nila ang binentahan ng mga bala ng ungas na dating pulis.

 

Kung anting-anting ang gusto dahil ang inaasam ay karagdagang “lakas”, ang dapat gamitin ay mga kristal, bato, o mga bahagi ng mga halaman. Balutin mo man ang katawan mo ng mga ito ay walang sisita sa airport o pantalan kaya walang mangingikil na taga-AVESECOM o OTS. Pwede ka lang sigurong pigilan sa pagsakay dahil baka isipin nilang sintu-sinto ka, kaya sa halip na i-detain ka o hingan ng pera, baka ihatid ka pa pauwi sa inyo dahil sa awa nila!

 

Totoo naman talagang may iba’t –ibang uri ng “lakas” na nanggagaling sa mga bato at kristal dahil sa taglay nilang mga mineral. Ang isang pruweba rito ay ang bato-balani (magnet), quartz, jade, lalo na ang hindi pa gaanong kilalang batong “tourmaline” na napatunayang humihigop ng dumi sa loob ng katawan. Ang mga bahagi naman ng mga halaman ay talagang gamot kaya nakakapagpalakas ng loob kung may dalang maski pinatuyong dahon, ugat o balat man lang. May mga dahon na maski tuyo ay pwedeng amuyin upang mawala ang pagkahilo o pananakit ng tiyan dahil sa kabag, at mga pinatuyong ugat o balat ng kahoy na kapag ikinunaw (dipped) sa kapeng iniinom ay nakakagamot din….yan ang mga anting-anting na dapat ay palaging nasa bulsa at bag!

 

Ang mga tao namang nauto kaya nakabili ng bala sa halagang Php1,500.00, magmuni-muni na, lalo na yong mga OFW na ang pamilya ay nagkandautang-utang, may maipanlagay lang sila sa recruiter at pambili ng tiket ng eroplano, at ang kabuuhang halaga ay katumbas ng mahigit sa isang taong pagpapa-alipin sa ibang bansa. Huwag magpakatanga dahil lang sa bala. Kaya nagkakaroon ng mga tiwaling kawani sa airport ay dahil sa mga taong matitigas ang ulo. Nakasilip tuloy ang mga kawatan sa airport ng dahilan upang sila ay kikilan. Kung mahuli naman, at marami naman ang umaming may dala nga ng bala, ay saka sila magngunguyngoy at magsisisi! Ang masakit pa ay nadadamay ang mga taong wala talagang kaalam-alam sa “anting-anting” na ito.

 

Dapat tandaang kung walang tanga, ay walang nagagantso o nalilinlang ng kapwa! Kung totoo mang may nagtatanim ng bala sa mga bagahe, ang tanong ay… SINO ANG MGA NAGSIMULA SA PAGBIGAY NG DAHILAN KAYA NAGING RAKET ITO? HINDI BA MISMONG MGA PASAHERONG TANGA NA AKALA AY LIGTAS SILA KUNG MAY BALANG DALA? DAHIL SA TAKBO NG ABNORMAL NILANG ISIPAN, NAGKAROON NG KIKILAN SA AIRPORT KAYA NADAMAY ANG MGA INOSENTENG PASAHERO. Patunay sa raketang ito ang report na sa kabila ng naka-log na kulang-kulang sa isang libong “nahulihan”, wala pang kalahati ang nakasuhan. Ano ang ang nangyari sa iba?…eh, di “napag-usapan”!!

 

At, ang pinakamahalagang paalala: malakas na pananampalataya sa Pinakamakapangyarihan ang pinakamagaling na anting-anting ng tao…wala nang iba! Huwag lang magdasal ng malakas habang nagpapa-inspection ng bagahe sa airport….hinay-hinay lang sa pagpapakita ng matiim na pananampalataya upang hindi mapagkamalang “jet-setter” na baliw!

 

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas …kung hindi agad magkaroon ng kapayapaan

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas
… kung hindi agad magkakaroon ng kapayapaan
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa tindi ng mga kaguluhan at kalituhang nagresulta sa sunud-sunod na bulilyaso ng administrasyon ni Pnoy Aquino, hindi maiwasang maglaro ang imahinasyon ng mga Pilipino, at lalong hindi sila masisisi dahil ang mga nangyayari ay halos nakatuon sa mga maaaring mangyari, tulad ng mga sumusunod:

1. Kung magre-resign o ma-impeach si Pnoy bago sumapit ang pagtatapos ng kanyang termino, mapapasama sa kanyang pagbaba ang mga sinasabing kakutsaba niya na sina, Abad, Purisima, Alcantara, at Soliman. Kakaharapin nila ang malalaking kaso na ihahain ng iba’t ibang grupo. Maiiwan si Laila de Lima na tingin ng iba ay manipis lang ang mantsa ng katiwalian sa pagkatao nito, pero, dahil sa delikadesa ay maaaring mag-resign din. Ang makikinabang sa ganitong senaryo ay si Binay dahil bilang Bise-Presidente, siya ang papalit kay Pnoy….lalong dusa ang madadanasan ng mga Pilipino. Pagkakataon nan i Binay na magpakitang gilas sa taong bayan, na kailangan niya dahil sa may pagkadesperado niyang kagustuhang tumakbo bilang presidente.

2. Kung magtutuloy-tuloy ang mga protesta sa kalye ng Maynila at iba pang malalaking lunsod laban sa pamahalaan, subalit hindi pa rin magre-resign si Pnoy, mawawalan ng saysay ang kanyang basbas sa 2016 eleksiyon na hinihintay ni Roxas. Aalukin ni Binay si Roxas ng puwesto sa line-up niya sa 2016 bilang Bise-Presidente at kakagatin naman ni Roxas dahil desperado siyang maupo maski Bise-Presidente man lang.

3. Kung hindi na talaga mapigilan ang mga pagprotesta ng mga Pilipino na ang mga dahilan ay katiwalian sa pamahalaan ni Pnoy Aquino at kahinaan nito sa pagpapatakbo ng gobyerno, gagamitin itong dahilan ni Estrada na tumakbo bilang Presidente at makakalaban niya si Binay. Ang mangyayari ay pagpili ng mga Pilipino sa wikang Ingles na: choice between the devil and the deep black sea…oopps!, deep blue sea pala. Magpi-feeling savior si Erap na magsasabing tatapusin na niya ang problema sa Mindanao tulad ng pagkubkob sa Camp Abu Bakar, noong panahon niya.

4. Kung hindi matutuloy ang inaasam na pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) bago bumaba si Pnoy dahil dumadami ang kumakalas na mga kongresista sa pagsuporta dito, magkakaroon ng ugnayan ang MILF, BIFF, at MNLF. Gagawa sila ng compromise agreement at idadahilan na lang ang magkapareho nilang Islamic cause, kaya balik sila sa original na adhikain na pagtiwalag sa Pilipinas upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Muslim. Lalawak ang gusto nilang masakop na hindi saklaw sa mga pinag-usapan sa BBL. Napatunayan kasi na mahina ang leadership ng MILF,at iiral ang kagustuhan ng BIFF at MNLF, at nahalata rin ng tatlong grupo na animo ay takot ang pamahalaan sa pakikidigmang harap-harapan.

5. Kung magsanib-puwersa ang MILF, BIFF at MNLF, maaaring humingi ang mga ito ng tulong sa Malaysia na may katuwaang papasok sa eksena dahil magkakaroon na ito ng pagkakataong tanggalin nang tuluyan ang pagbawi ng Pilipinas sa Sabah. Malinaw na ito pa rin ang hangad ng Malaysia kahit pa sabihing mediator ito sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao kaya hindi isinama dito ang claim ng Pilipinas sa Sabah. At maaari pa ring isali ang Bangsamoro sa federal government ng Malaysia. Dahil ayaw mapahiya ng liderato ng MILF, lahat ay gagawin nila para lang masabing nagtagumpay sila sa ngalan ng kapayapaan.

6. Kung magkakaroon ng cover-up sa gagawing imbestigasyon ng maraming grupo sa Mamasapano Massacre na magiging dahilan ng iba’t ibang resulta, lalabo ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga namatay at nasugatan. Dahil dito ay magkakawatak-watak ang PNP at AFP. Magkakaroon na naman ng kudeta at maaaring magtagumpay dahil kasama na ang mga kapulisan sa aaklas.

7. Kung sa gitnang Mindanao ay mabubuhay na naman ang nakalimutan na sanang hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim, magkakaroon ang mga apektadong lugar ng mga teritoryo ng MILF, BIFF at MNLF. Makikisakay na rin sa kaguluhan ang Abu Sayyaf. Gagawing sentro ng mga terorista na gumagalaw sa Asya ang Mindanao. Dahil dito, mabubuhay na naman ang mga grupong Kristiyano na lumalaban sa adhikaing isinusulong ng Bangsamoro.

8. Kung titindi ang naghalu-halo nang kaguluhan ay lalong mamamayagpag ang pagnegosyo ng bawal na gamot sa Pilipinas, lalo na at napatunayan ang kaluwagan ng mga batas at patakaran laban dito, kaya kahit sa loob ng mga kulungan nakakapagpatuloy sa pagnegosyo ang mga nakakulong nang mga drug dealers. Mamamayagpag din ang extortion ng maliliit na grupo na ang iba ay na-train na sa paggawa ng bomba, pero ang pinakamalaking extortion group ay Abu Sayyaf pa rin. Mindanao ang gagawing balwarte ng mga terorista na kikilos sa buong Asya!

Sa alin man sa mga nabanggit na senaryo, malinaw na ang talo ay mga Pilipino sa kabuuhan, Muslim man o Kristiyano, lalo na at nakasentro ang mga kaguluhan sa pagmintina ng kabuuhan pa rin ng Pilipinas kahit na may Bangsamoro na. Kawawa sina Fatima at Maria…sina Abdullah at Juan dahil sa kasakiman ng iilan!

Dahil sa mga kaguluhang nangyayari at mga agam-agam na hindi nagpapatulog ng mahimbing sa mga Pilipino…sino ang may sala, o sinu-sino sila? Ang sagot diyan ay ang palasak sa Ingles na: your guess is as good as mine!