Ang Dalawang Uri ng Problema
Ni Apolinario Villalobos
Problema ng iba’y kung anong ihahalo
Sa isang kilong karne
Samantalang ang iba…hapon na subalit
Hindi man lang nakainom ng kape.
Problema ng iba’y kung saan kakain
Sa Jollibee ba o MacDo
Samantalang ang iba…hanggang tanghod
ang magagawa’t laway ay tumutulo.
Problema ng iba’y ‘di bago ang celfon
Nahihiya sa mga kaibigan
Samantalang ang iba…isang pares na tsinelas
Ay naituturing nang isang karangyaan.
Problema ng iba’y saan magbabakasyon
Sa Hongkong ba o Amerika
Samantalang ang iba…malaking problema na
Ang baon at pamasahe patungo sa opisina.
Problema ng iba’y luma na raw ang kotse
Dapat palitan, at nakakahiya
Samantalang ang iba…wala man lang sapatos
Na magagamit sa pagpasok sa eskwela.
Problema ng iba’y wala daw laptop o tablet
Kailangan daw sa school nila
Nguni’t ang iba …ballpen man lang at papel
Pati notebook ay punit, ni textbook ay wala.
Bakit hindi muna tumingin ang iba sa paligid –
Silang nagsasabing kapos daw sa pera?
Bulag ba sila o manhid…walang pakiramdam?
O talagang sagad sa buto ang pagkaganid nila!
Somewhere i came across this verse:
I cried and cried because I had no shoes Until i saw someone who had no feet.”
Sent from my iPad
>
LikeLiked by 1 person
ganoon na nga…ang iba kasi ay hindi pa kuntento sa kung anong karangyaang meron sila…gusto, lahat ay kanila…yan ang masaklap…
LikeLike
Dapat malilinawan ng tao ang kaibahan ng mga “kailangan” at “kagustuhan.” Iyong gusto lang, pwedeng bale-walain… dahil hindi naman pala talagang kailangan.
Kung nasasa-iyo na ang lahat ng kailangan mo, pasalamat ka sa mundo, sa Maykapal, o anumang tinatanaw mong mas makapangyarihan kaysa sa iyo. At iyong “sobra” matapos makuha mo ang lahat ng kailangan, sana ay i-share sa mga kinukulang sa nasabing “basic needs.”
LikeLiked by 1 person
ganoon sana….
LikeLike