Ang Bayan kong Polomolok
By Sheche Dorilag-Bernardo
Halimuyak ng iyong paligid aking naamoy t’wina,
Sa bawat paligid kahanga-hanga ang aking nakikita,
Puno, bukirin, talon at mga prutas, sagana dito
Kaya halina dito sa bayan kong Polomolok, halina kayo!
Mga mamayan ng bayan ko ay iba-iba,
Ilonggo, Tagalog, Bisaya at B’laan ang makikita,
Subali’t magkaiba man sa mga pananalita
Mga puso at isip naman ay nagkakaisa.
Ang bayan kong Polomolok ay kaiba
Napapaligiran ng malawak na taniman
Ng matamis at makatas – masarap na pinya,
Bukod -tanging uri, dito lang matitikman.
Magagandang estraktura dito’y makikita,
Liwasan, mall, palengke, municipal hall
At simbahan na lahat ay kaaya-aya,
Pinakamayamang bayan ng South Cotabato,
Na karamiha’y mga Romano Katoliko.
Sa paligid ay mayroon pa ring mga gubat,
Mga burol at luntiang kabundukan
Sa hindi kalayuan ay ang Mt. Matutum,
Kung saan ay marami pa ring mga B’laan.
Dito ako lumaki at nagkamulat ng isipan,
Kaya habang buhay ay di ko kakalimutan
At ang natanim sa aking isipan dahil sa kanya –
Magkaiba man ang mga kultura
Ay pwede palang magkaisa!
.