Ang Kahinaan ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas

ANG KAHINAAN NG SOCIAL SECURITY SYSTEM (SSS)

NG PILIPINAS

Ni Apolinario Villalobos

 

 

SA INTERBYU NA GINAWA SA ISANG OPISYAL NG SSS, INAMIN NITO NA 40% LANG NG DAPAT SINGILIN ANG TALAGANG NASISINGIL O NAGRE-REMIT NG CONTRIBUTION, KAYA ANG IBIG SABIHIN AY 60% NA CONTRIBUTION O MGA REMITTANCE ANG “NAPABAYAAN”. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DELIKADONG LAKIHAN ANG DAGDAG SA PENSION, DAHIL SIGURADONG MAKALIPAS LANG ANG ILANG TAON AY MAUUBOS NA ANG PONDO. MALINAW NA TINUTULUGAN NG SSS ANG DAPAT NILANG GAWIN, LALO PA AT TILA NAKIKITAAN ITO NG PALPAK NA SISTEMA. SANA INAMIN NA LANG NG ININTERBYU NA INUTIL SILANG MGA OPISYAL NG SSS DAHIL SA KAHINAAN NILA SA PAGGAWA NG MAGANDA AT EPEKTIBONG SISTEMA AT PAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NA PANININGIL.

 

UPANG MABAWI DAW ANG KAKARAMPOT NA DAGDAG NA 2THOUSAND PESOS NA IBIBIGAY NG TWO INSTALLMENTS SA MGA SENIOR CITIZENS, KAILANGANG MAGDAGDAG NG CONTRIBUTION. ITO ANG PINAKATANGANG SOLUSYON DAHIL ANG DAPAT GAWIN AY PILITING MASINGIL  ANG MGA HINDI PA NASISINGIL NA 60%. SA HOUSING PROGRAM NITO, MARAMING FORECLOSED PROPERTIES, BAKIT HINDI RIN ITO BIGYANG PANSIN, PATI ANG MGA NAKATIWANGWANG NA LUPAIN BILANG ALTERNATIBONG PANGGAGALINGAN NG PONDO?

 

ANO ANG MANGYAYARI KUNG MAGDAGDAG NA NAMAN NG CONTRIBUTION?…EH, DI SIGURADONG HINDI RIN MAKAKASINGIL NG BUO DAHIL SA PALPAK NA SISTEMA AT KATAMARAN NG SSS!

 

SIGURADONG HANGGANG 40% NA NAMAN LANG ANG MASISINGIL KAYA ANG KAWAWA AY ANG MGA AKTIBONG MIYEMBRO LALO NA ANG MALILIIT DAHIL ANG MGA PROBLEMA AY ANG MGA KAWATAN NA EMPLOYERS AT ANG SSS MISMO!

Ang Death Penalty at ang Gamot sa Sakit

Ang Death Penalty at ang Gamot sa Sakit

Ni Apolinario Villalobos

 

Noon pa mang unang panahon, kasama na ang panahon ng Bibliya, ay mayroon nang parusang kamatayan. Ang malupit na uri ng hatol para sa nagkasala noon hanggang ngayon na pinaiiral ng ilang bansang kumikiling sa Islam ay batay sa sinabi sa Bibliya na, “…tooth for a  tooth…”. Sa mga bansang yon, ang nanggahasa ay pinuputulan ng titi at ang nagnakaw ay pinuputulan ng kamay. Ang parusang kamatayan ay bahagi na ng kultura ng iba’t ibang uri ng lahi sa ibabaw ng mundo dahil upang kahit papaano ay magkaroon ng pagpapahiwatig na may katumbas

 

Sa Pilipinas, nasindak ang mga drug lords at drug pushers nang binaril sa Luneta ang isang Chinese drug lord. Nagsilayas ang mga drug lords at nagpahinga ang mga drug pushers….ang mga drug addicts naman ay nagbago. Panahon yan ni Marcos, at nang siyang ay napatalsik, ang mga sumunod pang presidente ay naging malamya sa pagpapatupad hanggang sa naunggoy o nabola ng life advocates, lalo na ng mga international na grupo upang tuluyan na itong burahin bilang batas kaya namayagpag ang iba’t ibang uri ng krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga.  Batay diyan, bakit sasabihin ng mga humaharang sa death penalty na hindi ito epektibo o deterrent?

 

Ang isyu ay hindi nalalayo sa pag-inom ng gamot laban sa sakit. May mga tao kasing umaasang gagaling agad sila pagkatapos  uminom ng ilang pirasong tablet lang. Ang matindi ay ang mga matitigas ang ulo na hindi sinusunod ang sinasabi ng doctor na ubusin ang anti-biotic na nireseta sa kanila. Kapag nakaramdam na kasi nang kaginhawahan sa sakit ay tinitigil na ang pag-inom, kaya siyempre, babalik ang sakit….AT ANG SINISISI AY ANG GAMOT NA HINDI DAW EPEKTIBO!

Ang Martial Law

Ang Martial Law

Ni Apolinario Villalobos

 

NOONG GINAWA ANG PINAKAHULING SALIGANG BATAS SA PANAHON NI CORY AQUINO AY HINDI PINANSIN ANG LUMALALANG PROBLEMA SA DROGA KAHIT PA MALAKING PAHIWATIG NA ANG PAGBARIL SA ISANG CHINESE DRUG LORD SA LUNETA. BINARIL ANG CHINESE DRUG LORD NOONG PANAHON NI MARCOS NA PINALITAN NI CORY AQUINO, AT DAHIL SA TAKOT AY NAG-ALISAN ANG IBA PANG DRUG LORD MULA SA PILIPINAS. SA KABILA NIYAN, HINDI MAN LANG BINANGGIT ANG DROGA BILANG ISA SA MGA DAHILAN BILANG BATAYAN SA PAGDEKLARA NG  MARTIAL LAW, DAHIL ANG TINUTUKAN NG MGA KAALYADO NI CORY AQUINO AY KUNG PAANONG MAHARANGAN ANG PAG-UPO NG MGA CRONY NI MARCOS NA DI-KALAUNAN AY NAGTAGUMPAY PA RIN SA PAGBALIK SA MGA PUWESTO.

 

ANG MGA HUNYANGONG CRONIES AY LUMIPAT PA AT SUMIPSIP SA MGA BAGONG ADMINISTRASYON NA PUMALIT HANGGANG SA PANAHON NG ANAK NI CORY NA SI PNOY AQUINO. AT, SA KANILANG EXCITEMENT, HINDI RIN NILA NAISIP KUNG PAANONG HARANGAN ANG PAGPAPALIBING KAY MARCOS SA LIBINGAN NG MGA BAYANI AT NANG MANGYARI AY ISINISI NILA KAY DUTERTE….KUNG HINDI BA NAMAN MGA BOBONG HANGAL! ANG INISIP LANG KASI NILA AY KUNG PAANO PANG MANGURAKOT SA HALIP NA PAGTUUNAN NG PANSIN ANG NAPAKARAMING PROBLEMA SA BANSA NA LALO PANG LUMALA AT NAIPAMANA NG MGA HANGAL KAY DUTERTE!

 

MAS MATINDI ANG EPEKTO NG DROGA DAHIL ITO AY UNTI-UNTING SUMISIRA SA LIPUNAN AT MGA MAMAMAYAN, LALO NA MGA KABATAAN NA ILANG TAON MULA NGAYON AY MATITIRA SA PILIPINAS BILANG BAGONG MAMAMAYAN. KUNG “SECURITY” NG BANSA ANG PAG-UUSAPAN, NANGANGAHULUGANG KAILANGAN ANG MARTIAL LAW DAHIL SA DULOT NG BANTA NG DROGA SA “KABUUHANG SEGURIDAD” NG PILIPINAS PARA SA KINABUKASAN NITO!

 

SA PANAHONG ITO, ANG GIYERA AY HIGH-TECH NA….ILANG GUIDED MISSILE LANG ANG PALIPARIN TUNGO SA KALABANG BANSA, SA ISANG IGLAP, TAPOS NA ANG LABAN. KAYA BAGO PA LANG SIGURO MAPIRMAHAN ANG EXECUTIVE ORDER PARA SA MARTIAL LAW BATAY SA BANTA NG GIYERA AY LUSAW NA ANG PILIPINAS!

 

ANO PANG IBANG BANTA ANG SINASABI NG MGA KONTRA SA MARTIAL LAW? BANTA SA INFORMATION ARCHIVE NG BANSA? HINDI NA ITO BANTA DAHIL NANGYAYARI NA ANG HACKING KAYA ILANG AHENSIYA NA NGA ANG NABIKTIMA DAHIL LANG SA “PINAGKATUWAAN” NG HACKERS NA GUSTO LANG MAGYABANG NG KANILANG KAKAYAHAN!

 

MALIBAN SA DROGA, ANG BANTA NA NANGYAYARI NA RIN SA BANSA AY ANG KAGUTUMAN AT PAGKALIGAW NG LANDAS NG MARAMING KABATAAN NA NAGING ADDICT DAHIL MISMO SA KAPABAYAAN DIN NG MGA MAGULANG NA KUNG HINDI SUGAROL AY LULONG SA ALAK, AT LALO SA SA DROGA DAHIL SILA MISMO AY ADDICT DIN!

 

SA MGA KALAGAYANG YAN DAPAT BUKSAN NG MGA PILIPINO ANG KANILANG MGA MATA. PERO ANG IBA YATA AY NAKULAPULAN NA NG MAKAPAL NA MUTA KAYA HINDI MAKAKITA!

May Kapalit ang Lahat ng Inaasam

MAY KAPALIT ANG LAHAT NG INAASAM

…mga sakripisyo at “collateral damage”

Ni Apolinario Villalobos

 

Upang mailabas ng ina ang isa pang buhay kailangan niyang isalang ang kanyang sariling buhay at mismong buhay ng iluluwal na sanggol sa pangambang may mangyaring hindi maganda. Pwedeng mamatay ang nanay o sanggol dahil sa kapabayaan ng mga nagpapaanak sa kanya.

 

Upang magkaroon ng katahimikan sa pagitan ng nag-aaway na mga bansa, kailangan ang dahas na dinadaan sa patayan upang may malupig o matalo at yumuko sa nanalo. Pwedeng magkaroong ng “truce” o panandaliang katahimikan pero hindi ito tatagal dahil sa kagustuhan ng mga nag-aaway na matalo ang kalaban at mapatunayan ang kapangyarihan at lakas ng mananalo. Natigil ang WWII dahil binomba ng Amerika ang Japan….maraming namatay pero nagkaroon ng katahimikan bilang hudyat sa pagkakaroon ng panibagong pamumuhay sa buong mundo.

 

Ngayon, ang pangkalahatang tawag sa mga nadamay na tao at pagkawasak ng mga bagay dahil sa magandang layunin ay “collateral damage”,

 

Hindi digmaan ang problema ng Pilipinas….mas matindi pa sa digmaan. Ang mga ito ay ang kabuktutan ng mismong mga namamahala ng bayan na maliban sa pagiging korap ay nuknukan pa ng pagkainutil dahil sa pagbabaya ng mga dapat nilang gawin, mga taong pinagkatiwalaan ng taong bayan. Dahil sa kanila, namayagpag ang mga krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga. Ang mga biktima ay mga mahihirap, lalo na ang mga kabataan. Ang mga mayayamang drug lords at pushers nila ay lalo pang yumaman. Kung lahat ng kabataan ay magiging drug user sampu o mahigit pang taon mula ngayon, ano ang mangyayari sa bansa na mamanahin nila mula sa mga tumatandang mga mamamayan?  Ang mga mamamatay nang mga magulang ay makakaiwas sa nakakatakot na kalagayan, subalit ang mga ipapanganak pa ang kawawa!

 

Napupuna ang mga “collateral damage” sa ginagawa ni Duterte upang masugpo ang droga, subalit sino ang may sala? Kung may itotokhang na talaga namang kilalang drug addict at drug pusher, hinaharangan ng mga asawa, magulang at anak ang mga pulis….ginagawa silang kalasag o shield ng mga dapat sana ay aarestuhin. Talagang sinasadya nilang gawin ito sa pag-asam na hindi matutuloy ang pag-aresto.

 

Hindi dapat manibago ang mga Kristiyano tungkol sa isyu ng  “collateral damage” dahil maituturing na naging ganyan di si Hesus na namatay sa krus upang masagip sa kasalanan ang buong mundo. Hanggang ngayon ay maituturing pa ring napakalaking “collateral damage” si Hesus ng mga Kristiiyano dahil sa mga ungas na nagmamarunong na lider ng simbahang Katoliko. Sa sobrang kaungasan nila ay hindi na rin sila nakikinig sa mismong santo Papa nila! Kung sa Ingles, “what else is new?”….maliban na lang kung talagang ang mga tanga at ungas na mga bumabatikos kay Duterte ay sagad to the bone ang pagka-demonyo!

 

DAPAT AY UNAWAIN NA WALANG KATAHIMIKANG MATATAMO SA NAPAKAMADALING PARAAN O IBIBIGAY NANG BASTA NA LANG. HUWAG MAGING IPOKRITO AT MAGMAANG-MAANGAN PARA LANG MASABING HUMAN LIFE ADVOCATE KUNO!!!!