Kahit Kaylan ay Talagang Manloloko ang mga Taga-Gobyerno

KAHIT KAYLAN AY TALAGANG MANLOLOKO ANG MGA TAGA-GOBYERNO!

NI Apolinario Villalobos

 

ANG WARRANT OF ARREST PARA SA PAG-ARESTO KUNO KAY DUMLAO AY MALI DAHIL ANG NAKALAGAY LANG AY “MR. DUMLAO”….ITO ANG SINABI NI DE LA ROSA. MALINAW NA SINADYA ANG MALING TEKNIKAL UPANG MASABI LANG NA MAY EFFORT SA PAG-ARESTO PERO BINIGYAN DIN NG PAGKAKATAON NA MAKATAKAS DAHIL SA MALING PANGALAN. HINDI NA PAPASA SA TAONG BAYAN ANG GANITONG DAHILAN. MAG-ISIP SILA NG IBANG DAHILAN TULAD HALIMBAWA NG PAGHARANG SA DAPAT AY MAGDALA NG WARRANT OF ARREST….BINALOT NG PACKAGING TAPE ANG MUKHA AT SINAKAL AT PINATAY SA LOOB NG CRAME!

 

ANG MGA INFORMATION PARA SA WARRANT OF ARREST AY GALING SA MGA AHENSIYANG INVOLVED SA KASO TULAD NG DOJ AT PNP. MALINAW ANG KUTSABAHAN UPANG MAGKAROON NG PAGKAKAMALI DAHIL DALAWA ANG “DUMLAO” SA PNP…AT SINONG GAGONG HUWES ANG MAG-IISYU NG WARRANT OF ARREST PARA SA TAONG HINDI KUMPLETO ANG PANGALAN? KUNG TALAGANG TUNAY ANG WARRANT, DAPAT ANG NAG-ISYU NA HUWES AY MANAGOT DIN! NANGANGAHULUGANG NAKIPAGKUTSABAHAN DIN ANG HUWES UPANG MAGKAROON NG MALINAW NA SINADYANG PAGKAKAMALI.

 

DAPAT TUMIGIL NA ANG DOJ AT PNP SA “PAGTATAKIP” O PAGKO0-COVER UP SA MGA KASO NG MGA PULIS NA HINDI NILA TYPE! HINDI NA TANGA ANG TAONG BAYAN NGAYON, AT LALONG HINDI NA NATUTUWA DAHIL SA MGA SUNUD-SUNOD NA KAPALPAKAN NG PNP AT DOJ. HINDI DAPAT SAYANGIN NI DE LA ROSA ANG PANINIWALA AT TIWALA SA KANYA NG TAONG BAYAN. SI AGUIRRE AY WALA NANG PAG-ASA.

 

LUMILINAW NA NGAYON NA SINASADYA ANG PAGKAKAMALI SA WARRANT OF ARREST BILANG ISA SA MGA PARAAN UPANG MAABSUWELTO ANG MAY MGA KASO PERO GUSTONG PAALPASIN NG MGA AHENSIYANG KUWESTIYONABLE ANG REPUTASYON.

 

KUNG NAKALABAS SI DUMLAO MULA SA CRAME….MAY KASALANAN SI DE LA ROSA WALA NANG IBA DAHIL SA COMMAND RESPONSIBILITY. KUNG GUSTO NIYANG MANDAMAY AT SABIHING HINDI SIYA SINUNOD, TANGGALIN NIYA SA TRABAHO ANG MGA GUWARDIYA, HINDI LANG SA PUWESTO O ASSIGNMENT. KUNG GAGAMIT NG COMMON SENSE, HINDI NA KAILANGAN ANG MALALIMANG ANALYSIS. KUNG IPAGPAPATULOY NI DE LA ROSA ANG PAGSABI NA WALA  SIYANG ALAM SA MGA NANGYAYARI SA PNP, DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA TALAGA DAHIL HINDI NAMAN PALA SIYA NIRERESPETO NG KANYANG MGA TAUHAN!

 

MAG-CLOSE IN SECURITY NA LANG SIYA NI DUTERTE….

Ang Mga Pino-post sa Facebook

Ang Mga Pino-post sa Facebook

Ni Apolinario Villalobos

 

Hanggang ngayon ay may nag-aakalang may bayad ang pag-post ng mga larawan sa facebook, na isang maling akala. May mga tao ring nangungutya ng mga nagpi-facebook na ang pino-post ay mga larawang nagpapakita ng kasiyahan – mga kuha sa bertdey kaya maraming pagkain, o di kaya ay nang nakaraang pasko kaya may Christmas tree at mga regalo, nag-eemote na pakenkoy ang posing kaya masaya ang dating, at marami pang iba. Dapat unawain ng mga nangungutya na hindi dapat pinakikialaman ng kung sino man ang pino-post ng may-ari sa facebook niya.

 

May nabasa pa akong comment na, “ang hilig  magpo-posing suot magagandang damit pero hindi naman nagbabayad ng utang”. Para sa akin, kung ang inutangan ay ang nag-comment, hindi niya dapat hiyain ang may-ari ng facebook sa mga viewers na kapwa nila friends. Dahil sa ginawa niya, lumalabas ang kagunggungan niya, dahil dapat ay kinukulit niya ng singil at kung away magbayad ay ipa-barangay niya. Bakit hindi niya sugurin at singilin?…kaladkarin pa niya sa labas ng bahay at sabunutan sa gitna ng kalye kung ayaw magbayad. Ang commentor ay nagpapakita ng ugaling manlilibak….okey kapag kaharap ang kaibigan pero nililibak ito pagtalikod niya dahil siguro sa inggit!

 

May mga taong inaakala ng ibang naghihirap kaya ang inaasahan sa kanila ng mga nakakakilala  ay wala na silang karapatang mag-post ng mga photos na naglalarawan ng masaya nilang mukha at ang suot ay magagandang damit, may make-up at abot-tenga ang ngiti. Ang gusto ng mga nakakakilala sa mga taong inaakala nilang naghihirap kaya tumatanggap ng tulong mula sa iba ay malungkot ang mukha ng mga ito sa larawan upang ipakita na sila ay naghihirap. Libre ang pag-post ng mga larawan sa facebook kaya walang dapat makialam basta ang i-post ay huwag lang panawagan sa paghasik ng terorismo!

 

Karapatan ng may-ari ng facebook ang pagpili kung ano ang gusto niyang i-post. Sa mga naging biyuda pero bata pa o di kaya ay mga naghahanap ng asawa, facebook ang pinakamadaling paraan para sa mga nabanggit na pangangailangan. Ang problema nga lang ay inaabuso ng mga utak-kriminal tulad ng mga magnanakaw at rapist. Ang mga kawatan ay nagmamatyag sa mga inilagagay ng mayayabang sa facebook nila tulad ng “balita” na sila ay magbabakasyon sa malalayong lugar na tulad lang nilang mayaman ang may “karapatang” gumawa, o di kaya ay mga larawan ng interior ng bahay, ari-arian tulad ng alahas at kotse….pati address!

 

Ang mga manyakis naman na kalimitan ay may porma-  guwapo at matikas kung manamit na nakikita sa mga larawan sa facebook niya, ay nakikipagkaibigan sa mga babae, bata man o matanda na “matakaw” sa kaibigan. Ang mga naguguyo ng manyakis ay iniimbita sa isang “eyeball to eyeball” o pagkikita, halimbawa, sa mall. Ang susunod na kuwento dahil may halong krimen ang layunin ng pagkikita ay paggahasa sa babaeng may kabataan pa o pagnanakaw sa matandang babaeng nag-akalang may asim pa siya!

Ang Iba’t Ibang Uri ng Kahirapan

ANG IBA’T IBANG URI NG KAHIRAPAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakakita na ngayon ng iba’t ibang uri ng kahirapan dahil sa internet. I-google search lang image of poverty o slums ay lalabas na ang mga larawan. Subalit iba ang aktuwal na nakikita…iba ang epekto. Dahil sa mga karanasan ko, masasabi ko na ang kahirapan ay mayroong iba’t ibang uri or mukha, tulad ng sumusunod:

 

  • Mga nakatira sa bangketa at kariton na palipat-lipat
  • Mga nakatira sa iskwater pero ang bahay ay pinagtagpi-tagping karton
  • Mga nangungupahan ng maliit na kuwarto
  • Mga nangupahan ng maliit na bahay pero walang permanenteng kita

 

Hindi lahat ng naghihirap ay nanlilimahid ang ayos. Kahit ang mga nakatira sa bangketa o kariton ay nagpipilit na maging malinis. Ang mga hindi naglilinis ng katawan kaya nanggigitata dahil sa animo ay “grasa” na naghalong pawis at alikabok ay ang mga nawalan ng katinuan ng pag-iisip dahil nalipasan ng gutom. Nakakabili na kasi ngayon sa ukayan ng mga damit sa halagang Php10 kaya kahit naghihirap na namamasura ay may kakayahang bumili.

 

May nai-blog ako noong mag-ina na ang nanay ay nagtitinda sa bangketa at doon na rin siya natutulog nang nakaupo. Ang anak namang dalagita na nag-aaral sa kolehiyo ay sa maliit na kuwartong inupahan nila sa di kalayuan. Sa sobrang liit ng kuwarto na 6feet by 10feet, halos mapuno na ito ng mga gamit nila. Halos hindi na rin makagalaw ang anak na babae sa loob ng kuwarto kung siya ay magbibihis. Single mom ang nanay.

 

Ang nakakabilib ay malinis ang ayos ng mag-ina, makinis ang kutis ng anak dahil alaga niya ang kaniyang katawan, lalo pa nga at siya ay estudyante, kahit wala siyang ginagamit na pampakinis ng balat. Kinunan ko sila ng retrato pati ang inuupahang maliit na kuwarto at ang puwesto nila sa bangketa.

 

Sa halip na matuwa dahil sa kuwento ng buhay nila na puno ng pagsisikap, ang isang kaibigan na nakakabasa ng blogs ko at madalas magpadala ng tulong ay nagtanong kung talaga bang naghihirap sila dahil “mukha namang maayos ang kanilang hitsura”….na ikinabigla ko dahil marami akong ini-post na larawan pati ang kuwarto at puwesto sa bangketa. Para bang hindi nag-iisip ang kaibigan ko. Ang gusto yata niya, basta mahirap, dapat ay nanlilimahid na o marumi ang katawan at yan ang dapat batayan sa pagbigay ng tulong. Ibig sabihin, kung “maayos” ang hitsura ay hindi na deserve ang tulong. Ang mga sumunod na padala ng kaibigan ko ay hindi ko na tinanggap.

 

Maraming taong tulad ng nabanggit kong kaibigan. Sila yong naghahanap ng kadamay sa kanilang pagdurusa. Dahil sila ay nalulungkot, ang gusto nila ay malungkot din ang mga kaibigan nila o ibang tao. May problema sa buhay ang kaibigan ko…iniwan ng asawa dahil sa kayabangan kaya mahilig mamintas o manglibak. Nang marinig ng asawang nilibak nito ang magulang niyang “no read, no write” iniwan siya at binitbit pa ang kanilang mga anak!