Enrick Samonte: The Copying Machine Technician who Became a Regular PAL Employee

ENRICK SAMONTE: THE COPYING MACHINE TECHNICIAN

WHO BECAME A REGULAR PAL EMPLOYEE

By Apolinario Villalobos

 

During the early part of 1990, to ease the burden of copying for the Standards and Coordination Division (SCD) of Marketing and Sales-Philippines (MSP) of Philippine Airlines, an agency was contracted for the provision of one heavy-duty copying unit with a technician. Everybody then, on the 5th floor of Vernida building, not only the division for which the machine was intended, was happy. What made them glad more was the amiable technician who was assigned by the agency, Enrick Samonte. A gregarious guy, he at once befriended almost everybody for being accommodating. He would be late sometimes for lunch for giving in to many requests for which he would just smile and scratch his head.

 

He must have been astounded with the voluminous requirements most of the time that at times forced him to extend his duty beyond 5PM. I would recall the times that he also stayed overnight with the staff if there were urgent copying to do. All of them were taken in stride by Enrick. He was also proud of his job and diligent, as we would find him at his post way ahead of the PAL employees in the morning. He was also very neat in his outfit and sometimes wore blazer to match the color of his sport shirt.

 

When our group was absorbed by another division at S&L Building, I lost contact with Enrick. I thought he was pulled out by his agency and transferred somewhere else. I was glad to learn, however, that he was taken in as a regular employee. When I left the company, I learned further that he joined the staff of Mr. Dave Lim, the SVP for Sales. Lately, I was surprised to find him to have been assigned to the Office of Metro Manila and Luzon Sales, a division of the Philippine Region.

 

For Enrick, his journey within Philippine Airlines has been challenging as he had to deal with people of various characters, but he successfully melded with them. He is liaising for the division with which he is now connected and very much happy about it because he is back to where he started as a copying machine technician. Just like any other regular PAL employee, he is enjoying free tickets, benefit that he shares with his family….all because of his patience, diligence and amiability.

1-enric-samonte

 

Ang Tagumpay ni Joselito Hibo ng Philippine Airlines

Ang Tagumpay ni JOSELITO HIBO

Ng Philippine Airlines

Ni Apolinario Villalobos

 

Taga- Gloria, Oriental Mindoro si Lito at nang makipagsapalaran sa Maynila ay napasabak sa iba’t ibang uri ng mapagkikitaan upang may maitulong sa mga kapatid at biyudang ina. Panganay siya sa pitong magkakapatid at lalo siyang nagpursigeng makipagsapalaran sa Maynila nang mawala ang kanilang tatay. Naging landscape assistant siya sa Ayala bago napasok na janitor ng Superior Maintenance Services (SMS) at masuwerteng ang naitalagang assignment niya ay ang PAL offices sa Makati noon. Nakaisang-taon din siya sa SMS nang maisipan niyang mag-apply at kumuha ng eksamin sa PAL, at dahil may pinagmamagaling namang talino ay napasahan niya.

 

Messenger ang unang trabaho niya, sa noon ay tinatawag na Public Relations Office ng PAL, pero kung tawagin ngayon ay Corporate Communications. At, dahil hindi siya nagrereklamo kung may pinapagawa ang mga nakakataas sa kanya. Natuto siya ng iba’t ibang gawain pati ang pag-classify ng mga impormasyong kinakalap ng opisina nila na pina-file niya upang magamit na reference materials. Napasabak din siya sa pag-cover ng mga events ng Philippine Airlines lalo na ng iniisponsoran nitong taunang PAL Golf Tournament sa Davao. Dahil sa mga naipon niyang kaalaman hindi naging mahirap sa kanya ang ma-promote bilang Corporate Communications Assistant.

 

Sa kabila ng kawalan ng trabaho ng kanyang asawa, naitaguyod nila ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak sa tulong ng suweldo niya sa PAL. Ang pagtitiyaga nilang mag-asawa ay nagkaroon ng magandang resulta nang makatapos ang dalawa nilang anak….ang panganay ay nakatapos ng Customs Administration, at ang nakababata ay Business Administration. Ang bunso ay nasa third year college naman…at, lahat sila ay walang bisyo!

 

Hindi gaanong malaki ang sinasahod ni Lito sa PAL, pero sa kabila niyan ay nakakapamuhay sila ng maayos, kasama na diyan ang walang patlang na pag-aaral ng kanyang mga anak. Ang ibang suwelduhan na halos umabot sa isandaan libo kada buwan ang tinatanggap ay hirap sa pagpatapos ng mga anak dahil sa maling paraan sa pagpapalaki sa kanila. Ang biyayang ito ang pinagpapasalamat ni Lito sa Diyos na kanyang inaalagaan, at ang hinihingi niya ay may matutunan sa kanilang mag-asawa ang kanilang mga anak.

 

Suggestions para sa Pistang Nazareno

SUGGESTIONS PARA SA PISTA NG NAZARENO….

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil pinaniniwalaan ng mga debotong Katoliko na may milagrong mangyayari sa kanila kapag nakahawak man lang sila sa lubid, lalo na sa estatwa ng itim ng Kristo, nakikipagbalyahan sila upang makasampa sa karo at maipahid  ang face towel nila sa mukha nito, o di kaya ay nagkakandaipit sa pagpilit na makasama sa paghila ng lubid….resulta: ang iba ay nadadaganan ng kapwa deboto….kung hindi man mapilay, pag-goodbye sa mundo ang inaabot nila….dahil lang sa…….?

 

UPANG WALANG GULO, DAPAT AY TALIAN ANG BANDANG LIKURAN NG KARO NG ISANG KILOMETRONG LUBID UPANG MAHAWAKAN NG MGA DEBOTO, AT NANG HINDI SILA NAKIKIPAG-AGAWAN SA LUBID NA NASA HARAPAN. KAPAG NANGYARI YAN, SIGURADONG ANG DADAGSAIN AY ANG LIKURAN NG KARO KAYA MAPAPABILIS ANG PAG-USAD NG PROSESYON O TRANSLACION PABALIK SA QUIAPO CHURCH. NANINIWALA DIN LANG SILA SA MILAGRO, EH DI LUBUSIN NA NILA! ANG PALIWANAG KO SA SUGGESTION NA YAN AY “HINIHILA SILA NG NAZARENO PATUNGO SA PAGBABAGONG BUHAY”. KUNG NAKIKIHILA NAMAN SILA, PARA NILANG PINAPALABAS NA NAHIHIRAPAN SI HESUS NA MAKATULOY SA KANYANG PATUTUNGUHAN KAYA TINUTULUNGAN NILA, GANOONG PANAY NAMAN ANG HINGI NILA DITO NG BIYAYA, AT ANG IBA AY NAKAKALIMUTAN PA ANG MAGPASALAMAT!

 

UPANG WALA NAMANG PROBLEMA SA FACE TOWEL NA GUSTONG IPAHID SA MUKHA NG NAZARENO, DAPAT, SA LUNETA PA LANG AY MAGPAHID NA SA ESTATWA NG LIBU-LIBONG FACE TOWEL UPANG IPAMIGAY SA MGA TAO BAGO MAGPRUSISYON….MAGAGAMIT PA NILA KAPAG PINAWISAN HABANG NAKIKI-PRUSISYON. NAPAPANSIN KASI NA MAY IBANG SUMASAMPA NA SA ULO NG IBANG DEBOTO UPANG MAKAAKYAT LANG SA KARO AT MAGPAHID NG FACE TOWEL NILA SA MUKHA NG ESTATWA.

 

ANG HINDI MAINTINDIHAN AY KUNG BAKIT HIHINTAYIN PA  ANG ARAW NA PISTA NG NAZARENO GANOONG ITO AY NASA SIMBAHAN LANG NG QUIAPO 24/7 BUONG TAON. HUWAG SABIHING SA ARAW LANG NG PISTA INILALABAS ANG “TUNAY” KUNONG ESTATWA NG NAZARENO KAYA PAGKAKATAON NANG MAKITA ITO. KAPAG ANG DAHILANG YAN ANG IPAGPIPILITAN, LALABAS NA WALANG EPEK ANG PANANAMPALATAYA NG MGA DEBOTO DITO KUNG HINDI NAKIKITA O NAHAHAWAKAN ANG “TUNAY” NA ESTATWA, GANOONG ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA AY WALANG PINIPILING ORAS, PANAHON, AT LUGAR….YAN ANG DAPAT IPALIWANAG NG SIMBAHANG KATOLIKO UPANG MABAWASAN ANG KAMANGMANGAN NG ILANG SUNOD LANG NG SUNOD SA MGA SINASABI NG MGA PARI NA ANG ILAN NAMAN AY MAY KADUDA-DUDA NAMANG PAGKATAO….KAYA PAANONG PANINIWALAAN?

 

HINDI AKO GALIT O KUMUKONTRA SA MGA GAWAIN NG SIMBAHANG KATOLIKO, PERO DAHIL SA CURIOSITY AY NAGTATANONG LANG AKO. CONCERNED DIN AKO SA MGA NAMAMATAY AT NASASAKTAN TUWING PISTA NG NAZARENO LALO NA ANG MGA SUMASAMA SA PRUSISYON. KARAPATAN KO YAN BILANG ISANG NAG-IISIP NA PILIPINO. DAPAT PANG UNAWAIN NA ANG MGA NAGLILINIS NG KALSADA AT MGA PULIS NA NAGMIMINTINA NG KAAYUSAN TUWING SASAPIT ANG PISTA NG NAZARENO AY SINUSUWELDUHAN NG TAONG BAYAN MULA SA BUWIS NA BINABAYAD NILA….KASAMA NA AKO DIYAN.

 

Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko

Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko

…ang iingay pa rin na parang pusang naghahanap ng makukubabawan!

Ni Apolinario Villalobos

 

Akala ng ILANG mga obispong Katoliko ngayon ay may karisma sila na katulad ng kay Cardinal Sin noong panahon ng Martial Law. Totoong maingay si Sin noon, pero ang binabatikos niya ay ang Martial Law at si Marcos na hantaran kung gumawa ng katarantaduhan laban sa mga estudyante na ang pinaglalaban ay karapatan ng sambayanan. Umaga pa lang noon ay nagpapa-interview na si Sin sa mga radyo upang batikusin si Marcos. Yon ang sitwasyon na dapat batikusin ng maingay. Ang patayan noon sa ilalim ng Martial Law ay talagang WALANG KABULUHAN  dahil ang mga biktima ay mga matatalinong estudyante. Ngayon, ang ILANG mga Obispo ay maiingay na parang nagpapa-istaring lang, nagpapapansin kaya tuloy sila nababatikos din. Ngalngal sila ng ngalngal tungkol sa extra-judicial killing na pinaparatang kay Duterte ganoong wala namang napapatunayan. At, ang mga pinaglalaban nilang pinapatay ay mga kriminal naman!

 

Itinaon sa pista ng Nazareno ang pagpalabas na naman nila ng panawagan na “huwag pumatay” at ipinipilit na hindi si Duterte ang tinutukoy nila sa kahangalang panawagan, ganoong obvious naman. PARA MALAMAN NG ILANG OBISPONG ITO, HINDI TANGA ANG MGA PILIPINO, baka sila, dahil hindi nila alam ang kahulugan ng “crime”, “criminal”, “drug lord”, “rape”, “injustice”, etc. Kung gusto nila, Tagalugin ko pa ang mga binanggit ko: “krimen”, “kriminal”, “boss ng mga drug pusher”, “gahasa”, “kawalan ng hustisya”, atbp. Kung manawagan sila, lalo pa at itinaon pa sa tanyag na pista ng Quiapo, sana ay sinabi na lang nila na, “MAGMAHALAN TAYO”…positibo pa ang dating.

 

Hindi na natuto ang ILANG mga obispong ito na nagmamagaling na animo ay alam ang lahat ng tungkol sa buhay. Malinaw na may kakulangan sila dahil hindi nila nauunawaan na MAS MAY KARAPATANG MABUHAY ANG MGA INOSENTENG BIKTIMA KAYSA MGA KRIMINAL NA GUSTO NILANG PATULOY NA MABUHAY SA MUNDO. Hindi yata nila nauunawaan na kapag hinayaang mabuhay ang mga kriminal na ito ay magmimistula nang impiyerno ang Pilipinas dahil sa paglaganap ng droga at ng mga kaakibat na krimen na nakakawing o nakabuntot dito.

 

Kaylan kaya matuto ang ILANG maiingay na obispong Katoliko? Kung sila na mismo ang maging biktima?

Panawagan sa Ilang Obispo ng Simbahang Katoliko

PANAWAGAN SA ILANG OBISPO NG SIMBAHANG KATOLIKO

…hinay-hinay sa paggawa ng panawagang “bitin”

Ni Apolinario Villalobos

 

Nananawagan ako sa inyong maiingay na mga Obispo ng simbahang Katoliko na i-qualify ang sinasabi ninyong “PAHALAGAHAN ANG BUHAY”. Ang ibig sabihin ng “pahalagahan” ay “give importance”. Aling buhay ngayon ang gusto ninyong pahalagahan?… ang buhay ng mga MAGIGING BIKTIMA AT NAGING BIKTIMA NA?… o BUHAY NG MGA NAMBIBIKTIMANG DRUG PUSHERS AT DRUG LORDS…ANG MGA WALANG PUSONG KRIMINAL! WALA KASI KAYONG ”BILOGICAL ATTACHMENT” SA MGA NAGING BIKTIMA KAYA HINDI NINYO NARARAMDAMAN ANG NARARAMDAMAN, HALIMBAWA, NG MGA MAGULANG NG TIN-EDYER, NA MALIBAN SA GINAHASA AT PINATAY AY PINAGLARUAN PA ANG BANGKAY SA PAMAMAGITAN NG PAGPASAK NG SANGA NG KAHOY SA PUKE NITO! KUNG MATALINO KAYO, DAPAT MAUNAWAAN NINYO NA IBA ANG PAGIGING “TAGAPAGSALITA NG DIYOS” NA NAG-AAKMANG “AMA” KUNO, KAYSA SA TUNAY NA AMA O INA NG MGA BIKTIMA DAHIL SA DUGONG DUMADALOY SA MGA UGAT NILA.

 

Hahayaan ba ninyong PATULOY na pakalat-kalat ang mga kriminal na ito na kilala naman sa komunidad nila sa ginagawa nila kaya siguro nainis na ang ilang mamamayan na umabot sa pagpatay sa kanila? Huwag kayong tsismoso sa pagpaniwalang kagagawan ni Duterte ang mga extra-judicial killings dahil wala kayong pruweba. Ang atupagin ninyo ay ang hindi pakikibahagi ng ILANG simbahan ninyo ng limpak-limpak na salaping kinikita nila mula sa mga “love offerings” kuno. Kung may tumutulong man sa mga kapos sa pamamagitan ng feeding program isang beses sa isang linggo man lang, IILAN LANG SILA, dahil ang IBA ay talagang bato sa paghawak ng kinikita nila. Ang IILAN pa ring simbahan ninyo ay may counseling program sa mga gustong magbagong dating drug users, kaya commendable sila. BAKIT HINDI NINYO PALAGANAPIN ANG MGA KAWANGGAWANG ITO NA “DOABLE”? MAY ORGANISASYON NAMAN KAYO, ANG CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP)…BAKIT HINDI GAMITIN ITO UPANG MAPALAGANAP ANG GINAGAWA NG IILANG SIMBAHAN NINYO?…HUWAG KAYONG MAGKANYA-KANYA NG PORMA AT PAG-IINGAY LABAN KAY DUTERTE!…KUNG GUSTO NINYO, HAMUNIN NINYO SIYA NG DEBATE SA PLAZA MIRANDA, TAPAT PA NG QUIAPO CHURCH, UPANG MATULDUKAN NA ANG NAKAKAIRITANG PAGBATIKOS NINYO SA KANYA.

 

Please lang, tumahimik na kayo sa isyu ng droga dahil kayo mismo ay walang malinaw na suggestion kung paano ito masusugpo. Kung tumatahimik kayo, hindi kayo mapapansin kaya walang babatikos sa inyo. AT HIGIT SA LAHAT AY HUWAG GUMAWA NG PANAWAGANG BITIN. PARA KAYONG MGA PILOSOPONG HUMANGO NG SALITA SA BIBLIYA NA…”GO TO THE WOLD AND MULTIPLY….” upang ma-justify ang pagdami ng anak nila dahil sa kalibugan lalo na kung lasing, ganoong ito ay utos kay Noah pagkatapos ng malakawang baha na ikinamatay ng mga tao, kaya kailangan nilang magpadami uli, at HINDI NA ANGKOP SA PANAHON NGAYON. Nakumpara ko tuloy kayo sa mga taong hangal! ITIGIL NA RIN ANG PAGGAMIT NG MGA SALITANG YAN SA PAGKONTRA NINYO SA FAMILY PLANNING!

 

BILANG PANGHULI, ANG ISA KO PANG SUGGESTION AY DOBLEHIN O TRIPLEHIN ANG HABA NG MISANG IDADAOS AT DAMI NG BENDETADONG TUBIG KUNO NA IWIWISIK SA MGA NAPATAY NA NATOKHANG UPANG MASKI SA HULING SANDALI MAN LANG AY MAKATIKIM SILA NG BASBAS MULA SA PARI NINYO NA SANA AY WAGAS.