Nimfa Gromio Castillo: Nag-night Class noong High School Hanggang Abutin ang Pangarap na Maging Titser

Nimfa Gromio Castillo: Nag-night Class noong High School

Hanggang Abutin ang Pangarap na Maging Titser

Ni Apolinario Villalobos

 

Kalimitan, kapag sinabing “night school student”, inaasahan nang nagtatrabaho siya sa araw. At, yan ang nangyari kay Nimfa G. Castillo na dahil sa pagtiyagang maipagpatuloy ang pag-aaral ay nakaraos din hanggang makarating ng kolehiyo at makatapos ng Bachelor of Elementary Education at nag-specialize sa Filipino. Ipinakita ni Nimfa na pwedeng pagsabayin ang pagtrabaho at pag-aaral. Mapalad siya at ang Notre Dame of Tacurong Boys High School ay nagbukas ng ganitong pagkakataon para sa mga may pangarap sa buhay.

 

Maganda ang pinili niyang kurso dahil malawak ang nasasaklaw nito, bukod sa pagtuturo sa mga bata. Noon kasing lumipat siya sa Cotabato City ay nabigyan siya ng pagkakataong maging tagapagsalita ng ahensiyang may kinalaman sa “4Ps” ng gobyerno. Isa siyang tagapagpaliwanag ng programa at dahil sa ginawa niya ay marami siyang nakausap na mga nanay na umasa sa programa upang kahit papaano ay madagdagan ang badyet nila sa gastusin ng isang anak man lang, sa eskwela. Ang iba sa kanila ay nagtitiyaga sa ugali ng mga asawang iresponsable, na ang iba ay “nag-aalaga” sa kanila ng walang humpay na pagbugbog. Ang mga kuwento nila ang lalong nagbigay ng inspirasyon kay Nimfa upang paigtingin ang paghubog sa mga batang tinuturuan niya.

 

Nagkurus ang landas namin sa facebook nang pumasok ang request niya para sa koneksyon namin na tinanggap ko naman agad. Subalit hanggang doon na lang kung hindi ko na-check ang kanyang facebook kaya nalaman kong teacher pala siya. Tuwang-tuwa naman ako dahil kabilang ang mga titser sa mga kinabibiliban ko.

 

Sa kanilang school ay nagko-coach siya ng elocution sa mga batang may potential na pinapadala nila sa mga paligsahan. At, para sa mga materyal na magagamit naman ay palagi din siyang kumukunsulta kay Ding Lazado na dati niyang teacher sa Notre Dame. Nakapagpanalo na si Nimfa ng pambato ng school nila na tinuruan, gamit ang isang isinulat ni Ding Lazado.

 

Angkan ng mga madasalin ang kinabibilangan ni Nimfa na nakatira sa New Isabela, isang barangay ng Tacurong at nagtuturo sa isang private prep school.  Kamag-anak din niya si Amor Taganas na  assistant ng kura paruko ng San Pedro Calungsod parish. Pareho silang tahimik lang kung magtrabaho, kimi, at mapagpakumbaba.

 

Kung paghubog ng ugali ng bata ang pag-uusapan, dapat ang titser na maghuhubog ay kakikitaan ng mga ugaling kailangan ng bata upang maging makabuluhang mamamayan ng bansa habang lumalaki siya….at yan ang pinapakita ni Nimfa. Pareho kami ng pananaw na dapat ang sistema ng edukasyon ay maibalik sa dati….kung saan, nagagamit uli ang mga libro at ang layunin ng mga ito ay upang makatulong sa mga bata, hindi magpakuba o magpahirap dahil sa dami ng binibitbit tuwing papasok sa eskwela.

 

Ang Kapit-tuko sa Puwestong si Aguirre ng DOJ

ANG KAPIT-TUKO SA PUWESTONG SI AGUIRRE NG DOJ

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi na kailangan pang banggitin ang kawalan ni Aguirre ng nagawa noong naging DOJ secretary siya sa ilalim ng administrasyon ng isang nakaraang presidente. Sa hindi malamang dahilan ay napabilib niya si Duterte, o dahil lang mayroon silang “common enemy”… si de Lima. Sa excitement ni Aguirre at ni Duterte ay nangako silang matutuldukan ang mga kasong inupuan ni Pnoy Aquino, lalo na ang mga massacre sa Maguindanao at Mamasapano. Sa pag-upo in Duterte nang-agaw ng eksena ang mga problema sa Bilibid na kinasangkutan ni de Lima. Nakalimutan ang iba pang mabibigat na kaso. Si Aguirre, parang walang pakialam. Iniisip niya siguro na pagkalipas ng 6 na taon, okey lang maski wala siyang ginawa tulad din ng mga nakaraang administrasyon.

 

Ngayon, dobleng boldyak ang inabot niya sa magkahiwalay na kaso ni Lam at ni Sta. Isabel. Sa kaso ni Lam, ang mga sinasabi ng mga saksi ay tumuturo sa kanya na sangkot sa bayaran. At ang kawawang Aguirre ay nagmukhang tanga dahil mismong mga senador ay nagsabing hindi sila naniniwala sa mga sinasabi niya. Dahil diyan, tumalsik ang natirang respeto sa kanya!

 

Sa kaso ni Sta. Isabel, pilit pinapalabas ni Aguirre na wala itong kasalanan kundi ginamit lang na “fall guy”, at pilit na itinuturo ang iba pa tulad ni Dumlao na siyang “kumukumpas” daw sa operasyon.  Paanong mapapaniwalaan ang sinasabi ni Aguirre at ni Sta. Isabel dahil kung talagang wala siyang (Sta. Isabel)  kasalanan, dapat ay dumiretso na siya kay de la Rosa sa halip na magtago sa NBI kung saan ay sinasabing may mga kaibigan siya at kung saan ay gumawa siya ng notarized statements bago magpa-detain sa Crame. Tulad ng inaasahan, sa hearing sa Senado, naglitawan ang mga magkasalungat na testimonya. May kasalanan diyan si Aguirre na dapat ay hindi na muna sumawsaw at hinayaang umusad ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa halip na makatulong ay pinagulo niya ang mga imbestigasyon. Kahit kaylan ay talagang wala siyang nagawang makabuluhan sa administrasyon ni Duterte….DAPAT SIYANG PATALSIKIN.

 

Sa nangyayari kay Aguirre, nakangiti si de Lima at sa isipan ay maaaring naglalaro ang mga katagang, “oh, ano ngayon?”…na ang tinutukoy ay si Duterte dahil sa kapalpakan ng pinagkatiwalaan niyang tao na mamuno sa isang sensitibong ahensiya, ang Department of Justice.

 

 

Ang Bayan Kong Polomolok

Ang Bayan kong Polomolok

By Sheche Dorilag-Bernardo

 

Halimuyak ng iyong paligid aking naamoy t’wina,

Sa bawat paligid kahanga-hanga ang aking nakikita,

Puno, bukirin, talon at mga prutas, sagana dito

Kaya halina dito sa bayan kong Polomolok, halina kayo!

 

Mga mamayan ng bayan ko ay iba-iba,

Ilonggo, Tagalog, Bisaya at B’laan ang makikita,

Subali’t magkaiba man sa mga pananalita

Mga puso at isip naman ay nagkakaisa.

 

Ang bayan kong Polomolok ay kaiba

Napapaligiran ng malawak na taniman

Ng matamis at makatas – masarap na pinya,

Bukod -tanging  uri, dito lang matitikman.

 

Magagandang estraktura dito’y makikita,

Liwasan, mall, palengke, municipal hall

At simbahan na lahat ay  kaaya-aya,

Pinakamayamang bayan ng South Cotabato,

Na karamiha’y mga Romano Katoliko.

 

Sa paligid ay mayroon pa ring mga gubat,

Mga burol at luntiang kabundukan

Sa hindi kalayuan ay ang Mt. Matutum,

Kung saan ay marami pa ring mga B’laan.

 

Dito ako lumaki at nagkamulat ng isipan,

Kaya habang buhay ay di ko kakalimutan

At ang natanim sa aking isipan dahil sa kanya –

Magkaiba man ang mga kultura

Ay pwede palang magkaisa!

.

Too Much Familiarity Breeds Abuse Leading to Loss of Respect

TOO MUCH FAMILIARITY BREEDS ABUSE

LEADING TO LOSS OF RESPECT

By Apolinario Villalobos

 

If a person opens himself up with overconfidence, thereby, exposing his weaknesses, he is bound to be abused and disrespected. He should not expect understanding from ALL the people with whom he deals. In any community or group where a person circulates, detractors and covert enemies are always present who will not hesitate to grab every opportunity from the unguarded moments of the overconfident person.

 

This is the situation of the president Rodrigo Duterte and PNP Chief, Rolando de la Rosa. Their tough personality and honest character have no match to the traitor’s selfish and evil intention. This happened to Cesar of Rome and Jesus Christ….they are lessons to be learned.

 

Duterte and de la Rosa should at this time, distance themselves a little bit from their “trusted friends”. Duterte should remember that he is in the tumultuous arena of Philippine politics where players easily change color to suit their needs. On the other hand, the Manila guys that the two are dealing with as regards the checking of illegal drugs, are not dumb not to understand that they are being used. And, being toughened in their kind of enterprising job, these “wise” guys will definitely not allow this happen without earning clandestinely.

 

The too much camaraderie that Duterte and de la Rosa show to their supposedly trusted people is what the latter exploit to go on with their well-entrenched designs long before they (Duterte and de la Rosa) took office.

 

The “signs” that can be perceived as regards the abuse being committed against Duterte and de la Rosa are the continued proliferation of police shenanigans, using the “tokhang” as another alibi. Shamefully, the already known “hulidap” has assumed another name….”tokhang”. How can authorities deny this when the concerned agents of authority use dubious documents which for the ordinary victims look authentic?

 

To let the police feel that he is serious in his intentions, Duterte should stop mouthing his support to them, as it is already implied or understood. Emphasizing such “support” in speeches that he deliver, just emboldens the “bad eggs” in the ranks of the police. All he should do is just instruct them to do their best if they want to keep their job….and for the sake of the “good eggs”. Another best act that he can do is give instruction to de la Rosa to immediately fire the erring police. On the other hand, de la Rosa should act with dispatch.

 

 

Retro: Tacurong at a Glance during the 50’s up to the early 70’s

Retro: Tacurong at a Glance

During the 50’s up to the early 70’s

By Apolinario Villalobos

 

While Tacurong was gaining momentum towards progress as a town many years back, I remember what we enjoyed as simple luxuries when I was a kid.

 

Easily recalled was the Polar ice drop sold by the Valencia family. Hundreds of the cooling popsicles were loaded on the first tripper bus, Cotabato Bus Company (CBC) that left Cotabato City at dawn. After a grueling dusty travel over unpaved and potholed highway for four hours or more, the boxes filled with sticks of ice drop secured in plastic bags and protected by layers of newspapers and crushed ice and salt would finally arrive at the terminal where the patriarch of the Valencias was on hand to receive them. While some of the boxes went straight to their home where they were made more secure with packs of crushed ice, the rest went to the north entrance of the market where the ice drops were sold by the Valencia children, Remy and Fernando, while the youngest, Bobot, was spared the task as he was very young, then.

 

During the early 70’s an honest-to-goodness home-based ice drop business was opened by the Panes family, in front of the Notre Dame. Students would flock to their store during break time while those who preferred to sit the break period out, spent their time at the Sara’s Store where soft drinks, bread and biscuits were sold.

 

If we wanted to enjoy our snacks comfortably, we went to “Angelita’s Halu-Halo “where the best chiffon cake and halu-halo were served. The halu-halo’s fame has spread even to neighboring towns. The cool delicacy was served in a big bowl or tall glass with fruits in season, boiled banana, yam jam and leche flan. The joint was operated by the couple, Angelita and Pacio Palmes, helped by their children, Marites and Rene, as well as, relatives.

 

A few meters away, fronting the bus terminal was the Dainty Refreshment specializing in cakes, pastries with coffee and soft drinks as “downers”. There were days when the establishment served meals. It was owned and personally operated by Flor de la Rosa during her days off, as she worked as Secretary of Mayor Jose Escribano during on weekdays.

 

Inside the market, beside the stalls that sold tobacco and betel nut was the “Laspe’s La Paz Batchoy”. The owner brought with him his love for this Ilonggo delicacy when he joined a group of migrants from La Paz, Iloilo, to seek their fortune in Tacurong. I enjoyed gawking at the owner cut strips of meat with a sharp set of scissors. One of his daughters was my classmate in elementary, Dioleta, a sprinter who always won in track and field during athletic meets.

 

For oriental foods, we would go to the two Chinese restaurants, one beside the Ideal Theater, and the other between Nonoy and Prince theaters. They served, of course, as there were no other choices, the best chop suey and Chinese noodles (pancit) either sautéed or with broth – with plenty of cabbage, chayote and spring onion, as the carrot was considered a luxury, hence, scarce. The two restaurants had lodging rooms on their second floor that catered to salesmen who frequented our town.

 

And, of course, for the grilled chicken, locals flocked to the “Mauring’s Chicken Barbecue” owned by the Pernatos. As with other family-operated establishments, members of the family pitched in. The culinary tradition has been handed to two children who are now operating their respective barbecue restaurant using the ingredients that their parents used in the marinade.

 

The entertainment was provided by four “cinemas” – Real Theater in front of the north gate of the Market, Prince Theater fronting the sourtheast corner of the plaza, the Ideal Theater on the east side of Alunan Highway, and Nonoy Theather, fronting the Ulangkaya building. The cinemas provided wooden tick-infested seats. As they were not sound-proof, the dialog of the actors could be heard out in the street. We were amused then, by the moans of actors when erotic films were shown. Those with “added sexy scenes” were advertised with hand-written, “Plus-Boom” (plus bomba), as the erotic films were then called, “bomba films”.

 

An ice plant provided our town and the surrounding areas with the very important commodity as it was also used by fish vendors. The downtown outlet of blocks of ice was owned by the Sanque family. The Mariἧas family got their ice from the Sanque outlet for the ice cream that they prepared to be sold around the town, in which one of the sons, Jaime also helped. Later on, another ice cream maker opened his home-based “factory” which was peddled by a high school classmate, Rogelio Gallega.

 

The office supplies and a handful of books were sold by the Goodwill Bookstore. First class fabrics were sold in a market stall by the Sandigs, and motorcycles were the exclusive goods of the Paragas family. Even with a small town such as our place, there was already an agent for insurance policy – Felipe Lapuz who was the local manager of Philam Life.

 

Later, better hotels were opened, such as the one operated by the couple, Menandro and Prax Lapuz, located near the town plaza; and, Edgie Hotel owned by Eddie Lopez that occupied the east end of the commercial building where Ideal Theater was also located. The entrance of the hotel was right beside the Uy store, owned by the father of my classmate in elementary, Jimmy Uy who later married Elsie Dajay, another classmate.

 

There were no beerhouses then. Those who would like to get tipsy, went to the carinderia of the Gialogos inside the market where the stalls of the dried fish were also located. The Gialogos sold the freshest/sweetish and the best “bahal” (day-old) coconut sap wine (tuba), served on “Bols” jars. Finger foods were grilled tilapia, mudfish, gurami, and catfish. Some days, the elder Gialogo would cook “dinuguan” (pork innards cooked in ginger and pig’s blood). The son, Ernesto who was also a classmate, continued the carinderia tradition, minus the tuba, with his restaurant in front of the Notre Dame campus.

 

Much later, as Mayor Escribano loved music, he opened the Bayanihan Club near where the market/public toilet was located. The “unit 1” of the The Fireband provided the entertainment, with singers Helen, Lito and sometimes, Femy Alcon and Grace Perales, consistent winners in the “amateur” singing contest. The “unit 2” of the Fireband during the time, played at a popular night club in Pasay City….that was how the two bands became self-liquidating, as the players who doubled as town firemen had no fixed wage. The band got “caught” by the sweeping camera during the filming of a Fernando Poe, Jr. film….I forgot the title of the film

 

As a further manifestation of his love for the good life, the mayor opened the first “resort” in the middle of the town – inside the plaza, complete with an elevated swimming pool to the delight of a Spanish immigrant, Mr. Fernandez as he was fond of swimming and had the prowess for board diving. The facility also provided the mayor with a comfortable office as it was shaded by plenty of trees. What was nice about the mayor was that, he allowed the drying of rice and corn grains on the basketball court and the circular skating rink of the town plaza.

 

The medical services were provided during the time by the Baroquillo and Ventura clinics, later joined by the Tamondong Hospital. The biggest stores were those of the Suana’s, Lee Kay Kee, Paciente’s and Rapacon’s. Dental Services were provided by Dr. Casipe and Dra. Tabuga. Later on, an optical clinic was opened by Dra. Pareἧas, beside which the first boutique, Noeleen’s, was also opened by Nenita Astillero-Bernardo.

 

Today, the City of Tacurong is making big leaps as big establishments compete with each other in filling up commercial voids that used to be swampy patches of land.

May Galing si de la Rosa Pero Mas Marami siyang Kahinaan

May Galing si de la Rosa

Pero Mas Marami Siyang Kahinaan

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi dahilan ang pagiging para-militaristic na pagkapulis upang sabihing hanggang katapangan lang ang dapat ipakita ni de la Rosa. Mali ang pinagpipilitan niyang ibalik ang militaristic training ng mga pulis upang maging disiplinado. Ang disiplina ay nasa pagkatao. Bakit ang mga Hapon na hindi naman nadisiplina ng military ay disiplinado?

 

Ang mga napansin ko kay de la Rosa kaya ko nasabing marami siyang kahinaan:

 

  • Masyado siyang ma-PR at masosyal. Nagkaroon siya ng imahe na respetado kaya hindi na niya kailangang magpa-OA sa pakikipagsosyalan dahil hindi naman siya artista. Mas okey sana kung ang pinapakita niya ay ang pagiging approachable niya pero dapat ay business-like ang kanyang stance, hindi palakuwento ng mga bagay na hindi naman itinatanong sa kanya dahil pati si Duterte ay nalalagay sa alanganin.

 

  • Matapang siya sa mga adik pero hindi sa mga kasama niyang pulis maski alam na pala niyang mga tiwali, kaya wala siyang ginawa. Unti-unti nang nakikita ang epekto ng hindi pagtanggal sa mga tiwaling pulis na lalo pang nagkaroon ng mas malakas na loob dahil sa paulit-ulit na pagsabi nila ni Duterte ng suporta sa mga tiwaling ito.

 

  • Hindi tanga ang taong bayan upang hindi malaman na talagang may mga pulis na nangongotong at nagtatanim ng ebidensiya, pero hanggang sa hearing sa pagpatay sa Koreano ay kunwari pang nagulat si de la Rosa nang sabihan siya nito. Pero, inamin din niya bandang huli na alam niyang mga mga tiwaling pulis sa kanilang hanay. Sa kabila niyan ay hindi niya pinagtatanggal.

 

  • Sobra ang pakisama niya sa LAHAT ng mga pulis pati sa mga alam na pala niyang tiwali upang ipakita ang suporta nila ni Duterte sa kabuuhan ng PNP. Ang pinapakita nila ang nagpapalakas ng loob ng mga tiwali kaya sinasabayan nila ang ginagawang “operation tokhang” na nasira na at hindi pinapaniwalaan ng taong bayan, kahit may maganda itong layunin.

 

  • Palagi niyang ginagamit ang hindi na pinapaniwalaang “isolated case” bilang dahilan tuwing may pulis na nireklamo. Itigil na niya dapat ito dahil ginagawa niyang tanga ang taong bayan.

 

  • Hindi magandang pakinggan ang sinasabi niyang wala pang 1% ng kabuuhan ng PNP ang bilang ng mga masasama o tiwaling pulis. Ganoon pala kaliit, bakit hindi niya pagtatanggalin dahil obvious na hindi naman pala makakaapekta sa operasyon ng PNP.

 

  • Hindi rin magandang pinaparatang niya sa mga “rookies” o baguhang pulis ang mga katiwalian dahil kitang-kita naman na hindi bababa sa rangkong “PO2” ang mga iniimbistigahan ngayon.

 

  • Puro siya salita at pasosyal wala siyang “management skill” na kailangan para sa isang namumuno ng ahensiya ng gobyerno, military man o civilian….ang ganyang skill ay nangangailangan ng talino.

 

Marami akong alam na mga taong naging manager pero kulang sa talino kaya apektado ang kanilang management skill….pero dahil marunong makisama sa mga tauhan at sumipsip sa mga nakakataas sa kanila, tuloy pa rin ang kanilang promotion. Ang teknik nila ay kumuha ng mga marurunong na tauhan upang asahan sa paggawa ng analysis at pag-interpret nito sa mga memo at project studies. Magaling sila sa PR kaya mahal sila ng mga nakakakilala sa kanila….yon lang.

 

Ang mga suggestion ko:

  • Magtrabaho siya ng tahimik at pukpukin ang NAPOLCOM upang bilisan ang mga pagsisiyasat.

 

  • Magbigay siya ng deadline kung kaylan dapat matanggal ang mga pulis na tiwali.

 

  • At, huwag ipatapon sa Mindadano ang mga tiwaling pulis dahil hindi nito kailangan ang mga basura ng Maynila!

 

Ang Kapabayaan ng mga Ahensiya ng Gobyerno sa Pangangalaga ng Files at Tapes

Ang Kapabayaan ng Mga Ahensiya ng Gobyerno

sa Pangangalaga ng Files at Tapes

ni Apolinario Villalobs

 

MALINAW NA SINASADYANG BURAHIN O ITAGO NG MGA TIWALING OPISYAL NG MGA AHENSIYA ANG TAPE NG KANILANG CCTV UPANG PAGTAKPAN ANG NANGYAYARING KATIWALIAN. DAPAT KASUHAN NG ADMINISTRATIBO ANG NAKATALAGA SA PANGANGALAGA NG FILES AT TAPES DAHIL SA KAPABAYAAN….MAY BATAS TUNGKOL SA PAG-IINGAT NG FILES.

 

ANG MGA FILES AY MAY “BUHAY” O “VALIDITY” KAYA HINDI BASTA-BASTA PINAPATUNGAN ANG MGA RECORDED INCIDENTS NG MGA BAGONG RECORDINGS DAHIL SA PAGTITIPID KUNG ITO ANG GUSTONG PALABASIN NG MGA AHENSIYA, NA NAPAKAMALI AT MABABAW NA DAHILAN. MAGKANO LANG BA ANG MGA BAGONG TAPES?…AT MAGKANO BA ANG KINUKURAKOT?

 

LAHAT NG FILES NG MGA AHENSIYA NG GOBYERNO AY MAHALAGA KAYA DAPAT AY NILILIPAT AGAD ANG MGA ITO SA MGA “BACK-UP”  – MICRO FILMS O ARCHIVE NG MGA FILES. MAY ISANG BUREAU ANG GOBYERNO NA NANGANGALAGA NG GANITONG BAGAY. ANG MALAKING TANONG AY BAKIT HINDI ITO KUMIKIBO TUWING MAY IMBESTIGASYON AT ANG MGA IMBESTIGADOR AY PARANG TANGANG NAGTATANONG KUNG NASAAN ANG MGA TAPES O FILES?…BAKIT HINDI SILA MAGLABAS NG PAALALA SA MGA AHENSIYA UPANG MAGING OPISYAL ANG UTOS NA BATAY SA BATAS?….AT ANG MGA TANGANG IMBESTIGADOR NAMAN AY HINDI MAN LANG NAISIP NA IPATAWAG DIN ANG HEPE NG AHENSIYA UPANG MAGPALIWANAG TUWING MAY KASO AT ANG REQUIREMENTS AY MGA FILES, HARD COPY MAN O TAPES.

 

DAHIL SA PANGYAYARING NABANGGIT, ANG KAPABAYAAN AY MAITUTURING NA MALAKING “CONSPIRACY IN IRRESPONSIBILITY”. YAN ANG SINASABI KO NOON PA MAN NA INUTIL ANG BUONG SISTEMA NG GOBYERNO….WALANG SILBI. ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT PARANG MGA TANGANG NAKANGANGA SA KAWALAN ANG MGA IMBESTIGADOR TUWING MAY HAHANAPING TAPE NA NABURA DAW!…WALANG COORDINATION ANG BAWA’T ISA DAHIL SIGURO SA KANYA-KANYA RING MASAMANG INTENSYONG MANGURAKOT….AT KANYA-KANYANG TURUAN KAPAG SUMABOG ANG MGA ISYUNG KINASASANGKUTAN NILA!