Mga Mahalagang Panawagan…

MGA MAHALAGANG PANAWAGAN…

Ni Apolinario Villalobos

 

  1. SA MGA DRUG USERS……sana ay magbago na kayo dahil inuuto lang kayo ng mga drug lords na ang gusto lang ay kumita sa mga drogang pinapatulak nila sa mga galamay nila; kung naging adik na adik na kayo, mapipilitan na rin kayong magtulak upang matustusan ang bisyo ninyo.

 

  1. SA MGA DRUG PUSHERS…sana ay magbago na rin kayo dahil itutumba lang kayo, kung hindi ng mga pulis na nilalabanan ninyo ay mismong kasama ninyo sa sindikato.

 

  1. SA MGA DRUG LORDS….sana ay maging whistle blower na lang kayo tulad ni Espinosa ng Samar, kaya hayon…buhay pa siya, hindi tulad ng mag-asawang nabaril sa Caticlan. Kaya habang may panahon, magturuan na lang kayo. Yong mga dayuhang Intsik…uwi na kayo sa Tsina.

 

  1. SA MGA PARI, AT IBA PANG GALIT KAY DUTERTE…sana ay ipagdasal na lang ninyo ang tagumpay ng kampanya laban sa droga. Nakakadagdag lang kayo ng sagabal sa ginagawa ng gobyerno dahil nilalabusaw ninyo ang pananaw ng mga tao na ang gusto ay katahimikan at ligtas na mga kalye, at walang adik na bigla na lang papasok sa bahay ng ibang tao upang mang-hostage dahil “hinahabol daw sila ng demonyo”; kung gusto ninyong maging isang Colombia ang Pilpinas sampung taon o higit pa mula ngayon tulad ng sabi ni Duterte, sige….kontrahin ninyo siya….bahala na ang Diyos ninyo sa inyo!

 

  1. SA MGA OPISYAL NG GOBYERNONG GALIT KAY DUTERTE….bawasan ninyo ang effort upang mapansin kaya panay ang pa-interview upang ipaalam sa taong-bayan na ayaw ninyo ng mga karumal-dumal na patayan…ganoong ang pinapatay ay mga kriminal lang naman! Kung inaakala ninyong pang- media mileage ang “concern” na pinapakita ninyo dahil tatakbo pa kayo sa susunod na eleksiyon, nagkamali kayo ng diskarte.

 

  1. SA MGA TRYING HARD NA NAMUMUNO NG AHENSIYA NA MAY KINALAMAN SA DROGA….tigilan na ninyo ang pagpa-interview dahil napapahiya kayo….nababalaho tuloy ang diskarte ng presidente; huwag agawan si presidente ng eksena sa pag-exert ng effort na dinadaan sa mga “sensational revelations”, sumasabog naman sa inyong mukha dahil sa pag-deny ng sinasabi ninyong “witnesses” laban kay de Lima; huwag saluhin ang mga statements ng presidente na bukod tanging siya lang ang nakaka-justify; hindi ninyo kaya ang “style” niya….kaya huwag nang mag-trying hard, please lang!

 

  1. SA MGA NAMUMUNO NG MGA AHENSIYANG INAASAHANG MAGPAPASABOG NG PAGBABAGO…..wake up!…ano na ang nangyari sa inyong mga planong nasa diwa pa lang pala? Mauulit na naman ba ang mga “ningas-kugon” na mga programa ng mga nakaraang administrasyon?
  2. SA BAGONG PINUNO NG PNP….we are in your behind, eheste!…we are behind you….sana ay hindi kayo mapaikutan ng mga palpak ninyong mga “commanders” at “chiefs” na inaasahan din ng mga taong “kumikilos talaga”….pero, ang iba ay hindi pa yata!

 

  1. KAY PRESIDENTE DUTERTE….keep up the good work!…gusto ko ang style mo sa pag-deliver ng speech na “personalized” dahil ang feeling ng nakikinig maski sa radyo ay kinakausap mo sila ng personal dahil sa madalas mong paggamit ng “mo” sa halip na “ninyo” kahit sangkaterbang reporters na ang kaharap mo. Para ka lang nakikipag-usap sa bawa’t isa over lunch…. I like it. Pinagdadasal ko ang tagumpay ng effort mo na mabunot ng ugat ng salot na dulot droga sa bansa!

 

YAN ANG “LUCKY NINE” NA MGA PANAWAGAN KO…PARANG BUHAY NG PUSA – SIYAM, NA SANA AY MAGKAROON SI DUTERTE AT DE LA ROSA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s