Ngayon, Hindi na Yuyuko ang Pilipino

NGAYON, HINDI HINDI NA YUYUKO ANG PILIPINO

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay hitik sa mga kuwentong may kinalaman sa pananakop ng ibang lahi. Nagawa ito dahil ang bansa ay watak-watak…mga islang hindi buo. Nagtagumpay ang mga nagsulputang misyonaryo – Arabo at Kristiyano, kaya nahubog sa panibagong paniniwalang ispiritwal ang kaisipan ng mga ninuno nating pagano.

 

Sa simula pa lamang ay bukod-tanging pananampalatayang Islam ang niyakap ng mga taga-Mindanao na ang katawagan ay Moro. Hindi nagtagumpay ang mga prayleng Kastila na magupo ang mga Moro, na kabaligtaran naman sa Visayas at Luzon kung saan sila ay nagtagumpay. Ang tagumpay na ito ng mga Kastilang misyonaryo ang naging batayan upang palabasing nasakop ng Espanya ang Pilipinas, dahil malaking bahagi ng Mindanao ay hindi naman.

 

Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang mga katutubo ay tinawag na “Indio”, at ang mga tinuturing lamang na mga “Pilipino” ay mga Kastilang hinakot sa Maynila at pinatira sa Intramuros. Indio din ang tawag sa mga Mehikano na hinakot sa Pilipinas upang magtrabaho bilang mga utusan at sundalo. Ang mga taga-India namang hinakot din sa Maynila upang pandagdag sa dami ng mga sundalo ay tinawag na “Sepoy”. Ang nakatira sa labas ng Intramuros ay mga Tsino, mga Hapon, at mga katutubo. Sa panahong yon, yumuko ang mga tunay na Pilipino sa Kastila.

 

Kalaunan, ang mga mahihirap nga mga Pilipino at ilang mga mestiso Kastila ay nagkaisa upang labanan ang mga Kastila. Subalit magkaiba ang kanilang layunin. Ang gusto ng mga mayayamang mestiso ay magkaroon lang ng pagbabao upang matanggal ang mapang-abusong pamamalakad ng mga opisyal na itinalaga ng hari sa Maynila. Samantalang, ang mga mahihirap na pinangunahan ni Andres Bonifacio, ang gusto ay kabuuang kalayaan. Hindi sila nagtagumpay.

Nang pumalit ang mga Amerikano ay pinaglaban pa rin ng ilang Pilipino ang layuning makaangkin ng lubusang kalayaan sa pangunguna naman ni Aguinaldo…na hindi pa rin nagtagumpay.

 

Nang tuluyan namang bitiwan ng Amerika ang Pilipinas, kahit mga Pilipino na ang namahala, hindi pa rin nakawala ang Pilipino sa anino ng mga Amerikano. Naging tanyag ang tawag sa Pilipino na “Little brown brother”, at sa mga Amerikano naman ay, “Big Brother”. Mula sa panahon ni Manuel L. Quezon hanggang sa panahon ni Benigno Aquino III, ang imahe ng Pilipinong yumuyuko sa mga Amerikano ay hindi nawala.

 

Ngayon, sa pagsulpot ni Rodrigo Duterte bilang presidente ng Pilipinas, nagkaroon ng pagbabago dahil walang tapang niyang binabanggit na isa sa mga paiiralin niya ay ang pagtayo ng mga Pilipino sa sariling mga paa…. magkaroon ng sariling paninindigan at desisyon. Malaki ang epekto ng sinambit ni Duterte na “who is he” na ang tinutukoy ay si Obama. Sa headline ng isang diyaryo ay nakabandera ang sinabi din niyang, “I am no fan of the US”. Dahil siya ang presidente ng Pilipinas, animo ay kinakatawan na rin niya ang saloobin ng mga Pilipino.

 

Ngayon, taas-noo na nating masabing tuluyan na tayong nakawala sa tanikalang nag-uugnay sa atin sa mga Amerikano. Ito ay pagpapakitang kaya pala nating hindi yumuko sa Amerika!

 

Subali’t sa kabila ng bagong paninindigang nabanggit, hindi nangangahulugang galit ang mga Pilipino sa mga Amerikano, at kahit samahan ng dalawang bansa ay hindi basta mabubuwag dahil sa mga pinirmahang tratado o treaty o kasunduan. Pinagdiinan lang natin ang sariling prinsipyong nakaangkla sa lubos na kalayaan…kaya hindi na basta na lang masisita o mapagsasabihan ang presidente ng Pilipinas ng presidente ng Amerika pagdating sa paggawa ng desisyon.

 

My Shadow with Me

My Shadow With Me

By: Kevin Norbert G. Lopez

 

I wander the path I’ve chosen

Whilst alone in the dark I travel.

Living a life beholden

As I journey, mysteries unravel.

 

I walk alone in the darkest hour

Hoping to meet even the cruelest umpire

In the woods in which I scour

For the comfort I most desire.

 

Daylight comes and I awoke from my slumber.

Observing my surroundings as I got dazzled by the sunlight.

The solitary moments tear my heart asunder,

Another day spent with a life like blight.

 

Lonely in the woods so deep, only to see

I only have my shadow with me.

Ang Information Technology sa Pilipinas

ANG INFORMATION TECHNOLOGY SA PILIPINAS

Ni Apolinario Villalobos

 

Unang-una, nakakatawa ang sinabi ng isang survey agency na kasama sa limang bansa ang Pilipinas na may pinakamabilis na kakayahan sa pag-upload at pag-down load. Nahihibang na yata itong survey agency dahil sa pagkonekta nga lang sa server ay inaabot na ng siyam-siyam kahit ilang kilometro lang ang layo sa cell site ng user. Sa kabagalan sa pagkonek sa internet, by the time na naging successful, halos ubos na ang load ng user na gumagamit lang ng nilolodan na broadband at wifi. Sa likod namin ay may tower ng Globe pero kapag nasa loob ng bahay ay hirap nang makipag-usap kapag Globe sim card ang gamit dahil kung hindi garalgal ang boses ay nawawala pa ilang saglit lang pagkatapos makakonekta….at kung hindi dalawa ay iisang guhit lang na signal ang nakarehistro sa cellphone at nawawala pa! Ibig sabihin palpak ang malapit tower!

 

Lumabas ang survey na binanggit sa panahong nilalakad ang pagpasok ng isa pang server na siguradong papatay sa serbisyo ng Globe at Smart. Ang masaklap pa ay binigyan ng National Telecom ang mga kasalukuyang server ng isang taon na sobrang napakahabang palugit, upang patunayan na talagang may kakayahan sila, kaya hindi na kailangan ang isa pang server. Kung ilang taon nang kinakalampag ang Globe at Smart dahil sa palpak nilang serbisyo at mahal na singil, bakit ngayon lang sila nagkakandaugaga sa pag-ayos ng kanilang serbisyo? Sa isang banda, ang isyu dito ay ang kapasidad at kakayahan ng kanilang mga gamit upang sabay na maserbisyuhan ang mga customer nila, pero lumilitaw na wala talagang kakayahan dahil pagdating ng “peak hour” kung hindi man mga drop calls ang nadadanasan, ang mga internet users ay nadi-disconnect na. Para bang gusto nilang sabihin na, “O, yong kaninang madaling araw pa gumagamit ng internet, pagbigyan naman ang mga bagong kokonekta ngayong tanghali”.

 

Sa isyu naman ng mga CCTV, may mga kamerang nakakabit sa mga poste subalit, itim naman ang lumalabas sa monitor ng barangay….sira! Kaya kung may mga kasong nangyari sa isang lugar at kailangan ang footages ng insidente, ang pinapakiusapan na lang ng mga pulis ay mga may-ari ng private CCTV.

 

Gusto ng gobyernong magkaroon ng national ID system, ganoong epektibong electronic connection nga lang ng mga ahensiya sa isa’t isa ay WALA. Ang NBI ay hindi sistematiko ang filing system sa kanilang opisina kaya simpleng “same name” na kaso ay hindi nila maresolba on- the-spot….pababalikin pa ang aplikante ng clearance pagkalipas ng ilang araw. Kaylan lang ay nabistong kahit ang pinakabagong Philippine passport na pinagyabang nilang tinawag na “E-passport” ay hindi rin ligtas sa katiwalian dahil sa pagkasabat sa mga Indonesian na may hawak ng mga ito. Ang sistema ng Department of Tourism, Commissison on Election, at Department of Foreign Affairs ay minsan nang na-hack. Ang SSS at COMELEC at iba pang ahensiya ay hindi nakakapag-isyu ng matinong ID at ang pag-isyu ay inaabot ng siyam-siyam, national ID system pa kaya? Palpak ang sistema ng SSS na pinagpipilitang ipadala by courier ang ID sa halip na hayaang ma-pick up ng miyembro….at NAPARAKAMING PAGKAKATAON na ang nagpatunay na hindi sila talagang nadi-deliver ng maayos dahil ang mga aplikante ay nakatira sa ilalim ng tulay at squatters’ are na walang postal address….subait hindi pa rin ito isinasaalang-alang o kinokonsidera ng SSS.

Ang national ID system ay obvious na pang-mayaman o para sa mga mamamayang nagtatrabaho sa mga opisina, kaya paano na ang NAPAKALAKING BAHAGI ng populasyon na nakatira sa mga probinsiya, liblib na barangay, at mga squatters’ area?

 

Dapat ay ipursige ang paglagay ng maliit CCTV sa katawan ng pulis at kanilang sasakyan upang ang galaw nila ay namo-monitor upang masigurong wala silang ginagawang kapalpakan. Ayaw ito ng PNP dahil “bulky” raw o dagdag-pabigat lang sa iba pang kasama na sa uniporme nila. Nakita ko ang fully- uniformed police at ni wala ngang batuta kundi short sidearm kaya paanong pabigat ang isang maliit na kamera na sinlaki lang ng tansan?

 

Ngayon dahil may mga operasyon Tokhang, kung walang taga-media ay walang nari-record sa mga ginagawa ng mga pulis. Problema pa rin ang mga checkpoint na panlaban sa terorismo kuno, ganoong ang ginagawa lang naman ay “tingin”. May super-vision ba ang mga pulis upang masigurong walang mga pambasabog sa trunk o compartment o ilalim ng mga upuan? Magsuot-disente lang ang mga nasa kotse na animo ay mga diplomat, siguradong sasaluduhan pa sila ng mga nagti-checkpoint. Ang mga terorista ay hindi mukhang nanlilimahid na may balbas at disente ang kanilang kasuutan, mga magaganda at pogi, dahil alangan namang gagamit sila ng mga tauhang mukhang butangero at isang tingin lang ay hindi na pagkakatiwalaan. Kung may mga kamera ang mga pulis sa kanilang katawan siguradong hindi na magrereklamo ang mga tumitigil sa checkpoint dahil alam nilang namo-monitor sa headquarters ang kanilang mga kilos kahit pa mag-request silang buksan ang trunk o glove compartment man lang…dahil maiiwasan ang hinalang may itatanim.

 

Maraming paraan ngayon ang mga may utak-kriminal upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kanilang kapwa, lalo na kapag ang balak ay pagnakawan sila. Kahit nga naitapong ATM receipt na itinapon sa basurahan o iniiwan ng mga burarang may-ari ng bank account ay kayang gamitin upang ma-hack ang impormasyon. May mga umiikot sa mga subdivision at mga lugar na maraming bahay na nagnanakaw ng mga nakaipit na mga resibo o sulat sa gate. May mga matitiyagang gumagamit ng computer upang ma-hack ang email ng iba dahil sa pagbabakasakaling may makuhang email na naglalaman ng remittance o imporamasyon ng passport at bank account number, pati mga address sa ibang bansa na dapat ay confidential.

 

May katapat ang information technology, at yan ang taong may utak-kriminal!….pero hindi ko sinasabi na dahil diyan ay hindi na magpapaanod sa daloy nito ang Pilipinas. Sa ganang akin, huwag magpadalus-dalos ang Pilipinas para lang masabing high-tech na siya, ganoong malaking bahagi ng populasyon ay halos hindi makakain ng maayos sa loob ng isang araw!