On Being Exposed to Various Facets of Life

On Being Directly Exposed to Various Facets of Life

By Apolinario Villalobos

 

One can learn by browsing through the pages of books and at the present time, by viewing documentaries on TV channels. The knowledge gained out of those is “secondary”, unlike when one experiences first- hand occurrences in life which then, makes him or her some sort of “authority”. Among these instances are those that involve being in the midst of a depressed area, befriending hoodlums and other shady characters, travelling to interesting and unlikely destinations, eating extraordinary foods, going through grueling experience, etc.

 

In the same manner, sensitive posts such as those in the DILG, DSW, CHR, and many others should be occupied by people who have gained first-hand experience so that they can come up with ideas and decisions, based on “experience”….as much as possible. Unfortunately, various appointments in the government posts are based on “referrals” of friends, associates, or out of gratitude. Later, these appointees, as expected, are proved to be inadequate in carrying their job, and worse, are corrupt!

 

On the other hand, some may say that a doctor need not be sick of any malady to be able to prescribe a medicine. But then, prescribed medicines are not sure balls to cure as patients are asked to return after a certain period of time to check if what have been prescribed were effective. This situation is in contrast to the shared testimony of patients themselves, who got cured by certain herbs…but which medical “authorities” prohibit.  That is why despite the testimonies of those who have been relieved by herbal medicines, for instance, that go with an advertisement, what follows is a harsh precaution from the DOH that the “medication” has not been proved as effective!….so, why allow the inclusion of the testimonies, if that is the case?…or why allow the ad to be played at all, as it will just create confusion? Relative to this was the practice in the earliest civilized nations, such as those mentioned in the Bible. The practice involved exposure of the sick to the public to attract the attention of passers -by, hoping that among them, one or several who had similar disease and got cured would stop by to give advice.

 

Today, in the Philippines, some people who have not even stepped on the ground of a depressed area have the temerity to speak about poverty and life in slums despite the limitation of their “exposure” to TV screens and news gleaned from pages of newspapers. They are the detractors of Duterte in his drive against illegal drugs. All they know are just the words “death” and “extra-judicial killings” without even going any further as to the “who” and “why”. They read and view news that the killed guys are from depressed areas or slums. They never get to the depth of the story, especially, on what the drug-hooked criminals have done and could still do if left to roam the streets peddling drugs from their police protectors and evil suppliers, to their equally impoverished neighbors.

 

These detractors will never understand the situation that resulted from the negligence of the past presidents, because they, who speak about the EJK, only go as far as the air-conditioned malls and drive around the city in their airconditioned car. The furthest that they may have gone to are the touristic destinations where they spent their expensive jaunts. They have not even tried eating in sidewalk carinderias or have taken coffee in makeshift open-air “cafeterias” along side streets of slums.

 

WHAT I CANNOT UNDERSTAND IS THAT DESPITE THE FACT THAT MAJORITY OF THE POPULATION BENEFITS FROM THE DRIVE OF DUTERTE AGAINST DRUGS, THIS MINORITY MUDDLE HIS EFFORT INSTEAD OF JUST OBSERVING FROM THE SIDELINES AND GIVE HIM A CHANCE….THEN JUDGE HIM AT THE END OF HIS TERM. UNDERSTANDABLY, THEY HAVE THE RIGHT TO SAY ANYTHING, BUT THEY ARE NOT HELPING THE DEMOCRATIC EFFORT OF THE PRESIDENT FOR THE MAJORITY WHO, LIKE THEM HAS ALSO THE RIGHT TO BE PROTECTED BY THE SO-CALLED DEMOCRACY…ESPECIALLY, AGAINST THE CRIMINALS!

Ang Droga sa Pilipinas at Pakikialam ng European Union at Amerika

Ang Droga sa Pilipinas at Pakikialam ng European Union at Amerika

Ni Apolinario Villalobos

 

Noong unang panahon…pinaghatian ng ilang bansa sa Europe ang buong mundo. Nag-unahan sila sa pagkamkam ng mga isla kahit may mga katutubo nang nanirahan sa mga ito. Kasama sa listahan ng mgangangamkam ang England, Holland, Russia, Germany, Hungary. Kabilang sa kanila ang mga bansa sa Mediterranean na tulad ng Espanya at Portugal na gumamit naman ng mapagkunwaring misyong ispirituwal na ang simbolo ay krus. Bandang huli na sumali ang Estador Unidos na binuo ng mga estadong nagbuklod-buklod. Ang mga “Amerikano” na bumuo ng malaking komunidad sa “New World” na ang bukana ay California, ay galing sa England, Pransiya, Germany, Holland at iba,  upang takasan ang paghihigpit at pagmamalupit ng kani-kanilang hari at reyna. Sa pangangamkam ng mga Amerikano sa dinayo nilang mga palanas at gubat ay naitaboy nila ang mga katutubo na tinawag nilang “Indian”. Ang tawag na yan ang popular na ginamit noong unang panahon sa pagtukoy sa mga katutubo ng mga kinamkam na mga isla….kasama na diyan ang mga katutubo sa kapuluan ng Pilipinas na tinawag na “Indio” ng mga Kastila.

 

Sa pag-usad ng panahon naging maunlad ang mga bansang mangangamkam dahil sa “industrialization” na ang pinaka-pundasyon o mitsa ay ang paggamit ng “fossil fuel” o mga panggatong na nakaimbak sa ilalim ng lupa tulad ng uling at langis. Dahil sa sobrang kasakiman ng mga mangangamkan, hindi nakontrol ang paggamit ng mga panggatong hanggang masira ang bahagi ng kalawakan na nagbibigay proteksiyon sa mundo (ozone layer) laban sa matinding init ng araw – napunit dahil sa carbon dioxide na ibinuga ng mga factory o pagawaan. Nadamay ang mga maliliit na bansang (third world countries) walang kamuwang-muwang sa “industrialization”. Sa kasamaang palad, ang mga “third world” countries na nagsisimula pa lang umarangkada ay ayaw nang pagamitin ng “fossil fuels” sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na “treaties” o kasunduan sa pagitan nila at mga mangangamkam na malalaking bansa, upang mailigtas kuno ang kalikasan….ganoong ang mga hinayupak na mangangamkam na mga bansang ito ang sumira!

 

Hindi lang sa paggamit ng mga “fossil fuel” nakikialam ang malalaking bansang mangangamkam sa mga bansang maliliit lalo na ang mga nasa Timog-Silangang Asya, kundi pati na rin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang isang halimbawa ay ang pakikialam ng European Union sa mga ginagawa ni Duterte upang matigil ang droga sa Pilipinas. Ibinunyag ni Duterte na hindi na ligtas sa epekto ng droga ang gobyerno dahil maraming nagtatrabaho dito, lalo na sa hanay ng kapulisan ay lulong na rin sa droga. Ang mga barangay na siyang pinaka-pundasyon (foundation) ng lipunan ay nasa impluwensiya na rin ng bisyo dahil maraming Barangay Chairmen ay may kinalaman na rin dito.

 

Sa Europe ay okey lang na maglipana ang mga durogista dahil suportado ng gobyerno ang pagpapagamot, sa Pilipinas ay iba ang sitwasyon dahil gamot nga lang sa pagta-tae o LBM at lagnat ay mahal na…paano pa kung ang pag-uusapan ay mga rehab center na mga high-class na ospital lang ang mayroon…ang tinatawag nilang “basement”? Mabuti nga at sa pag-upo ni Duterte ay binigyan agad niya ang problemang ito ng pansin kaya may magagamit nang mga rehab centers sa Davao, Bukidnon at Nueva Ecija.

 

Malaking balakid sa pagbabago ng Piilipinas ang pakikialam ng European Union at Amerika na ang mga pinaghihinalaang “sulsol” ay mga Pilipino rin na natigil ang milyo-milyong kinikita nang maupo si Duterte!

 

Masasabing nagsanib-puwersa ang dalawang uri ng demonyo sa mundo – ang mangangamkam at mapaglinlang na mga mauunalad na bansa sa Europe, pati Amerika, at ang mga demonyong Pilipino na ang gusto ay patuloy na nabubuhay at pagala-gala sa Pilipinas ang mga adik, drug pusher at mga drug lords, pati mga corrupt sa gobyerno!

 

 

 

Unawain sina Trillanes at de Lima

Unawain Sina Trillanes at de Lima

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ako kaalyado ng dalawa. Naaawa lang ako sa kanila dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyayari sa kanilang buhay. Si Trillanes ay mawawalan ng trabaho dalawang taon mula ngayon dahil hindi na siya senador. Si de Lima ay sukol na sukol o sa Ingles ay “cornered” kaya ang mga litrato niyang kumakalat sa social media ay talagang mabalasik, ganyan din ang asong nasusukol. Unawain na lang sila…

 

Pero hindi dapat isama sa pag-unawa ang pagpapatawad. Para rin yang pagtanggap sa apology ng isang criminal pero hindi nangangahulugang siya ay pinatawad na sa krimeng ginawa niya. Kung ayaw pa rin nilang tumigil sa pagbatikos kay Duterte dahil mamamatay-tao daw ito, ang tanong ay-  ano bang uri ng mga tao ang pinapatay?….di ba mga sangkot sa droga?…ang mga ganitong uri yata ng mga tao ang ayaw nina Trillanes at de Lima na mawala sa mundo, kahit sila ay mga salot sa lipunan! Unawain pa rin sila dahil ang ugali, mabuti man o masama kung talagang “tumigas” na ay mahirap palambutin…by the way, hindi ko sinasabing sila ay mabuti.

 

Karapatan nilang bumatikos ng kahit sinong tao. Karapatan nila yan bilang botanteng mamamayan ng Pilipinas. Kahit sino ay may karapatan ding gumawa ng masama, huwag lang pahuhuli. Kung ang isang tao na walang konsiyensiya ay nakikipag-ugnayan sa mga drug lords sa Bilibid, upang yumaman, hanggang sa nagkaroon ng kulukadidang (kabit) na nagtanim ng gulay upang may makain sa pinagtaguan…karapatan niya yan. Kung may taong mahilig gumamit ng ibang tao para palabasing “witness”, pero bandang huli ay napapahamak lang, karapatan din yan ng taong mayabang. Unawain ang dalawa dahil sila ay nilalang din ng Maykapal kaya may karapatan silang mabuhay, kahit pa sabihing wala silang pakialam sa buhay ng ibang sinira nila o gusto pa nilang sirain. By the way, hindi ko sinasabing may kabit si de Lima o mayabang si Trillaners….wala akong binabanggit na pangalan.

 

Malaking indulgence ang makukuha ng isang taong maunawain. Ang katumbas yata ng indulgence ay bigat ng taong inuunawa….kung malaki ang kasalanan o katarantaduhang ginawa ng inuunawa, mas malaki rin ang katumbas na indulgence….kaya ang uunawa sa dalawa ay sigurado nang may malaking indulgence na “kikitain”.

 

 

Kahangalan ang Paglagay ng Sticker o Seal sa mga Bahay na Walang Adik o Drug Pusher

KAHANGALAN ANG PAGLAGAY NG STICKER O SEAL

SA MGA BAHAY NA WALANG ADIK O DRUG PUSHER

Ni Apolinario Villalobos

 

ISANG KAHANGALAN ANG GUSTONG MANGYARI NG DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) NA LAGYAN NG SELYO O SEAL ANG MGA BAHAY NA ANG MGA NAKATIRA AY WALANG KINALAMAN O HINDI SANGKOT SA DROGA. AT, ANG PINAKAMATINDI AY ANG PAGBIGAY NG UTOS SA MGA BARANGAY.

 

MGA PANANAW KO KUNG BAKIT HINDI ITO EPEKTIBO:

  • MISMONG MGA OPISYAL NG ILANG BARANGAY O MGA VOLUNTEER NILA ANG SANGKOT SA DROGA.
  • NAILILIPAT ANG MGA STICKER DAHIL NAKADIKIT LANG.
  • PWEDENG LUMIPAT ANG MGA ADDICT AT PUSHER SA MGA BAHAY NA MAY STICKER.

 

HIGIT SA LAHAT, PAGKIKITAAN LANG NG MGA TIWALING LOCAL OFFICIALS ANG PAGPAPAGAWA NG MGA STICKER. MALAKING HALAGA ANG KIKITAIN DAHIL SA DAMI NG MGA BAHAY NA PWEDENG LAGYAN, LALO NA SA MGA SQUATTERS AREAS….MILYON-MILYON!

 

HUWAG MAGING BULAG ANG NAGMAMAGALING NA KALIHIM NG DILG DAHIL LANG ITINIGIL ANG “OPERATION TOKHANG”. MARAMING DAPAT GAWIN ANG DILG KUNG MAKIKIPAG-COORDINATE LANG ITO NG MAAYOS SA IBA PANG AHENSIYA TULAD NG DOH, DSW, AT DPWH, TULAD NG:

 

  • CONSISTENT NA PAGLINIS AT PAGTANGGAL NG KUMAPAL NA PUTIK SA MGA DRAINAGE
  • PAGTAPAL NG MGA LUBAK SA MGA KALYE NG MGA BARANGAY.
  • PAGPAPAAYOS NG MGA STREET SIGNS/NAMES NA KARAMIHAN AY SINIRA NG MGA KABATAANG WALANG MAGAWA.
  • PAGPAPABAWAL SA PAGGAMIT NG PRESERVATIVES SA MGA GULAY AT ISDA NA BINEBENTA SA MGA PALENGKE.
  • PAGPAPATUPAD NG CURFEW PARA SA MGA KABATAAN.
  • PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMANG PAGKIKITAAN SA MGA DEPRESSED AREAS.
  • PAG-CHECK NG MGA PALPAK NA REPAIR SA MGA PROVINCIAL HIGHWAYS NA HALATANG PINAGKITAAN.

 

KUNG TUTUUSIN, DILG ANG MAY MAGANDANG MGA OPORTUNIDAD UPANG MAKATULONG SA MGA TAO NANG DIRETSAHAN, HINDI TULAD NG IBANG AHENSIYA NA LIMITADO SA ILANG SEKTOR AT PROGRAMA.

 

ANG DILG DAPAT ANG ITURING AN “UMBRELLA AGENCY” NG LAHAT NG AGENCY DAHIL LAHAT NG MGA PANGYAYARI SA BUHAY NG MGA PILIPINO AY NAGSISIMULA SA LOOB NG KOMUNIDAD NA GINAGALAWAN NIYA, MULA SA KALUSUGAN, DROGA, HUSTISYA, EDUKASYON, AT MARAMI PANG IBA.

 

Ang Simbahang Katoliko, Pastoral Letter Nito, Ang Mga “Pinatay” na Kriminal, at Mga “Biktima” Nila

Ang Simbahang Katoliko, Pastoral Letter Nito,

Ang Mga “Pinatay” Na Kriminal, at “Biktima” Nila

Ni Apolinario Villalobos

 

BINABATIKOS SA PASTORAL LETTER NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG MGA “PAGPATAY” SA MGA DRUG ADDICT, DRUG PUSHER, DRUG LORD AT IBA PANG KRIMINAL DAHIL WALANG KARAPATAN KUNO ANG SINO MANG PUMATAY NA ANG TINUTUKOY AY SI DUTERTE…MAY PRUWEBA BA SILA? KUNG MATINO ANG SIMBAHANG ITO, DAPAT AY HINDI ITO NANGLILIHIS O NANLILITO NG MGA TAO SA PAGBIGAY NG NAKAKALITONG MGA “UTOS” SA PAMAMAGITAN NG PASTORAL LETTER. ANG TANONG…SIGURADO BA ANG MGA LIDER NG SIMBAHANG ITO NA SILA AY MALINIS, NI KATITING AY WALANG INIISIP NA MASAMA? PAANO ANG WALANG HUMPAY NA PANGLILIKOM NG MGA “OFFERING” KUNO TUWING MISA NA DATING ISANG BESES LANG, PERO NGAYON AY DALAWA NA – IDINADAAN SA SOBRE PAGPASOK PA LANG NG MAGSISIMBA SA SIMBAHAN, AT SA BASKET SA BAHAGI NG OFFERTORY?…YAN ANG MATATAWAG KONG PANGHUHUTHOT TO THE MAX!

 

BAKIT HINDI ISINAMA SA PASTORAL LETTER NA YAN ANG MGA “BIKTIMA” NG MGA KRIMINAL?….MGA BIKTIMANG NAGTATRABAHO NG MAAYOS PARA SA KANILANG PAMILYA?…MGA BIKTIMANG ESTUDYANTE NA NAGING ADIK KAYA NASIRA ANG KINABUKASAN?…MGA BIKTIMANG NAWALAN NG KATINUAN KAYA NAGPAKAMATAY?….MGA BIKTIMANG PASLIT NA HINDI LANG GINAHASA KUNDI BINABOY PA ANG KATAWAN DAHIL PINASAKAN NG KUNG ANONG BAGAY ANG PUKE, O DI KAYA AY PINUGUTAN PA NG ULO???!!!

 

ANO BA TALAGA ANG GUMAGABAY SA MGA PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO…DIYOS BA NILA NA DAPAT AY MABAIT O DEMONYO?….BAKIT HINDI NITO I-QUALIFY O BIGYAN NG TAMANG KAHULUGAN ANG SALITANG “PAGKAMATAY” O “PAGPATAY”?….SINO AT KUNG ANO ANG DAHILAN?….HINDI BA NILA NAIISIP NA IBA ANG IBIG SABIHIN NG “PINATAY NA KRIMINAL” KUNG IHAMBING SA “BIKTIMA NG KRIMINAL”? GUSTO BA NG SIMBAHANG KATOLIKO NA DUMAMI PA ANG NAGLILIPANANG MGA KRIMINAL SA PILIPINAS? MAY KABULUHAN PA BANG MABUHAY ANG KRIMINAL NA SUMISIRA SA KINABUKASAN NG BAYAN????!!!!

 

SA GINAGAWA NG MGA LIDER NG SIMBAHANG KATOLIKO, PARA SILANG PILOSOPO NA NAGSASABING, “GO TO THE WORLD AND MULTIPLY” NA PINUTOL NILA AT HINDI IDINUGTONG ANG IBA PANG MGA KATAGA UPANG MAGING KUMPLETO SANA ANG “UTOS” NA YAN NG DIYOS NILA. SA MGA HINDI PA NAKAKAALAM, ANG UTOS NA YAN AY IBINIGAY KAY NOAH PAGKATAPOS NG MALAWAKANG BAHA SA BUONG MUNDO, UPANG DUMAMI ULI ANG MGA TAO….NOON YAN. NGAYON AY HINDI NA PWEDENG GAMITIN NG SIMBAHANG KATOLIKO AT MGA PILOSOPO LABAN SA FAMILY PLANNING PROGRAM.

 

NGAYON, ANG MGA SALITANG “HUWAG PUMATAY” NAMAN ANG GINAGAMIT NG SIMBAHANG KATOLIKO SA PAGLITO SA MGA MIYEMBRO NILA. WALA SANA ITONG PROBLEMA, SUBALIT ANG GINAGAWA NG SIMBAHANG YAN AY NAKAKAAPEKTA SA BUONG BANSA!!!

What Duterte Needs to Check Illegal Drugs and Corruption is a “Super Council”

What Duterte Needs to Check

Illegal Drugs and Corruption is a “Super Council”

By Apolinario Villalobos

 

One glaring flaw in the government system which causes all the flacks in its effort to check the proliferation of corruption and illegal drugs is the lack of concerted effort due to the absence of effective coordination and instantaneous action of all agencies concerned with interrelated functions and objectives. By “agency”, I mean “office”, be it a bureau, a unit of a department, the department itself, and all levels of the local government. I this regard, I am referring to the Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) and the Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

The above is very ideal. However, there is a big question as regards “trust”, because the mentioned agencies are not 100% trustworthy. Betrayal is not far from being committed by the corrupt official who happens to have become a member of the Super Council. In the past, before raids can be conducted, for instance, in drug laboratories and drug dens, the targets have already been notified by their cohorts in the participating government agency, and who are privy to the operation. In this regard, there is an urgent need to purge the said agencies of scalawags before the Super Council can be organized…the DOJ with its PDEA and NBi, the PNP and the lower courts of the Judiciary.

 

As to the checking of the trustworthiness of people in the government, and whose expertise the president can harness, the latter should check their historical performance. He should also make it clear that whoever gives him wrong information should be made accountable. He should learn his lesson from the embarrassing case that put the Bureau of Immigration into the limelight, with those involved being his appointees.

Mga Tanong tungkol sa mga Pangyayari sa Buhay ng Tao at Droga

MGA TANONG TUNGKOL SA MGA PANGYAYARI

SA BUHAY NG TAO AT DROGA

Ni Apolinario Villalobos

 

  • Kung mangati ang balat natin, hindi ba kinakamot ang bahaging nangangati, dahil ito ang unang nararamdaman bago tayo pumunta sa derma doctor upang magpasuri?

 

  • Kung nagkaroon tayo ng sugat na maliit, hindi ba tinatapalan ng “band aid” o pinapatakan ng gamot upang maampat muna ang pagdugo, at saka magpa-ineksiyon kung kailangan?

 

  • Kung sumakit ang gilagid dahil sa ngiping may butas, hindi ba umiinom muna ng pain killer upang mawala ang pamamaga ng gilagid at pananakit bago tayo pumunta sa dentista para ipabunot ang sirang ngipin?

 

  • Kung nagagalit ang mga magulang sa maliliit pang mga anak na ayaw pasaway, hindi ba pinapalo muna sila bago pinapaliwanagan ng dahilan?

 

  • Hindi ba kung may sunog, pinapatay muna ang apoy na tumutupok sa bahay, bago iniimbistigahan ang dahilan ng sunog?

 

  • HINDI BA ANG DROGANG NAKASIRA SA BUHAY NG MGA KABATAAN AY DIREKTANG GALING SA MGA DRUG PUSHER?…NA IBIG SABIHIN, ANG MGA DRUG PUSHER ANG MGA DIREKTANG SUMISIRA NG LIPUNAN?

 

KUNG ANG SAGOT AY OO, BAKIT MARAMI ANG NAGAGALIT KUNG MAY MGA DRUG PUSHER NA NAPAPATAY, GANOONG SILA ANG DIREKTANG DAHILAN KUNG BAKIT KUMALAT ANG DROGA? BAKIT HINDI SILA “KAMUTIN” UPANG MATANGGAL AGAD ANG “PANGANGATING” DULOT NILA SA LIPUNAN, NA TALAGA NAMANG SUSUNDAN NG TULUYANG “PAGGAMOT SA SAKIT SA PAMAMAGITAN NG PAGLIPOL NG MGA SUPPLIER AT DRUG LORDS?”

 

KILALA ANG MGA DRUG PUSHER NA DIREKTANG DAHILAN NG PAGKASIRA NG MGA KOMUNIDAD, BAKIT SILA HAHAYAANG PAKALAT-KALAT LANG NA PARA PANG NAGYAYABANG?

 

MAY MGA DRUG PUSHER NA HINDI NAMAN ADDICT AT TALAGANG PERA LANG ANG HABOL AT ALAM NILANG MASAMA ANG KANILANG GINAGAWA NA MAY KARAMPATANG PARUSA KUNG SILA AY MAHUHULI. YAN AY DAHIL MAY TALINO SILA AT HINDI NAMAN MGA BALIW NA WALANG KATINUAN ANG PAG-IISIP. DAHIL ALAM NG MGA SALOT NA ITO NG LIPUNAN ANG KANILANG GINAGAWA, BAKIT SILA KAAAWAAN? BAKIT HINDI IBIGAY ANG AWA SA KANILANG MGA BIKTIMA?

 

Ang ISANG drug pusher ay NAKAKAPAMINSALA NG DAAN-DAANG KABATAANG ESTUDYANTE MAN O HINDI, AT DAAN-DAAN DING PAMILYA. Kung ikumpara ang mga numero, alin ang mas malaki? At dahil hindi lang isa ang drug pusher sa buong bansa, hindi ba nakakabahala ang milyon-milyong buhay na sinisira nila?

 

 

Ang mga Pinapatay na Drug Users at Pushers

ANG MGA PINAPATAY NA DRUG USERS AT PUSHERS

Ni Apolinario Villalobos

 

Batay sa mga binanggit ni Kerwin Espinosa tungkol sa lawak ng pagkasangkot ng kapulisan, nakakabahala na hindi lang pala mga opisyal na nakaupo sa mataas na puwesto ang may kinalaman, kundi pati mga kapulisan sa ilalim. Malinaw na malinaw ang kuwento tungkol sa mga “recycled” na droga – mga drogang bahagi ng nakumpiska ng mga pulis at pinabebenta nila mga “bataan” nilang pushers. Ang mga nasa Maynilang pulis na nagre-recycle ay tinawag na “ninja cops”. Ang mga pushers ay nahahawakan nila sa leeg dahil nahuli na nila ang mga ito bilang mga drug users, kaya mistulang na-black mail upang magbenta ng “recycled” na droga, upang hindi tuluyang makulong.

 

Naipakita din noon sa TV ang isang witness na taga-Antipolo na nag-utos daw sa kanyang tatay na magbenta ng droga, at kung minsan daw ay sa bahay pa nila gumagamit nito. Mistulang nakalublob sa kumunoy ang tatay nilang pinatay nilang gumagamit din ng droga at ilang beses nang nahuli. Nang mapatay ang tatay nila ay positibo nilang itunuro ang mga pulis.

 

May mga pinapatay ngayong ayon sa mga kaibigan at kapamilya ay dati daw gumagamit LANG ng droga at sumuko na kaya nakalista sa presinto. Nagtataka lang sila kung bakit pinatay pa at siguradong hindi sindikato ang pumatay sa kanila dahil wala naman daw kilalang big-time pusher ang mga ito. Ang ibang namatay ay mga scavenger at “barker” sa mga jeepney station. Pero ayon sa kanilang mga kaibigan ay natutong gumamit ng droga na nagsimula sa rugby, pero bandang huli ay kumita dahil “naghahatid” na rin daw ng droga o naging “runner”. Kung minsan pa daw ay may kausap silang mga pulis.

 

Ang hinala, ay mismong mga pulis na sangkot sa droga pero hindi natanggal sa puwesto ang may kagagawan ng pagpatay upang hindi sila maituro pagdating ng panahon. Pinapatay nila ang mga nakakakilala sa kanila upang pagdating ng panahon ay hindi sila maituro. Kapag “lumamig” na ang sitwasyon dahil isinusunod na ang “corruption” kaya siguradong hihina ang operasyon laban sa droga, asahan ang mga bagong “set” ng drug pushers at runners. Hindi naman kasi nasisira ang shabu kahit itabi ng kung ilang taon….pwedeng ibenta after six years kung wala na si Duterte.

 

The Issue on Illegal Drugs is Similar to Cancer…treatment affects even the good cells

THE ISSUE ON ILLEGAL DRUGS IS SIMILAR TO CANCER

…TREATMENT AFFECTS EVEN THE GOOD CELLS

By Apolinario Villalobos

 

 

IT IS IMPOSSIBLE TO APPLY ALL KINDS OF MEANS AT THE SAME TIME TO TOTALLY ERADICATE THE PROBLEM ON DRUGS WITHOUT INADVERTENTLY AFFECTING THE INNOCENTS, JUST LIKE IN THE TREATMENT OF CANCER USING THE RADIATION OR CHEMO THERAPY IN WHICH EVEN NON-CANCEROUS CELLS ARE AFFECTED.

 

THE MENACE OF THE ILLEGAL DRUG IS SUCH THAT NOBODY CAN PINPOINT EXACTLY WHO IS THE LEAST AND MORE GUILTY, AS EVEN THE POOR SCAVENGER WHO HAS BEEN INITIALLY USED AS “DRUG RUNNER” FOR A PITTANCE, LATER ON GOT HOOKED TO BECOME “DRUG ADDICT”, AND EVEN DRIVEN TO COMMIT CRIME AFTER BEING ENTRAPPED IN THE MESH WOVEN BY THE DRUG LORD WHO IS THE MOST GUILTY.

 

WHEN POOR FELLOWS FROM SLUMS GET KILLED, DUTERTE DETRACTORS IMMEDIATELY BLAME HIM AND THE POLICE WHILE CRYING “EXTRAJUDICIAL KILLING” TO HIGH HEAVENS, AS IF, THERE ARE NO VIGILANTES -THOSE WHO WANT TO AVENGE THEIR VICTIMIZED LOVED ONES, AS WELL AS, DRUG PERSONALITIES – THOSE WHO DO NOT WANT TO BE BETRAYED OR PINPOINTED BY DISLOYAL AND TWO-TIMING DRUG RUNNERS AND PUSHERS, AND WHO CAN EXACT HIDEOUS KILLINGS PORTRAYED IN NEWSPAPERS AND VISUAL MEDIA OUTLETS.

 

DUTERTE DETRACTORS SHAMELESSLY CRY FOR JUSTICE FOR THE KILLED DRUG PUSHERS AND DRUG LORDS WHO, FOR THEM ARE “VICTIMS” OF EXTRAJUDICIAL KILLING, WHILE NOT GIVING EVEN A FLEETING GLANCE AT THE VICTIMS OF THESE CRIMINALS.

 

Ang Pagsasamantala sa Kapwa

ANG PAGSASAMANTALA SA KAPWẲ

Ni Apolinario Villalobos

 

Switik o manloloko o swindler ang ibig sabihin ng mapagsamantala, at maraming Pilipinong ganitong uri ng trabaho ang pinagkikitaan…napakarami. Naging biktima rin ako hindi lang iisang beses kundi napakarami pa.

 

Noong bagong salta ako sa Maynila, habang naglalakad ako sa Avenida, may lumapit sa aking lalaki na may dalang nakarolyong diyaryo, lumapit sa akin sabay bulong na “Playboy Magazine” ang dala niya pero bawal kaya niya binalot na mabuti ng diyaryo at tape. Dahil beynte pesos lang, binili ko na at halos itaboy niya ako sa pagpaalis dahil baka daw may pulis na makakita ng transaksiyon namin. Ang balak ko ay ibenta ang magasin sa co-boarder ko na mahilig sa malalaswang magasin sa tripling halaga. Pagdating ko sa boarding house, dali-dali kong pinunit ang balot na diyaryo habang excited na nakatanghod ang bibiling co-boarder ko, subalit laking hiya ko nang ang lumantad ay lumang kopya ng “Liwayway”!

 

Sa Avenida pa rin, nang mamasyal uli ako, may lumapit na lalaking nagbulong na may apat na Family Size Colgate toothpaste daw siyang binebenta. Dahil mura rin, binili ko lahat dahil ang balak ko ay ibenta rin sa boarding house ang tatlo at ang isa lang ang gagamitin ko. Pagkatapos kong  maghapunan, binuksan ko ang isa upang gamitin. Nadismaya ako dahil sa sobrang tigas ng tube at walang lumalabas kundi katas lang…tumigas na sa sobrang pagka-expire!

 

Nang minsang dumaan ako sa Quiapo kung saan ay nagkasunog, may nakita akong nakalatag na mga pabango, puro branded. Ang sabi ng tindero, “agaw” daw sa sunog at itinuro ang puwestong halos naabo sa likod niya. Tiyempo namang pagkatapos kong bayaran ang tinder para sa napili kong “Paco Rabanne” ay may dumating na pulis kaya nagtakbuhan ang mga sidewalk vendor. Pagdating ko sa boarding house, binuksan ko ang bote at inamoy…okey naman. Tinesting ko at okey pa rin, subalit makaraan ang wala pang ten minutes ay nawala na ang bango…tubig lang pala na kinulayan at hinaluan ng ilang patak ng tunay na pabango! Nalaman ko rin nang bumalik ako sa Quiapo na ang nasunog na puwesto ay hindi pala nagtitinda ng mga pabango kundi mga tela…prop lang pala ang sunog na puwesto para mabenta ang mga pekeng pabango!

 

Kung pag-uusapan ang tungkol sa iba pang uri ng pananamantala ng mga Pilipino ay palaging nababanggit ang mga illegal recruiter para sa mga trabaho sa ibang bansa. Mayroon ding recruiter ng mga inosenteng gustong yumaman agad kaya naging “mule” o tagadala ng mga illegal na droga sa ibang bansa. Sumabog din noon ang tungkol sa tanim-bala sa airport at ang mga biktima ay mga matatanda at OFW, raket na pinagkitaan ng mga nagtatrabaho sa airport. May nagpapanggap ding mga sinapian kuno ng ispiritu ni Hesus, Santo Niἧo, o Birheng Maria, o ispiritu ng kamag-anak na namatay ng kung ilang taon na. Ang iba pa ay sinasapian din daw ng duwende o engkanto upang maituro ang kinaroroonan ng nakabaong kayamanan, subalit ang “maki-sosyo” sa paghukay ay dapat maglagak ng “deposito” na perang magsisilbing sakripisyo, hindi pwede ang dugo ng itim na manok.

 

Hanggang ngayon ay naglilipana pa rin ang mga pekeng gamot sa balat…mga pamputi raw pero Clorox pala ang halo sa alcohol. Ang isa pang panloloko na ginagamitan ng gamot ay kalat sa wet market o talipapa kung saan ay binibenta ang mga isda at gulay na ibinabad sa “formalin” o gamot para sa pag-embalsamo ng bangkay. Ang ginayat na panggulay na langka at puso ng saging ay binababad sa kemikal upang hindi mangitim, subalit kapag iniluto na ay hindi naman lumalambot at nalalasahan pa ang pait. Ang talong at kamatis na ibinabad sa nasabing kemikal ay sariwang tingnan ang balat subalit sa katagalan kahit ganoon pa rin ang hitsura, bulok na pala ang laman. Ang mga isda naman, kahit dalawang araw nang naka-istak sa yelo, dahil nailublob sa kemikal, sariwa pa rin ang hitsura ng kaliskis subalit ang mga mata ay halos bulok na. Ang ibang gumagawa ng tamban na tuyo ay gumagamit din ng formalin upang magmukhang sariwa at makintab ang kaliskis ng isdang ibinilad sa araw, subalit kapag ipinireto na ay nadudurog ang laman.

 

Sa kaso ng bigas, ang mga tusong wholesaler ay nakikipagsabwatan sa mga taga-NFA upang makabili ng murang bigas at hinahaluan nila ng “segunda” na uring imported pero kapag ibenta na ng tingi o retail ay presyong first class na. May mga sabong panligo at panlaba rin na pinepeke. Hindi pa rin nakaligtas ang “Magic Sarap” popular na sangkap sa panluto na binibenta sa palengke. Dahil peke, kahit ilang sachet ang ihalo sa niluluto ay wala pa ring epekto sa lasa.

 

Hindi rin nakaligtas ang mga simbahan dahil ginagamit sila ng mga pekeng pastor at pari. Tuwing Araw ng Patay, naglipana ang mga pekeng pari na lumilibot sa mga sementeryo na humihingi ng bayad upang magbasbas ng mga puntod. Nakatiyempo ako ng pekeng pari noong minsang pasyalan ko ang kaibigan ko sa Bulacan ilang taon na ang lumipas at isinama niya ako sa puntod ng mga magulang niya. Pinabasbasan niya ang mga puntod sa lumapit na “pari” at ang “donasyon” na ibinigay niya ay 300pesos. Makalipas ang ilang linggo, ang “pari” ay nakita ko sa Caloocan – barker pala ng mga jeep, pero dahil ang porma ay kagalang-galang at hindi naman madungis, nakalusot bilang “pari”.

 

Bilang payo, huwag madismaya kung maging biktima ng panloloko at sa halip ay ituring na lang ang nadanasan bilang leksiyon at babala upang makapag-ingat pa ng todo. Hindi ligtas ang sinumang tao sa mga panloloko, dahil mismong Bibliya ay nagbabala tungkol sa pagdating ng mga pekeng propita at Kristo…na maaaring nangyayari na ngayon.