Usapan namin ng Katabi ko sa Bus…

USAPAN NAMIN NG KATABI KO SA BUS…

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang nagpasimula ng usapan namin ay ang balita sa bus TV na nagbo-brodkast ng mga katiwalian sa gobyerno habang pauwi ako sa Cavite mula sa Lawton.

 

Katabi ko:  Yan ang hirap sa ibang opisyal natin, eh, ginagawa tayong bobo.

 

Ako:  Basta, ako hindi bobo. (Pahiwatig na ayaw kong makipag-usap, pero makulit ang katabi ko).

 

Katabi ko: Tulad noong babaeng opisyal, sana ay diniklara niya sa kanyang, ano ba yun?…Salain?…Salsalhin?…Salsalin?

 

Ako: SALN…Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. Ang bastos mo!….siguro napanood mo ang video.

 

Katabi ko:  Yon na nga….sana isinulat na lang niya doon ang pangalan ng kanyang kabit dahil okey yata ang asset nito? Dapat din niyang ideklara ang raket niyang pagpa-pyramid ng pera dahil hinihingi ang kanyang network (dinig niya sa net worth ay network)…o radio station kayang pagma-may-ari niya? Anong video nga pala?

 

Ako:  Ewan ko. (kunwari, inaantok ako, pero makulit talaga ang katabi ko.)

 

Katabi ko:  Ibig kong sabihin, video ng asset ng kanyang kabit?

 

Ako:  Sinong may kabit?

 

Katabi ko:  (tumahimik siya, pero sandali lang)….kung pagmamahalan ang sinasabi sa balita, dapat hayaan na lang.

 

(Tahimik pa rin ako)

 

Katabi ko: Mabuti na yon kaysa kumuha siya ng callboy…baka may AIDS pa.

 

(Tahimik pa rin ako)

 

Katabi ko:  tahimik ka yata, pare…

 

Ako:  Inaalala ko lang ang kaibigan kong bumaril ng kapitbahay niyang madaldal lalo pa kung lasing ito dahil pati paglalandi ng mga aso sa lugar nila ay kinukuwento sa iba kesyo mga wala daw pinipili at delikadesa. Ayon nagalit ang kaibigan ko dahil ibinalita ng daldalero na askal daw ang pinakahuling nagbuntis sa aso niyang nabili niya ng 70thousand pesos.

 

Katabi ko:  Dapat lang pala siyang barilin.

 

Ako:  Mismo!….ako nga ay may nasikwat at nasakal na noon na isang madaldal din, eh. Hindi lang namatay dahil inawat kami ng misis niya na nagmakaawa. Pero yong isa, sinipa ko palabas ng bus(biglang tumahimik siya).

 

Nang bumaba ang nasa harap namin, lumipat ang katabi ko sa nabakanteng upuan. Maya-maya ay tumayo at inabutan ako ng apat na mansanas na laman ng plastic bag na bitbit niya. Pagkatapos kong magpasalamat ay natulog na ako dahil sa matinding trapik. Nang magising ako sa Baclaran ay wala na ang lalaking madaldal….. Praise the Lord!

Elevating Dark Glory

imockery

I glorify Intellect
indulging it
with mischievous minds
and expensive poetry.
You’re an extravaganza
like a thousand eclipses
falling on my mind
and a million constellations
bursting in my eyes.

You glorify glamour
It’s never two for the show
always one for the splendor.
Drenched in dazzling crystals
they hurt they kill
they sizzle
But you come to me
like roses bloom for ego
and the earth moves for tomorrow.

Let the darkness stay inside
Let it fester and mortify
Grow and swallow whole
Any of the light left in me
But I must stay pale,
For the light must reflect off me
So other people see the light
Not the darkness,
Of which I have become so fond
Keeps me company
during the long nights
Of demons, tears and howls
Pale consumed by darkness
It’s all so fashionable now.

Fin.

-Abhishek

View original post