Angeles…Lunsod ng Mga Pangarap

For the 50th Cityhood Commemoration of Angeles City, Pampanga:

Angeles…
Lunsod ng Mga Pangarap

Ni Apolinario Villalobos

Ang alindog niyang sa gabi ay napakarikit
Sa taal mang tagaroon o dayo’y umaakit,
Ang lunsod na noon pa man ay kilala na
Lalo pang tumingkad ang angking ganda.

Nagsimula bilang isang luntiang palanas
At animo’y nakatagong hiyas ng Pilipinas,
Siya ngayon ay nasa gitna ng kalakalan
Maging ng kultura ng mga Kapampangan.

Lunsod ng mga pangarap siyang maituturing
At sa kahi’t anong lunsod, maaaring ihambing,
Hindi pahuhuli sa ano mang uri ng pagbabago
Dahil ang Angeles, tuluy-tuloy ang pag-asenso.

Kung magagandang dilag ang pag-uusapan
Sa Angeles na yata, lahat sila’y matatagpuan,
May malasutlang kutis at kulay ng Pilipina –
Gandang kinikilala maski sa ibang bansa!

Maraming sa Angeles ay humabol ng pangarap
Hindi naman nabigo sa lunsod na mapaglingap,
Pangalan niyang sa mapagpalang anghel hinango
Hindi kataka-takang kinukuyog siya ng mga dayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s