Investments in Life

Investments in Life

By Apolinario B Villalobos

 

 

Investments in life are made in stages:

 

1. When a man and a woman meet, they invest TRUST and LOVE to each other with a hope that these shall develop into a wise decision to get married, hence, give them a reason to settle down as a couple.

 

2.  As a couple, they invest PATIENCE and DILIGENCE into their lives in order to earn money and raise a family.

 

3.  The couple invests the MONEY in a home of their own and things for their coming offspring.

 

4.  The couple invests MONEY for the food, supplements and medicines for their offspring so that they will grow healthy. As they grow, more MONEY is invested for their education with a hope that they will have a bright future later on. When the offspring leave home to make their own investments, the couple is left alone. This is the last stage of their investment. They are back to each other’s arms – alone.

 

Unfortunately, SOME couples forgot to invest for their COMFORTABLE retirement. It is only later they learned that social security retirement (in the Philippines), is not enough to cover supplements, medicines, regular medical check ups, and salary for caregiver – expenses  that come with old age.

 

Worse, SOME very unfortunate couples found out that their children whom they nurtured with love since birth and already have families of their own, develop amnesia, causing them forget that somewhere in a province or a depressed residential area in a city, are two aging persons, living in a crumbling house…aging persons who could not even help themselves in going to the toilet or in taking a bath.

 

Not ALL offspring are kind enough to SHOW love to their parents who smothered them with love when they came into this world. SHOWING love to the parents is not paying them back for what they have done. SHOWING love to a person is a SPIRITUAL obligation, be he or she is a kin or a stranger.

 

LOVING parents do not bother themselves with a seemingly wasted investment such as mentioned above. They know, it is their obligation to raise their children decently, properly, complete with love…with affection.

 

Indeed, investment is always shaded with risks that should be accepted what they may be.

 

   

Ang Bugbog Saradong Gobyerno

Ang Bugbog-saradong Gobyerno

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Bugbog-sarado na ang gobyerno. Walang epekto ang balitang umuunlad na ang bansa dahil sa pagtaas ng investment ratio na pinagdududahan na rin. Sa mga nangyayari, wala nang nakikitang matinong ginawa ang gobyerno. Ang inabangang pagbulgar ni Panfilo Lacson ng mga anomalya sa paggawa ng bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa silangang Visayas ay nagdulot lamang ng pagkadismaya. Sinabi niyang wala naman daw overpricing na nangyari kundi underdelivery ng mga substandard na mga materyales. Sa mga nakakaunawa, pareho lang yon dahil malinaw na may kumita.

 

Ang inaabangang pagpirma ng Framework Agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF, hindi pa man nakakarating sa kamara ay may mga puna na, at ang masahol, may mga nagbanta pa ng mga pagsiklab ng kaguluhan sa Mindanao na pasisimunuan ng mga hindi nakasali sa usapan – ang mga BIFF at MNLF. At, ano ang garantiyang maipapatupad ang panukala paglipas ng 2016, pagtatapos ng katungkulan ni Aquino? Hindi kaya ito matulad sa napagkasunduan noon sa pagitan ng gobyerno at MNLF na hindi lubusang naipatupad?

 

Lumulutang ang kahinaan ng puwersa ng kapulisan dahil sa kaliwa’t kanang panggagahasa at patayan, mga kakulangan sa kaalaman ng ilang mga pulis sa paghawak ng mga kaso, mga pag-abuso ng mga pulis sa mga detinadong suspek ng krimen, at marami pang iba. Ni minsan, hindi man lang lumabas ang namumuno ng buong kapulisang nasyonal para magpaliwanag. Ang “nakakamangha”, nang pumutok ang kaso sa pambubugbog kay Vhong Navarro, ang Secretary of Justice mismo, si Gng. De Lima ang nagsasalita at hindi si Purisima. Ganoon na ba ka-cheap ang gobyerno, na pati showbiz issues ay gustong duhapangin? Naalala ko noon ang holdapan sa isang jewelry shop sa isang mall, ang bumulaga sa eksena ay Secretary ng DILG, si Mar Roxas! Tindi!

 

Hindi pa man nakakahugot ng buntong-hininga ang mga motorista dahil sa nakaambang pagtaas ng langis, may banta na namang pagtaas ng gas panluto. Matagal na palang sarado ang sinasabing Shell depot sa Batangas na sinasabing responsable sa 65% na supply ng gas panluto, ay bakit hindi man lang napagtuunan ng pansin ng gobyerno? Kung hindi pa nagsalita ang isang tao tungkol dito sa TV ay hindi nabulgar ang nakaambang malaking problema na naman dahil sa inaasahang pagsirit ng halaga ng mga tangke ng gas. Hindi na sana nagsalita ang Secretary ng Energy na si Petilla, na ginigiit ang hindi pagtaas ng presyo ng gas panluto dahil kung hindi mangyayari ang sinabi niya, dagdag kahihiyan na naman ito ng gobyerno.

 

Ano na nga ba ang nangyari sa mga iniibestigahang illegal na pag-angkat ng bigas? Maliwanag na ang sistema ng katiwalian, bakit hindi tumbukin ang ugat o mga ugat? Pagkatapos ng ilang araw na pagsasayang ng oras sa imbestigasyon sa Senado, bigla na lang sinabi ng committee na ok na, may magagamit na sa paggawa ng batas. Investigation dismissed! Hanggang doon na lang. Samantala, tuloy ang press release tungkol sa listahan kuno ng mga ismagler. Hanggang doon na lang din yata.

 

Puro press-release ang mga nangyayari, pati ang paglipat na dapat kay Napoles sa regular na bilangguan ay idinaan din sa press-release at hindi rin narinig pagkatapos makodakan ang mga “matatalinong” namumuno. Puro ngawa ng ngawa, wala namang gawa! Gusto lang makakuha ng media footage! Puro pakyut sa camera!

 

Pinagtatawanan na ng ibang bansa ang Pilipinas. Mabuti na lang at meron tayong magagaling na boksingero, mang-aawit, at beauty queens, na pilit nagtatayo at nagwawagayway ng ating bandila. Iba pa rin sana ang dating kung nakakadikta tayo ng respeto, subali’t paano nating magagawa ito kung ang ilan sa mga namumuno ay nagpapabaya sa katungkulan, sa halip ay pinapairal ang pagkagahaman sa pera kaya ang imahe natin ay nahahatak upang malublob sa putikan ng kahihiyan?

 

Matindi ang kapit sa poder ng mga taong dapat magbitiw. Nagkikibit-balikat lamang  yong nakatira sa palasyo sa tabi ng Ilog-Pasig. Hindi man lang niya naisip na pagdating ng panahon, malalathala sa mga pahina ng kasaysayan ang pagkakaroon ng bansa ng isang pangulo na walang ginawa sa harap ng mga nakakabahalang pangyayari na naglalagay sa mga Pilipino sa balag ng alanganin.