Dapat Pederalismo na lang…

Dapat Pederalismo na lang…
Ni Apolinario Villalobos

Dahil malaki pala ang inilalaang badyet para sa Bangsamoro kung sakaling ito ay matuloy, ngayon pa lang ay marami na ang sumisilip at nakikiramdam – ang mga taga ibang rehiyon ng bansa. Ang norte ay mayroong Cordillera Autonomonous Region. Sa Mindanao ay mayroong ARMM na mapapalitan ng Bangsamoro, kung makakapasa ito sa mga mambabatas. Paano na ang mga Bicolano, Tagalog, at Bisaya?

Si mayor Durterte ay nagpahayag ng kanyang damdaming umaayon sa Pederalismo. Sa isang banda, tila Pederalismo nga yata ang sagot sa problema ng Pilipinas bago tuluyang magkawatak-watak ito dahil sa mga isyung pulitikal, ekonomiya at relihiyon. Napatunayan rin lang na hindi epektibo ang centralized na uri ng gobyernong repulika, bakit hindi gumawa ng seryosong pag-aaral upang mapalitan ang uri ng gobyerno at mapalitan ang Saligang Batas?

Sa bandang Central Mindanao ay may nakikitang nakasulat na “motto” ng isang bangko na “pera ng Mindanao para sa Mindanao”. Paano na kung gumaya ang ibang probinsiya at sabihin halimbawa ng mga Cebuano na “pera ng mga Cebuano para sa Cebu”, o di kaya mga taga Legaspi na “pera ng mga Bikolano, para sa Bicol”? Kung mamuo ang ganitong klaseng “kanya-kanyang” damdamin, siguradong malaki ang magiging problema ng gobyerno.

Sa ngayon, walang nakikitang matinong mamumuno ng bansa dahil lahat ng mga nag-aambisyong maging presidente ay sangkot sa anomalya, hindi pa man napatunayan ay may bahid na. Dahil sa ganitong larawan ng kalagayang pulitikal ng Pilipinas, ang labanan tuwing may eleksiyon ay hindi na kung sino ang malinis o matino o matalino, kundi kung sino ang may pera pagdating ng kampanyahan dahil sa hayagang pamimili ng boto.

Tulad ng mga bayan sa kabundukan ng Cordillera, bakit hindi na lang din pag-isahin ang mga probinsiya ng mga Bicolano sa isang rehiyon, ganoon din ang mga Tagalog? Ang mga Bisaya ay bakit hindi rin ganoon ang gawin? At, ang Mindanao, maliban sa Bangsamoro ay bakit hindi gawan ng isa pang rehiyon? Mahirap gumalaw sa Pilipinas dahil nahahati ang bansa sa mga isla, na ang iba ay malaki at ang iba ay maliliit at liblib kaya hindi abot ng tulong mula sa gobyerno. Kahit pa sabihing high-tech na ang komunikasyon, iba pa rin ang dating ng isang personalized na pag-asikaso.

Maraming pwedeng pagbatayang saligang batas ng mga bansang may ganitong sistemang Pederalismo na nagtagumpay. Sa ganitong paraan ay baka mawawala na nang tuluyan ang agam-agam na hihiwalay ang mga probinsiyang Muslim sa Pilipinas kung matutuloy ang Bangsamoro, kahit na kung tutuusin ay mga Pilipino din sila, iba lang ang relihiyon. Kawawa naman ang nagpapanukala ng Bangsamoro kung patuloy silang pag-iisipan ng hindi mabuti. At higit sa lahat, hindi na masasabing may kinikilingan ang gobyerno.

2 thoughts on “Dapat Pederalismo na lang…

  1. dati, hindi…pero ngayon, pabor na…lumalabas na hindi epektibo ang kasalukuyang sistema…ang base ng central govt ay sa Luzon…palaging dahilan na hindi nati-check ang kalagayan ng mga neglected communities sa Visayas and Mindanao ay distance…corrupt ang mga congresssmen ang governors – kaya walang programang naipapatupad ng matino, wala silang takot dahil malayo sa mga “mata”, kaya kanya-kanyang kurakot…kung maganda at mabusisi lang ang gagawing pag-aaral sa uri ng pederalismo na aangkop sa Pinas, siguro, maski papaano ay mabawasan man lang ang korapsyon, dahil imposibleng tuluyang mawala ito… ang sistema ay dapat merong unifying mechanism, para kahit anong mangyari ay isang bansa pa rin ang Pinas, at ang mga tao ay Pilipino pa rin…dito na makikita talaga ang “unity in diversity” ng PInas…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s