The ISIS, NPA, and Federalism

The ISIS, NPA, and Federalism

By Apolinario Villalobos

 

With the rumor that the Mindanao-based terrorists have been admitted by the ISIS into their fold, there is a need for all Mindanaoans – Christians, Lumads, and Muslims to close ranks. The common enemies of the Mindanaoans this time are the ISIS and their local followers who are viewed as terrorists. There is now a need to forget differences in culture and Faith. Instead, Mindanaoans should think and act as Filipinos. The Middle East-based terrorists are no different from the local NPAs whose current leaders act more like outlaws than defenders of peasants. There are pockets of areas in Mindanao that are still under this group’s shadow. The rash of terroristic acts sowed by NPAs clearly shows that they do not have ONE common leader who calls the shots.

 

The ISIS converts are blind to the fact that this group of terrorists that they admire is being disowned by some Islamic sects. And, for Communism, the ideology is no longer popular even among the Chinese of mainland China. It is no longer viewed in its pure form, as its leaders have learned to absorb a bit of democratic advocacies. The Communists in the Philippines is not even supported by the Communist Party of mainland China. The local Communists live on the sweat and blood of farmers who are forced to pay “taxes” which in reality are “tongs”….hence, the act of extracting “donations” from farmers is actually, “extortion”.

 

The federal system which has a “self-governing” characteristic of government is the best that Mindanaoans can have to effectively fight the ISIS and its local cohorts, as well as, the NPA. The fervor for self-preservation would be strongly felt by Mindanaoans if they, themselves, will do the act of protecting themselves with the support only of the national military. They will be better motivated to fight for the preservation of their stakes on patches of land which their grandfathers have driven down the once marshy land. Add to that the historic claim of the Lumads, the Iranuns, Maguindanoans, and  Maranaos.

 

Mindanaoans must not allow the proliferation of terrorism in their midst for the sake of the future generations. For decades, there had been so much suffering and deprivation. Mindanao today, is in dire need of a united stand against the evil hands!

 

Ang Isyu ng Pederalismo

Ang Isyu ng Pederalismo

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Una, sana (lang naman) ang isyu sa Pederalismo ay matuldukan na sa loob ng kapanahunan ni Presidente Duterte bilang presidente ng Pilipinas. Ibig sabihin ng matuldukan ay sana matapos na – matupad man o hindi. Taliwas sa paniniwala ng karamihan, si Duterte ay naniniwala sa due process kaya kung ano man ang resulta ng due process tungkol sa pamimili ng taong bayan sa isyung ito ay siguradong susundin niya. Kung sakaling matuloy sa pederalismo ang Pilipinas, inaasahang ito ay magkakaroon ng bisa pagkalipas ng administrasyon ni Duterte upang maiwasan ang pagdududa na interesado siyang manatili sa puwesto kaya pinaglalaban niya ang nasabing sistema. At sa tingin ko ay angkop ang “political will” ni Duterte sa pagpapatupad ng resulta ng plebisito para dito.

 

Sana ang babalangkas sa Saligang Batas, sakaling magkaroon ng linaw sa isyu ay mga taong pipiliin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng eleksiyon upang maging miyembro ng “Constitutional Convention” (Con-Con). Hindi nararapat ang mga nakaupong inihalal na mga kongresista dahil ang iba sa kanila ay nakakaduda ang pagkapanalo. Kaya kung sila pa rin ang babalangkas ng Saligang Batas bilang miyembro ng “Constitutional Assembly” (Con-Ass), asahan ang hindi patas na mga probisyon dahil siguradong mananaig ang pansarili nilang layunin na sa simpleng katawagan ay “kasuwapangan”.

 

Huwag din sanang mangopya ng sistema ng ibang bansang pederal dahil iba ang ating kultura na yumaman dahil sa iba’t ibang “sub-cultures”. Ang isang dahilan pa ay ang nakakaibang kalagayan ng ating bansa na binubuo ng mga kalat-kalat na isla.

 

Ang isa pang isyu ay tungkol sa pananalig o relihiyon. Ang Pilipinas ay hindi naman talagang buong Katoliko, kundi karamihan lang ng mga Pilipino ay Kristiyano, yon nga lang ay watak-watak pa rin dahil sa pagsulputan ng iba’t iba namang sekta. Hindi dapat balewalain ang dami ng mga Pilipinong Muslim na hindi lang sa Cental at Southern Mindanao matatagpuan kundi pati na rin sa iba pang probinsiya sa Visayas at Luzon dahil sa kanilang pagnenegosyo. At lalong hindi dapat kalimutan ang mga Lumad na sapul pa noong umalis ang mga Kastila at pinalitan ng mga Amerikano ay hindi nabigyan ng pagkakataong marinig. Magaganda ang mga “Commission” at mga “batas” para sa kanila sa kasalukuyan, subalit hanggang doon lang, dahil ampaw pa rin ang pagkilos ng mga ahensiya at pagpapatupad ng mga batas para sa kanila. Kung sa salitang kanto, hanggang drowing lang ang nangyayari na sa kabuuhan ay siyang imahe ng sistema ng gobyerno…may magagandang batas nga pero inaamag lang sa mga filing cabinet. Hindi kuno nai-implement dahil kuno sa kakulangan ng pondo at tao.

 

Sa ilalim ng sistemang pederalismo, maraming “kanto” (corners) ang mawawala sa mga proseso na may kinalaman ang gobyerno. Dahil sa liit ng mga rehiyon o estadong magiging miyembro ng sistemang pederal, mapapabilis ang aksiyon para sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Ito ay dahil ang mga sentro ng operasyon ay malilipat mismo sa kalagitnaan ng mga miyembrong estado. Ang mga iyan ang pangkalahatang personal kong pananaw sa ilalim ng sistemang pederalismo.

 

Subalit, ang pinakamahalagang gawin ay ang pagtuon sa isyu ng political dynasty, dahil kung hindi ito matitigil, ay para lang inilipat sa mga rehiyong lokal mula sa kongreso at senado ang mga opisyal na magkakapareho ang apelyido. Ibig sabihin, wa epek pa rin ang pederalismo dahil hindi pa rin matitigil ang pamamayagpag ng iilang pamilyang gustong komontrol sa Pilipinas at magpayaman sa pinaghirapan ng mga Pilipino, at silang mga nag-aakala na sila lang ang may talino at galing, at ang ibang Pilipino ay bobo!

 

Dapat Pederalismo na lang…

Dapat Pederalismo na lang…

Ni Apolinario Villalobos

Dahil malaki pala ang inilalaang badyet para sa Bangsamoro kung sakaling ito ay matuloy, ngayon pa lang ay marami na ang sumisilip at nakikiramdam – ang mga taga ibang rehiyon ng bansa. Ang norte ay mayroong Cordillera Autonomonous Region. Sa Mindanao ay mayroong ARMM na mapapalitan ng Bangsamoro, kung makakapasa ito sa mga mambabatas. Paano na ang mga Ilocano, Bicolano, Tagalog, at Bisaya?

Si mayor Durterte ay nagpahayag ng kanyang damdaming umaayon sa Pederalismo. Sa isang banda, tila Pederalismo nga yata ang sagot sa problema ng Pilipinas bago tuluyang magkawatak-watak ito dahil sa mga isyung pulitikal, ekonomiya at relihiyon. Napatunayan rin lang na hindi epektibo ang centralized na uri ng gobyernong repulika, bakit hindi gumawa ng seryosong pag-aaral upang mapalitan ang uri ng gobyerno at mapalitan ang Saligang Batas?

Sa bandang Central Mindanao ay may nakikitang nakasulat na “motto” ng isang bangko na “pera ng Mindanao para sa Mindanao”. Paano na kung gumaya ang ibang probinsiya at sabihin halimbawa ng mga Cebuano na “pera ng mga Cebuano para sa Cebu”, o di kaya mga taga Legaspi na “pera ng mga Bikolano, para sa Bicol”? Kung mamuo ang ganitong klaseng “kanya-kanyang” damdamin, siguradong malaki ang magiging problema ng gobyerno.

Tulad ng mga bayan sa kabundukan ng Cordillera, bakit hindi na lang din pag-isahin ang mga probinsiya ng mga Bicolano sa isang rehiyon, ganoon din ang mga Tagalog? Ang mga Bisaya ay bakit hindi rin ganoon ang gawin? At, ang Mindanao, maliban sa Bangsamoro ay bakit hindi gawan ng isa pang rehiyon? Mahirap gumalaw sa Pilipinas dahil nahahati ang bansa sa mga isla, na ang iba ay malaki at ang iba ay maliliit at liblib kaya hindi abot ng tulong mula sa gobyerno. At ang pinakamasaklap ay nasa Luzon ang Malakanyang!

Maraming pwedeng pagbatayang saligang batas ng mga bansang may ganitong sistemang Pederalismo na nagtagumpay. Sa ganitong paraan ay baka mawawala na nang tuluyan ang agam-agam na hihiwalay ang mga probinsiyang Muslim sa Pilipinas kung matutuloy ang Bangsamoro, kahit na kung tutuusin ay mga Pilipino din sila, iba lang ang relihiyon. Kawawa naman ang nagpapanukala ng Bangsamoro kung patuloy silang pag-iisipan ng hindi mabuti. Maganda ang samahan ng mga Muslim at Kristiyano sa Mindanao at sayang naman kung masira dahil sa mga korap sa gobyerno na ang palaging iniisip ay pansariling kapakanan.

Dapat Pederalismo na lang…

Dapat Pederalismo na lang…
Ni Apolinario Villalobos

Dahil malaki pala ang inilalaang badyet para sa Bangsamoro kung sakaling ito ay matuloy, ngayon pa lang ay marami na ang sumisilip at nakikiramdam – ang mga taga ibang rehiyon ng bansa. Ang norte ay mayroong Cordillera Autonomonous Region. Sa Mindanao ay mayroong ARMM na mapapalitan ng Bangsamoro, kung makakapasa ito sa mga mambabatas. Paano na ang mga Bicolano, Tagalog, at Bisaya?

Si mayor Durterte ay nagpahayag ng kanyang damdaming umaayon sa Pederalismo. Sa isang banda, tila Pederalismo nga yata ang sagot sa problema ng Pilipinas bago tuluyang magkawatak-watak ito dahil sa mga isyung pulitikal, ekonomiya at relihiyon. Napatunayan rin lang na hindi epektibo ang centralized na uri ng gobyernong repulika, bakit hindi gumawa ng seryosong pag-aaral upang mapalitan ang uri ng gobyerno at mapalitan ang Saligang Batas?

Sa bandang Central Mindanao ay may nakikitang nakasulat na “motto” ng isang bangko na “pera ng Mindanao para sa Mindanao”. Paano na kung gumaya ang ibang probinsiya at sabihin halimbawa ng mga Cebuano na “pera ng mga Cebuano para sa Cebu”, o di kaya mga taga Legaspi na “pera ng mga Bikolano, para sa Bicol”? Kung mamuo ang ganitong klaseng “kanya-kanyang” damdamin, siguradong malaki ang magiging problema ng gobyerno.

Sa ngayon, walang nakikitang matinong mamumuno ng bansa dahil lahat ng mga nag-aambisyong maging presidente ay sangkot sa anomalya, hindi pa man napatunayan ay may bahid na. Dahil sa ganitong larawan ng kalagayang pulitikal ng Pilipinas, ang labanan tuwing may eleksiyon ay hindi na kung sino ang malinis o matino o matalino, kundi kung sino ang may pera pagdating ng kampanyahan dahil sa hayagang pamimili ng boto.

Tulad ng mga bayan sa kabundukan ng Cordillera, bakit hindi na lang din pag-isahin ang mga probinsiya ng mga Bicolano sa isang rehiyon, ganoon din ang mga Tagalog? Ang mga Bisaya ay bakit hindi rin ganoon ang gawin? At, ang Mindanao, maliban sa Bangsamoro ay bakit hindi gawan ng isa pang rehiyon? Mahirap gumalaw sa Pilipinas dahil nahahati ang bansa sa mga isla, na ang iba ay malaki at ang iba ay maliliit at liblib kaya hindi abot ng tulong mula sa gobyerno. Kahit pa sabihing high-tech na ang komunikasyon, iba pa rin ang dating ng isang personalized na pag-asikaso.

Maraming pwedeng pagbatayang saligang batas ng mga bansang may ganitong sistemang Pederalismo na nagtagumpay. Sa ganitong paraan ay baka mawawala na nang tuluyan ang agam-agam na hihiwalay ang mga probinsiyang Muslim sa Pilipinas kung matutuloy ang Bangsamoro, kahit na kung tutuusin ay mga Pilipino din sila, iba lang ang relihiyon. Kawawa naman ang nagpapanukala ng Bangsamoro kung patuloy silang pag-iisipan ng hindi mabuti. At higit sa lahat, hindi na masasabing may kinikilingan ang gobyerno.