Dellilah
(para kay Del Merano)
Ni Apolinario Villalobos
Lahat ng nilalang ay may kabuluhan
Tao man, hayop, at buong kalikasan
Lahat ay itinutugma sa mga layunin –
Na inaasahang dapat lamang tuparin.
Lahat ng nilalang ay pantay –pantay
Dahil sa mundong ito, iisa ang buhay
Walang kinikilingan, ano at sino man –
Ganyan Niya kamahal lahat ng nilalang.
Ang suliranin, kung sa atin ay dumating –
Hindi dapat pagtikis, kung ito’y ituring
Pagsubok itong alam Niyang ating kaya –
Kayang balikatin, may kapalit na pag-asa.
Sa kasamaang palad, iba’y di’ nagtiyaga
Subali’t namumukod- tangi si Dellilah
Na bata pa’y halos di makagulapay sa bigat –
Bigat ng mga tungkuling makalaylay-balikat!
Kahirapan sa buhay ay hindi niya inalintana
Pinapalakas ng mga pangarap, ng mga adhika
Na sa kalaunan, lahat ay kanya ring natupad –
Kaginhawaang nakaguhit sa kanyang palad!