On Same-sex Marriage and Marriage itself

Please read this with open mind…and do not come up with a conclusion till after the last line.

On Same-sex Marriage
and Marriage itself
by Apolinario Villalobos

In the Philippines, the issue on same- sex marriage remains very sensitive, fragile, delicate, volatile, brittle, etc. The first time I heard about this kind of marriage, I immediately made a conclusion that “marriage” per se, be it done in churches, city hall, or basketball court, should not be applied to a homosexual relationship because such ceremony understandably involves the “father- to- be” and the “mother- to- be”, which has a biological implication. To put forward “adoption” of a child as a reason to substantiate the matrimonial ceremony for gay couples is flimsy. A gay couple can live together as they please and adopt a child, anyway, and without a binding document, so that any of them who first develop the feeling of suffocation can just step out of the door…so why still seek “marriage”?

Those behind the gay movement should assert for recognition, understanding, tolerance, and respect, instead. In this view, police precincts should change the signage on their special desk for children and women, to include gay. Understanding and tolerance must start within the family to help the individual grow emotionally stable. With those given, respect follows. That is how this issue should be treated, not jump into the marriage issue immediately which is proved as not even completely effective for heterosexual partners.

Another compromise that would totally eliminate the “same-sex marriage” issue is by having a law that shall recognize all types of “ceremony” for gay couples, without question on their gender. A word should be coined for such kind of ceremony to give it some kind of substance. The gay couple should be referred to as “partners” and not as “husband and wife”. The Catholic Church definitely cannot do this because it avers that marriage is “made in heaven” and only for a man and a woman who are expected to procreate because of their biological make up. On the other hand, because gays are a form of life, creatures of God, too, the Catholic Church should give them due respect, hence, understanding and tolerance of their emotions.

Individuals with special sexual preference must not be faulted for having such kind of feeling. First of all, nobody ever asked that they be born in this chaotic world. However, when they were formed in the womb, either intentionally or accidentally, they were not also given the choice which gender to have, much more the questioned in-between one. It is a good thing that when infants were baptized, they did not show any sign of gayness, otherwise they would not have been given the “watery blessing” by discriminating priests!

Gays on the other hand, must understand that failed marriage is expensive, considering the cost in the filing of legal separation and divorce, and with stringent conditions, yet. I gathered that a simple divorce procedure could cost a staggering 300 thousand pesos or more!

I had been advocating for the marriage contract to have a validity period, beyond which the couple can go on their separate ways if they do not want to renew the expired document. Therefore, there is no need for them to file for the expensive divorce. Contract is a legal temporal binding document between or among parties and is never complete without expiration in the form of validity period or conditions as basis for its nullification. So why not put such provision in the civil marriage contract? The Catholic Church seems to have seen this angle, as it has its so-called optional and symbolic “renewal of vows” for couples after living together as husband and wife for years. But none of this kind is being done for the civil marriage.

I know of a woman who lovingly “warned” her bed-ridden husband who could only stare but could not speak due to a series of stroke, not to die yet, until after their diamond wedding anniversary. The woman, herself, told me this story while sounding funny. But for me, the message is clear…perpetuation of love between couples is not dictated by any law, nor written on any piece of document but dwells in the heart, that not even a series of stroke rendering a husband or a wife bed-ridden, can suppress.

For Filipino gays who would like to get married, my suggestion is an expensive jaunt to the United States. I am sure that with the decision of the US Supreme Court, the non-gays will also use this reason to get a US visa, as any US embassy is not supposed to reject such a harmless request which is the latest bold manifestation of freedom for which the country of “big opportunities” is known.

Ang Kagitingan ng Babae

Ang Kagitingan ng Babae

Ni Apolinario Villalobos

Kung babasahin ang Bibliya, nakatala doon sa sinasabing alamat ng paraiso, na ang dahilan ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos ay babae, si Eba. Kung sinasabi din na silang dalawa ay binigyan ng malayang kaisipan, ang ginawa ni Eba ay ang paggamit nito dahil sa kagustuhan niyang mahigitan ang kaalaman ng Diyos. Masisisi ba natin siya? Kung ang kaisipang ibinigay ng Diyos sa mga una niyang nilalang ay hindi malaya, hindi sana nagpatukso si Eba sa ulupong, at si Adan ay hindi nagpadala sa pangbubuyo ni Eba. Sa ginawa ni Eba, pinairal niya ang kanyang saloobin, kaya pati ang Manlilikha ay nakaya niyang suwayin. At, kung hindi napalayas ang tatlo (kasama ang ulupong) mula sa paraiso, hindi sana nagkaroon ng pagkakataon ang tao na masubukan ang kanyang katatagan sa harap ng mga pagsubok na ibinigay ng Diyos.

Sa kasaysayan, maraming mga Ebang nagpakita ng kanilang katapangan, katatagan at kagitingan. Unahin na natin si Maria na sinasabing ina ni Hesukristo. Nagpakita siya ng katatagan sa pagharap sa nakasisilaw na anyo ng anghel nang pagsabihan siya nito na dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ang manunubos ng mundo. Hindi siya nalito at natakot, sa halip ay tinanggap niya ang anunsyo ng buong puso at katatagan, at sa kabila ng posibilidad na mai-eskandalo ang nakatakda nilang pagsasama bilang mag-asa ni Jose.

Marami na rin ang mga naging bayaning babae, at ang isa sa pinakamatunog na pangalan ay si Santa Juana (St. Joan) ng Pransya, na maski sa kaliitan ay nagawa pa rin niyang pangunahan ang isa sa pinakamadugong pag-aklas laban sa mapanupil na hari noong kapanahunan niya na humantong sa pagsunog sa kanya habang nakatali sa isang tulos. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mababanggit si Gabriela Silang at si Tandang Sora. Sa makabagong panahon naman, ang isa sa pinakarespetadong pinuno ng bansa ay si Indira Gandhi ng India, na hanggang ngayon ay itinuturing na simbolo ng katalinuhan ng mga kababaehan.

Sa Inglatera, nagkaroon din ng babaeng pinuno, si Margaret Tacher, na kinilala sa kahusayan niya sa pagharap sa mga bantang pinakita ng kalapit nilang mga bansa. Sa Pilipinas, naman ay merong Corazon Aquino na sa kabila ng kakulangan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng gobyerno ay buong tapang na umako ng mga responsibilidad sa ngalan ng kalayaan.

Marami pang mga kwento ng kagitingan ang umiinog sa katauhan ng mga babae, mga matatawag na ring bayani at martir na pilit nilabanan ang lungkot dahil sa pansamantalang pagkakalayo mula sa mga pamilya, kumita lamang ng maayos sa ibang bansa. Sila ang mga binubugbog at pinagsasamantalahan ng mga amo, at kung malasin ay isinasakay sa eroplano bilang cargo dahil nasa loob na ng kabaong, maiuwi lamang sa Pilipinas. Sila ang mga babaeng halos pigilan ang mga kamay ng orasan, magkaroon lamang ng mahabang pagkakataon upang kumita sa pinapasukang beerh house bilang receptionist o mananayaw. Sila ang mga babaeng maghapong nakatayo sa mga mall bilang mga dispatsadura. Sila rin ang mga babaeng hanggang ngayon ay nasa kabundukan at pilit na pinaglalaban ang mga karapatan ng mga inaapi. At sila ang mga babae na halos maputol ang hininga sa pag-ere, mailabas lamang ang isang buhay mula sa kanilang sinapupunan.

Sila ang ating mga anak, asawa, kapatid, pinsan, tiyahin, pamangkin, ina, lola, kapitbahay, kasambahay – mga nilalang na malimit hindi maunawaan, kaya kung minsan, ang tanging paraan upang mabawasan ang sama ng loob, ay ang pag-iyak na lamang. Subali’t hindi na ngayon, dahil unti-unti na ring kinikilala ang kanilang kagitingan at dahil diyan, nagkakaroon na rin ng imahe na dapat igalang.

Nagsimula sa Ngitiang Pag-ibig

Nagsimula sa Ngitiang Pag-ibig
(para kay Lyn at Lito Parada)
Ni Apolinario Villalobos

Kung ang iba, panliligaw ay dinadaan sa porma
Ang nangyari kay Lyn at Lito ay masasabing iba –
Parehong mahiyain, kaya sa sulyapa’y nagtiyaga
Dahil kinikimkim na damdamin nila’y di maipakita.

Panakaw pa kung sila’y magsulyapan noong araw
Animo’y walang pakialam sa isa’t isa, yan sabi daw
Kaya’t nakialam na ang may gusto ng mainit na sabaw –
Sa kasalang darating, wari ay talaga nang abot-tanaw!

Ano pa nga ba’t ang magsing-irog na napakamahiyain
Walang nagawa, sinunod ang umaalagwang damdamin
“Will you be my wife?” ask ni Lito kay shy namang si Lyn
“Sige na nga”, say ni Lyn kay Litong muntik nang himatayin!

Sa pagsapit ng panahon, pagkatapos datnan ng ilang supling
Ang magsing-irog, kay nakamasid na Lord, wala nang mahiling
Kuntento na sabuhay, both masaya tuwing umaga paggising –
Sana tularan ng iba, na maski may apo na, left and right ang fling!
(Pareho silang nagtatrabaho sa PAL. Pareho silang masipag, mabait, soft-spoken at pangiti-ngiti l ang. Kung magtampo si Lyn, ang mga mata niyang “ginaya” ni Elizabeth Oropesa ay nagiging malamlam. Kung magtampo naman si Lito, ang mga biloy niya’y lalong lumalalim dahil sa pagtitimpi.)