Ang Mga Karahasan, Kalamidad, at ang Kapangahasan ng Tao

Ang Mga Karahasan, Kalamidad

At ang Kapangahasan ng Tao

Ni Apolinario Villalobos

 

Dahil sa paghihirap at kamatayang dulot sa sangkatauhan at mundo sa kabuuhan, ang mga karahasan at kalamidad ay itinuturing na mga parusa ng Manlilikha sa tao. Kung tutuusin, tama rin dahil kung hindi umabuso ang tao sa paggamit ng biyayang bigay ng kalikasan at hindi naging mapag-imbot ay naiwasan sanang masira ang kapaligiran at ang mga tao ay hindi nagpapatayan.

 

Sa isang banda naman, kung hihintayin lang ang itinakdang gulang kung kaylan mamatay ang mga tao… ibig sabihin ay walang sakit, walang epidemya, walang disgrasya, walang giyera, at iba pang sanhi ng maagang kamatayan, malamang ay wala na halos natirang lupang titirhan sa panahong ito dahil sa dami ng mga tao. Ganoon din ang mangyayari kung naging halos paraiso ang mundo dahil walang gubat na nakakalbo, walang mga hayop na magpapatayan, malinis ang karagatan, malinis ang hangin….siguradong aapaw na rin ang mga hayop sa kagubatan at gagala na sa mga bahaging tinitirhan ng mga tao.

 

Hindi sa hinihingi kong magkaroon palagi ng karahasan at kalamidad upang makontrol ang pagdami ng mga tao sa mundo. Subali’t kung ating papansinin, malaki din ang naitutulong ng siyensiya sa pagpahaba ng buhay ng tao dahil sa mga naiimbentong makabagong gamot at paraan sa pag-opera ng katawan, at pagpapaigsi naman dahil sa mga makabagong gamit pandigma. Ibig sabihin, kung may likas na pangkontrol sa buhay ng tao tulad ng mga kalamidad, nasasabayan ito ngayon ng mga kayang gawin ng tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

 

Dahil sa mga nabanggit, kung may mga mangyayari man sa ating buhay, huwag nating isisi lahat sa Diyos, dahil ang tao ngayon ay “kumikilos at nag-iisip” na rin na parang Diyos kaya pati ang “pagbuo” (cloning) ng isa pang tao gamit lang ang kapirasong bahagi ng isang katawan ay kaya na rin niyang gawin. Ang ibang hindi magandang pangyayari sa mundo ay dapat  ding isisi sa taong may sakim na pagnanasang malampasan pa ang Manlilikha!

 

Greed and the Civilized Society

Greed and the Civilized Society

By Apolinario Villalobos

 

Transforming from the practices of various barbarian societies, the execution of justice based on actual commitment of misdeed, has evolved into one that has become founded on supposedly intelligent reasons and fairness, hence, the symbol of the Lady Justice as a blindfolded woman holding a perfectly- balanced scale.

 

Unfortunately, the intelligence of man is such that he has developed the propensity of circumventing written laws for his advantage. And, since the Lady Justice is blindfolded, she has no way of knowing about the deceitful effort. The Lady Justice leaves everything to the exchanges of  “legal” justifications that paid lawyers let out in court….and further leaves everything to the judge who makes the decision. The problem here is when the innocent has no money for an intelligent lawyer, while on the other hand the perpetrator of the offense can afford to hire an intelligent Bar topnotcher. Still, worst, is when the judge is also caught in the web of payoffs.

 

Oftentimes, we hear the line, “for every rule, there is an exception” which means that even the best Law of the land can be circumvented by excuses to give exemptions to misdeeds. Oftentimes, exemptions are based on the thickness of the wads of crisp bills. With this situation, where does “justice” come in?

 

Another popular adage is, “if a misdeed has no complainant, there is no offense”. Oftentimes, this kind of unwritten rule always puts the poor in the disadvantage, because unless he files a complaint against an offender, he could not expect justice. But since the poor victim cannot afford an intelligent lawyer, no case is filed, except a simple police report in the precinct blotter. Also, if a rich offender wants to go scot-free from a misdeed, he can even hire a “fall guy” to take his place.

 

The Law of the civilized society is supposed to protect the constituents and much effort on the part of the government should be exerted toward this end. Unfortunately, the modern-day barbarians – corrupt officials and wealthy criminals have spoiled everything that put practically all societies on earth in a mishmash jumble! So, it does not matter whether a country belongs to a third world or highly-advanced, as offenses are founded on just one single desire – GREED!

 

Tao ang Nagpapasama sa Relihiyon, Ideyolohiya, at Magandang Adbokasiya

Tao ang Nagpapasama sa Relihiyon, Ideyolohiya

At Magandang Adbokasiya

ni Apolinario Villalobos

Walang masamang ideyolohiya tulad ng Komunismo o Demokrasya kung maganda at maayos ang pagpapatupad ng mga namumuno. Walang masamang relihiyon o pananampalataya kung ang ituturo ng mga namumuno ay pawang pagmamahal sa Diyos, o “diyos”, at kapwa tao. Walang masamang adbokasiya kung hindi ito gagamitin sa masama lalo na sa panlalamang ng kapwa. Tao ang dahilan kung bakit may mga kaguluhan sa mundo, dahil sa pagpapairal niya ng kasakiman at kayabangan.

Napakaganda sana ang layunin ng Demokrasya, kung ang nakaupong Presidente, halimbawa, ng isang bansang may ganitong ideyolohiya ay hindi bobo, sakim o kawatan. Ganoon din ang Komunismo, kung ang Chairman ng bansang may ganitong uri ng pamahalaan ay hindi malupit at gahaman sa kapangyarihan, at hindi sagad -buto ang ugaling mapangkamkam.

Sa Demokrasya, lahat ng mga prinsipyo at alituntunin na may kinalaman dito ay pawang kabutihan ang pakay. Halimbawa na lamang ay ang mga batas ng Pilipinas na mismong mga taga-Kongreso at Senado ang may gawa.  Dahil ampaw ang pagkagawa nila ng mga batas, nagawa din nilang paikutan ang mga ito upang makapagnakaw sa kaban ng bayan. Ang kapangyarihan ng isang Presidente ng demokratikong bansa ay para sana sa kapakanan ng taong bayan at ng bansa mismo, sa kabuuhan nito. Subalit, dahil sa panunulsul ng mga tiwaling umaalalay sa kanya, nagawa niyang lokohin ang mga mamamayan. Ang masisisi sa pagkakaroon ng maraming kapalpakan sa isang bansa ay ang Presidente at ang kanyang mga kaalyado, at hindi ang kanilang mga “puwesto” na ginamit nila sa paggawa ng masama.

Ang relihiyon naman ay naimbento ng tao dahil sa kanyang pananampalataya sa kinikilalang Diyos o “diyos”. Bago pa man nagkaroon ng mga relihiyon na nagsanga mula sa pananampalataya ni Moses at Abraham sa disyerto ng Gitnang Silangan, mayroon nang mga pananampalataya sa “lakas” ng iba’t ibang “diyos” na pinaniwalaan ng mga pagano. Pinagkaisa ng mga pananampalatayang ito ang mga tao, yon nga lang ay kanya-kanyang kumpulan ang nangyari at nagtagisan sila ng lakas, na naging sanhi ng kaguluhan. Pinairal kasi nila ang kayabangan at pagkagahaman sa kapangyarihan.

Isa ang Kristiyanismo sa mga naging sanga ng pananampalataya na sinimulan ni Moses sa disyerto ng Gitnang Silangan. Habang napanatili ng mga Hudyo ang pagsunod sa mga sinimulan ni Moses, ang iba naman ay nagpasimula ng sarili nilang relihiyon batay sa mga itinuro ni Hesukristo kaya nagkaroon ng Kristiyanismo. Subali’t kalaunan, nang gamitin ng mga Romanong Emperador ang Kristiyanismo upang mapalawak ang kanilang nasasakupan at mapalakas ang kanilang kapangyarihan, ang naging katawagan dito ay naging “Romano Katoliko”, na  hinaluan nila ng mga ritwal na pagano, dahil ang mga ito ang tinutumbok ng kanilang layuning mahikayat. Nahati rin ang simbahang Katoliko sa dalawa kaya nagkaroon ng “Orthodox” na humiwalay sa “Romano”. Pinatili ng “Orthodox” ang mga orihinal na gawi, samantalang maraming binago ang “Romano”.

Noong panahong mismong mga emperador ng Roma ang naging “papa” o “pope”, nagkabentahan pa ng indulhensiya o indulgence upang “mawala” daw ang kasalanan ng mga mananampalatayang bibili nito! Ang mga nagsulputang grupo ng “Bagong Kristiyano” naman ay malabnaw  ang pagkilala kay Maria na “ina” ni Hesus. Dahil sa mga nagsuluputang sekta at kulto sa kasalukuyang panahon, lalong nagkaroon ng kalituhan sa pananampalataya dahil bawa’t grupo ay nagpipilit na sila ang “tama”.

Samantala, ang adbokasiyang pagtulong sa kapwa ay nagbunga ng mga Non-governmental Organizations o NGO. Sa simula, ang pondo ay galing sa mismong bulsa ng mga pilantropong nagtatag ng mga NGO. Kalaunan, sila ay tinulungan ng ibang mas malaking NGO. At, kalaunan pa, tumulong din ang mga NGO sa gobyerno upang mabilis na maipaabot ang tulong sa mga taong mahihirap, kaya “pinadaan” sa kanila ang pondo ng mga proyekto. Ang paraang “pagpapadaan” ng pondo sa mga NGO na may layuning malinis ay “nasilip” ng mga gahaman upang magamit sa pagnakaw ng pera mula sa kaban ng bayan. Nagkaroon ng kutsabahan sa pagitan ng mga taga-gobyerno at may-ari ng NGO, kaya ngayon ay may mga kasong tulad ng kinakaharap ni Napoles na may kinalaman sa pagnakaw nila ng bilyon-bilyong pera mula sa kaban ng bayan!

Sa bandang huli…ang katanungang maibabato na lang natin sa hangin, kasabay ng isang malalim na buntong hininga  ay, “…tao…tao…bakit ka pa ginawa upang mabuhay sa mundo?”

Man’s Inhumanity to Man

Man’s Inhumanity to Man

By Apolinario Villalobos

In the Old Testament, it says that despite Moses’ plea, the king of Edom refused passage to the band of Israelites through Kadesh in the course of their wandering in the desert (Numbers, Chapter 20). History is repeating itself, as lately, some European countries refuse passage to refugees/immigrants on their way to countries that are willing to give them refuge. Some parties are even questioning their status whether refugees or immigrants. Will that matter, especially, as lives are at stake? The two mentioned cases are just classic example of man’s inhumanity to man today!

No question about it…greed is the root cause of all the inhumanities that have taken place in the days of the old and still are happening on earth at this very moment. Such desire is what can be found beyond the line of satisfaction. Survival should have been enough to spell satisfaction, but the hideous side of man most often brings out greed which is oftentimes masked with compassion.

When Spain embarked on a spree of colonization, in which the Philippines was not spared, she brought forth “religion” as the reason – to spread Christianity, in particular, Catholicism. As soon as the cross was firmly planted, the sword followed. In the course of their “spiritual effort”, centuries-old cultures of natives have been replaced with Catholicism which even during that time was already facing insurmountable questions that resulted to schism or division. Opposing natives who refused to give in were systematically eradicated in the name of “God”, when what the missionaries presented to the natives were also paganistic rituals, only using statues with different faces.

When the Americans took over the stranglehold of the Philippines, the same fervor of masked compassion was shown, but this time, democracy was used followed by evangelization of Protestant missionaries. The “assimilation” had a high price as what happened during the time of the Spaniards – death to the defiant natives.

Practically, the whole face of the planet is not only pockmarked with inhumanity, but is practically, denuded by its many forms foremost of which are exploitation and corruption. It has come to a point that survival of the fittest has become the norm of life again, despite his having been “civilized”.

In the African continent, the prevailing force, ISIS, are razing down archaeological landmarks that have been painstakingly preserved as manifestations of man’s intellectual superiority. Villages of the weak suffer the same fate as human occupants and fragile homes are devastated without mercy. Refugees who trek over mountains or brave the ocean squalls are refused passage to friendly countries. And, in Asia, greed of a once dormant country, China, has systematically jumbled the once tranquil setting with its garrulous territorial claims.

For all these injustices, who will pass the judgment? On earth, the man-made United Nations seems helpless and inutile. Man is then, left with nothing else, but the Ultimate Judge whose verdict may, yet to come…

Ang Kapangyarihan ng Pera

Ang Kapangyarihan ng Pera
Ni Apolinario Villalobos

Ang buhay ni Hesus ay tinapatan ng tatlumpong pirasong pilak. Sa halagang yon, siya ay namatay sa krus na paraan niya sa pagligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, kung hindi dahil sa tatlumpong pilak ay nakasadlak pa rin tayo sa ating kasalanan hanggang ngayon.

Ang kapangyarihan ng pera ay hindi matatawaran. Maraming pamilya ang nabuwag at magkaibigang nagpatayan dahil dito. Mayroon ding napariwara dahil pinagpalit ang kanilang dangal sa kinang nito. Mayroon pang nagsugal ng buhay, makahawak lamang ng ilang bungkos ng salapi. May mga taong dahil nasilaw sa pera ay bumigay kaya nalaman ang tunay na layunin kahit anong pilit nilang pagtatakip dito.

Ang mga bansa ay pinapatakbo ng pera, kaya kung alin sa kanila ang may pinakamarami nito ay itinuturing na makapangyarihan. Sa pamamagitan ng pautang ay natatali nila ang utang na loob ng mahihirap na bansa upang maging kaalyado nila.

Pera ang pinapakilos upang magkaroon ng mga nakamamatay na imbensiyon ng tao. Ito rin ang ginagamit upang masira ang buhay ng dating matitino na nalulong sa bawal na gamot, lalo na ng mga kabataan sa nagsimula ang bisyo sa alak at sigarilyo. Ito rin ang dahilan ng pagiging suwail ng mga anak na dahil hindi masunod ang luho ay natutong maging tampalasan sa kanilang mga magulang.

Subali’t kung iisiping mabuti, ang layunin ng pera ay upang mapagaan ang buhay ng tao, dahil nang nagkaroon siya nito ay hindi na niya kailangan pang magbitbit ng kanyang kayamanan tulad ng bulto-bultong ginto, pilak, alahas, at mga hayop gaya ng ginagawa noong unang panahon. Ngayon, ang kailangan ng tao ay ilang pirasong papel at barya na pera, tseke o credit card, at maaari na siyang mamili o maglakbay.

Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao.

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo…umiiral pa rin at lalong tumitindi

Ang Survival of the Fittest sa Ibabaw ng Mundo
…umiiral pa rin at lalong tumitindi
ni Apolinario Villalobos

Hanggang sa panahon ngayon, para sa tao, umiiral pa rin ang kalakarang survival of the fittest o matira ang matibay, sa kabila ng mga tinatawag na “sistema” na gumagabay sa sibilisadong pamumuhay. Kahit tayo’y nasa panahon na ng tinatawag na sibilisasyon, nasa paligid pa rin natin ang mga banta na dulot ng iba pang mga nilikhang nasa mababang antas o lebel ng buhay – ang mga mababangis na hayop, at mga pesteng kulisap. Nagbabanta pa rin ang lakas ng kalikasan, at ang pinakamatinding banta ay mula sa kapwa-tao natin mismo.

Ang survival of the fittest ay hindi dapat na pantukoy lamang sa mga hayop na nakatira sa kagubatan at nakikipagtagisan ng bangis sa isa’t isa, upang pagkatapos, ang mananaig ay kakain sa natalo, o mga halamang gubat na nag-aagawan ng sikat ng araw, kaya ang pinakamataas na may pinakamayabong na dahon at sanga ay may malaking pag-asang mabuhay. Ang survival of the fittest ay angkop din sa tao.

Sa sibilisadong mundo ng tao, ang digmaan ay isa lamang sa mga makakapagpatunay kung anong bansa ang matibay. Upang mapatunayan ang lakas, may mga bansang gumagamit ng pinakamalakas at pinakabagong sandata. Gumagamit din sila ng mga istratehiya upang makakuha ng maraming kaalyadong bansa. Ang mga istratehiya ay ginagamit din ng malalaking bansa upang makapanlinlang o makapag-bluff, o hindi kaya ay makapanindak ng maliliit na bansa na balak nilang kontrolin.

Pagdating naman sa ekonomiya, kung anong bansa ang may maraming pera na dinadagdagan pa ng katusuhan, ay siyang may malaking tsansang makakontrol ng mga negosyo sa buong mundo. Ang katusuhan ay ginagamit sa pinapairal na mga patakaran sa pangangalakal, upang maging one-sided ang mga ito at papabor sa malalaking bansa. Dito ay mababanggit ang isyu halimbawa, ang “globalization” na ang mga patakaran ay pabor sa mga malalaking bansa, at sumisira naman sa industriya at agrikultura ng mga maliliit na bansa na nasindak at nalinlang, tulad ng Pilipinas. Subali’t kung minsan, sa bagay na ito, mismong mga opisyal ng gobyerno ay sangkot sa ganitong panlilinlang ng sarili nilang bansa dahil kahit alam na nilang hindi makabubuti ang mga pinasok na kasunduan ay may kabulagan pa rin nilang itinutuloy.

Sa relihiyon, ang tibay at lakas ay pinapakita sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa pangangalap ng mga miyembro. Ang ibang grupo ay bumibili ng airtime sa TV at radyo upang magkaroon ng regular na programa. Ang iba ay nagkakasya sa paglilibot at pagmumudmod ng mga babasahin, na sinasabayan ng pakikibahagi ng mga Salita ng Diyos. Ang ibang grupo na gustong makapagpa-impress agad ay naninira o nanlilibak ng mga kakumpetensiya. Subali’t ang pinakamatinding paraan ay ang ginagawa ng Islamic State group, isang ultra-tradionalist group ng mga Muslim sa Gitnang Silangan na namumugot ng mga kaaway o lumalabag sa mga patakaran nila.

Sa larangan naman ng pulitika, bihirang bansa ang may malinis o hindi korap na sistema. Ang pinakamakatotohanang halimbawa ay ang pulitika sa Pilipinas na sa ngayon ay parang gubat kung saan ay naglipana ang mga halos nauulol sa pagkagahaman na mga pulitiko – nagpapakapalan ng hiya o apog sa mukha. Matira ang matibay – tibay ng sikmurang may halang na bituka….tibay ng hiya dahil kumapal na sa mukha….at tibay ng pagsisinungaling dahil kung magbanggit sila ng mali ay animo nagbabasa ng Katotohanan mula sa Bibliya.

Sa Pilipinas pa rin, pagkatapos ng hagupit ng mga kalamidad, makikita ang mga matitibay – mga nakaligtas, subalit patuloy pa ring hinahagupit ng mga panloloko ng mga taong itinalaga ng gobyerno upang tumulong sa kanila. Ang mga manlolokong ito ang namamahala ng mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpamudmod ng mga relief goods subalit hindi maayos ang pagpapatupad ng mga tungkulin. Ang mga taong nakaligtas sa hagupit ng kalamidad ay hinahagupit rin ng mga pulitikong gumagamit sa kanila upang makapagpalapad ng papel – makapagpakodak habang namimigay kuno ng tulong, o di kaya ay makapagpa-interview sa mga reporter upang makaipon ng puntos na kailangan nila pagdating ng eleksiyon.

Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa harap ng mga pangyayari, dahil kung matibay ang pananampalatayang nakatanim sa ating puso, hindi naman siguro tayo pababayaan ng Nag-iisang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang nakikita at nadadanasan nating mga pangyayari ay hanggang sa ibabaw lamang ng mundo…at magtatapos din sa ibabaw ng mundo dahil may hangganan. Subali’t ang tibay na ipapakita ng may masidhing pananampalataya sa Kanya ay panghabang-buhay….walang hangganan…hanggang sa kabilang buhay!

Truth Cannot be Forced on Others

Truth Cannot be Forced on Others
By Apolinario Villalobos

Yes, truth cannot be forced on others. What is true for one guy is not necessarily true for the other who does not think the same way as the former. And, this is how trouble develops among the peoples of the world who precisely do not think in the same way. When one firmly holds on to his principles and beliefs, differences are developed, and they create gaps in the relationship with others who think otherwise.

One sensitive area that easily breeds differences is religion. In this arena of differing beliefs, some groups even go to the extent of killing to assert their religion. One particular group, the Islamic, even makes use of a traditional belief, such as jihad, to purportedly save souls. In the past, those who constitute the leadership of the Catholic Church even resort to torture to force the truth into the minds of the supposedly unbelievers.

Another area is ideology in which the major players are communists and adherents of democracy. Pages of history in many countries that became victim to this struggle show gruesome results of the efforts exerted by both parties. This struggle continues until today, although got mellowed by co-operation for the sake of progress hinged on interdependent economies of the world.

Truth can only become what it should be if the targeted recipient will open his mind as a gesture of acceptance. Unfortunately, it does not always happen. While others can go to the extent of killing to force the truth he believes in, the latter on the other hand, would rather die than have his own truth be overruled by the one being forced into him.

The world practically floats on all kinds of “truths” as each earthling believes he is right. HOWEVER, this general belief does not give the “true and righteous” result, as shown by pockets of war that pockmark the earth. At the end, I can then say, that TRUTH IS NOT ALWAYS RIGHT!…that’s as far as I am concerned.

Hindi Matatahimik ang Mindanao, kahit may peace agreement na…

Hindi Matatahimik ang Mindanao
kahit may peace agreement na…
ni Apolinario Villalobos

Ang sinasabing massacre sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, Linggo, kung saan ay nasawi ang 44 na pulis at nasugatan ang iba pa, ay palatandaan na hindi magkakaroon ng katahimikan sa Mindanao kahit pa mayroon nang peace agreement. Ang sinasabi ng mga taga-gobyerno at MILF na misencounter daw ay hindi kapani-paniwala dahil inabot ang palitan ng putok ng mahigit sampung oras. Sa paliwanag ng mga eksperto, kung misencounter, dapat sandali lang ang nangyaring palitan ng putok dahil aatras ang isa sa mga grupo kung nakilala nito ang mga kabarilan na hindi naman pala kaaway. Ang nangyari, kahit nakabulagta na ang mga pulis ay pinagbabaril pa ng MILF at pinagnakawan pa!

Ang pakay ng mga pulis ay nasa loob ng teritoryo ng MILF, at ito ay terorista. Hindi puwedeng hindi ito alam ng MILF. Sana, kung gusto ng MILF ay kapayapaan, noon pa lang, sila na mismo ang gumawa ng paraan upang ito ay mahuli at isinurender sa pamahalaan, kahit pa nasa pangangalaga siya ng breakaway group na BIFF. At ang isa pang malaking tanong ay kung bakit hinahayaan ng MILF na manatili ang BIFF sa kanilang teritoryo gayong alam nitong tinutugis ito ng hukbong sandatahan ng Pilipinas dahil ang turing nga ay terorista.

Hangga’t hindi napaplantsa ang mga gusot ng pinag-uusapang Bangsamoro Basic Law, hindi ito dapat lagdaan. Kung sakaling ipilit ang lagdaan kahit hilaw, hindi rin ito maipapatupad agad dahil siguradong may maghahain ng TRO muna na susundan naman ng kaso dahil sa mga sasabihing butas ng mga probisyon. Kung makalusot man, maipatupad at pupunduhan ng malaki, ang mga kritiko nito na hindi nabiyayaan, kahit mga kasama pa ng MILF ay siguradong parang buwitre na aaligid upang makatiyempo ng mapupuna na gagamiting dahilan sa paghihiwalay sa nasabing grupo. Breakaway group na naman na magiging problema ng mga taga-Mindanao!

Ang paghiwalay ng BIFF mula sa MILF ay tanda na hindi malakas at epektibo ang kasalukuyang pamunuan ng huling nabanggit na grupo, kaya asahan, na kung sakaling makalusot at matuloy ang peace agreement, ay may iba pang grupong titiwalag at hahasik ng perhuwisyo. Ilan pa kayang breakaway groups ang mabubuo?

Ang nakakabahala ay kung sakaling mayroon na ngang Bangsamoro sa Mindanao, pero may mga breakaway at terrorist groups na hindi kayang masawata ng MILF, siguradong dito magtatago ang mga terorista na maghahasik ng perhuwisyo sa ibang panig ng bansa. Maaaring Bangsamoro na ang gagamiting sentro sa paggawa ng mga bomba na gagamitin sa terroristic activities sa bansa. Sa simpleng salita, gagawing “hideout” ng mga terorista ang Bangsamoro kung saan sila ay untouchable. Ang pagtago ng matagal ng isang foreign terrorist sa balwarte ng MILF ay isang malaking pruweba na maaaring mangyari itong agam-agam. Kaya ano pang kapayapaan ang maaasahan ng mga taga-Mindanao?

Walang aasahang pagsuplong sa mga nakatagong terorista. Kaya bang isuplong ng isang anak ang kanyang ama?…ng isang pinsan ang kanyang pinsan?…ng isang pamangkin ang kanyang tiyuhin na nagpalaki sa kanya?….ng isang asawa ang ama ng kanyang mga anak? MAS MALAPOT ANG DUGO KAYSA TUBIG…na ibig sabihin ay, “blood is thicker than water”.

Kaylan Kaya?

Ginawa ko itong kanta, noong ako ay nasa second year high school. Isinali ko sa isang songwriting contest noong 1980 sa Manila, at ang sponsor ay isang maliit na recording company… sarado na ngayon. Hindi ko nabawi ang original tape ko. Ilang buwan makalipas, may lumabas na kantang kapareho ng tema ng ginawa ko, pati title pareho, at ang tono, halos kapareho din…unang tikim ko ng pambibiktima ng plagiarist. Hindi ko na lang pinansin at kinalimutan ko na. Pero kinakanta ko pa rin ito sa mga folkhouse noong nagsa-sideline pa ako bilang folk singer, dahil maliit ang sweldo ko sa isang regular job, hindi ko na babanggitin ang company na may pakpak. Ang folkhouse ay ang original na Bodega, sa  Mabini St. (Ermita) kung saan ay kumanta din si Freddie Aguilar at ang Asin, na ang dating pangalan ay Salt of the Earth. Sinadya kong hindi lagyan ng punctuation marks ang mga lines dahil nag-iiba ang rendition depende sa kumakanta.

 

Kaylan Kaya?

ni Apolinario Villalobos

 

Nitong huling mga araw

Malimit ang patayan

Gutom at sakit

Babala sa sangkatauhan

 

Sa munting bagay

Mga tao’y nag-aalitan

Baril at punyal

Panlunas sa sama ng loob

 

Ref:

Kaylan kaya

Magkakaroon ng katahimikan

Ang sandaigdigan?

Kung lumipas na

Ang panahon ng tao? (repeat)

 

Lupang nabubungkal

Kalimitan ay tigang

Bagyo at baha

Mga sanhi ng kahayukan

 

Pera’y dini-Diyos

Ng mga gahaman

Pati kapwa-tao

Ay handa nilang yapakan.

 

(Repeat Refrain twice and fade)