Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili

Ang Pagpupustura o Pag-aayos sa Sarili

Ni Apolinario Villalobos

Walang masama sa pamumustura o yong tinatawag ngayong “bonggang pag-aayos” na kung minsan ay umaabot sa puntong kailangan pang  pumunta sa parlor upang magpa-facial. Kailangan yan ng mga professional lalo na ang mga direktang humaharap sa tao….HUWAG LANG MAGPASOBRA.

Sa dami ng ukay-ukay ngayon, madaling magpustura, gamit ang mga murang damit na mabibili….siguraduhin lang na bagay sa katawan at kulay ng balat. Ang advantage ng mga ukay na damit ay original sila at siyempre mura. Dahil diyan, walang dahilan ang may kaya namang bumili ng maayos at murang damit upang “magmukhang tao”. Sa panahon ngayon, bilib ako sa mga kabataang Pilipino na marunong mag-ayos kahit sa murang gulang dahil sa naglipanang ukay-ukay outlets. Yan ang sinasabi ko na hindi dapat idahilan ang kahirapan kaya nanlilimahid ang ayos.

Ang pagpa-parlor naman ay huwag gawin kung ikakasira lang ng budget dahil baka ang perang dapat gamitin sa pamamalengke ay magastos. May mga nanay kasi na halos magliyab ang mga kuko sa tingkad ng kyutiks na pula pero ang mga anak ay pumapasok sa eskwela na walang laman ang tiyan. Yong iba pa ay malakas ang loob na magpa-manicure ganoong palagi naman sa bukid at nagtatanim…kahit pwede namang sila na lang ang pumutol ng kuko nila sa pamamagitan ng nail cutter. Ang masama pa ay ang hilig ng ibang gumamit ng “astringent” na nabibili lang sa tabi-tabi. Gandang-ganda sila sa epek na namumula nilang mukha pero ang di nila alam ay tinutuklap ng kemikal ang outer layer na balat ng kanilang mukha at kapag exposed na ang “baby skin”, ilang linggo lang, mangingitim na ito.

Sa pag-aayos ng babae, dapat ang batayan ay kung ano ang gusto ng lalaki, hindi yong nanggagaya ng kapwa nila babae dahil sa inggit. Hindi lahat ng mga pampaayos ng katawan, lalo na ng mukha ay bagay sa lahat ng babae dahil may binabagayan silang kulay ng balat at pigura ng mukha o facial features. Ang nauusong pagpapakulay ng buhok halimbawa ay hindi bagay sa mga babaeng talagang kayumanggi o brown ang kulay ng balat dahil magmumukha lang silang “aborigine”. Subalit okey lang sa mga Pilipina na ang kulay ay brownish-red dahil sa kaunting dugong Kastila. Iba naman kapag ang nahalong lahi ay dugong-Intsik o Hapon dahil mapusyaw, o maputla, o sa Ingles ay “pale” ang balat, kaya lalong ang dapat na kulay ng buhok ay itim.

Kung ang isang tao ay lecturer sa mga seminar o nagi-emcee sa mga parties dapat lang talaga na maayos na maayos ang kanyang mukha at pananamit dahil may pagka-showbiz ang ganoong uri ng trabaho. Kailangang bago humarap sa mga participants o mga dumalo sa programa, ang mukha ay kaaya-ayang tingnan. Ang buhok ay nagsisilbing “kuwadro” ng mukha kaya dapat mag-ingat ang mga nagpapaayos nito. Hindi lahat ay binabagayan ng mahabang buhok, boy’s cut, o pagpupungos. At, hindi lang kulay ang nagpapaganda ng buhok, kundi ang tamang pag-trim para bumagay sa hugis ng mukha.

Sa kabila ng mga binanggit ko, wala pa ring tatalo sa mukhang malinis at katawang binalot ng angkop na hugis ng damit kahit mumurahin ito. Dapat pakatandaan na hindi pare-pareho ang nababagay sa bawa’t tao.

Dapat Maghinay-hinay sa Pagsunod sa Uso

Dapat Maghinay-hinay sa Pagsunod sa Uso

Ni Apolinario Villalobos

Hindi masama ang magpati-anod (ride on the current) ng makabagong panahon. Pero, ang magpaka-OA sa pagiging makabago ay hindi OK. Mga halimbawang kahangalan, masabi lang na up-to-date sa makabagong panahon:

  • Pagpa-tattoo ng kilay. May isang gumawa nito, pero dahil “promo package” ang binayarang serbisyo sa isang patakbuhing parlor na ang mga beautician ay kung saang sulok lang galing, ang isang kilay ay tabingi ang pagka-tattoo! Depensa ng tattoo artist, malikot daw ang napatulog na kostumer. Ang kasama sa package na pagpapakulay ng buhok ay palpak din dahil nasobrahan ang gamot sa pampakulay kaya nasunog ang maraming buhok!

  • Paggamit ng cute na bag…ibig sabihin ay maliit, kaya hindi kasya ang mga gamit sa loob nito. Ginawa ito ng isang babaeng payat na ay sakang pa na nagsuot ng hapit na hapit na pantaloon at t-shirt na umurong yata dahil labas ang pusod niya. Akala niya ay okey na ang outfit niya, pero naging katawa-tawa ang hitsura dahil hindi bagay sa katawan niya. Binitbit niya ang dalawang cellphone dahil hindi kasya sa bag at dahil mukhang mamahalin ang mga ito, nakursunadahan ng snatcher. Ayaw bitiwan ng babae ang bag at dalawang cellphone kaya siya ay natumba at nakaladkad. Ang tiyan niyang nakalitaw ay nagmukhang curdoroy sa dami ng gasgas! Nabititiwan rin niya ang bag at mga cellphone nang sipain siya ng nainis na snatcher…mabuti at hindi siya nasaksak. Nakita ko ang insidente sa isang sidestreet ng Binondo at dahil sa bilis ng pangyayari, hindin namin inabutan ang kawatang tumakbo sa squatter’s area sa tabi ng ilog.

  • Paggamit ng colored na lens sa mga mata upang magmukhang tisay o tisoy dahil sa kulay nito na blue o brown. Nauuso ngayon ang paggamit ng colored lens na walang grado…mahal ang isang pares dahil hindi bababa sa dalawang libong piso. Una, hindi bagay ang mga kulay na ito, lalo na ang kulay asul o blue sa kulay ng balat ng mga Pilipino. At, marami na ring nabulag dahil ang layunin ng karamihan ng mga gumamit ay upang ipang-porma lang, hindi upang luminaw ang paningin kaya hindi nila naaalagaan ng maayos ang mga lens.

  • Pagpapaputi ng balat. Sa kagustuhan ng marami, babae man o lalaki na pumuti, lahat ng paraan ay ginagawa, pati ang pagbili ng mumurahing mga gamot sa bangketa. Walang masama sa luhong ito, lalo pa kung ang original na balat ay magaspang, pero dapat ay sa lehitimong derma clinic pumunta at kumunsulta muna sa dermatologist kung pwede ang gluta treatment o hindi dahil sa allergy effect nito. May alam akong gumamit ng pampahid sa mukha, okey ang resulta dahil kuminis at pumuti pero dahil natanggal ang outer dermal layer ng mukha, ang naiwan ay ang “baby skin” na bandang huli ay umitim. At dahil diyan, nagmukhang pinahiran ng uling ang kanyang pisngi na nangingintab!

  • Pagpipilit sa magulang na bumili ng maluhong gadgets kahit hirap sa buhay ang pamilya. Ang mga suwail na anak na akala ay kumakahig ng pera ang magulang na nagtitinda lang ng turon o gulay sa palengke ay sumasama ang loob, nagtatampo kapag hindi naibili ng mamahaling cellphone, hanggang maisipan nilang lumayas at upang magkaroon ng biglaang pera ay pumapasok sa beerhouse upang magputa! Ang iba naman ay nagiging magnanakaw o nagpapabayad bilang “runner” o taga-hatid ng shabu sa mga customer…hanggang kalaunan, sila ay nagiging “user” na rin. Alam ko yan dahil marami akong naging kaibigan na tulad nila.

  • Pagpipilit na lumiit ang tiyan o puson at matanggal ang iba pang taba sa katawan, sa pinakamabilis na paraan. Sa kagustuhan ng maraming “vanidoso” at “vanidosa” o maaarte na ang gusto ay pumayat tulad ng mga modelo, nagpapa-lipo suction sila pagkatapos utuin ng “beauty consultant” kuno na ahente pala ng mga lipo clinics. Dahil walang ginawang physical check, hindi pa man nangangalahati ang proseso ng lipo, inatake na sa puso ang pasyente! Sa halip na makapagyabang ay sa loob ng kabaong dumiretso ang maluhong wala sa ayos…ang kaibigang “beauty consultant” ay ahente rin yata ng punerarya.

May mga pangangailangan ang lahat ng tao sa ibabaw ng mundo, subalit kung kalabisan ang hinahangad, ito ay pagpapakita na ng katangahan. Dapat alalahaning ang asukal, asin, tubig, pagkain, at iba pa ay kailangan ng tao, subalit kapag lumabis na ang mga ito sa ating katawan, sa halip na kabutihan ay disgrasya ang mapapala ng abusado!

The Status Symbol

The Status Symbol

By Apolinario Villalobos

To be a standout is nice. It makes people see you, as being head and shoulders above those around you. Some people are born with this mark, while others have to buy it, earn it honestly, or move heaven and earth to have it.

People who are born with the proverbial silver spoon in their mouth need not exert effort to be noticed or to have a swarm of friends around them. Their person glitters with the monetary symbol that attracts different kinds of friends. There are people who practically work their way up the ladder of the society to be recognized, and these are the ones who deserve emulation. There are people who try their best to amass wealth that they can use in buying attention that will put them on a pedestal of short-lived recognition.

Here is a story of a woman who was not satisfied with her hard-earned money despite the comfort that it has given her. She wanted more, as she was raring to get back at those who talked behind her back when she was still a struggling vendor of local sausage and ham. Finally, her patience paid off when she successfully opened six specialty stores that sold sausages and ham from Cebu and Ilocos, as well as, exotic fruits from Davao.

At the age of fifty plus, she began dressing up grossly with expensive apparels and regularly went to a derma clinic for a series of physical make-over. She underwent bust and butt augmentations which did not look nice on her because of her age. She had gotten rid of her real eyebrows in favor of tattooed ones. She had her lips operated on to assume a pouting look. She even had her wrinkled and furrowed face injected with butox. She also underwent the grueling hair transplant. She did everything for her transformation to look beautiful and successful, so that she can effectively flaunt her new status in life, especially, to those whom she considered her detractors in the past.

Today, at the age of almost seventy, her face looks strange. Her tattooed eyebrows somewhat distanced themselves from her eyes, giving her a permanent astonished look; her once butox-smoothed face is pockmarked with red spots and the deep wrinkles are back; her once proud breasts are horribly sagged unevenly; she could not sit for a long time because of the pain in her butt that got peppered with allergies; her once proud pouting lips have assumed a slight grimace, that looks like a crooked smile. The only intact transplant in her, are the hair.

Sadly, she is back to her senses with much regret, as her young boyfriend ran off with her money when she shared her bank accounts with him. She was my former landlady more than two decades ago. I learned from a fellow boarder who I met accidentally about her mild stroke from which she was recuperating in a hospital. I immediately visited her several days ago in the hospital and found out that only one, out of her four children is left with her. The rest are with their father, living separately from her, and who are still harboring ill-feelings when they failed to restrain her revengeful acts of getting back at her detractors that resulted to her senseless spending to “overhaul” her body. That time, she socialized with new-found friends whose pastime was spent at the casino and bars where she met her young boyfriend.

I told her to believe in the power of prayer…and believe in miracles. In my mind, though, I am hoping for a miracle that she will be spared from cancer that may result from the synthetic substances injected into her body. The lesson here, is that we should be contented with God gave us.