The Ombudsman’s Declaration to Investigate Abad on DAP and PDAF is Doubtful, and “clearing” the President is Dubious

The Ombudsman’s Declaration

to Investigate Abad on DAP and PDAF is Doubtful

and “clearing” the President is Dubious

By Apolinario Villalobos

Every time the Chief of the Department of the Budget Management (DBM) releases a certain fund, he has to secure first the approval of the President of the Philippines which is a standard operating procedure. The President on the other hand is supposed to have been briefed on the details surrounding the fund as explained by the Chief of the DBM before the former signs the pertinent documents. Where is the logic then, in the declaration of the Office of the Ombudsman that while it absolves the President on the issues of the PDAF and DAP, the DBM Chief will be investigated? Why is the principle of the command responsibility not applied in this case? On the other hand, the President has a full knowledge of what he was approving, so he cannot just wash his hands.

The act of the Ombudsman is tantamount to a “moro-moro” which is just for show. It is obvious that there is a concerted effort from all sectors of the administration to “clear” the President before he steps out of Malacaἧan in 2016. At the last minute, he even changed his tune on the issue of the Mamasapano, although, it is also doubtful if justice can indeed be reaped while he is still around. His declaration on the Mamasapano massacre also shows another act of washing of hands, and passing of the buck to the incoming administration. Even the Maguindanao Massacre case still has to step on the first base as in the game of baseball, although, the president has made statements about his “giving instructions” to expedite the investigation which just raised the eyebrows of the skeptics.

The Office of the Ombudsman is clearly doing a hectic clearing effort to prevent the filing of cases, or at least reduce their number, as Pnoy will definitely suffer the same fate of Gloria Arroyo, as soon as he steps down. The objective has been implied when the Palace made a follow up statement to the Ombudsman’s declaration, that it has to be “respected”.

Lately, the DBM Chief has sort of complained when he said that he is just recommending and that the President has the final say…so, the picture is clear as regards the guilty party. Could this mean that the latest washing of hands of the President will cause a rift between him and his long-time trusted friend Abad? This happened between Vitangcol, the former chief of the MRT and his boss, Jun Abaya, chief of the DOTC, when the former was suddenly dropped like a hot potato, after a graft case was filed against him. Abaya eventually complained, “bakit ako lang?” (why single me out?, or why only me?), insinuating that all final decisions come from Abaya.

That’s how “colorful” and “suspenseful” are the happenings in the administration of President Pnoy…as he leads the country towards his “tuwid na daan” (straight path”. I just hope that the road does not end at a precarious cliff!

Ang Daang Matuwid ni Benigno Aquino III…nasaan ito?…tigilan na niya ang pag-iilusyon

Ang Daang Matuwid ni Benigno Aquino III

…nasaan ito?…tigilan na niya ang pag-iilusyon!

Ni Apolinario Villalobos

Daang matuwid na ang binanggit ni Pnoy

Sa unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan

Doon daw niya aakayin ang bayan.

Dinagdagan pa ang kanyang pambobola

Dahil sa kanyang mga boss, siya ay makikinig pa daw

Nguni’t ito pala’y pangakong ampaw!

Upang umangat daw, buhay ng mahihirap

May ipinangakong pagsagana ng pagkain lalo na bigas

Subali’t salita lang pala ng mandurugas!

Sa pamahalaang kay tagal nang lupaypay

Maraming palpak best friends na itinalaga at iniluklok

Kaya gobyerno niya ay mabantot, bulok!

Siya ay pinalakpakan, inakalang tutupad

Sa binitiwang pangako para sa mga bakwet – mga tirahan

Palpak din, sa gutom, kumalam pa ang tiyan!

‘Pinas ay nabulaga dahil sa kanyang inasta –

Pagkatapos ng barilan doon sa Mamasapano, Maguindanao

Wari’y sapilitan, pagsilip sa SAF44 na pumanaw!

Siguro iniisip niya, di naman siya magugutom

Kaya nagtaas man mga presyo ng bilihin, si Pnoy, dedma pa rin

Dahil walang pakialam sa mga taong gusgusin!

Naniniwala sa lahat ng report na kagila-gilalas

Mula sa mga taong nakapaligid sa kanya…lahat mga mambobola

Umangat daw ang ‘Pinas!… napamangha siya!

Dahil nagagalit na at naiinis pa ang sambayanan

Dapat ay tumigil na itong presidente sa kanyang pagsisinungaling

Dahil baka sa kangkungan lang siya makakarating

Sa pagtahak niya sa kanyang matuwid daw na daan

Ganoong ang mga sinasabi’y puro drowing lang naman!

Roxas should show “independent-mindedness” by stepping out of Pnoy’s shadow…if he wants respect

Roxas should show “independent- mindedness”
by stepping out of Pnoy’s shadow…if he wants respect
by Apolinario Villalobos

Anybody can notice the lameness of Roxas as he clutches hard on the clout of Pnoy. This early, he should show some kind of independent-mindedness by stepping out of the president’s shadow, as the latter is also perceived, according to broadsheet editorials, as a lame duck, himself. Roxas should stop mumbling the nauseating “tuwid na daan” and “reforms”, the failed keywords in the slogans of Pnoy. In the first place, the “tuwid na daan” is nowhere to be found and the “reforms” are nothing but blubs because the security and economy of the country under Pnoy just got worse. He sounds hollow every time he speaks, and the image he shows is very pathetic, as if begging for attention. If he wants respect, he must prove that he can stand on his own feet without leaning on equally uneasy reputation of the president.

This late, for the last minute preparation for 2016 electoral campaign, Roxas still hopes for an endorsement from his idol, the president. He is pitifully oblivious to the detached attitude of the president as regards the endorsement that he has been longing for. In the eyes of the Filipinos, Roxas’ attitude is a manifestation of weakness. So how can he command respect, much less, attention from the electorate when he finally goes out to campaign when he cannot even stand on his own feet? He hopelessly depends on the endorsement from an equally proven weak person. He is deaf to the loud declarations from all sectors that an endorsement from the president could mean a kiss of death.

The Yolanda typhoon episode proved his weakness as a DILG secretary, although, he tried to be at the scene of disaster together with the “trying hard” other concerned cabinet secretaries. As expected, after photo opportunities, each of them went on their own way. He failed to control the defective flow of relief goods to the affected LGUs. He failed to act on the overpriced construction of temporary shelters. He failed to conduct immediate investigation on the blatantly stolen relief goods. He failed to make an accounting of the cash donations…which donors themselves, later questioned.

Roxas also failed to check on the exceedingly delayed rehabilitation of the families in Zamboanga City who were affected by the attack of MNLF…and for more than two years now are languishing in temporary makeshift shelters without water and toilet facilities. Yet, every time the president reports on this, what comes out of his mouth are assurances that everything is under control. As DILG secretary, Roxas should be responsible for every lies that the president reports on local governments.

His failures can be listed on several pages… concerns of local government units – his responsibilities, as Secretary of the Department of Interior and Local Government. He should not pass the buck on to the DSWD and DPWH, if he is that “concerned”, a word that he shamelessly uses to prop up his droopy image. As the DILG Secretary, he is supposed to be on top of all the LGUs, with the rest of the concerned cabinets just providing support.

As if the abovementioned flops are not enough, the utmost disregard he suffered from the president was when he was left out as plans were drawn regarding the Mamasapano operations with yet, the suspended PNP Chief, Allan Purisima. He was expected to resign, because the act of the president was a grave show of distrust to him. But he swallowed his pride and still served his idol. Is this a manifestation of a strong and respectable personality? Is this the kind of a leader that Filipinos want to elect in 2016?…is he deserving of any position, even as vice-president?…yet, he dolefully dreams to become president!

With sadness, I could say that the historic magic of the “Roxas” as a political name may finally find its end in 2016. Such name may finally be forgotten.

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

Mga Lubak at iba pa…sa Tuwid na Daan

ni Apolinario Villalobos


Maihahalintulad ang buhay sa binabagtas na daan

Maaring ito ay tuwid, liku-liko, paahon o palusong

Sa araw-araw nating pamumuhay sa mundong ito

Bumabagtas tayo ng daan…hindi alam saan patungo.


Sa pakikibaka sa buhay ay para rin tayong tumatahak

Ng daan na hindi lang baku-bako dahil sa mga lubak

Marami ring mga sagabal – mga bato at minsa’y tinik

Na kung di maiwasa’y magdudulot ng sugat…masakit.


Kung minsan naman, ang daang tinatahak ay liku-liko

Para ring buhay na maraming dinadaanang pagsubok

Kung minsan ay mga pasakit na pabigat sa ating balikat

Na kailangang tiising pasanin, kahi’t dusa ang kaakibat.


Minsan nang may taong nag-anyaya, samahan daw siya

Sa pagbagtas sa tuwid na daa’t sinabi pa niyang nakangiti

Pangako’y puno ng kaginhawahan sa buhay, animo totoo

Subali’t kalauna’y nabatid, daa’y may lambong na siphayo!


Ang daa’y diretso nga, nguni’t tadtad naman ng mga lubak

Marami ring bato, tinik ng mga damo, ipot, at kung ano pa

Marami na ngang sagabal, umaalingasaw pa sa kabantutan

Kaya sa pagbagtas nitong daan daw niya, sinong gaganahan?


Hindi na lang sana siya nangako, dahil lahat ng daa’y masukal

Maraming sagabal dahil ito ay parang buhay, hindi matiwasay

Upang makaraos, depende na sa pagkapursigido ng isang tao

Kaya, kung Diyos nga ay hindi nangangako ng tuwid na daan –

                …ito pa kayang isang tao na wala pang napatunayan?







Ang Tuwid na Daan, Nababagtas na Ba?

Ang Tuwid na Daan…

Nababagtas na Ba?


ni Apolinario Villalobos



Nang si Pnoy Aquino ay naupo bilang Pangulo ng Pilipinas, ang hindi makalimutang binigkas niya ay ang “tuwid na daan”.  Hindi lang malinaw kung ang sinabi niyang ito ay pangarap o nandiyan na at tatahakin na. Ang sinabi lang niya ay samahan natin siyang tumahak sa tuwid na daan. Mas maganda sanang pakinggan kung sinabi niya na samahan natin siyang tumahak sa daang baku-bako man at maraming balakid ay matatawid din natin kung tayo ay magtutulungan. Hindi niya binanggit ang katotohang ang Pilipinas ay napapaligiran ng baku-bako at mabatong  mga daan. Kung sa payak na pananalita, marami ngang baryo na wala nito, maski na baku-bako dahil ang pondo na laan para dito ay ibinulsa ng mga gahamang opisyal ng pamahalaan.


Kung ilang taon na siyang naglilingkod sa pamahalaan. Kahi’t na noong hindi pa man siya senador at ngayon ay Presidente na,  alam na niya ang mga hindi magandang kalakaran at mga pangyayari sa ating pamahalaan at bansa sa kabuuhan. Siguradong noon pa man ay alam na niya ang tungkol sa mga katiwalian sa pamahalaan, sa mga mambabatas na halang ang mga bituka, sa mga opisyal na kasing itim na ng uling ang kaluluwa dahil sa pagkagahaman, sa mga kahirapan ng karamihan sa ating mga kababayan – mga sakit ng ating lipunan na nagpapabulok sa pagkatao ng Pilipino bilang isang natatanging lahi sa Asya, ng mundo.


Siya ay matalino. Siya ay makatao. Yan ang sabi nila. Nasaan ang kanyang pang-unawa at pagkilala sa mga tunay na mga pangyayari sa kasalukuyan? Baki’t hinayaan niyang talunin ng mga nagdudunung-dunungang mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang mga panununtunan? Ang nangyari tuloy, sa pagtahak niya sa sinasabi niyang “tuwid na daan”, dapȃ dito, dapȃ doon ang kanyang inabot!


Kung hindi sa kaso ni Janet Lim Napoles, hindi nabisto ng buong bayan ang mga tunay na nangyayari kung paanong kamkamin ng mga tiwaling opisyal ang perang pinaghirapan ng taong bayan na halos ay pigain ng BIR upang makabayad ng buwis gamit ang kakarampot ng kita mula sa mga trabahong kontraktwal. Mayroon pala namang “naipong” pondo na naibalik sa DBM, bakit hindi ginamit ito upang maipagpatayo ng maayos na paaralan ang mga kabataan sa mga liblib na lugar ng ating bansa? Bakit hindi ibinili ng mga gamot para sa mga baranggay? Bakit hindi ginamit para matulungan ang mga matatalinong kabataan upang makaraos sa pag-aaral? Bakit hindi ginamit sa mga proyektong makakatulong sa mga taong kakarampot ang sweldo? Bakit kailangan pang idaan ang paggastos sa mga senador na pinagdududahan na sa paghawak ng pondo para sa mga proyekto? Bakit hindi diniretso sa mga ahensiyang dapat na nagpapatupad ng mga proyekto para maayos ang pagmanman sa paggastos? Mayroon palang pondo mula sa Malampaya na para sa mga proyektong pang-enerhiya, bakit hindi ginamit ito para magastos sa pagpapatayo ng mga alternatibong panggagalingan ng enerhiya para hindi tayo masyadong umasa sa inaangkat na langis? Bakit hind ginamit ito sa pagsubsideya sa krudo na ginagamit ng mga sasakyang pangmasa upang hindi tumaas ang pamasahe?


Naglagda siya ng batas para sa karagdagang sweldo ng mga empleyado. Magkano? Ayaw ko nang banggitin dahil baka ako’y mapaluhȃ. Ang mga nagdudunung-dunungang opisyal ng gobyerno na siyang namamahala sa bagay na ito, gumawa ng pagtuos, ang masama, binatay sa presyo ng mga bilihin “noong panahon” na may nabibili pang tinging mantika sa halagang beinte sentimos. Ang nakita sa TV, babaeng mataba, buong husay na nagpapaliwanag na ang ginawa niyang lista ay siyang naaangkop sa araw-araw na pagkain ng Pilipino – mas mataas kaysa ibinigay na dagdag sweldo! Ang tanong, saan kukuha ng pambayad sa kuryente, sa tubig, sa upa ng maliit na kuwarto, sa pamasahe, sa damit, sa gamot? Ang inilista niya ay talbos ng gulay, ilang pirasong isda, tinakal na kanin – yon na! Isa pang tanong, kumakain din ba siya nito? Duda ako dahil sa hitsura niya, hindi yata alam ang lasa ng kangkong. Ang matindi, inamin ng matabang babae na binatay niya ang kanyang lista sa report na mahigit limang taon na ang nakaraan! Nasaan ang makatotohanang pagtugon sa pangangailangan ng taong bayan – ang “boss” ng Presidente?


Kung sinabi ng nanay ni Presidente Pnoy na “tama na, sobra na”, na ang tinutukoy ay mga katiwalian noong kapanahunan ni Marcos, ngayon ang sigaw ng taong bayan ay “tama na, sobra na” na ang tinutukoy ay ang pambobola sa taong bayan!


Marami tuloy ang hindi makaiwas sa paghambing kay Marcos sa mga pumalit sa kanya mula kay Cory Aquino hanggang ngayon. Marami ang nagpasalamat na dahil kay Marcos ay nagkaroon tayo ng Cultural Center, Philippine Conventions Center, Folk Arts Theater, Philippine Heart Center, Kidney Institute, napaayos na Philippine General Hospital, Coastal Road na nagpagaan ng biyahe papuntang Cavite, at marami pang iba.  Nakilala tayo sa mundo at nirespeto dahil kay Marcos. Hindi ako maka-Marcos. Nagsasabi lang ako ng totoo.


Mula kay Cory Aquino hanggang ngayon ano ang mga nagawa at nangyari? Mga nagawa meron din maski papaano – binuksan ni Presidente Ramos ang Pilipinas sa lahat ng mga airlines ng buong mundo (open skies policy), nagbenta ng dating Fort Bonifacio sa mga korporasyon na may koneksyon sa mga banyaga,  nagsakal ng mga labasan ng mga estero sa pamamagitan ng pagtambak sa Manila Bay upang mapatayuan ng negosyo ng mga banyaga kasama na ang casino, nagbigay ng lisensiya sa mga banyaga para makapagnegosyo sa bansa kaya pati toothpick ay galing sa Tsina, nagsapribado ng Philippine National Bank, nagsapribado ng serbisyong tubig at kuryente kaya walang mgawa ang mga gumagamit ng mga ito tuwing tataas ang singil, at marami pang iba. Mabuti na lang at naagapan ang pagbenta ng Manila Hotel, isang makasaysayang institusyon sa grupo ng mga banyaga. Mabuti na lang at nabulabog ang planong pagsasapribado ng Philippine General Hospita, Philippine Heart Center at Kidney Institue. Ang dahilan ng may balak? Upang mapaayos daw ang mga gamit.


Kung sa mga nangyari, marami din naman – maraming proyektong hanggang papel lang, maraming itinatag na mga kooperatiba at mga Foundation na ginawang dahilan para makakurakot ng pera ng bayan, maraming mga kalsada na kalahating lane lang ang nagawa, maraming sinirang sementado at maayos na kalsada para gamitan ng aspalto na walang binatbat ang kalidad kaya nagkandalubak-lubak maski ambon lang ang inabot, maraming basura ang natambak sa mga estero, maraming namahay sa mga lupang nakatiwangwang maski gilid ng mga daluyan ng tubig pero hindi sinita ng mga lokal na mga opisyal dahil itinuring silang boto pagdating ng elesyon, maraming namatay sa sakit dahil hindi kayang magpa-ospital or bumili ng gamot, maraming sidewalk vendors ang umiyak dahil ang paninda nila ay walang habas kung kumpiskahin ng MMDA sa dahilang sila ay nakakaabala, may mga proyektong ginawa nguni’t hindi naman pinag-isipan kaya pagkatapos ng kuhanan ng retrato, nawalan na ng silbi.


Nasilip ng mga matalino nguni’t tiwaling opisyal sa gobyerno ang mga kahinaan sa pagpapatakbo ng mga ahensiya, kaya kanya-kayang kurakutan ang nangyari! Tadtad ng katiwalian ang maraming ahensiya kaya yong isang presidente nagsa-pribado ng mga government assets para hindi na raw nag-aasikaso ng mga katiwalian ang gobyerno. Kung iyan ang dahilan, bakit hindi na lang din isa-pribado ang gobyerno?!!!!


Hindi madali ang mamuno. Hindi rin madali ang makisama sa mga taong akala ay makakatulong. Ang madali ay ang makiayon sa mga taong ito maski sila’y tiwali dahil sa takot ng namumuno na baka siya ay iwanan bigla. Nangangahulugan lang ito ng kahinaan ng isang namumuno dahil kung siya ay matatag at nakikitaan ng katigasan sa pagpapatupad ng kung ano ang tama, walang mangingiming siya ay bibigyan ng karampatang respeto na may kaakibat na paniniwala, pagtitiwala at taos-pusong pakikipagtulungan.


Sana ang ipangako ay makatotohanan at kayang gawin. Huwag sanang mangarap ng matayog na paglipad para kung bumagsak man ay hindi masyadong matindi ang lagapak!


Sa huli, pilitin nating isigaw maski sa paos at mahinang tinig dahil sa kagutuman…MABUHAY ANG PILIPINO!