Ang Mga Dilaw at Disintunado (Out of Tune) na mga Opisyal ng Pilipinas

Ang Mga Dilaw at Disintunado (Out of Tune)

Na Mga Opisyal ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

 

 

De Lima

Hindi siya political prisoner. Siya ay pulitikong may mga kaso kaya na-preso….droga at pakikiapid! Dapat nga ay na-disbar siya dahil sa immorality, subalit walang ginawa ang senado at mga grupo ng mga abogado kahit nabahiran ng putik ang kanilang image. Sa mailing salita, inaakusahan si de Lima na drug cuddler at immoral hindi bilang pulitiko na may magagandang layunin para sa bayan. Mahiya siya sa pagsabing political prisoner siya!

 

Wala siyang karapatang purihin ang sarili niya.  Kung nakatingin siya sa salamin habang ginagawa ito, siguradong sasabog ang salamin  dahil hindi ma-take ang mga sinasabi niya. Karangalan daw niya ang makulong….fine! Gawing habang buhay ang karangalang ito! Bigyan

siya ng certificate, plaque, at trophy para mahimas-himas habang pinupuri ang sarili niya sa ob-lo (inside) ng kulungan.

 

Robredo

Wala sa tono si Robredo sa pagbanat kay Duterte tungkol sa mga issue ng kahirapan at extra-judicial killings. Kung puro siya salita at hindi tutulong bilang vice-president dahil pinagkatiwalaan ng mga botante, talagang mahihirapan si Duterte. Kung hindi kayang gawin ni Robredo ang trabaho niya, mag-resign na siya.

 

Bilang vice-president, dapat ay tumutulong siya sa presidente at ang mga pagbatikos ay dapat niyang hayaan sa mga senador at mga kongresman at iba pang opisyal na may kinalaman sa droga. Dapat ay asikasuhin niya ang pagpapatapos sa mga housing projects para sa mga biktima ng Yolanda at pagpapaayos sa mga resettlement areas na malapit sa Manila, na inirereklamong kulang ng facilities dahil pinagkitaan lang….yan ang dapat niyang gawin bilang housing czarina.

 

Trillanes

Halata pa rin ang sama ng loob ni Trillanes dahil hindi siya napiling ka-tandem bilang vice-president ni Duterte noong eleksiyon. Ang nararamdaman niya ay parang “fatal attraction” dahil sa matindi niyang kagustuhang masira si Duterte na hindi niya nagamit o napakinabangan para sa kanyang ambisyon. Ganyan ang taong naka-develop ng fatal attraction sa babae o lalaki….papatayin niya kung hindi siya magustuhan kaya hindi niya makukuha, kaya dapat lang mamatay kaysa makuha ng iba!

 

May mga panukala na kayang nagawa si Trillanes? Baka killing time na lang ang ginagawa niya dahil palalayasin na siya sa Senado pagkatapos ng kanyang termino. Kung meron man siyang mga nagawang mga panukala mula pa noon, sana ay i-publish niya maski sa facebook man lang.

 

 

Unawain sina Trillanes at de Lima

Unawain Sina Trillanes at de Lima

Ni Apolinario Villalobos

 

Hindi ako kaalyado ng dalawa. Naaawa lang ako sa kanila dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyayari sa kanilang buhay. Si Trillanes ay mawawalan ng trabaho dalawang taon mula ngayon dahil hindi na siya senador. Si de Lima ay sukol na sukol o sa Ingles ay “cornered” kaya ang mga litrato niyang kumakalat sa social media ay talagang mabalasik, ganyan din ang asong nasusukol. Unawain na lang sila…

 

Pero hindi dapat isama sa pag-unawa ang pagpapatawad. Para rin yang pagtanggap sa apology ng isang criminal pero hindi nangangahulugang siya ay pinatawad na sa krimeng ginawa niya. Kung ayaw pa rin nilang tumigil sa pagbatikos kay Duterte dahil mamamatay-tao daw ito, ang tanong ay-  ano bang uri ng mga tao ang pinapatay?….di ba mga sangkot sa droga?…ang mga ganitong uri yata ng mga tao ang ayaw nina Trillanes at de Lima na mawala sa mundo, kahit sila ay mga salot sa lipunan! Unawain pa rin sila dahil ang ugali, mabuti man o masama kung talagang “tumigas” na ay mahirap palambutin…by the way, hindi ko sinasabing sila ay mabuti.

 

Karapatan nilang bumatikos ng kahit sinong tao. Karapatan nila yan bilang botanteng mamamayan ng Pilipinas. Kahit sino ay may karapatan ding gumawa ng masama, huwag lang pahuhuli. Kung ang isang tao na walang konsiyensiya ay nakikipag-ugnayan sa mga drug lords sa Bilibid, upang yumaman, hanggang sa nagkaroon ng kulukadidang (kabit) na nagtanim ng gulay upang may makain sa pinagtaguan…karapatan niya yan. Kung may taong mahilig gumamit ng ibang tao para palabasing “witness”, pero bandang huli ay napapahamak lang, karapatan din yan ng taong mayabang. Unawain ang dalawa dahil sila ay nilalang din ng Maykapal kaya may karapatan silang mabuhay, kahit pa sabihing wala silang pakialam sa buhay ng ibang sinira nila o gusto pa nilang sirain. By the way, hindi ko sinasabing may kabit si de Lima o mayabang si Trillaners….wala akong binabanggit na pangalan.

 

Malaking indulgence ang makukuha ng isang taong maunawain. Ang katumbas yata ng indulgence ay bigat ng taong inuunawa….kung malaki ang kasalanan o katarantaduhang ginawa ng inuunawa, mas malaki rin ang katumbas na indulgence….kaya ang uunawa sa dalawa ay sigurado nang may malaking indulgence na “kikitain”.

 

 

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos

Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!

Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.

Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!

Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.

Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.

Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!

Ang Debateng Binay-Trillanes

Ang Debateng Binay-Trillanes
Ni Apolinario Villalobos

Kung matutuloy sa November 10 ang pagtatalo sa pagitan ni Binay at Trillanes, marami ang dapat asahan, tulad ng:

1. Pagpupumilit pa rin ni Binay na pinupulitika lamang siya, hindi siya nagnakaw sa Makati noong nanunungkulan siya bilang mayor, hindi nila pagmamay-ari ang asyenda sa Rosario, Batangas, at ang kanyang pamilya na ang hangad ay magsilbi sa taong bayan kaya inosente sila hangga’t hindi napapatunayan sa hukuman.
2. Mawawala sa porma si Trillanes kapag napikon, uulitin lamang niya ang mga bintang na nasabi na sa mga pagdinig sa senado, isa na ang mabigat na pagkaroon ni Binay ng mga dummy na pansamantalang umaako ng mga pag-aari nila, at hindi siya masasapawan ni Binay kahit abogado pa ito dahil ang hahanapin ng mga tao ay ang laman ng kanilang mga sasabihin, at hindi mga teknikalidad sa isang pormal na debate.

Kahit ipagpipilitin ni Binay ang kanyang pagmamalinis sa araw ng debate, mahihirapan siya dahil mabibigat ang mga ebidensiyang nailatag na, at siyang ikalulusaw ng kanyang pagkakataong manalo sa eleksiyon 2016. Kung iisa-isahin niya ang mga isyu na binibintang sa kanya at tatapatan niya ng mga paliwanag, malamang mahihirapan siyang makumbinse ang taong bayan, dahil simula pa lang nang unang araw na pumutok ang eskandalo, malayo na ang inabot ng pag-analisa nila batay sa mga ebidensiya na mahirap pabulaanan. May mga ideya na ang taong bayan kung paanong napatungan ng kung ilang daang porsiyento ang halaga sa pagpagawa ng Makati City Hall II, pati na ang mga gamit sa Ospital ng Makati, at ang mga cake na binibigay sa mga senior citizen. Pati na rin ang paraan kung paanong napapasakamay nila ang mga nakurakot na pera na nakalagay sa mga bag.

Tungkol naman sa asyenda sa Rosario, Batangas, kahit manikluhod pa si Binay sa harap ng kamera sa araw ng debate upang madiin ang pagdi-deny, wala na rin itong epekto, dahil mismong mga dating may-ari ang nagpapatunay ng bentahan- mga matatanda na hindi aasahang magsinungaling. Pati ang naunsiyaming pagpresenta ni Tiu ng sarili niya bilang may-ari ng asyenda, hindi na rin maisasalba ni Binay kahit pa sabayan niya ito ng hagulhol. Naipaliwanag na ni Cayetano kung paanong naitatago ng mga tiwaling opisyal ng bayan ang kanilang mga nakaw na yaman upang walang makitang ebidensiya, na malinaw na naipakitang ginawa ng mga Binay, kaya anumang paliwanag ni Binay sa araw ng debate ay wala na ring saysay.

Kung ang debate ay style na walang rebuttal, kundi paglalahad lamang ng bawa’t panig subalit may ipapataw na taning o limitadong oras, talung-talo na si Binay, dahil taong bayan ang huhusga kung sino ang mananalo. At dahil siya ang panig na nagdedepensa, dapat maunang magsalita si Trillanes na siyang nag-aakusa. Dapat pabulaanan ni Binay punto por punto ang mga sasabihin nito, subalit alam naman ng taong bayan na talagang wala siyang maisasagot na katanggap-tanggap. Kung meron kasi, dapat yon na ang sinasabi niya sa mga interbyu, o di kaya ay umaper man lang sa senado upang sagutin ang mga katanungan. Subalit ang palagi niyang sinasabi ay pinupulitika lamang siya.

Sa kabuuhan nito, ang debate ay gagamitin lamang upang madiin ang pagsisinungaling ni Binay, kaya tama ang sinabi ng isa niyang kaalyado sa partido na ito ay isang patibong upang lalong maipakita sa taong bayan na walang karapatan si Binay na maging Presidente ng Pilipinas.