Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila

Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila

Ni Apolinario Villalobos

 

Nagpapakahirap ang gobyerno at Metro Manila Development Authority sa paghanap ng paraan kung paanong mabawasan ang trapik sa kalakhang Maynila, ganoong ang solusyon ay nandiyan lang…ang Pasig River. Dapat linisin lang consistently ang Pasig River upang hindi gamiting dahilan ang mga water liliy na sumisira sa mga makina ng mga sasakyang pang-ilog tulad ng ferry. Subalit, ang mga proyekto sa paglinis ng Pasig River ay hanggang launching lamang….kodakan ng mga opisyal na gustong makita ang mga mukha sa diyaryo at TV….pagkatapos ng launching, goodbye na sa project….nagkalimutan na. Tuwing may bagong administrasyon, bagong proyekto din ang nilo-launch. GANYAN KAPANGIT ANG UGALI NG MGA NAKAUPONG OPISYAL….MGA MATATAKAW SA PHOTO OPPORTUNITY….ANO ANG NANGYARI SA “PISO PARA SA PASIG” NA SINIMULAN NI MING RAMOS NOONG PANAHON NI FIDEL RAMOS PRESIDENTE?….WALA!!!!!!

 

Hindi na dapat pang ipilit ang paggamit ng mga masisikip nang mga kalsada na pinupuno ng mga kotse ng mga mayayaman at mga bus na galing sa ibang bansa na ang hangad ang lokohin ang Pilipinas na tinatapunan ng mga bus na gawa nila. Nakakabahala ang planong paggawa ng subway sa Metro Manila dahil sa palyadong drainage system na ang iba ay iniwang nakatiwangwang. Siguradong pagbaha, maraming malulunod sa mga subway trains. KUNG ANG LRT AT MRT NGA LANG AY MAHIRAP NANG I-MAINTAIN DAHIL SA CORRUPTION, ANG SUBWAY PA KAYA? HINDI PWEDE ANG MGA GANYANG HI-TECH NA FACILITY SA PILIPINAS DAHIL SA CORRUPTION NA MALALIM ANG PAGKABAON SA SISTEMA….ISANG MAPAIT NA KATOTOHANAN!

 

Kung sa Bangkok, nagawang i-maintain ng gobyerno ang kalinisan ng main river nila na tinuturing din nilang major traffic artery, bakit hindi ito magawa sa Maynila? May floating market ang Bangkok na pwedeng gawin din sa Maynila, subalit ang problema ay ang mga burarang mga iskwater na nakatira sa mga pampang (river banks) na kapag inalis ay aalmahan naman ng mga komunistang grupo at mga human rights advocates kuno.

 

Ang Pasig River ay pwedeng gawan ng bicycle lane na may bubong mula Escolta hanggang Laguna at iba pang arteries na dumadaloy sa iba’t ibang lunsod at bayan sa buong kalakhang Maynila. Upang magkaroon ng seguridad ay dapat lagyan ng mga ilaw at mga pulis outpost sa mga designated entrance/exit areas kung saan ay pwedeng umakyat at bumaba ang mga commuting cyclists. Pwede ring lagyan ng mga rest areas na may snack kiosks para magamit na pahingahan. Sa simula pa lang ay dapat na itong kontrolin upang hindi magamit ng mga sidewalk vendors. Kapag nangyari yan, ang mga commuters ay gaganahang mag-bike kaysa sumakay ng bus, LRT o MRT dahil makakatipid na sila.

 

Ang hirap kasi sa gobyerno ng Pilipinas, karamihan ng mga nakaupong opisyal na mga matatalino kuno ay graduate at nagseminar sa ibang bansa kaya ang mga natutuhan ay HINDI ANGKOP sa Pilipinas. Yan ang resulta ng ugaling pangongopya ng mga Pilipino. Dapat ay isaalang-alang ang kultura ng mga Pilipino pagdating sa mga proyekto dahil unang-una, walang disiplina ang mga Plipino. Dahil diyan, ang nangyayari sa Singapore ay IMPOSIBLENG mangyari sa Pilipinas dahil sa ugali ng mga hangal na opisyal na ang palaging tinitinghan sa mga proyekto ay kung paano silang kumita ng komisyon…AT LALONG DAHIL SA KAWALAN NG DISIPLINA NG MGA PILIPINO, NA KAPAG SINITA SA GINAWANG MALI AY TATAKBO SA HUMAN RIGHTS COMMISSION!!!!!

Living with the Traffic and Frustrating Etceteras in Manila

Living with the Traffic

and Frustrating Etceteras in Manila

By Apolinario Villalobos

 

  • THE TRAFFIC. As of the latest reckoning, Php3B of supposedly revenue flows down the drain, and which constitutes the estimated aggregate losses incurred by various businesses in Manila because of the hellish traffic. Expansion of the main city thoroughfares is out of the question because if this is done, frontage of buildings and sidewalks shall be sacrificed. Construction of more flyovers to strain the traffic shall take up five to six years, not to mention the need for more endurance on the part of the motorists and commuters while projects would be ongoing.

 

THE SUGGESTED SOLUTION IS THE STRICT CONTROL OF REGISTRATION OF NEW CARS, AS WELL AS, POLICIES THAT WOULD DETER THEIR ACQUISITION, ONE OF WHICH IS HIGHER TAX. ANOTHER OPTION IS THE STRICT IMPLEMENTATION OF “NO GARAGE, NO CAR” POLICY, ESPECIALLY, FOR THE RESIDENTIAL AREAS IN THE CITY WHERE PARKING EATS UP GREAT PORTIONS OF THE ROADS AND EVEN SIDEWALKS. ROAD PARKING IS UNFAIR FOR TAX PAYERS WHO COMMUTE BECAUSE THEY ARE MADE TO WALK ON THE STREET, THEREBY, PUTTING THEIR LIFE AT RISK OF BEING RAN OVER.

 

  • THE FLOODED STREETS DURING RAINY DAYS.  It is a wonder why the local governments do not learn their lesson from floods that seasonally make life of their constituents miserable. All they have to do is check regularly the waste waterways that traverse their areas, as these are regularly clogged with trash. They also seem to have forgotten about the manholes and drains that are deliberately broken down by mindless vandals as they convert them into trash bins.

 

THE SUGGESTED SOLUTION IS FOR THE RESIDENTS TO COOPERATE BY ALERTING THE OMBUDSMAN ABOUT THE IRRESPONSIBILITIES OF NON-PERFORMING BARANGAY OFFICIALS SO THAT THEY CAN BE APPROPRIATELY PENALIZED.

 

  • THE TRUANTS AND SPOILED BRATS. It cannot be denied that due to the deeply-rooted lenient attitude of many parents, minors have the temerity to challenge the Curfew Policy, a defiant act emboldened by the negative effect of “gentle” aspect of the Filipino culture which just brought havoc to the society. Many parents even protect or defend their children who have committed criminal acts, especially, the use of illegal drugs.

 

THE SUGGESTED SOLUTION IS TO PENALIZE THE PARENTS OF ERRING MINORS. WHILE APPREHENDED MINORS SHALL BE DETAINED IN FACILITIES APPROPRIATE FOR THEIR AGE, THE PARENTS SHOULD BE DETAINED IN REGULAR JAILS, AS IF THEY, THEMSELVES, ARE THE OFFENDERS. PARENTS SHOULD NOT ONLY BE LECTURED ON THE FAULTS OF THEIR CHILDREN BUT THEY SHOULD BE MADE TO FEEL THE PAIN OF THE LAW.

 

  • STUBBORN AND RECKLESS DRIVERS. The city roads are pestered by the devilish drivers whose recklessness and stubbornness put the lives of their passengers and even the innocent pedestrians on the line. They drive as if they own the road. Add to this, the drivers of illegal of conveyances such as vans and taxis. Since time immemorial, the LTFRB and LTO know about this but have done nothing, so that in time, they have added up to the hellish situation of the city traffic.

 

THE SUGGESTED SOLUTION IS FOR THE OUTRIGHT DISMISSAL OF THE LTFRB AND LTO PERSONNEL AND OFFICIALS WHO ARE FOUND TO HAVE MADE NEGLIGENCE PART OF THEIR ROUTINE. STILL, THE OPERATORS OF ILLEGAL CONVEYANCES MUST ALSO BE PENALIZED, TOGETHER WITH THEIR ERRING DRIVERS.

 

THERE ARE STILL MANY ETCETERAS THAT BUG THE CITY LIFE FOR WHICH THE NEW PRESIDENT WOULD REALLY NEED A STEELY RESOLVE AND IRON-CLAD DISPOSITION. THE QUESTION IS…WILL THE CONGRESS AND THE SENATE SHOW THEIR UTMOST COOPERATION BY GIVING HIM THE NEEDED “EMERGENCY POWER”?

Magagalang ang mga Motorista sa Imus City…may Halaga ang “Yield” sa kanila

Magagalang ang mga Motorista sa Imus City

…may halaga ang “Yield” sa kanila

Ni Apolinario Villalobos

 

Kalimitan, sa bukana ng palengke ay halos nagrarambol ang mga sasakyan, nag-uunahan, lalo na mga traysikel. Iba naman ang nangyayari sa bukana ng palengke ng Imus City, sa kanto ng Nueno Avenue. Walang umo-overtake na mga traysikel drayber, ganoon din ang mga kotse o malalaking sasakyan. Lahat ay nagbibigayan, tumitigil, hindi nanggigitgitan, lalo na kung may mga taong tumatawid. Alam ng mga motorista na dapat bigyan ng priority ang mga taong tumatawid, kaya ang nakatalagang traffic enforcer sa intersection na ito ay walang problema.

 

Minsan ay may nakita akong matandang inaalalayan ng batang kasama, na makatawid sa intersection na binanggit ko. Hindi pa man tumatawid ang mag-lola ay nakita kong tumigil na ang mga kotse ilang metro ang layo mula sa bahagi ng kalsadang  tatawiran nila, hindi sila tumutok o tumigil nang sobrang lapit. Sa kabilang panig naman ng kalsada ay tumigil din ang mga traysikel ng ilang metro mula sa bahaging tatawiran ng mag-lola, wala ring tumutok o tumigil nang sobrang lapit. Hinintay ng mga sasakyan sa magkabilang kalsada na ligtas na makatawid ang mag-lola bago nila pinagpatuloy ang pagmaneho subalit mabagal pa rin.

 

Minsan pa rin ay may nakita akong traysikel drayber na tumigil at tumulong sa isang patawid na babae subalit nakabitaw sa dalawang eco-bag na umaapaw sa pinamalengke kaya kumalat ang mga ito. May isa pa ring traysikel drayber na tumigil upang alalayan ang babae na makatawid dahil halatang halos hindi makakilos sa sobrang nerbiyos. Hindi nito iniwan ang babae hanggang hindi naihatid ng naunang nabanggit na traysikel drayber sa kinaroroonan nila ang dalawang eco-bag na pareho palang naputulan ng hawakan dahil sa sobrang bigat ng laman.

 

Naisip ko na maganda ang dulot ng mga nakikitang mabuting ginagawa ng iba, dahil hindi sinasadyang ang mga ito ay nagagaya ng mga nakakakita. Ganyan siguro ang nangyayari sa Imus City, kung saan ang mga motorista ay magagalang dahil nakikita nila ang ugaling ito sa isa’t isa….nagkakahawaan tuloy sila ng magandang asal! Kaya, ang “Yield” o “Magbigayan” na kasama sa mga dapat ipatupad na batas-trapiko ay hindi na kailangan pang ipilit sa kanila, dahil nasa puso at diwa na nila.

Imus Nueno Ave OK

 

 

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ang Kawalan ng Disiplina sa mga Kalye ng Pilipinas

at Mga Panukalang Hindi Naipapatupad ng Maayos

Ni Apolinario Villalobos

 

Lahat ng gumagamit ng kalye ay dapat disiplinado, subalit dahil sa kawalan ng tiyaga, at ugaling palusot ng karamihan sa mga Pilipino, maya’t maya na lang ang mga napapabalitang disgrasya – nabundol na pedestrian, bumaligtad na sasakyan, nagbanggaang mga kotse o trak, nabanggang motorsiklo, at ang pinakamatindi ay bugubugan o patayan ng ayaw magbigayang driver…pati ang alagad ng batas na nagpapatupad ng mga patakaran ay sinasapok din ng mga mayayabang na driver. Sa panig naman ng mga nagpapatupad, nandiyang sila ay pinaparatangang nangongotong!

 

Ang problema naman kasi sa mga gumagawa ng plano ng kalye ay hindi iniisip ang kanilang ginagawa. Ang mga pedestrian overpass ay napakalayo sa mga nakasanayan nang babaan ng mga tao, kaya kaysa mag-overpass pa na kalahating kilometro ang layo sa isang waiting shed, nagbabakasakali na lang ang mga apuradong mananawid sa animo ay pakikipag-patintero sa mga motorista habang tumatawid sa kalsada. Noong panahon ni Cory Aquino ay nagsulputang parang kabute ang mga waiting shed na halatang pinagkitaan ng mga tiwaling kongresista at senador dahil ang karamihan sa mga pahingahang ito ay nagkakahalaga ng isang milyon.  Kung saan saan na lang sila inilagay, basta maibalandra lang ang pangalan ng mga tiwaling opisyal na ito na nag-donate daw, ganoong pera ng bayang pinagkurakutan naman ang malinaw na ginamit . Makaraan ang ilang taon, pinagbawal na ang pag-abang ng mga sasakyan sa mga overpass na ito at wala man lang directional sign kung saan dapat mag-abang ang mga pasahero. Na-expose pa sila sa init at ulan…samantalang ang mga korap na mga kumitang opisyal ay abot-tenga ang ngisi dahil sa laki ng mga nakurakot.

 

Sa panahon ngayon, nauso ang paggamit ng motorsiklo, kaya nagpasiklab ang noon ay pinuno ng MMDA na si Tolentino sa pagtalaga ng mga “motorcycle lanes” sa iilang lugar. Subalit dahil matigas ang ulo ng mga nagmamaneho ng mga motosiklo ay hindi rin ito nasunod dahil tuloy pa rin ang animo ay ahas na palusot-lusot nila sa trapiko. Bandang huli, ang mga lanes na ito ay nawala. Naglagay din ng yellow lane para sa mga pampasaherong bus, subalit dahil ayaw pumila ng karamihan ng mga bus driver na nag-uunahan sa pagdampot ng pasahero ay hindi rin ito nasunod. Maliit lang din ang multa kaya malakas ang loob ng mga bus driver na sumuway.

 

Naglagay ng mga plastic barrier sa mga main road tulad ng EDSA, at tulad ng dapat asahan, dahil sa ugali ng karamihan sa mga Pilipino na reklamador, ay tila nabuhusan ng malamig na tubig ang proyekto. Ang matindi pa, tinatanggal ng mga sira- ulong motorista ang mga barrier kung walang traffic enforcer na nagbabantay lalo na sa dis-oras ng gabi. Ganito rin ang nangyari sa pagsara ng ibang U-turn slots upang tumuloy-tuloy sana ang takbo ng mga sasakyan at upang mapigilang makasagabal ang mga lumilikong sasakyan sa daloy ng trapiko. Inereklamo ito ng mga motoristang nagmamadali at ang gusto ay mag U-turn agad sa unang butas na makikita.

 

Malinaw na kahit anong batas –trapiko ay hindi maipapatupad ng maayos sa Pilipinas, maliban na lang sa loob ng Subic Business and Commercial Center na dating US base sa Olongapo. Ang napapansin pa ay may mga Pilipino na kahit nangungupahan lang ng kuwarto ay may sariling kotse, kaya ang ginagamit nilang garahe ay kalye. Yong mga nakatira sa subdivision na “row housing” ang tinitirhan na walang garahe ay ganoon din ang siste – sa kalsada ang paradahan kaya ang masikip na kalyeng pinagpipilitang two-way ay naging one-way. Yong mga nasa subdivision pa rin nakatira subalit sa “single detached” na bahay nakatira o simpleng bungalow kaya may garahe pero para sa iisang sasakyan lang, ay gumagamit din ng kalye para sa pangalawa at pangatlong sasakyan na nakuha sa hulugan nang napakamura. Sa halagang thirty thousand pesos kasi ay may pang-down payment na at ang buwanang hulog ay ten thousand lang, kaya maski call center agent o ordinaryong empleyado ay kaya nang bumili ng kotse.

 

May panukala noon pa mang panahon ni Marcos tungkol sa pag-kontrol ng pagbili ng mga sasakyan subalit hindi na ito naipapatupad ng maayos. At may mga batas ding ginawa para sa mga paggamit ng motorsiklo, subalit ganoon din ang nangyayari – walang maayos na pagpapatupad.

 

Ang tanong ko….yon nga lang simpleng non-smoking sa mga public transportation lalo na sa mga jeepney ay hindi tinutupad ng mga driver at pasahero, at lalong hindi naipapatupad ng mga pulis-trapiko, ang mga patakaran pa kaya upang lumuwag ang trapiko at maiwasan ang mga sakuna? ….only in the Philippines yan!

 

 

The Hellish Traffic in Manila is not a Sign of Progress

The Hellish Traffic in Manila

Is not a Sign of Progress

By Apolinario Villalobos

 

The hellish traffic in Manila is not a sign of progress, as rather, it is a manifestation of lack of planning, as well as, intolerance to the identified problem which is the uncontrolled multiplication of number of vehicles despite the unexpanded road system throughout the metropolitan area. The diggings for road improvement contribute a little to the chaotic traffic, if they are what others blame for the constricted flow of vehicles, because despite some of the projects having been completed, the traffic has even become worse.

 

Despite the popular call for the government to impose strict regulation on the registration of new vehicles, there is still, practically a prevalent rush to purchase at least one unit which requires not less than twenty five thousand pesos as down payment. On the other hand, the implementation of the law on the prohibition of old vehicles by no longer allowing the renewal of their registration seems a quixotic quest, because by doing so, only a handful of jeepneys, the poor man’s means of commute around the city will be left plying the roads. The mass transport system that consists of the LRT and MRT is not reliable due to frequent breakdowns. On the other hand, the buses that oftentimes meet accidents due to carelessness of drivers, serve only the major routes, and likewise, are consistently overflowing beyond capacity.

 

When a concerted effort among the agencies involved in the management of traffic imposed discipline by installing barriers to prevent swerving of motorists as they please, there were complaints from them. Motorists do not just want to stay in their respective lane, and that is the clear message from them. It should be noted that even when the barriers were not yet installed, the buses that are supposed to stay within their designated lane kept on violating the rule. The same is true with drivers of private vehicles who are frequently caught inside the yellow lane of the buses. Worst is the case of motorcycle riders who snake their way through the traffic, and in doing so, even arrogantly cut the path of delivery vans and buses!

 

Unfortunately, some people consider the chaotic traffic as the result of the Filipinos’ purchasing power…and that for them is progress!

 

 

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Mga Dapat Ipagpasalamat ng mga Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

Kahit malaki ang problema ng mga Pilipino dahil sa mga nangyayaring  korapsyon sa gobyerno pero iniimbistigahan pa, marami pa rin namang dapat ipagpasalamat, tulad ng mga sumusunod:

  1. Buhay pa naman tayo, ayon kay Pnoy Aquino, yon nga lang kumakalam ang tiyan dahil sa hindi pagkain ng tama sa oras…kapos kasi sa perang pambili man lang ng NFA rice o bagoong. Nakatikim na kaya si Pnoy ng kahit isang kutsarang sinaing na NFA rice?
  1. May mga siksikang bus na masasakyan tuwing pumalya ang MRT at LRT, dahil hindi naman nakamamatay ang trapik, ayon naman kay Jun Abaya na dating kalihim ng DOTC na ngayon ay may lakas ng loob na tumakbo bilang senador kaya gusto niyang iboto siya ng mga taong galit sa kanya. Subukan kaya niyang pumila sa MRT o di kaya ay maglakad sa riles papunta sa terminal kung biglang tumigil ang tren?
  1. Ang gobyerno natin ay sobrang “maluwag”, kaya aakalain mong walang pinapatupad na batas. Pero kung meron man, marami silang butas na sinadyang gawin upang maisakatuparan ng mga korap na mambabatas ang masama nilang layuning tumagal sa puwesto. Dahil dito, hindi nila ipinasa ang  “Anti- political Dynasty” Bill, hindi rin nagbigay ng karapatan sa mga mamamahayag na umusisa sa mga problema sa gobyerno kaya hindi ipinasa ang “Freedom of Information Bill”, at napakamarami pang iba.
  1. May mga nagtitiwala pa rin sa Pilipinas na mga bangko, salamat sa mga maling report tungkol sa progreso daw ng bansa, kaya tuloy pa rin ang pangungutang ng gobyerno upang may maipambili raw ng buffer stock ng NFA rice, yon nga lang ay kinukumisyunan ng mga sagad-butong kurakot na mga opisyal, o di kaya ay magamit sa pagpapatupad ng mga infra-structure projects, yon nga lang ay pinagkikitaan din ng mga nagkukutsabahang kontraktor at ahensiyang may pakana ng mga ito….at kung anu-ano pang mga dahilang paggagamitan ng inutang na dahil sa sobrang laki, hindi na kayang bayaran kahit ng mga apo natin sa talampakan.
  1. Hindi binabaha ang Maynila, yon nga lang ay kung tag-init lang kung kaylan ay marami ang nagkakaputukan ng kili-kili dahil sa kakapusan ng tubig pampaligo, kaya nagmamahalan ang tawas at deodorant. Kung tag-ulan naman, at sasabayan pa ng pag-ihi ng ang mga asong kalye, pusa, at dagang estero, lubog naman ang buong siyudad!
  1. Nakakausad pa rin naman ang bumper to bumper na mga sasakyan sa mga main roads ng Maynila, sabi naman yan ni Tolentino ng MMDA na kinarma dahil sa regalo niyang mga dancer na nagkikisay sa stage ng isang bertdey party.  Nakakausad nga ang trapik, dumadami naman ang nagkakaroon ng varicose sa tuhod dahil sa panggigigil nila sa pag-apak ng preno at selenyador, bukod pa rito ang pagkakaroon nila ng high blood pressure dahil sa sobrang inis, at sakit sa bato dahil sa pagpigil ng ihi, sa loob ng kung minsan ay apat o limang oras, bago maka-dyengel sa isang pader o poste. Yong iba pa ay natutong kumausap sa sarili upang malibang…na nakababahala naman, lalo pa at mahal ang professional fee ng psychiatrist.
  1. Lumalabas na napaka-edukado ng mga Pilipino dahil sa libo-libong nakakapagtapos sa kolehiyo at unibersidad, isang nakaka-proud na phenomenon, yon nga lang istambay ang nangyayari sa karamihan dahil walang mahagilap na trabaho, kaya nganga sila pagkatapos ng masayang graduation na may selebrasyon pang kainan sa mamahaling restoran, o halos walang tigil na inuman sa bahay.

Marami pa sana akong babanggiting dahilan, na magpapakitang wala tayong dapat ikabahala sa ilalim ng administrasyon ng sobrang bait na pangulo na gustong magpatawag ng “Pnoy”…pero huwag na lang, upang may matira naman para sa pagmumuni-muni ng mga mambabasa, lalo na kung sila ay nagpapalabas ng sama ng loob sa isang maliit na kuwartong may upuan sa gitna. Mahalaga ang mental exercise na ito. Ganyan ako ka-considerate.

We Blame Everybody, but Ourselves

We Blame Everybody, but Ourselves

By Apolinario Villalobos

I have to mention again that every time we point an accusing finger to others, the three other fingers are pointing at us. For every fault, we have the habit of blaming it on others, but forgot that we may be faulted, too, for what we are accusing others.

For the heavy traffic for instance, all motorists blame the government and its concerned agencies. But they forgot about their car collections and fleet of expensive cars so that each member of their family drives one. They forgot that because of vanity, or just the sheer of showing off a little opulence despite just renting a room, they buy cars and park them on streets. They forgot that they do not observe traffic rules, thereby adding to the chaos and confusion, further resulting to the unmoving traffic. They forgot that their cars are the old type that conk out without warning in the middle of the street. They forgot that they give grease money to corrupt traffic enforcers, at times.

Motorists blame the government for the incessant rising of fuel prices. But they forgot that buying cars and motorcycles that made them suffer the consequence was their choice, not anybody else’s. They forgot that they were tempted by the low down payments offered by the wise salesmen, so they bit the bait.

For the perpetual flooding of the streets, city dwellers blame the government, yet, they forgot that they are also guilty of dumping garbage just anywhere when there is an opportunity. They forgot that they do not recycle plastic materials so that these will not add up to accumulated garbage. They forgot that they practically let everything – fish bones, veggie scraps, rice, etc. down the drain when they prepare their meals and when washing dishes. They forgot that they dump garbage-filled shopping bags in any open manhole that they can find on their way to the office. They throw garbage along freeways as they cruise along on their car, or into the Pasig River and its tributaries that flow to Manila Bay. They also forgot that they remove manhole covers during flood to allow the fast flow down them – with garbage!

For the landslides in the countryside resulting from the denuding of forests, affected people blame the corrupt stakeholders and financiers of illegal logging concessions, some of whom are government officials. They forgot that they are employed by these unscrupulous people as chainsaw operators and haulers of logs down the streams to the lowlands, practically, every able member of their family floating with logs to pick up points. They, who live in huts under the heavy foliage of forest trees, even get angry at the site of people from the Bureau of Forestry, and who walk over their “kaingin” to serve them notice of desistance.

For corruption in the government, Filipinos condemn the officials, the lawmakers. But the big question is, “who installed them in their positions by virtue of suffrage?” Whose hands were greased with cold cash in exchange for their sacred votes?

Kaya Pala “Nagsisipag” noon si MMDA Chariman Tolentino at DOJ Secretary de Lima…may ambisyon sila

Kaya Pala “Nagsisipag” Noon si MMDA Chairman Tolentino

At DOJ Secretary de Lima…may ambisyon sila

Ni Apolinario Villalobos

Malinaw na ang dahilan kung bakit noon ay kapansin-pansin ang pagsisipag nina Tolentino at de Lima – ang ambisyon nilang pumasok sa pulitika. Akala ko noon, normal lang na palagi silang iniinterbyu ng media, yaon pala ay talagang sinadya nila for media mileage.

Si de Lima ay “eager beaver” o sobrang maliksi kaya plano pa lang ang mga gagawin kahit maselan o dapat ay confidential dahil hindi dapat malaman ng “kalaban”, nagpapatawag na siya ng presscon kung saan ay nagbibitaw pa ng banta na pananagutin niya ang mga tiwali. Dahil sa ginagawa niya, ang mga dapat hulihin ay nakakatakas. Ang plano niya noong pagbisita sa Bilibid Prison upang mag-inspection dahil pumutok ang bentahan ng droga ay ibinrodkast kaya pagdating niya sa “loob”, halos wala nang nadatnang ebidensiya maliban sa mga ginawang mga kubol na aircon. Wala mang resulta, natanim naman sa isip ng mga tao na aktibo siya, masipag. Dinagdagan pa ng ibang broadcasts na lalong nagpahaba ng mileage. Yun pala, may ambisyong maging senadora!

Nadulas pa sa pagsabi noon si de Lima na ipapasa niya sa papalit sa kanya ang susunod na batch ng mga may kaso na may kinalaman kay Napoles, dahil siguro sa planong pag-resign dahil sa kandidatura niya. Subalit maraming pumalag, lalo na ang mga naunang sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, kaya napilitan din siyang ihain na ang kaso. Ganoon pa man, marami pa ring kaso ang hindi nabigyan ng malinaw na direksiyon tulad ng SAF 44 Massacre o Mamasapano Case, at Maguindanao Massacre na kinasasangkutan ng mag-aamang Ampatuan. Takot kaya siyang sagasaan ang mga supporter ng mga Ampatuan na namamayagpag pa sa Mindanao? Mga boto din nga naman silang mabibilang kung sakali. Ngayon naman ay sumawsaw sa kaso ng Iglesia ni Cristo ganoong ang daming mahahalagang kasong nakapila!

Si Tolentino naman noon, halos araw-araw noon ay may interbyu, nagpapakita pa na nagmamando ng trapiko….lahat na ng mga gawain tungkol sa pag-ayos ng trapik ay ginawa na, kahit umuulan. Dahil sa mga nakita ng mga tao, inakalang bukod-tangi ang kanyang kasipagan, kaya may mga nagsabi pang mas magaling siya kaysa pinalitan niya. Subalit bandang huli ay hindi na nakita at nagkagulatan na lang ng malamang kasama pala siya ni Pnoy, Roxas at de Lima sa Cebu, samantalanag nagmumurahan ang mga morista at MMDA traffic constables sa Manila. Nang bumandera ang retrato ng isang Obispo na nagtatrapik, malakas ang loob ni Tolentinong mag-imbinta ng media dahil magtatrapik din daw siya! Matindi siya…maaga pa lang ay nagpapakita na ng pagka-trapo. Kung sabagay, bago siya naging Traffic Czar ay galing naman talaga siya sa larangan ng pulitika sa Tagaytay.

Walang masama sa pagkaroon ng ambisyon upang umangat sa larangan ng pulitika, subalit huwag naman sa paraang garapal…dahil nalalagay sa alanganin ang kapakanan ng sambayanan!

Sobrang Trapik at Problema sa Bigas, pareho lang ang mga ugat – korapsyon at pagkagahaman

Sobrang Trapik at Problema sa Bigas, pareho lang ang mga ugat

 – korapsyon at pagkagahaman

ni Apolinario Villalobos

Dahil sa hindi pagkontrol sa pagpasok ng mga imported na mga sasakyan, bago man o luma sa kabila ng hindi naman paglapad ng mga kalsada, talagang magkakaroon ng siksikan, na ang girian ng mga motorista ay umaabot pa minsan sa barilan. Nagkaroon nga ng mga “fly-over” subalit kulang pa rin. Upang mabawasan sana ang mga gumagamit ng mga sasakyan, nagkaroon ng mass transit systems na LRT at MRT, subalit dahil sa hindi magandang pamamalakad, palpak din. Hindi maayos ang lahat dahil may mga gustong kumita.

Hindi masosolusyunan ng pagdami ng mga MMDA traffic enforcers ang problema sa trapiko dahil kalsada ang isyu na pinatindi ng hindi makontrol na pagdami ng mga sasakyan. Ang plano namang pagkaroon ng “subway” ay isang kahibangan dahil ang Maynila ay binabaha, kaya ang tingin dito ay pagkakaperahan lang. Nakakatawa din ang planong subway, kahit pa sinasabi ng mga taga-gobyerno na gagawin ang lahat upang maiwasang ito ay bahain…paanong mangyari yan, eh kung ang flyover ngang nasa itaas na ay binabaha, yon pa kayang sa ilalim ng lupa?  Ang plano namang mga extension ng LRT papunta sa probinsiya ay naaantala ng mga dahilang hindi maunawaan. Malamang ay agawan ng isang bagay na alam na ng taongbayan. Nagsulputan pa ang mga “on call” na taxi na ang nagpapatakbo ay application sa cellphone, kaya lalong nadagdagan ang kanilang bilang na gumagamit ng kalsada.

Ang isyu naman sa kakapusan ng bigas ay tila hindi maintindihan ng mga mambabatas kung paano ugatin ganoong ang dahilan ay ang mga panukalang inaprubahan nila kaya nagsulputan ang iba’t ibang real estate developments na “kumain” ng mga palayan, gulayan, niyugan, at maisan sa iba’t ibang panig ng bansa, na tinayuan ng mga condo buildings, malls o shopping centers, at mga subdivision. Kumita nga ang mga taong dating nagsasaka sa pagbenta ng mga taniman nila, subalit ang epekto naman ay malawak dahil buong bansa ang naghirap. Nasaan ang mga batas na magmimintina sana sa pagiging agrikultural ng Pilipinas upang maging self-sufficient sa bigas man lang?

Kailangan pa ngayong umangkat ng bigas at ibang gulay sa mga kapit-bansa sa Asya. At ang nakakahiya, sa Pilipinas nagpakadalubhasa ang mga rice technologists ng mga bansang ito! Sa madaling salita, dahil sa kagustuhan ng gobyerno na gumaya sa ibang bansang mauunlad, pinilit nitong pagmukhain ding maunlad ang Pilipinas kaya hindi kinontrol ang pagbenta ng mga lupa sa sinasabing “investors”. Dumami nga ang mga infrastructures, marami naman ang nakanganga dahil sa gutom! At ang kumita ay mga foreign investors na pinapadala sa kanilang mga bansa ang kanilang mga kita!

Taun-taon ay dumadami ang mga Pilipino, subalit hindi man lamang naisip ng gobyerno na gumawa ng mga planong pangmatagalan lalo na sa mga isyu ng maayos na pamumuhay, pagkain at tirahan. Kapag nagkaputukan na ng problema, kanya-kanya na ng hugas ng kamay ang mga inutil na pasuweldo ng taong-bayan at nagtuturuan kung sino ang maysala…ganoong lahat sila ay iisa lang naman ang kulay!

“Hindi Nakamamatay ang Trapik”…at, “buhay ka pa naman”

“Hindi Nakamamatay ang Trapik”

…at, “buhay ka pa naman”

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang mga nakapaloob sa quotation marks sa titulo ay hindi dialogue sa pelikula, sila ay mga sinambit nina DOTC secretary Abaya, at Presidente Aquino. Nasambit ni Abaya ang nasabing linya nang tanungin siya tungkol sa ginagawa ng DOTC sa isyu ng trapik, at ang linya naman ni Pnoy ay nasabi niya nang pumunta siya sa Tacloban at may nagsumbong sa kanyang isang may-ari ng tindahan na ni-loot daw ng mga tao pagkatapos humagupit ang bagyong Yolanda. Sa mga linyang nabanggit, ano pa ang isasagot ng sinabihan, lalo pa at hindi inaasahang ganoon ang mga sagot na galing sa mga taong inaakala nilang bukod sa matalino, may pinag-aralan, at may mga kapangyarihan sa gobyerno pa?

Pwede naman sanang sabihin ni Abaya na: “pasensiya na po kayo, pero ginagawan na po namin ng paraan kung paanong mabawasan man lang ang problema sa trapik…”.

Pwede rin namang sabihin ni Pnoy na: “hayaan ninyo at ginagawan na ng paraan ng kapulisan ang tungkol sa nangyaring looting…at nakikiramay po ako sa dinanas ninyo dahil sa bagyong Yolanda…”.

Common sense lang naman ang kailangan ng isang tao lalo na kung may katungkulan upang maisip kung paano siyang magsalita nang hindi nakakasakit ng kalooban ng kapwa. Ang ginawa ng dalawang opisyal ng gobyerno, lalo pa at presidente ang isa ay nakikitaan ng kawalan ng simpatiya o pagmalasakit sa mga Pilipino na ga-bundok na ang kahirapang dinadanas dahil sa korapsyon. Sa halip na gumawa ng paraan upang mapahupa ang nagngingitngit na damdamin ng mga Pilipino, ay may kayabangan pa sila kung magsalita na kulang na lang ay sabihin nilang: “pakialam ko sa inyo!…”!

Sa sinabi ni Abaya na hindi nakakamatay ang trapik, ang tanong naman ay wala bang namatay sa alta presyon o atake sa puso dahil sa init at inis? Hindi ba nalalagay sa bingit ng kamatayan ang isang pasyenteng isinakay sa ambulansiyang dadalhin sana sa ospital subalit naipit sa trapik? Hindi ba nakamamatay ang makulong sa kotseng nagliyab dahil sa pag-overheat ng makina, dahil naipit sa trapik? Wala bang namamatay sa sunog na hindi napuntahan agad ng mga trak bumberong naipit sa trapik? Noon sinabi rin ni Abaya na ang hindi makatiis sa mga delay ng MRT ay sumakay na lang ng bus. Ganoon lang? Ganoon na ba kayabang magsalita ang mga taga-administrasyon?

Sa Ingles, may kasabihang, “there are many ways to skin a cat”…ibig sabihin, may mga ginagawa tayo na pwedeng ipakita sa iba’t ibang paraan o mga sasabihing masasambit sa pamamagitan ng iba’t ibang salita – mga paraan at salitang hindi dapat nakakasakit ng damdamin ng ating kapwa…bakit kailangang magyabang pa?!

Sa Ingles pa rin, may kasabihang, “rubbing in the salt to the wound”…ibig sabihin, nasasaktan na nga ang ating kapwa, dinadagdagan pa natin ito ng lalong nakakasakit na salita, o kung sa literal na ibig sabihin, ang sugat ay  mahapdi na nga, nilalagyan pa ng asin!

Ang mga sinabi nina Pnoy at Abaya ay lalong nagpalabo sa kanilang imahe na nalalambungan ng galit ng mga Pilipino. Bakit takot silang umamin ng failure o pagkabigo kung katanggap-tanggap naman ang mga dahilan, huwag lang ituro nang ituro ang maliit na aleng may sakit at halos ay hindi na makakain at makalingon dahil sa brace niya sa leeg?

Umamin!!!!!!