Ang “Pagsabog” sa Tacurong City noong December 31, 2017…isang paliwanag

Ang “pagsabog” sa Tacurong City

…isang paliwanag

Ni Apolinario Villalobos

 

Entrance lang ng HAPPY videoke bar na katabi ng EN-joy ang nasabugan ng granada noong gabi ng 31December sa Tacurong City, HINDI MGA BEERHOUSE tulad ng napaulat sa isang newscast sa TV at sa ilang radio stations. Ayon sa mga kaibigan kong nasa site, ang dahilan ay isang tipikal na hindi pagkakaunawaan ng mga kostumer. Nang gabing yon ay dalawang waitress lang ang nagsisilbi sa mga kostumer at ang isang grupo ay nagpilit na sila lang ang pagsilbihan ng isa sa dalawang waitress na ikinasama ng loob ng isang grupo. Tumawag ng CVO ang establisimyento upang mamagitan at napakalma naman daw. Subalit, umalis sandali ang isang kasama ng grupong sumama ang loob at pagbalik ay may dala na palang granada na pinasabog na naging sanhi ng sumunod na kaguluhan at kamatayan ng ilan at pagkasugat ng marami.

 

HINDI ISANG ACT OF TERRORISM ANG NANGYARI KUNDI ISANG PANGYAYARI NA SANHI NG HINDI PAGKAKAUNAWAAN DAHIL SA KAKULANGAN NG WAITRESS NA MAGSISILBI AT UUPO UPANG MAG-ENTERTAIN. HINDI IMPROVIZED BOMB ANG SUMABOG NA TRADE MARK NG MGA TERORISTA. HUWAG MAMILOSOPO SA PAGTANONG NG BAKIT “NAKALUSOT” ANG GRANADA DAHIL ANG AKALA NG LAHAT NANG GABING YON AY OKEY NA ANG NAG-AALITANG MGA GRUPO KAYA WALANG NAGHINALANG KUMUHA NG GRANADA ANG ISA SA KANILA. DAPAT UNAWAIN NA SANDALING NAWAWALAN NG KATINUAN NG PAG-IISIP ANG ILANG NAKAINOM NA ANG ALKOHOL AY NAPUPUNTA SA UTAK, SA HALIP NA TIYAN KAYA NAWAWALAN SILA NG HIYA AT TAKOT….ANG TAWAG NIYAN SA BISAYA AY “MAOY”.

 

DAPAT AY ITIGIL NA ANG SPECULATION TUNGKOL SA TERORISMO NA PILIT PINAPAKALAT NG NG ILANG SEKTOR UPANG MASIRA ANG ADMINISTRASYON NG LUNSOD NG TACURONG, ANG KAPULISAN NITO….AT, LALO NA NG ADMINISTRASYON NI GOBERNADOR PAX MANGUDADATU NA LAHAT AY GINAGAWA UPANG MAWALA ANG BANTA NG TERORISMO SA PROBINSIYA NG SULTAN KUDARAT.

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba

Panawagan sa Mga Naghahasik ng Pangamba…

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang panawagan na ito isang simpleng tangka upang mabuksan ang inyong isip at maantig ang inyong damdamin tungkol sa mga ginagawa ninyong paghasik ng pangamba sa mga kababayang namumuhay ng mapayapa…silang mga nagtatrabaho ng marangal at mga kabataang nag-aaral upang balang araw ay makatulong sa bayan.

 

Sa ginagawa ninyong panghoholdap at pangri-rape, sana ay maisip din ninyo na kayo ay may mga mahal sa buhay na maaaring gawan din ng ginagawa ninyo…maliban na lang kung kayo ay nag-iisa sa buhay. Kawawa ang mga biktima ninyo na ang hangad lang ay kumayod nang maayos upang may maipakain sa pamilya. Ang mga kabataang nilalakasan ang loob sa pag-uwi mula sa eskwela kahit mahirap sumakay ay may mga pangarap sa buhay tulad ng pagtulong sa pamilya at bayan.

 

Masakit para sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ninyo ang makita silang kalunus-lunos ang kalagayan pagkatapos pagnakawan at saksakin o di kaya ay gahasain pagkatapos pa ring pagnakawan. Hindi madaling tanggapin ng mga anak ang mawalan ng amang naging biktima ng panghoholdap, na maliban sa nawalan na ng perang pambili ng bigas, ay nasaksak pa!

 

Alam kong may mga pangangailangan kayo at ang iba sa inyo ay tinuturing na kapit sa patalim ang panghoholdap. Subalit may paraan para kayo ay kumita sa marangal na paraan…nang hindi nakakaperhuwisyo ng kapwa. May mga pilay o lumpo na nakakayang magtinda o di kaya ay mga kabataang nagtatrabaho bilang crew sa mga fast food chains upang kumita ng pang-tuition…. Ilan lang silang kumakayod ng marangal…bakit hindi ninyo gayahin ang kanilang pagsisikap?

 

Nang dahil sa ginagawa ninyong panghoholdap pagkatapos magkunwaring namamasada ng traysikel sa gabi, ang mga lehitimong mga traysikel drayber ay hindi na tuloy pinagkakatiwalaan…pati mga naghahabal-habal sa ibang barangay at bayan. Malaki ang epekto sa kabuuhan ng isang bayan ang ginagawa ninyong paghahasik ng pangamba. Paano pang uusad ng pasulong ang isang barangay, bayan o lunsod kung pinipigilan ninyo dahil sa inyong ginagawa? Kung kayo ay nakatira sa isang maliit lang namang bayan, dapat ay makipagtulugan na lang kayo sa lokal na pamahalaan para na rin sa kapakanan at kapakinabangan ng inyong pamilya .

 

Kung wala kayong hinahasik na pangamba sa inyong kapwa, ang ating bansang nakalugmok na sa kahirapan, kahit paano ay makakaraos kahit bahagya. Lahat tayo ay Pilipino kaya walang ibang dapat na nagtutulungan sa isa’t  isa kundi tayo….para sa katiwasayan ng kasalukuyan at kaginhawahan ng ating hinaharap.  Sana ay magbago na kayo….

 

 

Ang Maging Bakwet (Tula with photos)

Ang Maging *Bakwet

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang maging bakwet ay mahirap, iba’y hindi yan alam

Buhay ay walang direksyon at sikmura ay  kumakalam

Animo mga hayop na sa kwadra ay pilit pinagkakasya

Ganitong tanawin, sa evacuation centers ay makikita.

 

Animo mga preso na sa pagkuha ng pagkain ay nakapila

Dala’y plastic na pinggan, mangkok, kung minsan ay lata

May mapaglagyan lang ng pagkaing kung iabot ay padabog –

Kung minsan, dahil sa pagod ng volunteer, pati isip ay sabog.

 

May nilalagay na mga kubetang ilang oras lang ay puno na

Kaya’t kawawa, ibang tagaktak ang pawis sa peligrong dama

Hindi alam kung saan magparaos, dahil wala man lang puno

Kaya’t ang ginagawa, kandangiwi ang mukha sa pagtalungko.

 

May mga dumadating, mga concerned daw, bitbit nama’y camera

Yon pala mga larawang “kawawa” ang dating, gustong makuha

Maibalita na sila’y nakarating sa evacuation center, may naiiyak-

Mga mapagkunwaring “maawain”, mga hangal, dapat mabuldyak!

 

Ang masakit, mga relief goods na handa na sanang  ipamudmod

Subali’t dahil wala pa si presidente o secretary, ito muna’y na-hold

Kaya’t sa ilalim ng masanting na init ng araw, lahat ay nagsitiyaga

Makakuha lang ilang pirasong noodles, bigas, tuyo, pati na delata.

 

Animo mga hayop, kung sila’y ituring sa mga masikip na bakwetan

Mga expired na pagkain, sa kanila kung ibigay, walang pakundangan

At tulad ng inaasahan, gobyernong lokal at ang ahensiyang **DSW

Nagtuturuan kung sino ang may sala, sino sa kanila ang pasimuno.

 

Pareho lang ang buhay saan mang bakwetan, saan man sa bansa

Maging sa Luzon, Visayas, o Mindanao, mga bakwet ay kaawa-awa

Ginagamit ng mga pulitiko, maski ibang grupong sabi ay relihiyoso

Mga taong ganid sa katanyagan, maitim ang budhi, walang modo!

 

(*evacuee, **Department of Social Welfare)

 

 

Mga Presumptions and Thought-Provoking Questions

Mga Presumptions and

Thought-Provoking Questions

Ni Apolinario Villalobos

 

BAKA GUSTO NG MGA LIFE ADVOCATES KUNO NA I-CONDEMN ANG PAGPATAY SA MGA MIYEMBRO NG MAUTE GROUP NA PUMASOK SA MARAWI CITY DAHIL SA KARAPATAN KUNO NILANG MABUHAY….O DI KAYA AY BAKA GUSTO NILANG IPA-IMBISTIGA SA UNCHR….O DI KAYA AY GUSTO NILANG IDAGDAG SA KASO NI DUTERTE NA ISINAMPA NILA SA INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE.

 

BAKA GUSTO RING SABIHIN NG ILANG GURANG NA OBISPO NA MAY KARAPATANG MABUHAY ANG MGA PINATAY NA MIYEMBRO NG MAUTE GROUP AT WALANG KARAPATAN ANG MGA SUNDALONG SILA AY PATAYIN DAHIL DIYOS LANG ANG MAY KARAPATANG GAWIN ITO.

 

KUNG ANG PARING NA-HOSTAGE NG MAUTE GROUP SA MARAWI AY NAGKATAONG BANGAG NA ADDICT ANG GUMAWA, HALIMBAWA, SA LOOB MISMO NG SIMBAHAN HABANG NAG-MIMISA ANG PARI, ANO KAYA ANG GAGAWIN NG SINASABI KONG ILANG OBISPO NA SAGAD-BUTO ANG GALIT KAY DUTERTE?….THESE OLD GUYS SHOULD REMEMBER THAT ANYTHING CAN HAPPEN UNDER THE SUN!…ANG NAKAKAHINDIK ISIPIN AY KUNG AAKALAIN NG ISANG BANGAG NA ADDICT, NA ISANG BABAENG NAKA-GOWN ANG NAKA-SOTANANG PARI AT KANYANG GAGAHASAIN….KUNG MANGYARI YAN, ANO KAYA ANG SASABIHIN NG ILANG MATANDANG OBISPO NA GALIT KAY DUTERTE?…MAGPAPASALAMAT KAYA SILA SA DIYOS DAHIL NAGING MARTYR ANG GINAHASANG PARI?

 

KUNG ANG ISANG INOSENTENG SANGGOL AY NAPAPAGKAMALANG TIYANAK NG ISANG BANGAG NA ADDICT KAYA PINAPATAY NIYA….O DI KAYA ANG ISANG LOLA AY INAAKALA NIYANG ISANG TIN-EDYER KAYA NIYA NAGAGAHASA, PARI PA KAYANG NAKA-MAHABANG SOTANA ANG HINDI NIYA PAGKAKAMALANG NAKA-GOWN NA BABAE…LALO PA KUNG WALANG BIGOTE O BALBAS?

 

The Latest Bombing in Davao City

THE LATEST BOMBING IN DAVAO CITY

By Apolinario Villalobos

 

 

Now it can be told… the latest bombing in Davao City showed that some Filipinos cannot make themselves feel for the crime victims in their effort to discredit the effort of Duterte to clip illegal drug trade and other form of criminality, in the bud. Instead of sympathizing with and show compassion to the victims, they instead, released unsavory remarks about the “arrogance” of Duterte. For them, the “courage” of the new president to clash head-on with the drug lords and other criminals in the country is a show of “arrogance”. For these detractors, the “laxity” of the past presidents as regards the various menace of the society is “piety” which for them cannot be replaced by any option even in the face of the dreaded threat by the criminals to totally destroy the country’s future.

 

The latest bombing also showed the inutility of the Commission on Human Rights (CHR) as instead of dipping its finger in the investigation, it instead, reacted to the declaration of the “State of Lawless Violence” by president Duterte. Obviously, the CHR does not seem to stand on its mandate to protect the rights of the victims of criminalities. What they seem to protect are the rights of those who commit crimes…PEOPLE, WHO BY THEIR CRIMINAL ACTS AGAINST THE INNOCENT, HAVE CEASED TO BE HUMANS!

 

The seemingly lack of interest by the international social media should be treated as a blessing in disguise. The incident in Davao is an obvious isolated smear campaign against the administration and has been anticipated by the military as Abu Sayyaf’s reaction to its incessant campaign to pulverize this terroristic group….some sort of a diversionary tactic. The pronouncement was made by the military after it has reaped partial success against the group. It was purely a terroristic act that, not even first-world nations like the United States, France, and Germany cannot check 100%.

 

As the State of Lawless Violence is intended for the whole country, every Filipino should show utmost cooperation. Detractors should stop messing it up by spreading rumors about its being a precursor of the Martial Law which the president himself, has already denied many times. This is the time for the whole nation to stand as one against criminality in any form.

Mamasapano

Mamasapano
Ni Apolinario Villalobos

Palanas na nadilig ng dugo ng kabayanihan
Dugong umagos mula sa mga ugat ng apatnapu’t apat na SAF
Mga piling-piling pulis na walang dudang matatapang, makabayan
Sa sinumpaang adhikai’y hindi umurong, at animo bakal ang katapatan.

Sa liblib na Tokanalipao ng nasabing bayan
Mga teroristang sina Usman at Marwan, sa kadilima’y tinunton-
Kadilimang pinatindi ng mga paing bomba na ibinaon sa kapaligiran
Subali’t hindi inalintana ng apatnapu’t apat, may tatak ng kabayanihan.

Mga mapalad na nabuhay, puso’y nagngitngit
Bakit wala man lang umalalay sa kanilang nasukol, naghihingalo
May mga armas nga sila, subali’t ibang granada’y hindi nagsisabugan
Kaya pagkadismaya’y nadagdag sa nagngangalit na kanilang naramdaman!

Amerika’y itinuturong may pakana nitong lahat
Maraming pangyayari ang magpapatunay daw, lahat ito’y totoo
May pinalipad pa daw na “drone” kung saan nagkaroon ng bakbakan
Subali’t sa kabila ng mga nangyari ay walang tulong na kanilang inasahan!

Ang presidente ng Pilipinas na tawag nila ay Pnoy
Nasa Zamboanga, umaming umaga pa lang, lahat ay alam na niya
Mga heneral niya, nakapaligid sa kanya, pati si Roxas, kalihim ng DILG –
Ni isa ay hindi nagkibuan kung sino sa kanila ang sa presidente ay nagsabi!

Akala ni Pnoy, tropeo na ang matatanggap niya
Akala, dahil Amerika ang sa lahat ay nagpakana, sa SAF ay nagtulak
Natigalgal siya dahil napatay man si Marwan, kung napatay man talaga
Ngitngit ng bayan ang naging kapalit, na kahit ano ay di kayang magpahupa!

Malaking batik sa kasaysayan ang Mamasapano
Kahihiyan ng isang presidenteng nagmamagaling, kung tawagi’y Pnoy
Dinamay niya ang “dangal” sa pangalang nakadikit sa kanyang pagkatao
Bangunot sa kanya na hindi magpapatahimik kaya tuluy-tuloy ang pagtatago!

Dahil sa Mamasapano, nagkaroon ng katanungan-
Nararapat bang sa MILF ay magbigay ng tiwala sa itatatag na Bangsamoro?
Sila na ba ang kahuli-hulihang grupo na dapat kausapin ng ating pamahalaan –
Upang sa Mindanao ay magkaroon ng inaasam… habang-buhay na kapayapaan?

(The 44 commandos of Special Action Force (SAF) of the Philippine National Police (PNP) were massacred at Tokanalipao, Mamasapano in Maguindanao, on the island of Mindanao, on 28 January, 2015 when they tried to serve the warrant of arrest to two international terrorists, Marwan and Usman who were entrenched in the Moro Islamic Liberation Front (MILF) territory. Purportedly, the USA has a hand in the operation which also points to the president of the Philippines, Noynoy Aquino and suspended PNP Chief Allan Purisima as the ones directly responsible for everything. This has yet, to be proven with the so many investigations going on which many Filipinos believe, will lead to nowhere, as usual.

Meanwhile, Filipinos are now doubtful if MILF can be trusted with the authority to be given them for the creation of a self-governing region, the Bangsamoro, as the group’s leadership is now viewed with incompetence and having a continued cordial relationship with their supposedly breakaway group, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Prior to the creation of the Bangsamoro, the Bangsamoro Basic Law (BBL) will have yet, to be passed by the Philippine Congress and Senate….and, that is now the primary concern, if the lawmaker will pass it, in view of the massacre of the 44 SAF commandos at Mamasapano.)

The Senate Hearing on Mamasapano Massacre Haplessly Exposed the Weaknesses of the PNP and the Military to the Terroristic Elements that Freely Roam around the Country

The Senate Hearing on Mamasapano Massacre
Haplessly Exposed the Weaknesses of the PNP and the Military
To the Terroristic Elements that Freely Roam Around the Country
By Apolinario Villalobos

The senators wrongly thought that they are giving light to the Mamasapano massacre. Clearly, they lacked the guidelines, or if ever there were, they deviated from them, because some questions were leading to the confidential security matters. In their enthusiasm in asking questions, they forgot that there are still active operations for the capture of Usman and the “graduates” of his and the allegedly dead Marwan’s bomb-making trainings.

The senate should have only concentrated on establishing as to who called the shots that launched the unfortunate operation resulting to the death of the forty-four and wounding of other SAF commandos. They should not touch on the fine details on how the operation was done. The lack of coordination and severance of the chain of command can surface to establish the people responsible for the lapses without going to the fine details as to the kind of weapons and rounds of bullets used, movements of units, etc. Unfortunately, Napeῆas was even forced to divulge the details of how the SAF made plans for their operations which was uncalled for.

The Senate hearing has put the country into another delicate situation. I dread to think of what will happen next, after it has been known that the PNP is practically lacking in the necessary defensive and offensive equipment. What will happen now after the exposure of the military that can be made helpless by a simple “miscoordination”? Clearly, they lack thoroughness and resourcefulness. And add to those, their total dependence on a commercial communication facility that can be jammed – the cellphone!

Very clearly, it has been established that the bomb-making “factories” are in Mindanao and that the bomb makers who benefited from the training provided to them by the international terrorists are not roaming only around that southern island, but other parts of the country, especially, Manila. And with the allegation that the MILF is cuddling them in connivance with the BIFF and that both still have connection with international terrorists, is the country, especially Mindanao, still assured of peace as promised by the Bangsamoro Basic Law?

If the Senate would like to improve the coordinative relationship between the security agencies of the country, this should be done behind closed doors, as it involves confidential systematic operations. They should stop the hearing as soon as they have pinned down who called the shots in the launching of operation at Mamasapano. The MILF cannot be forced to accept the fact that it cuddles the terrorists, although, intelligence information has established that they are hiding within their “territory”. The MILF cannot even “touch” the BIFF, their breakaway group. With the strong stand of the MILF, the rest of the effort of the Senate will be futile.

In view of the Senate’s helplessness due to the blatant hand washing and finger-pointing, they better turn their attention to the Bangasamoro Basic Law, as the ball is in their hands, if it still deserves to be passed. Overall, the Senate hearing is doing an irresponsible process. But who would like to stop an opportunity for grandstanding, in view of the approaching 2016 election? Meanwhile, the MILF should thank Deles and Ferrer for speaking on its behalf, in the name of the half-cooked peace process….

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas …kung hindi agad magkaroon ng kapayapaan

Ang iba’t-ibang senaryong nagbabanta sa Mindanao at Pilipinas
… kung hindi agad magkakaroon ng kapayapaan
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa tindi ng mga kaguluhan at kalituhang nagresulta sa sunud-sunod na bulilyaso ng administrasyon ni Pnoy Aquino, hindi maiwasang maglaro ang imahinasyon ng mga Pilipino, at lalong hindi sila masisisi dahil ang mga nangyayari ay halos nakatuon sa mga maaaring mangyari, tulad ng mga sumusunod:

1. Kung magre-resign o ma-impeach si Pnoy bago sumapit ang pagtatapos ng kanyang termino, mapapasama sa kanyang pagbaba ang mga sinasabing kakutsaba niya na sina, Abad, Purisima, Alcantara, at Soliman. Kakaharapin nila ang malalaking kaso na ihahain ng iba’t ibang grupo. Maiiwan si Laila de Lima na tingin ng iba ay manipis lang ang mantsa ng katiwalian sa pagkatao nito, pero, dahil sa delikadesa ay maaaring mag-resign din. Ang makikinabang sa ganitong senaryo ay si Binay dahil bilang Bise-Presidente, siya ang papalit kay Pnoy….lalong dusa ang madadanasan ng mga Pilipino. Pagkakataon nan i Binay na magpakitang gilas sa taong bayan, na kailangan niya dahil sa may pagkadesperado niyang kagustuhang tumakbo bilang presidente.

2. Kung magtutuloy-tuloy ang mga protesta sa kalye ng Maynila at iba pang malalaking lunsod laban sa pamahalaan, subalit hindi pa rin magre-resign si Pnoy, mawawalan ng saysay ang kanyang basbas sa 2016 eleksiyon na hinihintay ni Roxas. Aalukin ni Binay si Roxas ng puwesto sa line-up niya sa 2016 bilang Bise-Presidente at kakagatin naman ni Roxas dahil desperado siyang maupo maski Bise-Presidente man lang.

3. Kung hindi na talaga mapigilan ang mga pagprotesta ng mga Pilipino na ang mga dahilan ay katiwalian sa pamahalaan ni Pnoy Aquino at kahinaan nito sa pagpapatakbo ng gobyerno, gagamitin itong dahilan ni Estrada na tumakbo bilang Presidente at makakalaban niya si Binay. Ang mangyayari ay pagpili ng mga Pilipino sa wikang Ingles na: choice between the devil and the deep black sea…oopps!, deep blue sea pala. Magpi-feeling savior si Erap na magsasabing tatapusin na niya ang problema sa Mindanao tulad ng pagkubkob sa Camp Abu Bakar, noong panahon niya.

4. Kung hindi matutuloy ang inaasam na pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) bago bumaba si Pnoy dahil dumadami ang kumakalas na mga kongresista sa pagsuporta dito, magkakaroon ng ugnayan ang MILF, BIFF, at MNLF. Gagawa sila ng compromise agreement at idadahilan na lang ang magkapareho nilang Islamic cause, kaya balik sila sa original na adhikain na pagtiwalag sa Pilipinas upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Muslim. Lalawak ang gusto nilang masakop na hindi saklaw sa mga pinag-usapan sa BBL. Napatunayan kasi na mahina ang leadership ng MILF,at iiral ang kagustuhan ng BIFF at MNLF, at nahalata rin ng tatlong grupo na animo ay takot ang pamahalaan sa pakikidigmang harap-harapan.

5. Kung magsanib-puwersa ang MILF, BIFF at MNLF, maaaring humingi ang mga ito ng tulong sa Malaysia na may katuwaang papasok sa eksena dahil magkakaroon na ito ng pagkakataong tanggalin nang tuluyan ang pagbawi ng Pilipinas sa Sabah. Malinaw na ito pa rin ang hangad ng Malaysia kahit pa sabihing mediator ito sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao kaya hindi isinama dito ang claim ng Pilipinas sa Sabah. At maaari pa ring isali ang Bangsamoro sa federal government ng Malaysia. Dahil ayaw mapahiya ng liderato ng MILF, lahat ay gagawin nila para lang masabing nagtagumpay sila sa ngalan ng kapayapaan.

6. Kung magkakaroon ng cover-up sa gagawing imbestigasyon ng maraming grupo sa Mamasapano Massacre na magiging dahilan ng iba’t ibang resulta, lalabo ang pagkakaroon ng hustisya para sa mga namatay at nasugatan. Dahil dito ay magkakawatak-watak ang PNP at AFP. Magkakaroon na naman ng kudeta at maaaring magtagumpay dahil kasama na ang mga kapulisan sa aaklas.

7. Kung sa gitnang Mindanao ay mabubuhay na naman ang nakalimutan na sanang hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim, magkakaroon ang mga apektadong lugar ng mga teritoryo ng MILF, BIFF at MNLF. Makikisakay na rin sa kaguluhan ang Abu Sayyaf. Gagawing sentro ng mga terorista na gumagalaw sa Asya ang Mindanao. Dahil dito, mabubuhay na naman ang mga grupong Kristiyano na lumalaban sa adhikaing isinusulong ng Bangsamoro.

8. Kung titindi ang naghalu-halo nang kaguluhan ay lalong mamamayagpag ang pagnegosyo ng bawal na gamot sa Pilipinas, lalo na at napatunayan ang kaluwagan ng mga batas at patakaran laban dito, kaya kahit sa loob ng mga kulungan nakakapagpatuloy sa pagnegosyo ang mga nakakulong nang mga drug dealers. Mamamayagpag din ang extortion ng maliliit na grupo na ang iba ay na-train na sa paggawa ng bomba, pero ang pinakamalaking extortion group ay Abu Sayyaf pa rin. Mindanao ang gagawing balwarte ng mga terorista na kikilos sa buong Asya!

Sa alin man sa mga nabanggit na senaryo, malinaw na ang talo ay mga Pilipino sa kabuuhan, Muslim man o Kristiyano, lalo na at nakasentro ang mga kaguluhan sa pagmintina ng kabuuhan pa rin ng Pilipinas kahit na may Bangsamoro na. Kawawa sina Fatima at Maria…sina Abdullah at Juan dahil sa kasakiman ng iilan!

Dahil sa mga kaguluhang nangyayari at mga agam-agam na hindi nagpapatulog ng mahimbing sa mga Pilipino…sino ang may sala, o sinu-sino sila? Ang sagot diyan ay ang palasak sa Ingles na: your guess is as good as mine!