ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

ERILY SEVA…babaeng junk collector ng Tacurong City

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaninang umaga, ang sinakyan kong tricyle na pumasok sa barangay ng San Pablo upang maghatid ng isang pasaherong kasakay ko ay nasiraan habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa highway. Nang bumaba ako at tumingin sa unahan ay nakita ko ang junk collector na babaeng nagsisikad ng bisikletang may sidecar at may laman nang mga junks. Siya yong matagal ko nang tinityempuhan dahil dalawang beses ko siyang na-miss. Kung hindi pa nasiraan ang tricycle na sinakyan ko ay hindi ko pa siya nakita at ilang dipa lang mula sa kinatatayuan ko, katay laking gulat ko dahil para kaming pinagkita nang umagang yon.

 

Siya si ERILY SEVA na may limang anak. Ang panganay ay construction worker, ang pangalawa ay Grade 9 sa PRESIDENT QURINO NATIONAL HIGH SCHOOL. Ang iba pang mga anak ay tumigil muna sa pag-aaral habang nag-iipon silang mag-asawa ng pera. Sa gulang na 43 taon ay tila bantad na ang katawan ni Erily sa hirap subalit walang mababakas na pagsisisi, sama ng loob, or pagkabugnot sa kanyang mukha. Ang asawa niyang si Alfredo Mercullo, 38 taong gulang ay kolektor din ng junks subalit ang ginagamit niya ay pag-aari ng junkshop na binabagsakan niya ng mga kalakal at inuupahan sa halagang kinakaltas sa kanyang kinita sa maghapon. Ang ginagamit namang “topdown” ni Erily ay pagmamay-ari niya.

 

Masayang kausap si Erily at laking pasalamat ko rin dahil pinagbigyan niya ako ng ilang minutong pagkakataon upang siya ay makausap. Upang hindi siya maabala nang matagal ay hindi ko ang address niya dahil balak kong makilala ang kanyang pamilya.

 

Kaninang hapon ay hinanap ko ang tinitirhan nina Erily at natunton ko naman agad. Masayang ipinakilalal niya ako sa isa niyang anak at asawa. Inabutan kong nagsasaing na sila ng panghapunan. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay lalo na ang tungkol sa kalusugan. Marami akong ipinayo sa kanila kung paano silang makaiwas sa sakit dahil mahal ang magpa-ospital at gamot.

 

Ang makakakilala ng isang tulad ni Erily at kanyang pamilya ay nagpapasaya sa akin kaya itinuturing kong okey na ang araw ko….lalo pa at napagbigyan niya akong pasyalan sila sa kanilang bahay.

Advertisements

DONATO “BONDYING” VILLASOR JARABELO….sorbetero na nakapagpatapos ng limang anak sa kolehiyo

DONATO “BONDYING” VILLASOR JARABELO….sorbetero na nakapagpatapos ng limang anak sa kolehiyo

ni Apolinario Villalobos

 

Naging curious ako sa nasabing sorbetero noong isang taon pa nang ituro siya sa akin ng pamangkin ko at nagsabing nakapagpatapos siya ng limang anak sa kolehiyo mula sa kinita sa pagtinda ng ice cream. Kung bibilangin ang tagal ng pagtinda niya ay aabot sa 40 taon. Ang sorbetero ay si “Bondying” pero ang tawag sa kanya ng mga taga-Quirino Central School na suki niya ay “Boss” o di kaya ay “Bossing”.

 

Nakalimutan ko na sana si Bondying kung hindi ako nakabili ng ice cream sandwich sa kanyang pamangkin na naglalako na rin sa Quirino. Mabuti na lang at nagtanong ako sa kanya kung kilala niya ang isa pang nagtinda rin ng ice cream na maraming suki sa Quirino. Laking tuwa ko nang sabihin niyang, “tiyo ko siya” at dagdag pa niya ay sa Purok Liwayway ng San Pablo, Tacurong ito nakatira. Dagdag pa niya, nagsimula sa de-padyak na “topdown” ang kanyang tiyuhin pero nang magkaroon ng motorcycle ay binenta na lang ito sa isang naglalako ng gulay. Naalala kong may na-blog ako noong maliit na babaeng naglalako pa rin kahit padilim na taga-Purok Liwayway. Nang i-describe ko ang babae, sinabi ng kausap ko na siya nga ang nakabili ng de-padyak na “topdown”!

 

Kanina naman bago magtanghali ay may sinakyan akong tricycle at nagpahatid sa bahay ng isang kaibigan subalit wala ito….pinadiretso ko ang driver sa isa pang kaibigan subalit wala rin ito. Dahil ayaw kong masayang ang oras ay sinabi ko sa driver na ihatid na lang ako sa Purok Liwayway dahil gusto kong makausap yong taga-roon na gumagawa ng ice cream.  Sinabi kong malapit sa eskwelahan ang bahay, ayon sa pagkasabi sa akin ng pamangkin….at ang sabi ko sa driver ay hahanapin na lang naming siya.  Hindi kumibo ang driver subalit, hindi tumagal ay nagsabi ito ng, “halos wala na siyang ngipin”. Ang tinutukoy pala niya ay si Bondying na pakay ko sa Purok Liwayway. Inisip ko na lang na baka nakabili na ang driver ng ice cream sa hinahanap ko. Subalit nang narating na namin ang Purok Liwayway ay tuloy-tuloy lang kami at pagkaraan ng dalawang liko ay itinuro niya ang isang lalaki na tila may dinudurog sa container ng ice cream….yelo pala na pinapaligid niya sa bagong gawang ice cream, at ang lalaki ay mismong si Bondying na!

 

Nang magpakilala ako at nagsabi kung ano ang pakay ko kaya nakuha ko ang tiwala niya ay nagkuwento na siya. Hindi siya nakatapos ng elementary dahil pasaway daw siya…istambay…..bugoy. At dahil ayaw mag-aral ay hinayaan na lang ng mga magulang. Nang tumuntong siya sa gulang na 20 taon ay nakapag-asawa siya at noon siya natutong magtrabaho. Naging empleyado siya ng Presto Ice Cream sa General Santos na noon ay tinatawag na “Dadiangas”. Panakaw niyang pinag-aralan ang paggawa ng ice cream at nang makaipon ay nagpundar siya upang makagawa ng sarili niyang “home-made ice cream”. De-padyak ang una niyang ginamit na “topdown” sa paglako at nakakarating siya sa President Quirino na ang pangalan  noon ay “Sambolawan”. Halos sampung kilometro ang nilalakbay niya mula sa Tacurong hanggang sa Quirino kung saan ay nagkaroon siya ng mga suking mga mag-aaral ng President Quirino Central School.

 

Ang nakakatuwa ay nang malaman ko mula sa mga dating mga pupils ng President Quirino Central School na ang tawag nila sa kanya ay “Boss” at kung wala daw silang pera ay niyog ang pinampapalit nila sa ice cream. Nang banggitin ko ito kay Bondying ay sinabi niya na yong iba daw ay gulay ang binibigay sa kanya kapalit ng ice cream. Sa sinabi niya ay naalala ko ang pinsan kong doktor na si Leo na ganoon din ang ugali….sa kabaitan ay hindi nagtuturing ng presyo sa mga pasyente at binibigyan din ng gulay kapalit ng kanyang panggagamot.

 

Mag-uusap pa sana kami ng matagal ni Bondying subalit naalala ko ang binanggit niya na ang kagagawa lang iyang “halal” ice cream ay idi-deliver niya agad sa kaibigang Muslim….at, pagkatapos ay dadalo siya sa isang reunion. Masama ang panahon kaya ayaw kong maabala pa siyang masyado kahit halata kong enjoy siya sa pag-uusap naming. Nagpasalamat ako sa kanya dahil kahit may mga kompromiso pala ay nagpaunlak siya ng halos isang oras na pag-uusap. Nangako akong babalikan ko siya.

 

Lima ang anak ni Bondying….ang panganay ay Assistant Principal, may dalawa pang teacher, isang nagtapos ng Information Technology, at isang nagtapos ng Crimonology. SOBRANG NAKAKABILIB ANG KUWENTO NG BUHAY NI BONDYING…. ISANG TAONG NAGING ISTAMBAY SUBALIT NAGSIKAP AT IGINAPANG ANG KAPAKANAN NG MGA ANAK KAYA NAGAWANG MAPAGTAPOS SILANG LAHAT SA KOLEHIYO.

 

Ang araw na ito ay isa na namang patunay na tila may gumagabay sa mga gusto kong gawin dahil sa nagtagpi-tagping pangyayari mula sa pagbili ko ng ice cream sandwich sa pamangkin ni Bondying na nagbigay sa akin ng address niya, sa nai-blog kong babaeng nagtitinda ng gulay na ang “topdown” o de-padyak na sasakyan ay unang pundar ni Bondying upang magamit sa pagtinda ng ice cream hanggang sa tricycle driver na taga-Purok Liwayway at  isa pala niyang kaibigan!

Ang Mga Tsinelas ni JONATHAN PADRONES

ANG MGA TSINELAS NI JONATHAN
ni Apolinario Villalobos

Una akong bumilib kay Jonathan Padrones nang makita ko siya sa kanyang lypsinch act at lalong bumilib pa nang malaman kong marami siyang mga advocacies sa abot ng kanyang makakaya, at ang pinaka-popular ay ang pamimigay ng tsinelas sa mga kinakapos na mga kabataan.

Siguro ang nasa isip niya ay upang hindi masaktan ang talampakan ng mga batang nagsusumikap sa buhay habang tinatahak ang mabatong landasin patungo sa kanilang pangarap….HINDI TULAD NIYA NONG KABATAAN NIYA NA SA KAGUSTUHANG MAKATULONG SA MGA MAHAL SA BUHAY AY MATINDING HIRAP ANG DINANAS SA PAGTAHAK SA LANDAS NA NABANGGIT UPANG MATUPAD ANG KANYANG PANGARAP.

Eid Ul Fitr in Tacurong City

The Celebration of Eid Ul Fitr in Tacurong City

by Apolinario Villalobos

 

The Eid Ul Fitr in Tacurong City was celebrated on the grounds of the City Hall in front of the city gym…the faithful did not mind the moist grass in the early morning of June 15, 2018…

 

Ang Huwarang de Guzman Family ng Tacurong City

Ang Huwarang de Guzman Family ng Tacurong City
….Notre Damean ang mga anak
ni Apolinario Villalobos
 
Sa kinainan kong maliit na karinderya sa tabi ng highway papuntang Gansing ay nagpahinga pa ako ng matagal at tama lang pala ang ginawa ko dahil sa lugay na yon ay makakakuha ako ng magandang materyal na pang-blog tungkol sa nakaka-inspire na pagsisikap ng mga tao.
 
Napag-alaman kong ang nagluluto ng mga ulam ay si Mon na asawa ni Nene. Maraming putahe ang naka-display kaya siguradong madaling araw pa lang ay nagluluto na ito sa bahay nilang hindi kalayuan sa karinderya. Maya-maya ay may dumating na dalagita at walang sali-salitang ibinaba lang ang backpack at naghugas na agad ng mga naipong pinagkainang pinggan at kubyertos. Nang humarap siya sa akin ay nagulat ako dahil sa ganda ng mukha niya at may tindig pa. Siya si CLARISSE anak ng mag-asawang nag-aaral sa NOTRE DAME OF TACURONG BOYS DEPARTMENT..
 
Panay din ang ngiti niya sa mga kostumer na kumakain – mga drayber ng tricycle na ang biyahe ay papuntang Lambayong. Maya-maya ay dumating naman ang isang lalaki na nagsabit lang ng gamit sa loob ng karinderya at kumuha na ng dalawang timba na lalagyan pala ng mga yelong bibilhin sa isang bahay. Tuluy-tuloy ang kanilang mga kilos at kahit maliit ang puwesto ay parang hindi masikip sa kanila…kung sa English, “orchestrated” ang kanilang mga galaw.
 
May isa pang kapatid pa si Clarise, si Daphe na nag-aaral din. Ang pantustos sa kanila ay galing sa kinikita ng karinderya at pagta-traysikel ng kanilang tatay. Nang makiusap ako kay Clarise na baka pwede kong i-blog upang maging inspirasyon sila sa iba ay ngumiti pang nagsabi ng, “sige po”. Ang tatay at nanay niya ay panay lang din ang ngiti.
 
Hindi nakakahiyang magdala ng mga bisita sa karinderya nila kung uri ng pagkain lang ang pag-uusapan, kaya siguradong kapag dumating ang mga ka-batch ko ay dadalhin ko sila sa kainang ito.Ang hindi makakaupo ay pwedeng tumayo habang kumakain.
 
YAN ANG NAKAKABILIB NA PAMILYANG DE GUZMAN….MABUHAY KAYO!

The Propagation of Catholicism in Tacurong and How it Became the Nuestra Senora de la Candelaria Parish

The Propagation of Catholicism in Tacurong

And How It Became the Nuestra Seῆora de La Candelaria Parish

By Apolinario Villalobos

 

Before Tacurong became a parish, the Mass held at the makeshift chapel was celebrated by priests from Marbel (today, Koronadal City) and Cotabato City. The propagation of Catholcism in the struggling town whose political development began as a sitio of Buluan, was hastened by the opening of the Notre Dame campus for boys by the Oblates of Mary Immaculate (OMI) and girls by the Dominican (OP) nuns. The church stood between the mentioned campuses. The priests’ convent doubled as office and quarters for the Director of the Notre Dame for boys and the parish priest. On the other side of the church was the convent of the Dominican nuns. The Mass for the boys and girls was celebrated separately. Much later, when the Oblates of Notre Dame (OND) arrived, a convent for them was built beside the stage of the the Boys’ department.

 

The Nuestra Seῆora de la Candelaria became the patroness of Tacurong upon the recommendation of Mrs. Josefina Lechonsito who was enthralled and impressed by the Virgin’s image at Jaro, Iloilo. Mrs. Josefina Lechonsito was among the pioneer and well-loved teachers of the Notre Dame Boys’ and later, the College Department. Her suggestion was considered and soon as if on cue, prominent families, such as the Montillas, Lapuzes, Tulios, Velascos, Talmadges, French, Jarrels, Garcias, Espinosas, Lechonsitos,  and many others pitched in their resources for the establishment of the parish foundation and the transformation of the church into what it is today.  The bell was donated by Don Vicente and Doῆa Salud Garcia, Don Juan Garcia and his wife, Mrs. Maria Montilla, and Mrs. And Mrs. Roberto Tulio. The four massive posts for the bell tower were donated by Mr. Menandro Lapuz. A little later, other families joined the enthusiastic movement that led to the formation of civic and religious organizations.

 

The Knights of Columbus, Jaycees, Cursillo-Samaria, Legion of Mary were organized, as well as, their counterparts for the youth and students such as Student Catholic Action (SCA), CHIRO, The Encounterers’, and Columbian Squires. To ensure the consistency of the effort, senior high school students of the Notre Dame Girls Department were required to conduct catechism at the Tacurong Pilot Elementary School. The catechism was conducted even during school breaks and to encourage the attendance of the children, free cookies were given them, as provided by the Garcias who owned the first bakery in Tacurong. Much later, the PREX was also organized and whose effort was felt even in other parts of the province. Today, church groups are organized for specific purposes such as those for the family and youth, in accordance with the Vatican’s direction.

 

The early activities that involved seminars for the recruits of the SAMARIA and CURSILLO were alternately held at vacant rooms of the Boys and Girls Department. When enough fund was collected, a SAMARIA HOUSE was built at the back of the church. It was later used by Theology students of the College department for some of their activities. The other activities of the groups were held at Tamontaka in Cotabato City. During seminars, the “working committee” was always led by Mrs. Dominga Espaῆa who did the budgeting for the food and Mrs. Bonoc Cajandig who led the prayer before meals and taking care of the utensils.

 

The Girls Department of Notre Dame had their own organist during their Mass while the Boys Department had Ms. Tan, a pretty teacher as its own. When the Training Department (Elementary) was opened, separate Masses were also held for the pupils and their singing was conducted by Ernesto Cajandig. On the other hand, convent assistants, Agustin Carvajal, Romeo Balinas, Noel Niervo, and two other colleagues, as well as, members of the Knights of the Altar assisted the parish priest or his assistant in celebrating the Mass in the barrios. They were driven on the hardy jeep by a certain de los Reyes who also tinkered with the noisy generator every time it conked down. Agustin Carvajal also served as the soloist of the parish choir during the time, providing accompaniment with his guitar if the organist was not around.

 

During the fiesta for the patroness, “live” personification of the Virgin Mary enlivened the procession. Among those who played the role of the Virgin Mary were a certain Mojado, one of the pretty Tarrosa sisters who are known for their long hair, Concepcion Betita (Cainglet). The Notre Dame band with its few instruments provided the solemn processional hymns.

 

The feast for the patroness is held every February 2 and Tacurongnons are wishing that it should be consistently held without much fanfare and less expenses that would definitely come from their pockets. For the procession, simply decorated float for the image of patroness should be enough, with the CHURCH ACTIVITIES REVOLVING around her, and the feast not taking several days to celebrate to maintain solemnity that veils her.

 

IT SHOULD BE NOTED THAT WHAT IS BEING CELEBRATED, IS THE GLORY OF THE RECOGNITION GIVEN TO THE PATRONESS AS THE BEARER OF THE CANDLE THAT SYMBOLIZES THE LIGHT OF THE WORLD AND THOSE WHO ARE SEEKING THE PATH THAT LEADS TO SALVATION…NOT ANY DELICACY, FLOWER, BIRD, MUSIC, ETC. IF SOME SECTORS WOULD LIKE TO RIDE ON THE POPULARITY OF THE PATRONESS, THEY SHOULD DO THEIR CELEBRATION OUTSIDE THE CHURCH PREMISES, SO AS NOT TO TAINT THE RELIGIOSITY OF THE FEAST.

 

The Exotic Deep-fried Locust

The Exotic Deep-fried Locust

By Apolinario Villalobos

 

Locusts (apan in Bisaya; balang in Tagalog) contain a high level of chemicals known as phytosterols that could control heart-related diseases. The chemicals block the absorption of cholesterol, a chemical which increases one’s risk of getting cardiovascular diseases. This exotic delicacy is also loaded with fatty acids, minerals that boost immunity, fights cancer and prevent the onset of inflammation in body organs, aside from protein.

 

These insects are patiently caught in the evening during which they rest on the ground. The gatherers use flashlight to light their way around, practically, picking up the sleeping locusts from grassy fields.

 

The first step in cooking is by killing them through suffocation in sacks after which they are cooked in tamarind leaves enhanced with a little vinegar, after which they are sun-dried. When they are thoroughly dry, deep-frying follows which takes from forty minutes to an hour, to ensure crispiness.

 

The locusts thrive on leaves. Woe then, to bamboo groves, trees, rice and corn fields that they spot along their path as they darken the sky with their vast number. Interestingly, the locust is mentioned in the Bible as part of the diet of the Chosen People.

 

A small plastic pack of deep-fried locusts costs Php20 in the public market when it is in season. In southern and central Mindanao, the sources of this exotic delicacy are Polomolok, General Santos and Isulan.