The Stupid Surveys

The Stupid Surveys

By Apolinario Villalobos

 

Nowadays, there are so many surveys conducted by various survey firms which are of course paid for by parties that will benefit from the “expected” favorable results. Big companies, political units and even nations spend so much money for the flattering and self-serving favorable results. Surveys can be effective only if the whole targeted responders are captured, but if not even 1% of the total has been interviewed for their views…then, the survey results should better be told to the Marines!

 

How can for instance a survey, give assurance that a certain candidate will surely win during an election when the majority of the voting population has not been interviewed? To top it all, their assurance is based on a further confusing mathematical formula. So, there’s the trick – the more confused the ordinary citizens become, the better for these survey firms to insist that they are right, and the more that they make their clients happy. They want the ordinary citizens to believe that the results are products of “highly intelligent” surveys…conducted by “intelligent” people!  While some surveys are based on personal views and opinions, others are on perception which make the results more “imagined”….unrealistic. Simply stated, how can a personal view become representative of the rest, opinions as truthful, and perception as generally realistic?

 

The way I see it, these surveys are the workings of “research” firms that have run out of anything to do and clients who trust them. They have come up with this novel idea that can flatter egoistic groups that we call business firms, political groups, educational institutions, and governments. These surveys are also the result of the marketing strategies that need to be updated to make them attractive to clients. Schools want to attract enrollees, business firms want more clients, political groups want more donors and followers, and governments want a “third opinion” that would qualify their claim for success in their administration…all selfish objectives which at the end are supposed to be satisfied with self-serving survey results, that would later find their way in advertising spaces!

 

What the clients should do, instead of squandering millions in surveys for self-serving results, is require their advertising agencies to gather hard data from records that are available, to support their contentions. The truthful and realistic information shall no longer cause a single eyebrow to be raised every time the reports are splashed on the front pages of dailies, as well as, broadcasted on air lane and TV screen….at least, the doubting Thomas can be directed to the records on file.

Hindi Dapat Asahan ang mga Survey

Hindi Dapat Asahan ang mga Survery
Ni Apolinario Villalobos

Obvious na ang mga survey ay hindi naman talaga accurate at kumakatawan sa isip at damdamin ng mga tao sa pangkalahatan. Ibig sabihin ay estimate lamang ang mga ito. Simple lang ang tanong: sa iilang libong iniinterbyu, ilang porsiyento ba sila ng milyones na kabuuhan ng population o bumobotong population? Ang bukod tanging epekto ng survey ay psychological o pangkaisipan lamang, dahil ang mga makakaalam ng resulta ay mag-iisip ayon sa gustong mangyari ng nagpasurvey.

Sa laki ng nagagastos kung gumawa ng survey, hindi makakagalaw ang survey firm kung walang uupa sa kanilang serbisyo. At kung sino man ang nagpapa-survey ay dapat lang na masiyahan sa resulta. Aanhin naman ng survey firm ang resulta ng survey kung walang nagbayad sa kanila upang gumawa nito?

Sa nangyayaring survey kung saan ay pumapaimbulog ang nakuhang resulta ni Poe laban sa nakuha ni Binay, ang tanong ay kung sino ang may gustong matalo si Binay. At sa ganitong plano ay halatang ginamit lang si Poe. Hindi pwedeng gamitin si Roxas dahil alam ng lahat na talagang wala naman siyang hatak sa mga botante kaya siguradong maraming magtataka kung umangat siya maski sa ikatlong puwesto man lang.

Ilang beses nang napatunayang hindi totoo ang ipinapahiwatig ng survey dahil noong nakaraan eleksiyon, ilang senador ang ni hindi man lang napasama ang pangalan sa listahan subalit nanalo pa rin. Ngayon, kahit mataas ang rating ni Poe, hindi nangangahulugang siya na nga ang mananalong presidente, lalo pa at malayo pa ang eleksiyon, at ni hindi man lang siya nagdedeklara ng kagustuhang tumakbo sa nasabing puwesto.

Sa aspeto naman ng ekonomiya, kinilig ng todo ang mga taga-Malakanyang nang malaman sa isang survey na umangat na daw ang Pilipinas kung ihambing sa mga kapitbansa nito sa Timog Asya. Talaga namang nang-insulto ang gumawa ng survey dahil malayo sa katototanan ang nakuha nilang resulta. Malamang na ang nagpagawa ng survey ay mga bangko na inuutangan ng Pilipinas para ipabatid na dahil umangat na ang ekonomiya nito ay pwede na uling umutang!..ganoon lang.

Ang ilan pang resulta ng survey ay tungkol sa pagkabawas daw ng malaki ng unemployment sa bansa, ganoong taon-taon ay nadadagdagan ito ng mga bagong graduates. Tinataon siguro ang survey na ito kung kaylan ay marami ang bagong na-hire na mga contract employees, na pagkalipas ng limang buwan ay tutunganga na naman.

Ang sa pagkain at gutom naman, nabawasan na rin daw ang gutom dahil nagiging self-sufficient na ang bansa, ganoong kasasabi lang ng Department of Agriculture na aangkat na naman uli ng bigas bago mag-Oktubre upang mabawasan ang kakulangan. Ang presyo ng mga bilihin sa palengke lalo na karne at isda, lalo pang tumaas. Dahil sa mga nabanggit, paanong nabawasan ang kagutuman, ayon sa survey, lalo pa at ang take home pay ng ordinaryong manggagawa ay kulang pa sa isang araw na panganailangan ng kanyang pamilya?

Talagang sa mundong ito, lokohan ang takbo ng buhay. Kaya kung minsan ay nakakatamad na ring magbasa ng diyaryo o makinig ng radyo dahil hindi na malaman kung alin sa mga balita ang totoo. Marami na rin kasing diyaryo at brodkaster na binabayaran.