LAMBAYONG (tula)

LAMBAYONG

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa tunog pa lang ng pangalan kung banggitin

Exotic na ang dating, mahiwaga pa kung isipin

Sinaunang bayan na saksi sa isang kasaysayan

Ng malawak na emperyo sa ka-Mindanawan.

 

Napapaligiran ng malawak, matabang lupain

At noon ay mga gubat, maaliwalas sa paningin

Sagana sa mga hayop, sa kalawaka’y mga ibon

Subalit nawala dahil sa pagbago ng panahon.

 

Nagkanlong ng mga dumayo mula sa Visayas

Na ang pagsisikap ay nag-iwan ng mga bakas

Nagsimula sa pusod ng minahal na Lambayong

Hanggang sa New Passi, barangay ng Tacurong.

 

Mula sa Midsayap tumagos sa kanya ay daan

Tungo sa Makar, pantalang malalim ng GenSan

Nang sa bayan ng Tacurong ito’y tumagos naman

Naging highway na ito at ipinangalan kay Alunan.

 

Nadugtong siya sa Buluan sa  bahagi ng Silangan

Tumagos sa Kipolot ang matalahib na mga daan

Umabot sa Sambolawan na  ngayon ay Quirino

Sentro ng masaganang kalakalan o mga negosyo.

 

Biniyayaan siya ng mga bukal ng matamis na tubig

Nagpapawi ng uhaw at sa kapaligiran ay nagdilig

Kaya’t masaganang ani ay hindi mapapasubalian

Mula sa mga nagluluntiang palayan sa kapaligiran.

 

Hindi lang mula sa kalikasan ang kanyang yaman

Pati na rin sa masisipag, mababait na mamamayan…

Lambayong, tungo sa kaunlara’y umaarangkada

Sa bilis ng pagsulong tila wala nang hahadlang pa!

IMG_20180519_115013

 

 

 

 

Advertisements

I LOVE YOU TACURONG! (poem in English, Tagalog, Hiligaynon and Cebuano)

I LOVE YOU TACURONG!

Ni Apolinario Villalobos

 

Maskin ano pa ang ihambal nila

Indi gid nila ako mapasala kon sin-o ako

Kay diri sa Tacurong ako ginbata

Nga ginapadayaw ko gid sa iban nga tawo.

 

Nawala man ako ng ilang dekada

Lumingon pa rin ako sa mga nakaraan –

Mga araw na tigib ng saya’t ligaya

Talagang ‘di makakalimutan kaylan man.

 

I will not be what I am today

As I trace my roots to beloved Tacurong

For which more progress I pray

And praises that I could shout in a song!

 

Daghan pud ko ug gipangandoy

Bisan ug sa kalsada sige pud ko ug dulâ

Nangandoy ug maayong kinabuhi

Maningkamot, di gyud mangayo’g kalu-oy!

 

Ang pagsisikap ko ay nagbunga

Kaya sa maliit na paraan ay ibinabalik ko

Mga biyaya na aking natamasa

Pagtanaw ng utang loob na noo’y ipinangako!

 

Here I am, my beloved Tacurong

Indi ta gid tana pag-ikahuya maskin san-o

Dahil kung hindi sa iyong pagkanlong

Basi’g wâ gyu’y nahitabo sa akong pagkatawo!

 

I LOVE YOU TACURONG!

31957472_567389016994368_1226207837248552960_n

Huwag Batikusin si Gov. Pax Mangudadatu Dahil sa Ginawang Kasalanan ng Anak

Huwag Batikusin si Gov. Pax Mangudadatu Dahil sa Ginawang Kasalanan ng Anak

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Simula nang pumutok ang balitang may pinatay ang isang anak ni Governor Pax ay nagtanung-tanong ako tungkol sa anak niyang ito. Lahat ng mga taga-Lutayang lehitimong taga-roon na mga Muslim ay nagsabing hindi daw talaga maganda ang ugali ng anak ni Governor Pax, kaya hindi na sila nagulat sa nagawa nitong krimen. Pinuntahan ng nakakatandang anak ni Governor Pax ang namatayang pamilya at ayon sa kuwento ng kasama niyang malapit sa akin, wala raw tigil ito sa pag-iyak dahil sa awa sa mga namatayan. Ang payo ko sa iba, hintayin na lang ang resulta ng ginawang aksiyon laban sa anak na ito ni Governor Pax….na maaaring ikakabigla natin.

 

Hindi maiiwasang magkaroon ng isa o mas higit pang “black sheep” sa isang pamilya. Ang mga magulang ay halos mabuwang sa pag-isip ng paraan upang sila ay mapagbago. Posible ring may mga magulang na naging pabaya kaya naka-develop ng masamang ugali o nagkaroon ng masamang bisyo ang ilang anak nila.

 

Kahit sa isang samahan ay mayroon ding “black sheep” at ang pinakasikat na samahang mayroon nito ay ang kay Hesus. Si Hudas ang itinuturing na tupang itim dahil sa pagkakanulo niya kay Hesus, kapalit ng ilang pirasong pilak.

 

Simula nang magdesisyon akong magsulat tungkol kay Gov. Pax Mangudadatu kahit noong sa Manila ako at hindi ko siya kilala ay nagsaliksik na ako tungkol sa kanya at mula nang maging magkaibigan na kami ay lalo ko pa siyang nasubaybayan. Nakakagulat ang mga sinasabi niya, tulad ng mga sumusunod:

 

  • Sinabihan niya ang isang opisyal sa Capitol na nag papirma ng dokumento para sa isang project ng “….ayaw ko niyan kung walang makikinabang na Christians diyan…dapat pantay ang turing sa mga makikinabang na mga Muslim at Christians….pakipalitan mo yan”.

 

  • Sa mga kinder pupils ng isang Methodist Prep School ng Esperanza, “kayong mga bata…simulan na ninyong gumawa ng mabuti dahil kung matanda na kayo, mahirap nang baguhin ang masamang ugali…”

 

  • Sa lumapit na isang Muslim na gustong tumakbong barangay Chairman at bumulong na kailangan “sana” niya ng financial na tulong, sinabi niyang, “…kung tatakbo kang opisyal, huwag kang mamigay ng pera, dahil kung matatalo ka magsisisi ka….at kung manalo ka ay siguradong magnanakaw ka ng pera sa gobyerno para mabawi ang nagasto mo…”

 

  • Sa isa pang opisyal na may papapirmahang dokumento tungkol sa expense, pinaalalahanan niyang, “…sa mga bagay na ito dapat ay maging transparent dahil ang ginagastos ay pera ng tao…kaya, lahat ay dapat totoo…”.

 

Narinig ko ang lahat ng mga sinabi niya dahil halos magkatabi kami…nasa harap din niya ang ilang pang naghihintay ng kanilang pagkakataon upang makausap siya at magpapirma. Ang hindi ko makalimutan ay ang hindi niya pagkain ng kanyang tanghalian hangga’t hindi nabigyan ang lahat ng nasa loob ng Capitol Gym ng Jollibee lunch pack…saka pa lang siya bumalik sa presidential table sa stage upang kainin ang simple niyang lunch. Nagsalita pa siya noon sa microphone upang pakiusapan ang mga Jollibee representatives na nagdi-distribute ng packed lunches na, “please lang….baka pwedeng bilisan lang ang pamimigay ng pagkain dahil pasado tanghali na at siguradong gutom na ang mga kasama natin….”. Nangyari yan noong Kalimudan Festival.

 

May popular ding kuwento tungkol sa pagiging matulungin ni Governor Pax. May dumating daw na constituent sa kanyang opisina at humihingi ng tulong panggastos sa ospital. Walang pera si Governor Pax noon kaya ang ginawa ay hinubad ang suot niyang mamahaling relo at sinabihan ang humihingi ng tulong na isangla niya ito pero ibigay sa kanya ang resibo para matubos niya pag may pera na siya.

 

Bilang panghuli, pinapakiusap ko na sana ay huwag batikusin si Governor Pax dahil sa kagagawan ng anak. Nasa Bibliya yata nanggaling ang kasabihang, “ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak” …ibig sabihin, ang kasalanan ng isang miyembro ng pamilya ay hindi dapat ituring na kasalanan ng buong pamilya.

 

Marami pang anecdotes akong ilalabas tungkol sa magandang ugali ni Governor Pax….

 

 

The Touching Courtesy Call of Prep Kids to the Honorable Governor, Sultan Pax Mangudadatu

The Touching Courtesy Call of Prep Kids

To the Honorable Governor, Sultan Pax Mangudadatu

By Apolinario Villalobos

 

What I like with the ambience of the Sultan Kudarat Capitol is that the Honorable Governor, Sultan Pax Mangudadatu is such a fatherly guy that even while having a meeting for as long as it is not a matter of life and death, he can be interrupted, especially, if the unannounced visitors are kids. It happened when I was having a meeting with him. When one of his staff whispered that there were kids who would like to have their photos taken with him, he smilingly obliged.

 

The pupils of a Methodist Prep school in Esperanza were having an educational tour in the Capitol Building with their parents and a teacher/coordinator, the morning of January 19, 2018. When they learned that the kind-hearted Governor was in his office, the pretty staff who was guiding them around brought them to his office. The governor immediately stood up when the door opened wide and the kids without much ado went to him to put his right hand to their forehead as a sign of a blessing from him. The kids were all well-behaved, while Sultan Pax exuded a picture of a happy grandfather! The group gave him a certificate of appreciation for being a great Patriarch of the province and a gift. As his habit, he read aloud what is printed in the certificate.

 

With the kids around him, some already having claimed a space on which to slump on the floor in front of his desk, he began his pep talk, as if addressing professionals. He expertly condensed his historical speech into one that fit his audience. And, he did it on the spot without much effort, as if he was speaking to a friend. He even advised the teacher to teach the kids the basic rudiments of physical hygiene such as brushing of teeth.

 

The scenes that I witnessed that morning were just emotionally touching…inspiring!

 

 

Questions on Terminologies in the Philippines

Questions on “Terminologies” in the Philippines

By Apolinario Villalobos

 

The title of this blog refers to the names being used today by various sectors of the Philippine society, such as:

 

  • BUREAU OF FIRE PROTECTION…in that name of the agency, it implies that what is being protected is the fire. Why not use BUREAU OF FIRE PREVENTION, instead because the agency is also involved in the prevention of fire occurrences? Additionally, the “Fire Prevention Month” is being used to promote the awareness on fire occurrences during the summer season.

 

  • SOCSKSARGEN….the acronym which refers to a region of southern Mindanao is being further “acronized” into “SOX” which can confuse outright the foreigners especially Americans who are used to the “RED SOX” a baseball team in their country. If it is for promotion purposes, I dare say, the attempt did not help but just put the region in a funny situation. Related to this is also the effort to promote “ONE MINDANAO”…why not then, just stick to the jargon “ONE MINDANAO” and maintain the acronym SOCSKSARGEN or Region 12, instead of SOX? Why be different with the rest of the regions of the Philippines that use the Roman numerical references such as Region I, Region II, etc.?

 

It should be noted that “Mindanao” is generic just like the “Bisaya”. Those who are from Mindanao regardless of the province are generally referred to as “taga-Mindanao” as the reference to their specific province or town comes only secondarily. For tourism purposes “Mindanao” is more exotic sounding than an abbreviated name of a region such as SOX for SOCSKSARGEN.

 

  • DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD)…the big question here is, what is being “developed”? The name of the agency has metamorphosed from its original name SOCIAL WELFARE ADMINISTRATION (SWA) into what it is now. Wise and discontented guys made fun of it by adding “PANG”, hence, “SWAPANG” which means greedy. Sometimes, instead of DSWD, people just refer to the agency as DSW but shortening the acronym did not help because of the unsatisfactory performance of the agency.

 

  • The NUESTRA SEṄORA DE LA REGLA….for the Filipino, “regla” means, menstruation, although, going deeper into the word with its Spanish meaning, it could also refer to the rule or measure.  My question is founded on the current time in which the old folks who were used to such title are no longer around. Filipinos and that include me now ask, when did such female phenomenon such as menstruation, have a patron? But why did the local Roman Catholic authority not correct such reference as it just elicits funny comments tantamount to blasphemy?…why the blatant disregard?…why the indifference when what’s at stake is the reputation of the Roman Catholic Church?

 

  • The CANDELA FESTIVAL…I came across this in the tarpaulin for the feast of the Our Lady of the Candles or Nuestra Seῆora de la Candelaria which shows that the “candela” refers to the “candelaria”. The word with the scientific symbol “cd” which means “standard candle”, with unit reference “SI” refers to the “luminous intensity”. The Filipinos are used to calling the candle as “kandila”, so that if the intention is to refer such “festival” to the “kandila”, then, the same word should logically be used. Also, though, the feast is about the candles, only very few who joined the procession were holding candles. My worse assumption is that the “candela” is the contracted form of the “Candelaria”….why the need to shorten it and make a “festival” out of it when the supply of candles in the locality come from Divisoria?  Proponents of local activities should be careful in using the word “festival” if their intention is to make an impression, because of the great negative impact that could result from disappointment.

Sa Amin…sa Mindanao

Sa Amin…sa Mindanao

Ni Apolinario Villalobos

 

Luntiang kaparangang halos walang hangganan

Kabundukang kahi’t paano’y balot pa ng kagubatan

Mga batis na animo ay musika ang paglagaslas

‘Yan ang Mindanao na ganda’y ubod ng timyas.

 

Malalagong palay, sa ihip ng hangin ay umiindayog

Mga masisiglang alagang hayop, lahat ay malulusog

Mga halamanang gulay, mayayabong ang dahon

‘Yan ang Mindanao na nabibiyayaan ng panahon.

 

Maraming katutubo, iba’t ibang makukulay na tribu

Magkakapitbahay ay mga Muslim at mga Kristiyano

Sila’y nagbibigayan, taos-pusong nagkakaunawaan

‘Yan ang Mindanao na may pangakong kaunlaran.

 

Subali’t kung ang pagkagahama’y biglang umeksena

Ang mga minimithing pangarap, lahat ay nababalewala

Kung bakit naman kasi may mga taong puso’y sakim

At mga adhikaing baluktot na dulot ay paninimdim.

 

Sa amin sa Mindanao ay masaya at may kasaganaan

Kaya dinayo ng mga tao na ang hanap ay kapayapaan

Nguni’t dahil sa damdaming sakim ng ilang hangal

Nakakabahalang ang tinatamasa ay baka ‘di tumagal!

 

 

Ang Huwarang de Guzman Family ng Tacurong City

Ang Huwarang de Guzman Family ng Tacurong City
….Notre Damean ang mga anak
ni Apolinario Villalobos
 
Sa kinainan kong maliit na karinderya sa tabi ng highway papuntang Gansing ay nagpahinga pa ako ng matagal at tama lang pala ang ginawa ko dahil sa lugay na yon ay makakakuha ako ng magandang materyal na pang-blog tungkol sa nakaka-inspire na pagsisikap ng mga tao.
 
Napag-alaman kong ang nagluluto ng mga ulam ay si Mon na asawa ni Nene. Maraming putahe ang naka-display kaya siguradong madaling araw pa lang ay nagluluto na ito sa bahay nilang hindi kalayuan sa karinderya. Maya-maya ay may dumating na dalagita at walang sali-salitang ibinaba lang ang backpack at naghugas na agad ng mga naipong pinagkainang pinggan at kubyertos. Nang humarap siya sa akin ay nagulat ako dahil sa ganda ng mukha niya at may tindig pa. Siya si CLARISSE anak ng mag-asawang nag-aaral sa NOTRE DAME OF TACURONG BOYS DEPARTMENT..
 
Panay din ang ngiti niya sa mga kostumer na kumakain – mga drayber ng tricycle na ang biyahe ay papuntang Lambayong. Maya-maya ay dumating naman ang isang lalaki na nagsabit lang ng gamit sa loob ng karinderya at kumuha na ng dalawang timba na lalagyan pala ng mga yelong bibilhin sa isang bahay. Tuluy-tuloy ang kanilang mga kilos at kahit maliit ang puwesto ay parang hindi masikip sa kanila…kung sa English, “orchestrated” ang kanilang mga galaw.
 
May isa pang kapatid pa si Clarise, si Daphe na nag-aaral din. Ang pantustos sa kanila ay galing sa kinikita ng karinderya at pagta-traysikel ng kanilang tatay. Nang makiusap ako kay Clarise na baka pwede kong i-blog upang maging inspirasyon sila sa iba ay ngumiti pang nagsabi ng, “sige po”. Ang tatay at nanay niya ay panay lang din ang ngiti.
 
Hindi nakakahiyang magdala ng mga bisita sa karinderya nila kung uri ng pagkain lang ang pag-uusapan, kaya siguradong kapag dumating ang mga ka-batch ko ay dadalhin ko sila sa kainang ito.Ang hindi makakaupo ay pwedeng tumayo habang kumakain.
 
YAN ANG NAKAKABILIB NA PAMILYANG DE GUZMAN….MABUHAY KAYO!