Si Jomong…scavenger na may ginintuang puso

SI JOMONG…scavenger na may ginintuang puso

Ni Apolinario Villalobos

 

Una kong nakita si Jomong sa F. Torres mahigit sampung taon na ang nakaraan. Malinis at maayos pa ang kanyang pananamit at ang buhok na hindi pa gaanong mahaba ay nakapungos na. Parang napadayo lang siya noon upang magbenta ng relos at pilak. Madalas din siyang ngumiti noon habang nakikipagtawaran. Subalit makalipas ang ilang taon ay unti-unti na siyang naging madungis, yon pala ay sa bangketa na siya natutulog. At, nitong mga araw ay may kariton na rin siya kung saan ay nakatambak ang mga gamit niyang dala niya saan ma siya pumunta.

 

Nang umagang nagkakape ako sa isang bangketa ay nakita ko si Jomong na tumutulong sa pagbukas ng puwesto ng isang sidewalk vendor. Pagkatapos ay nagwalis siya sa kalsada kaya makalipas lang ang halos isang oras ay malinis na ang bahaging yon ng F. Torres St.

 

Hindi na masyadong nagsasalita si Jomong at halos hindi na rin ngumingiti, pero dahil namumukhaan na niya ako ay malakas ang loob kong tanungin ko siya tungkol sa kanyang pinanggalingan. Nabanggit lang niya ang isang lugar sa Zambales at dahil hindi ko sigurado ang pagbaybay ay hindi ko na lang isusulat. Sa kabila ng katipiran niya sa pagsagot ng mga tanong ko ay nalaman kong wala siyang naiwang pamilya sa probinsiya. Nagbakasakali lang daw siya sa Maynia pero kahit naging palaboy dahil hindi sinuwerte ay hindi na siya bumalik sa probinsiya.

 

Kumikita siya sa pamumulot ng mga kalakal sa basurahan na nabebenta sa junk shop. Ang madalas niyang tulugan ay ang bangketa sa Avenida dahil hindi gaanong istrikto ang mga guwardiya doon. Napansin kong totoo nga dahil tuwing dadaan ako sa madaling araw sa Avenida ay nakikita ko ang mga helera ng mga natutulog na mga “babaeng Avenida” na ang tawag ko ay “mga hamog” dahil para silang dew drops na nakikita sa mga bangketa pagdating ng umaga sa paglipas ng malamig na magdamag.

 

Isang umagang dumaan uli ako sa tinatambayan ni Jomong ay natiyempuhan ko siyang nagpapakain ng isang batang babae na sa tantiya ko ay dalawang taon gulang, anak daw ng babaeng nagtitinda ng “buraot” o junk items sa bangketang yon. Ipinagbilin sa kanya ang bata dahil titingin lang ito sa basurahan ng isang popular na nagtitinda ng sandwich at baka may makitang pwedeng pang-almusal nilang mag-ina. Bumili siya ng pan de sal at kape para sa kanila ng bata mula sa kinita niya sa pagbenta ng kalakal (junks). Bumili na rin ako ng kape ko at ibinili ng Milo at ilang balot ng biscuit ang bata na pwedeng itabi para sa tanghali.

 

Habang nagkakape kami, tinanong ko siya kung may balak pa siyang umuwi sa probinsiya, ang sabi niya ay “oo”…kaya ang sabi ko sa kanya ay may pag-uusapan kami sa susunod naming pagkikita dahil balak ko ring kausapin ang ina ng bata.

 

img8361

 

 

 

Imelda Torres: Ang Babaeng “Barker” o Taga-tawag sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)

Imelda Torres: Ang Babaeng “Barker” o Taga-tawag

sa Liwasang Bonifacio (Lawton Plaza)

Ni Apolinario Villalobos

 

Ang “barker” ay taga-tawag ng mga pasahero at taga-sigaw ng destinasyon ng sasakyang pampubliko tulad ng bus, jeepney o van. Siya rin ang namamahala sa maayos na pag-upo ng mga pasahero. Kung minsan, ang tawag sa kanya ay  “dispatcher”, subalit iba sa talagang “dispatcher” sa istasyon ng bus na konektado sa kumpanya. Kung nakapila ang mga jeep o van na itinatawag ng “barker”, siya rin ang taga-kolekta ng pamasahe at kapag inabot na niya sa driver ang nalikom na pera, ay saka pa lang siya aabutan ng bayad sa kanyang serbisyo. Ang bayad naman sa “barker” ay hindi pare-pareho, depende sa dami ng pumipilang sasakyan at lugar ng pilahan. Mayroong inaabutan ng Php20.00 at ang pinakamalaki ay Php30.00.

 

Ang mga nakapila sa Liwasang Bonifacio ay mga aircon van na biyaheng Sucat (Paraἧaque) at Alabang (Muntinglupa). Ang pilahang ito ay hawak ni Imelda Torres, 65 na taong gulang. Taong 1972 pa lamang ay nagtatawag na siya dito….panahon ng Martial Law sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Nang panahong yon, ang sabi niya, napakaganda ng Manila Metropolitan Theater na tanaw lamang kung saan kami nakaupo. Ngayon, ang paligid nito ay mapanghi dahil ginawang ihian at ang mga dingding na natuklapan na ng pintura ay sinalaula ng mga istambay sa pamamagitan ng pag-spray paint ng pangalan ng gang nila.

 

Ligtas daw noon ang pamamasyal sa paligid ng liwasan dahil palaging may umaaligid na mga pulis kahit sa gabi. Kahit abutin siya ng dis-oras ng gabi sa pagtatawag, hindi siya natatakot sa paglakad pauwi sa tinitirhan niya sa kalapit lang na Intramuros. Ang kinikita niya ang ikinabuhay niya sa apat niyang anak noong maliliit pa sila. Ngayon, ang isa ay nasa Japan na. Ang iba pa niyang mga anak ay may mga sarili nang pamilya.

 

Pinakamalinis na kita ni Aling Imelda ay Php200 isang araw. Napapagkasya niya ang halagang ito sa kanyang mga pangangailangan sa araw-araw. Hindi na siya nagluluto dahil mag-isa lang naman siya at sa maghapon ay nasa liwasan siya, kung saan ay maraming karinderya na mura lang ang panindang mga pagkain. Ang tanging luho niya sa katawan ay ang minsanang manicure at pedicure, at ilang alahas na pilak sa mga daliri at braso.

 

Sa gulang niyang 65, wala nang mahihiling pa si Aling Imelda na kailangang gastusan ng malaking halaga. Masaya siya dahil ang mga anak at apo niya ay nakakakain sa tamang oras, hindi nga lang maluho ang mga pagkain. Ang kalaban lang niya ay ang paminsan-minsang dumadapong sakit tulad ng sipon at lagnat. Ganoon pa man, kahit halos namamalat na siya dahil sa biglang pagkakaroon ng lagnat o sipon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag, tulad nang umagang nag-usap kami. Sayang din nga naman ang kikitain niya kung palalampasin niya.

 

Mabuti na lang at pumayag siyang kunan ko ng litrato, pero tinapat ko siya na igagawa ko siya ng kuwento at ilalagay ko sa internet. Natawa siya nang sabihin kong baka mabasa ng anak niya sa Japan ang isusulat ko tungkol sa kanya.

Nang iwanan ko siya upang ituloy ang paglakad papunta sa Avenida (Sta. Cruz), narinig ko uli ang boses niya na tumatawag ng mga pasahero. Habang naglalakad ako, naalala ko ang nanay namin na nagtatawag ng mga mamimili upang lumapit sa mga inilatag niyang ukay-ukay tuwing araw ng tiyangge sa bayan namin, noong maliit pa ako….

IMG7162

Isang Paglalakbay sa Underworld ng Maynila

Isang Paglalakbay sa Underworld

Ng Maynila

Ni Apolinario Villalobos

 

(…itong salaysay ay batay sa mga pangyayari noong later part ng dekada nobenta.)

 

Ang underworld ay daigdig ng mga taong ang buhay ay lihis sa batas. Dahil sa ugali kong mapangahas, napadako ako sa daigdig na ito nang hindi inaasahan. Nagsimula sa pakikipagkaibigan ko sa mga taong natutulog sa bangketa, nakatira sa tabi ng Ilog-Pasig at depressed areas, mga manggagantso at snatcher. Gusto ko lang linawin na hindi lahat ng mga taong nakatira sa mga ganoong lugar ay lumilihis sa batas ang buhay….ilan lamang sa kanila , na nagkataong naging kaibigan ko, at hindi ko ikinahihiya.

                                                -0-0-0-0-0-

 

Isang “Dennis” ang nakita kong pilit na nagbebenta ng isang nakabalot na bagay sa magkapatid na parehong binatilyo, sa kalyeng malapit sa Sta. Cruz Church. Nakita ko silang nagtatalo kaya nakialam na ako. Pinaalis ko ang magkapatid at kinausap ko si “Dennis”. Sa katatanong ko, inamin niyang maliit lang daw naman ang kinikita niya ang nang malaman kong kaya ko naman, nangako akong aabunuhan ko. Ang binebenta niya ay maliit na estatwa ng Virgin Mary. Ganito ang raket na inamin niya: gagawa ng paraan upang makausap ang tinatarget na biktima, magsasabi siya ng presyo at pilit pahawakan kunwari ang nakabalot na estatwa, kapag nahawakan na, pipilitin niyang magbayad ang biktima, kapag pumalag, mag-eeskandalo siya at lalapit ang mga kasama niya upang mapilitang magbayad ang biktima. Noon, nakaabang na pala ang dalawa niyang kasama, subali’t naunahan ko silang lumapit kay “Dennis” at mga bibiktimahin niya. Nang makita nilang maayos kaming nag-uusap ni “Dennis” lumapit sila. Mabuti na lang at nagkapalagayan kami ng loob. Niyaya ko silang kumain sa isang karinderya. Habang kumakain kami, inamin ng dalawang kaibigan ni “Dennis” na snatcher sila. Medyo kinabahan ako pero hindi ako nagpahalata. Parang walang anumang sinabi nila ito sa akin, sinabi ko kasi sa kanila na hindi ako pulis, isang taong nagmalasakit lang.

 

Niyaya ako ng tatlo sa tinitirhan ng isa sa kanila na nasa gilid ng isang bakanteng lote. Inabutan namin ang papaalis na sana niyang asawa, kasama ang maliit na anak, magtitinda sa bangketa ng Avenida. Inabutan niya ng pera ang asawa niya. Sunod na pinuntahan namin ay tinitirhan naman ng isa pang kasama namin…nasa second floor ng lumang building sa Recto. Isang maliit na kwarto ang inuupahan ng pamilya niya. Nagbigay siya ng pera sa nanay niya. Huli naming pinuntahan ang tinitirhan ni “Dennis”, isang maliit na kwarto ng boarding house sa likod ng Philippine Rabbit bus terminal sa Avenida, mag-isa lang siyang nangungupahan sa kwarto. Maraming nakatambak na t-shirts, sabi niya pambenta daw. Kung gusto ko raw makakita ng bentahan ng iba pang kalakal, pumunta daw ako sa Arranque kinabukasan bandang mga ala-sais ng umaga, habang paputok ang araw.

 

Kinabukasan, ala-singko pa lang ng madaling araw, nasa Arranque na ako at nadatnan ko ang maraming tao, palakad-lakad, may mga bitbit na kung anu-anong gamit – damit, relo, pantalon, kawali, sapatos, etc. Maya-maya dumating si “Dennis”, may dalang plastic bag, puno ng mga t-shirt at naglatag sa bangketa, katabi ng ibang nauna sa kanya. Yong ibang nailatag na mga maong na pantalon, karamihan ay basa pa, may kumot, duster, bra – puro basa. Sa isang tabi, may mga nagtitinda ng naka-plastic na ulam – mga pagpag daw…mga tirang pagkain na nakuha sa basurahan ng mga restaurant, pinagpagan ng mga butil ng kanin at niluto uli. Maraming relo ang kapansin-pansing binebenta, hindi lang malinaw ang mga tatak dahil mahina ang streetlight na nag-iilaw sa lugar.

 

Bago magliwanag, halos sabay na nag-alisan ang mga nagbebenta, ganon din kami ni Dennis. Nakabenta siya ng anim na t-shirt, puro nabarat, pero binigay na lang din niya, mga sinungkit lang naman daw niya sa sampayan. Nagkape kami sa isang bangketa malapit sa bus terminal at nagkwentuhan. Tinanong ko siya kung pwede rin akong magtinda sa Arranque, sabi niya siya na lang daw ang pabentahin ko para mapatungan na lang niya, may kita pa siya. Pumayag ako. Kinabukasan, nagdala ako ng maraming lumang damit at maong na pantalon. Karamihan ng dala ko ay nabenta kaya tuwang-tuwa siya. Simula noon, tuwing Sabado, nagkikita kami sa Arranque ni “Dennis”, yong dalawang kaibigan niya hindi daw mahilig magbenta, gusto lang ay mang-snatch. Ang pakilala ko kay “Dennis” ay bagong salta ako at naghahanap ng trabaho sa Maynila, na pinaniwalaan naman niya.

 

Marami siyang kaibigang “pukpok” sa Avenida kaya nakilala ko rin. Ang ibig sabihin ng “pukpok” ay prostitute. Ang isa ay si “Joy”, na nagsabing kung minsan ay sa Mabini, sa Ermita siya nagrarampa. Kung talagang zero daw, nag-iistambay siya sa Luneta. Nakikipagkaibigan sa mga magbabakardang estudyante. Pero kung makakuha ng pagkakataon, ay “nang-eeskuba” o nagnanakaw ng sandal, tsinelas o sapatos ng mga natutulog at pinabebenta niya kay “Dennis” sa Arranque. May isang anak na dalawang taon si “Joy”. Maganda siya, artistahin subali’t hanggang grade three lang ang inabot, kaya sa pagpu-“pukpok” ang bagsak niya. Sinubukan niyang mag-waitress subali’t pinagkaisahan ng ibang waitress na nainggit sa kanya dahil malapit siya sa anak ng intsik na may-ari. Nabuntis siya ng isang customer niya sa Avenida.

 

Nang minsang dumaan kami ni “Dennis” sa Arranque, bandang hapon, may pinagkakaguluhan ang mga tambay na mga kumpol ng mga susi at mga ID, napakarami! May mga ID ng SSS, mga kumpanya, GSIS, mga credit card. Pinaghati-hatian nila ang mga susi, pero ang mga ID, hindi pinansin. Sabi ng isang nakipag-agawan, nakuha daw ng isang bata ang plastic bag na pinagsidlan ng mga susi at ID sa basurahang hindi kalayuan sa isang istasyon ng pulis! Ayaw kong isipin na ang mga iyon ay mga nakumpiska sa mga snatchers at naipon sa istasyon…

 

 

Nang mag-bertdey si “Jun”, ang isang kaibigan ni “Dennis” na umaming snatcher, sumama ako at nag-ambag ng pampulutan – isang kilong pata ng baboy na binili ko Quinta Market. Siya yong ang pamilya ay nakatira sa second floor ng lumang building sa Recto. May iba pang bisita kaya apaw sa kwarto ang mga nag-iinuman. Ang mga maliliit na kapatid ni Jun ay pinaglaro niya sa bangketa ng Recto. Ang tatay niya ay maagang pumunta sa Divisoria, nag-traysikad at ang nanay naman ay pumunta na rin sa Quiapo, nagtinda ng mga burluloy o accessories na pinagkasya sa bilao. Pinakilala ako ni “Jun” sa iba at habang binabanggit ang pangalan nila ay dinudugtungan niya ng “snatcher din”, sabay tawa. Puro snatcher ang mga bisita. Kanya-kanya pala sila ng pwesto sa Sta. Cruz at Quiapo… alam ng mga pulis dahil nakalagay sa blotter ng mga estasyon tuwing mahuli sila. Kaya basta kilala daw ng pulis ang inagawan, at sinabi niya kung saan nangyayari, nari-recover agad dahil pinupuntahan ng pulis sa bahay ang snatcher na “may-ari” ng “pwesto”, kung saan ay na-snatch ang isang bagay.

 

Sabi ko huwag masyadong maingay ang tawanan at kwentuhan, at baka makaistorbo sa ibang nakatira sa mga katabing kwarto. Sabi nila sa akin, pare-pareho lang daw silang mga nakatira sa lumang building – mga hoodlum. Yong nakatira sa isang kwarto, pamemeke ng mga ID ang trabaho, yong sa isang kwarto bugaw sa Avenida, yong isa fixer sa Customs sa pantalan, yong isa call boy at macho dancer sa isang malapit lang na gay bar, at yong isa call boy at bugaw sa Ermita na ang sideline ay kumanta sa isang karaoke bar. Hindi ako masyadong uminom at baka malasing ako, mahirap na.

 

Bago lumalim ang gabi, dumating ang mga magulang ni “Jun”, ang mga kapatid niyang maliliit, pinatulog sa isang katabing kwarto kasama ang mga anak ng fixer sa Customs. May dumating na dalawang babae na mga “pukpok”, may dalang pampulutan, at pinakilala din sa akin. Pamilyar ang mga mukha dahil nakikita ko sila sa Avenida. Yong isa nga naalala kong binigyan ko ng pangkape. Nakipag-inuman sa amin ang mga magulang ni “Jun”.

 

Minsan, sinubukan kong pumunta sa sinasabi ni “Joy” na tambayan niya sa Ermita. Nasa plaza pala katabi ng Aristocrat Restaurant. Inimbita ko siyang kumain sa restaurant. Nang lumabas kami, nakita namin ang bugaw niya at may kasamang foreigner. Nang umalis si “Joy” kasama ang foreigner, nag-usap kami ng bugaw niyang si “Richard”. Akala niya ay customer ako ni Joy kaya nalungkot siya at baka mapurnada ang paghanap niya ng customer para kay “Joy”. Sa gilid ng Roxas Boulevard nakatira si “Ric” – yong gilid na nakaharap sa dagat…may uka pala ang mga deke sa bandang ilalim nito, bale kinain ng hampas ng alon kung high tide, at pwedeng tulugan. Marami silang natutulog sa mga uka ng deke. Kung may bagyo, kanya-kanya silang bitbit ng mga gamit at maghahanap ng pansamantalang bangketang hindi abot ng malakas na hangin at ulan. Sa di-kalayuang pwesto ng isang babaeng nagtitinda ng naka-plastic na kanin at ulam ko pinakain si Ric bago kami naghiwalay.

 

Kinwento ko kay “Dennis” ang pakipagkita ko kay “Joy”, sabi ko, nagtripping lang ako. Nang sumunod na Sabado ng gabi, pumunta kami sa karaoke bar na kinakantahan ng kaibigan niya. Blow-out daw niya dahil nakabenta siya ng pulseras na mamahalin. Maraming Hapong customer. Liban sa pagkanta, nagko-coach din ang kaibigan niya sa mga customer na gustong kumanta…ito yong ang talagang trabaho ay pagko-call boy sa Ermita at sideline lang ang pagkanta sa videoke bar. Sa isang katabing bar na medyo disente ay kumakanta ang isang kilalang singer na si R.D. Pinlano namin ni “Dennis” ang pag-inom dito maski tig-isang beer lang, dahil pareho kaming curious, sabi ko ako ang taya. Tinayming namin ang pagpunta sa iskedyul ng sikat daw na singer. Nang pumunta kami, nakita nga namin ang singer, magaling kumanta. Siya ang nagpasikat ng kantang “Nais Ko” at “Lumayo ka Man sa Akin”. Nakipag-usap siya sa amin, at napansin kong malagkit ang tingin niya kay “Dennis” na hawig kay Romeo Vasquez. Dahil mahal ang beer, lumabas agad kami. Nang sumunod na taon, nabasa ko sa tabloid na namatay ang singer sa Amerika… AIDS ang dahilan.

 

Sa pakikisama ko kay “Dennis” at mga barkada niya, nakagawa agad ako ng anim na tula. Isang tungkol sa Tondo, tatlo ang tungkol kay Joy at dalawa ang tungkol sa mga “pukpok” ng Avenida. Nakatuwaan kong lapatan ng tono, gamit ang gitarang nahihiram ko sa kasama ko sa boarding house. Nang may mabasa akong anunsiyo tungkol sa isang contest sa paggawa ng kanta, sinabmit ko lahat sa kumpanyang nag-aalaga noon kay I.P., isang babaeng singer na taga-Bicol na kalaunan ay sumikat. May napili silang dalawang kanta, maliit lang bayad sa dalawa. Hindi ko na inatupag kung ano ang nangyari sa dalawang kanta, dahil nagsara din ang kumpanya at si I.P. ay lumipat sa ibang kumpanya.

 

Nang sumunod na punta ko sa Arranque, nabalitaan kong hinuli daw si “Dennis” ng pulis na ang estasyon ay malapit lang. Pinuntahan ko. Nagkagulatan dahil ang precinct commandeer ay kilala ko – na messenger ng isang division sa kumpanyang pinapasukan ko, at nag-aaral, bale working student. Bayaw siya ng kumpare ko na mekaniko sa kumpanya namin. Kaya pala hindi ko na nakita ng matagal sa pinapasukan ko, pumasok pala sa pagka-pulis, malakas ang kapit dahil ang nagrekomenda ay taga-NBI, tiyuhin niya. Pareho kaming hindi nakapagsalita agad. Ako ang unang nahimasmasan, inakbayan ko siya at isinama sa labas. Habang palabas kami, tinginan sa amin ang ibang pulis at ang mga detinado. Binulungan ko siya na huwag ibistong kilala niya ako. Nang pumasok kami uli, ipinakilala niya ako sa mga kasama niya gamit ang pangalan kong alam ni “Dennis”.

 

Niyaya niya ako sa coffee shop ng hotel sa tapat ng presinto at masaya kaming nag-usap. Kabiruan ko kasi siya noon sa kumpanyang pinapasukan namin. Pagkaubos ng kape na hindi niya binayaran, umakyat kami sa third floor. Dinala niya ako sa “aquarium”- ito yong may silipang horizontal na salamin sa kahabaan ng dingding ng isang kwarto na maraming naka-displey na mga babae. Pumili daw ako, nagulat na naman ako. Sabi ko next time na lang. May isang kwarto pala siya sa hotel na pagamit sa kanya –libre. Hindi na niya ako pinaalis, pero nakiusap akong palabasin si “Dennis” at mga kasama nito na ginawa naman niya. Sinabihan ko si Dennis na saka na lang kami mag-uusap.

 

Noong tanghali na, niyaya niya ako sa isang kilalang Chinese restaurant – nagulat uli ako dahil sky is the limit ang order at libre! Sakop pala niya ang kalahati ng Sta. Cruz area mula sa Recto hanggang sa simbahan. Sabi niya, sabihin ko lang daw kung saan ko gustong kumain kung nasa area niya ako, at siya ang bahala. Napapailing na lang ako.

 

Nang maalala ko ang experience ko sa isang maliit na bahay sa Trinidad St. kung saan ay dinala ako ng isang bugaw upang maging customer ng sabi niya ay “tsina” daw, yon pala ay bakla, sinabi ko sa kanya. Diniskrayb ko sa kanya ang hitsura ng bugaw. May tinawagan siya, at wala pang kalahating oras, may dumating na owner jeep ng pulis. Bumaba ang isang pulis at may kasamang lalaking payat – ang bugaw! Nang magkaharap kami ng bugaw, ganoon na lang ang pagmamakaawa niya at humingi ng pasensiya. Sinabi ko sa kaibigan ko na siya nga ang muntik nang magpahamak sa akin, at dahil sa taranta ay hindi ko naisuot ang brief at medyas ko, baligtad ko pang naisuot ang t-shirt na nakarating sa Luneta. Sinabihan ko na lang ang bugaw na ayaw ko na siyang makita pa sa Chinatown na balwarte pala niya. Kilala siya ng mga pulis sa lugar na yon.

 

Nang sumunod sa Sabado, maaga pa lang nasa boarding house na ako ni “Dennis”, at sinabihan ko siya na ang pulis ay kaibigan ng pinsan ko. Nalaman ko kay Dennis na sumpungin daw ang pulis, dahil kung minsan ay mabait, subali’t kung may tupak daw ay nanghuhuli ng mga nagtitinda sa Arranque na pinagmumulta niya ng 200pesos bawa’t isa. Nagkataon noon na walang pera si “Dennis” nang mahuli, kaya siya nakulong ng dalawang araw, hanggang sa dalawin ko.

 

 

Nalipat sa presinto ng Quiapo ang kaibigan kong pulis at nang bisitahin ko isang araw, may mga babaeng halos pumuno ng presinto – mga nahuli daw sa salang vagrancy, kasama ang dalawang babaeng naging bisita sa bertdey party noon ni “Jun”. Pinagkape niya ako sa opisina niya sa mezzanine ng presinto kung saan nakita ko ang pinakamaganda sa mga babae. Nakiusap ako uli sa pulis na baka pwedeng pawalan na ang mga babae tutal tanghali na rin naman at siguradong walang pambayad sa multa…ganoon nga daw. Nang maayos ang blotter, nagsi-alisan na ang mga babae. Maski hindi ko tinanong, nagpaliwanag ang pulis na yong nadatnan ko sa office ay pinaka-lider daw at kinausap niya ng masinsinan. Hindi na ako nag-usisa pa.

 

Mga isang taon pa ring nag-duty ang pulis bago nag-retire. Ipinagbilin niya ako sa humalili sa kanya sa presinto ng Quiapo. Malaking bagay sa akin ang may kilala sa presinto dahil nakakatulong ako sa mga hinuhuli upang kikilan lang, kaya kahi’t papaano, basta nasa area ako, nagpapakita ako sa presinto para hindi ako makalimutan ng mga pulis.

 

Ang hilera ng mga boarding house naman sa likod ng Philippine Rabbit bus terminal ay na-demolish kasama ang tinitirhan ni “Dennis” kaya lumipat siya sa Bambang St. Nakakuha siya ng maliit na kwarto ng lumang bahay na panahon pa ng Kastila itinayo, kaya halos nakagiray na ito. Malapit ang bahay sa Bambang market, tindahan ng mga “relip” na damit. “Relip” (relief) ang unang tawag sa mga damit na “ukay-ukay”, isang salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “halu-halungkat” dahil kung mamili ka ay maghahalungkat ka muna. Ang isa pang meaning nito ay “halo-halo” dahil para kang naghahalo sa pagpili ng damit. Okey daw sa lugar na yon dahil ang mga t-shirt na pambenta niya ay maaaring niyang ipasa sa mga pwesto sa Bambang market upang maging pera agad, pero sa mababang halaga lang.

 

Kalaunan, isinama ni Dennis si “Joy” at anak nito sa kwartong inupahan niya. Para silang pamilya at maganda naman ang samahan dahil pareho silang taga-Bicol. Noon ko napasin na naninigarilyo na si “Dennis” parang nahawa ni “Joy” na chain smoker. Mabuti na lang at hindi ako inusisa pa tungkol sa pulis kaya kampante pa rin siya sa akin. May inihanda naman akong paliwanag kung sakali.

 

Isang beses na bumisita ako sa kanila, inabot ko ang dalawa na nagbabalot ng marijuana. Dahil panatag na ang loob nila sa akin, itinuloy lang nila ang ginagawa nila, pero nabahala na ako. May nakiusap daw kasing kapitbahay sa pagbenta ng “kalakal”. Mula noon, hindi na nagbenta ng t-shirt si “Dennis”. Si “Joy” naman, hindi na rumampa sa Avenida. Hati sila ng tambayan…si “Dennis” sa kanto ng Bambang at Avenida, si “Joy” naman, sa palengke ng Bambang. Kanya-kanya silang bitbit ng mga “kalakal” na pambenta.

 

Nag-suggest ako kay “Joy” na baka pwedeng ipasok ang anak niya sa Hospicio de San Jose, at magsabi na lang na hindi niya maaasikaso dahil nagtatrabaho siya. Bitbit kasi niya ang bata kung tumambay siya sa palengke. Sa pagkakaalam ko kasi, maaari yatang bawiin ang bata pagdating ng tamang panahon, kung kelan ay maayos na ang buhay ng ina. Pumayag naman siya.

 

Nang mag-bertdey ang anak ni “Joy”, dinala namin siya sa Luneta. Doon tinanong ko ang dalawa kung ano ang balak pa nila para sa mga susunod na araw. Inamin ni “Dennis” na kaya daw siya nagtitiyaga sa Maynila ay upang alalayan ang nakakabatang kapatid na babaeng may anak at naka-confine sa Philippine General Hospital, matagal na pala, at hindi lang niya binabanggit sa akin, baka daw kasi lumabas na nagpapa-awa siya at humihingi ng tulong. Ang kapatid niya ay sa Pasay nakatira, nagtitinda ng gulay sa Libertad market. Kalahati daw ng kinikita niya ay sa kapatid niya napupunta. Si Joy naman gustong umuwi sa Ligao, Albay, nag-iipon lang ng pera.

 

Kinabukasan, pinuntahan namin ni “Dennis” ang pamangkin niya, may sakit palang malalang TB at malnourished…limang taong gulang na babae. Halinhinang binabantay ng kapatid niya at tiyahing tinitirhan sa Pasay. Sabi ng nurse, tamang pagkain lang daw ang kailangan at tuluy-tuloy na gamutan, na bale nakaka- anim na buwan na. Tinanong ko kung maaaring ilabas at sa bahay na lang ang pagpapa-inom ng gamot. Ang sabi, pwede daw pero kailangang i-dextrose pa rin every other week upang mabilis ang recovery. Nang dumating ang doctor, sinabi niyang pwede namang gawin daw maski saang ospital ang pagpa-dextrose kung kailangan pero ang pag-inom ng mga gamot dapat walang patlang. Naglaro ang isip ko sa thirteenth month pay na nakatakdang ibibigay ng kumpanya sa amin, at tiyak na ang bahagi nito ay may kalalagyan.

 

Kinausap ko ang isang kaibigan ko tungkol sa kaso ng pamangkin ni Dennis, at napapayag kong tumulong sa pagtustos hanggang mailabas ng ospital ang pasyente. Biniro ko kung okey pa ring tulungan namin hanggang pag-uwi nila sa Bicol, walang kagatul-gatol na umoo siya, gagamitin daw naming ang pick-up niya. Kinausap ko si “Dennis” tungkol sa kaibigan kong mag-i “sponsor” sa kanila hanggang makauwi sila sa Bicol. Tatlong buwan ang nakalipas, nakauwi si Dennis kasama ang kapatid at pamangkin. Taga-Iriga sila. Ang kapatid niya ay “disgrasyada”, nabuntis ng isang kargador sa palengke ng Libertad.

 

Si Joy at ang anak niya ang unang nakauwi sa Albay, dahil pamasahe lang naman ang problema. Nakailang buwan din sa hospicio ang anak ni Joy. Dinagdagan namin ng kaibigan ko ng maliit na pampuhunan sa negosyo ang pamasaheng ibinigay sa kanya.

 

Nang makauwi sina “Dennis” at “Joy” sa probinsiya, hindi na ako nagpakita sa mga kaibigan nila.

 

Bago nag-retire ang kaibigan kong pulis, nag-schedule siya ng isang blow-out kasama ang dalawa pang pulis sa isang videoke bar. Pumasok kami ng maaga upang makauwi din ng maaga. Pag-upo namin nilapitan agad kami ng isang babaeng may edad subalit bakas pa rin ang ganda ng mukha, may katabaan ng kaunti at sira ang mga ngipin dahil ang ilan ay halatang bulok na. Pagkatapos kaming bigyan ng beer, kinantahan kami. Kuhang-kuha niya ang kantang “Nananabik”. Pagkatapos ng dalawa pang kanta, iniwan kami at pumunta sa kusina, nagluto yata ng pulutan. Tinanong ako ng kaibigan ko kung may masasabi ako tungkol sa babae…sabi ko magaling kumanta, yon lang. Tumawa siya, sabay sabi niya ang babae ay si D.R! Nangilabot ako! Ang natandaan kong mukha ng sinabi niyang singer ay mestisahin, nanalo pa sa Tokyo Music Festival yong unang kinanta niya para sa amin, at naging artista pa. Sabi ng kaibigan ko, nagkaroon daw ng bisyo –drugs. Napabayaan ang career. Pakalat-kalat na nga daw hanggang kupkupin ng may-ari ng mumurahing bar na kaibigan niya. Iniipon daw niya ang mga perang bigay sa kanya tuwing kakanta siya. Pinatira siya sa bar kapalit ang serbisyong pagwi-waitress at pagtulong sa kusina. Kung may mag-request, lumalabas siya upang kumanta. Nahilo ako sa narinig kong kwento. Pagkatapos ng isang beer, kape na ang ininom ko. May sinabi pa sa akin ang pulis na kung gusto ko raw makita ang dalawang sikat na bold star noon, pwede niya akong dalhin sa tinitirhan nila. Pumayag ako pero sabi ko Linggo na dahil may official business trip ako Biyernes at Sabado.

 

Nang magkita kami kina-Lingguhan, pumunta kami sa isang maliit na lugar ng mga iskwater sa tabi ng Reina Regente river. May nasalubong kaming isang naka-unipormeng pulis, nagsaluduhan sila, pinakilala ako. Casual na sinabi ng kaibigan ko na nag-bold star din ang nasalubong namin sa mga “pene” movies ilang taon na ang nakaraan bago nagpulis at ang pangalan niya ay R.R. Sa pinasyalan naming bahay, nandoon nga ang mga dating bold star, magaganda pa rin, sina C.C at N. Pero halatang bagsak na ang mga katawan. Sila ang mga madalas ipartner kay G. E. na kamag-anak ng isang akusadong mambabatas. Madalian ang kumustahan, nakinig lang ako sa kwentuhan nila. Hindi kami nag-imikan ng kaibigan ko habang naglalakad kami palayo sa mga barung-barong.

 

Sa pag-retire ng kaibigan ko ay tumira ito sa isang maliit na bayan ng Cavite, tabing dagat ito. Ang lupa ay “bigay” daw sa kanya ng isa niyang natulungan. May kasamang ibang babae, at inamin ng kaibigan ko na isa ito sa mga madalas nilang hulihin noon sa Avenida – yong nakita ko sa office niya nang dumalaw ako – ang pinakamaganda. Naghiwalay na pala sila ng misis niya na nakisama naman sa isang opisyal ng Maynila. Maayos naman daw ang paghihiwalya nila, lalo na at wala siyang magawa dahil sa taas ng katungkulan ng sinamahan ng misis niya. Madalas siyang pasyalan ng mga anak niya na may mga pamilya na rin. Natiyempuhan ko pa minsan ang pagdalaw ng isa niyang anak.

 

Mahiwaga talaga ang buhay…

 

(Bahala na ang makakabasa nito, kung anong leksiyon ang mapupulot nila…sana ay meron nga.)

 

Consistency

Consistency

By Apolinario Villalobos

 

By its meaning, consistency is also about stability, reliability and dependability. It adds up to the character and integrity of a person, project or program. For the layman or man on the street, it is simply about  “maintaining” of what has been initiated for a project or program, or continued show of righteousness by a person. Many reputable names of persons and projects have been ruined because of inconsistency.

 

In the Philippines, this word is best used in describing politicians and government projects. With the onset of electoral campaigns, candidates vie for bigger attention by making promises. When they finally made it to the position they campaigned for, they suddenly developed amnesia and their once affable personality, suddenly turned sour. As for the public structures, during ribbon cuttings, whisky bottle breakings, and whatever ceremonies, these projects are well-maintained, well-kept…but years hence, whatever colorful paints they once sported became ugly flakes. Saplings of hardy woods that saw colorful ceremonies for “green programs”, complete with mock “planting” executed by politicians and government officials in native barong attire or white slacks and white long- sleeved shirt, wilt just after a few months due to neglect.

 

In Manila, the four airport terminals are in such a sorry state that they are often subjects of criticism by travel bloggers, especially, the cramped Terminal 1. Despite the billions of pesos budget for their rehabilitation, no admirable result could be discerned, yet. The Terminal 1 still suffer from intermittent breakdown of airconditioning units. Despite the presence of some indoor plants, the feeling of crampiness is still there. The whole area is still small by international standard. The Terminal 2 is not without its own disliked character due to neglect. The terminal’s lone escalator has been inutile for more than a year as of this writing. Most plants are not regularly watered resulting to their miserable wilting. Some male urinals are clogged for a long time now with most of the sensors not working.

 

The bridges that lead to Quiapo and Sta. Cruz districts of Manila City are just intolerable, especially, the Quezon Bridge, part of which has been turned into some sort of a toilet that reeks with human waste and urine. During the administration of Mayor Lim, the illuminating ceremonies of the two structures hugged the front pages of dailies. The street lights were imported from China, made of colorful plastic materials which did not stand the onslaught of heat, rains and worst, typhoons. Bulbs were stolen by disreputable citizens who thought they could use them at home. Today, practically, the bridges are bare…the multi-million peso plastic streetlight structures gone for good.

 

The lengths of the Metro Rail Transit (MRT) system and Light Rail Transit (LRT) system were once magnificent with the plant boxes underneath them. They were unfortunately subjected to whimsical designs of whoever sits as mayor of districts that they traverse. If the mayor is fond of plants, the boxes are filled with different varieties. If the mayor has no penchant for any arboreal undertaking the plant boxes are sadly neglected, left to accommodate unwanted grass.

 

The span of the Roxas Boulevard once attracted hordes of afternoon strollers due to food stalls that sell refreshing snacks and drinks, benches and later, light musical entertainments that spilled until nighttime. When a new mayor took the post, all those were practically disallowed, the reason for which was that the boulevard became hangouts of robbers and pickpockets. Today, the promenaders make do with what benches are left.

 

The poor Pasig River that should have been “rehabilitated” long time ago yet, also become victim of political whims. Fund raising campaigns that also were favorite publicity items have become things of the past. Common sense among the concerned agencies and government officials did not prevail, when they looked for options to unclog the city and national roads of the Greater Manila Area with traffic. Although, there is an effort now to revive the ferry system, thanks to the initiative of the Metro Manila Development Authority (MMDA), it seemed inadequate due to limited extent of its service. And, the question is, will it be consistently operated?

 

Government agencies that become subjects of criticisms, especially, if these caught the attention of both the print and broadcast media, try their best to rectify what have been noticed. Image-improvements would be made for as long as they are subject to constant checks, unfortunately, when finally the media get tired of playing big brother, they go back to their old “attitude”.

 

Groups who profess to be concerned about the state of nature, such as the coastal areas, the waterways, the air, and the mountains, would arrange for press conferences during which they divulge their plans as their share in “healing” the sick Mother Earth. So on a weekend, usually, Sunday, fun runs would be held for this mission.  At times, groups clad in t-shirts screaming slogans would congregate in designated coastal areas, pick up plastic and other wastes in a gingerly manner – all for photo opportunities. Some even hold rallies for this cause, during which programs are held complete with speakers from the Congress or Senate. After all those, nothing is heard from these “environmentalist” groups again. What I cannot understand is the failure of these people to start this kind of advocacy right in their neighborhood where unscrupulous throwing of garbage and non-segregation of same are rampant.

 

It needs strong resolve to be consistent. As it is a foundation for any advocacy, the best way is to start with something small, something realistic that can be done without many promises. Why make the effort to impress when such can last only for a few days?…a few months?…or worse, not what is really needed by the beneficiaries?