Bernard Fetalvero-de la Cruz at Ian Paredes-Atrero…naghuhubog ng mga kabataan ng Barangay Real Dos (Bacoor City)

Bernard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuhubog ng mga kabataan ng Real Dos (Bacoor City)

Ni Apolinario Villalobos

 

Kabataan pa lang niya ay nakitaan na si Bernard de la Cruz, 26 taong gulang ngayon, ng pagkahilig sa basketball, kaya hindi nakapagtataka ng naglaro siya sa koponan ng SFACS high school at sa college naman ay naging varsity player ng kanilang paaralan, ang Emilio Aguinaldo College. Nasa lahi nila ang pagiging basketbolista dahil ang kanyang tatay ay naging PBA player. Mapalad si Bernard dahil noong kabataan niya ay hindi pa uso ang computer at internet café kaya ang panahon niya ay nagugol sa paglaro ng basketball. Malaki ang pasasalamat niya kay Wilson “Bong” de Jesus sa paghubog sa kanya pati na ang iba pa niyang kababata sa paglaro ng basketball. Hindi naging maramot si Bong sa pagbahagi ng mga nalalaman niya sa larong ito, kaya maraming natutuhan si Bernard at ang iba pang mga kabataan. Natanim sa pagkatao ni Bernard ang disiplina kaya madali niyang natutunan ang iba’t ibang teknik sa paglaro tulad ng pag-“grind”.

 

Ngayon, maliban sa pag-alaga ng nanay niyang na-stroke, full time din siyang Church worker na nagtitiyaga sa pagtuturo ng pag-unawa sa Bibliya sa mga kabataan ng barangay. Ayon sa kanya,

“…masaya na ako na gumagaling ang mga kabataan sa paglaro ng basketball at nalalayo sila sa masamang bisyo…nagiging responsible at disiplinado. At, naisi-share ko din yung faith ko kay Jesus Christ sa kanila….si Ian ang team mate ko na super solid brother ko in this life and the next ay nandiyan din na palagi kong katuwang.” Malaking bagay din ang pagiging magka-tandem nila ni Ian. Naging matatag ang spiritual foundation nito dahil sa naibabahagi niyang mga ispiritwal na bagay, lalo na ang pananalig sa Diyos.  Dahil sa tiwala nila sa isa’t isa, nabuo nila ang team ng mga kabataan ng Real Dos. Dagdag pa niya, “ang main goal talaga namin ni Ian sa pagtuturo ng basketball is to honor God, and to share our faith with the youth…guide them to become better persons on and off the court…kaya, lahat ng ginagawa namin is to honor God dahil sa paniniwala kong all glory belongs to Jesus, at lahat ng ginagawa namin ay in His name.”

 

Tulad ni Bernard, si Ian Atrero, na ngayon ay 25 taong gulang na, ay unang natutong maglaro ng basketball sa Perpetual Village 5 noong kabataan niya. Malaking bagay sa kanya ang mga natutunan niya dahil napasama siya sa Adamson Junior Falcons sa loob ng dalawang taon – 1969 at 1970. Napasama din siya sa coaching staff para sa “Camp and Play Basketball”  na pinangunahan noon ni Coach Dayong Mendoza, na coach din niya noong siya ay nasa high school. Si Mendoza ang naging inspirasyon ni Ian sa adbokasiyang paghubog ng mga kabataan ng Real Dos. Dahil sa inspirasyong nabigay ni coach Mendoza sa kanya, sumidhi ang pagpursige niya na lalong matuto sa larong ito.

 

Naging MVP siya ng BPO Classics, major league ng mga BPO companies. Nakamit niya ang karangalan sa murang gulang, kaya nasabi niyang, “… pag gusto mo ang isang bagay, magagawan mo ng paraan upang makamitt ito…minsan kasi choice lang lahat yan…kung choice mong mag-excel, eh, di sipagan mo…kung gusto mong maging tamad, eh, di choice mo pa rin yon”. Dagdag pa niya, “the choices we make today will determine our future…in personal matters, and in sports…I am a simple kid lang before na mahilig maglaro ng basketball sa village court kahit tanghaling tapat…nangarap at nagsipag para makasama din sa isang varsity team na natupad naman…nagpapasalamat ako sa mga taong nagturo sa akin noong bata pa ako…una, dahil wala silang bayad at ang goal nila ay may matutunan ako at mga kababata ko, kasama ang pag-enhance ng skills na meron na kami…at, ang isa pang masasabi ko ay natuto ako dahil sa pagtitiyaga at pagsisipag ko na rin…naniniwala ako na kaya kong makipag-compete sa iba…I am not born talented but I am born with determination to work hard coupled with determination.” Nagtatrabaho si Ian ngayon bilang Learning and Development Analyst or e-Learning Developer, ngunit, ang talagang balak niya noon ay maging propesor.

 

Dahil magkasama na mula noong bata pa sila, nag-usap sina Bernard at Ian tungkol sa kaya nilang gawin upang makatulong sa mga kabataan ng barangay Real Dos, at tulad ng inaasahan, sumentro ang usapan sa basketball na pareho nilang hilig. Ang unang pangarap ni Ian na maging propesor ay magagamit sa “pagturo” na animo ay titser, ng mga kabataan sa larangan ng basketball, na tatapatan naman ng pagiging maka-Diyos ni Bernard isang full-time Church worker ngayon, upang ang matutunan ng mga kabataan ay hindi “magaspang” na uri ng paglaro.

 

Nagtugma ang kanilang mga adhikain dahil para sa kanila, napapanahon na ang pagpasa ng mga natutunan nila…kung baga ay, “it’s payback time”, ayon na rin sa kanila. Hindi nila pwedeng bayaran ang mga nagturo sa kanila noon, kaya ang utang na loob ay ipapasa na lang nila sa iba. Naantig ang damdamin nila habang  pinapanood noon ang mga kabataan na nagpipilit na matutong mag-shoot ng bola at kumilos ayon sa hinihingi ng larong nabanggit. Walang technicalities at systematic organization. Umiral siguro ang mental telepathy sa pagitan nilang dalawa kaya sandal lang ay nakabuo agad sila ng mga plano. Inuna nila ang “inspirational stage” kaya nag-share sila ng mga karanasan nila sa mga kabataan upang matanim sa kanilang isipan na ang laro ay hindi lang pag-shoot o pagpasa ng bola. Ibinahagi nila ang dinanas nilang hirap at sarap upang matuto. Sumunod ay ang paggawa ng iskedyul – tuwing Sabado habang may pasukan sa eskwela, pero babaguhin pagdating ng bakasyon.

 

Sa ngayon, lahat ng gastos ay hinuhugot nina Bernard at Ian sa kani-kanilang bulsa, kasama na ang para sa paminsan-minsang snacks na kapalit ng magandang performance ng mga tinuturuan nila sa pag-practice. Hindi kasubuan ang turing nina Bernard at Ian sa pinasok nilang adhikain kaya handa sila sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sinimulan, tulad ng mga pinangarap na cones, bola, uniporme at iba pa. Hindi madaling sabihing pag-iipunan nila ang mga ito, na nakatanim sa kanilang isipan dahil sa laki ng halagang kakailanganin. Subalit tulad ng sinabi ni Ian sa unang bahagi nitong sanaysay, “kung gugustuhin ay talagang magagawan ng paraan”.

 

Naniniwala ako sa  “milagro” dahil isa ito sa mga ginagamit ng Diyos na paraan upang makapagbukas ng isipan ng tao upang siya magbago. At ang “milagro” ay nangyayari nang hindi inaasahan kung minsan, kahit hindi hinihingi ang isang bagay. Malay natin….may matanggap na “grasya” sina Bernard at Ian, ang dalawang taga-hubog ng kabataan ng Real Dos, na pondo upang magamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan, at susundan pa ng magagamit naman sa pagbili ng iba pa? Manalig lang sa kapangyarihan ng Diyos, wika nga ni Bernard!…at magsikap din, wika naman ni Ian!

 

Sa pamamagitan nitong isinulat ko, nanawagan ako sa mga may gintong puso at gustong tumulong sa adhikain nina Bernard at Ian.

 

rnard Fetalvero- de la Cruz at Ian Paredes -Atrero

…naghuh

 

Pacquiao Has More to Risk than Bradley in their Third Clash

Pacquiao Has More to Risk than Bradley

In their Third Clash

By Apolinario Villalobos

 

As his usual self, Pacquiao made a surprising announcement to face Tim Bradley in a very crucial bout of his life, for he declared that this would be his “farewell fight”, after which he would finally, hang his gloves for good. But, he could have sounded convincing if his announcement was with an accompanying, “win or lose”. Pacquiao has been known to have a habit of breaking promises of retirement, which made his manager raise his hands in desperation, for he unabashedly declared that Manny may change his mind again.

 

Manny Pacquiao is unquestionably, a Filipino folk hero, having proved that poverty cannot stand in the way of a persevering person with a staunch ambition to succeed. He looks at himself as the inspiration of aspiring, especially, the impoverished Filipino boxers. The nationalistic complex in him expectedly made him declare again, that the fight with Bradley is his offering to the Filipinos, although, many skeptics are hoping that everything will turn out just right in his favor.

 

His first fight with Bradley was a controversial win of the latter, but Pacquiao drove his point as the rightful victorious during their second fight which he won clearly based on the score cards. But it seems that he was not still convinced by his prowess, as he lost to Marquez, not long afterward. The most probability was that, he could have retired, if he won the fight with Marquez. Clearly, that is what he would like to prove in his bout with Bradley – retire from the ring as a doubtless champion in his own right.

 

He is 37 and Bradley is 32, a difference of 5 years, which for boxers is insignificant. But, Pacquiao forgot that his health is not as sound today, as years ago when he could spritely move around the ring and deliver deadly jabs. His surprising knockout during an earlier fight was an indication that his brains could no longer bear jolts brought about by powerful punches. His shoulders that aided his wrists as he delivered his deadly punches were likewise no longer reliably strong and enduring. That is the reason why, his “soft” punches were very noticeable during his latest fight. The spectators were frustrated when Pacquiao failed to deliver his deadly punches.

 

If Pacquiao loses the fight against Bradley, he will be likened to fellow countryman, Gabriel “Flash” Elorde who refused to listen to his friends who had been urging him to retire while still holding on to his crown. His deaf ears brought him flat on his back in the middle of the ring when hit by a whooping jab.

 

As regards Pacquiao, what can prevent him from pursuing a return bout with Bradley if he loses, could just be the onset of the Philippine national 2016 election, during which he is aiming for a senatorial seat. Nevertheless, it is just hoped that his former ear injury will not cause any dreadful effect on his sight and sense of balance, that his brains will not be jolted much that could bring him to a comatose state, and that his once-injured shoulder will still be intact after the fight.

 

On the other hand, Bradley, has all the time to recover lost honor just in case luck will not be on his side. And as regards the financial gain?…obviously, it would be handed to him on a platter without much effort on his part. It should be noted that many boxers have been, practically wooing the camp of Pacquiao to pick them for a fight, while Bradley did not.

 

The Pacquiao-Bradley fight will definitely be the real fight of the century and not the disappointing Pacquiao-Mayweather bout in 2015, as all eyes will be on Pacquiao whose retirement from the ring will be a great loss to boxing (industry?)….if he keeps such promise. Also, if he wins in the Philippine senatorial race, he will go down the boxing history as the only senator-pugilist, as an answer to the feat of Arnold Scwarzenegger – the first body building legend to become Governor of California.

Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference ni Pacquiao at Mayweather…at ang oportunidad ng mga okasyong may media

Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference
Ni Pacquiao at Mayweather
…at ang oportunidad ng mga okasyong may media
Ni Apolinario Villalobos

Impressive ang venue ng presscon nina Pacquiao at Mayweather para sa kanilang bakbakan. Marami rin ang mga rebelasyon. Si Pacquiao, ginawang magician ang Diyos nang sabihin niyang ginawa daw siya “from nothing into something”. Wala man lang nagbulong sa kanya na sana ay “from nobody into big somebody”. Lahat kasi ay natulala sa kabonggahan ng okasyon na animo ay pang- Grammy Awards…may red carpet pa! Si Mayweather ay talagang tuso, dahil hindi nagpatalo kay Pacquiao. Trying hard si Mayweather sa pagsalita na parang pastor, para bang gustong ipahiwatig na hindi man siya nagbabasa ng Bible o nagpi-preach tulad ni Pacquiao, pwede naman siyang umastang parang pastor at mas swabe pa ang epek kaysa kay Pacquiao dahil sa unbelievable na sobra niyang pagkamahinahon lalo na sa ginamit niyang mababang boses at mga piling salitang binitiwan.

Nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang mga team na banyaga at Pilipino na umaalalay sa kanya. Hindi niya binanggit ang nanay niya, ganoong binigyan siya nito ng rosaryo kaya nananalo daw siya noon sa mga laban niya, pero hindi na niya ipinakita nang maging born-again Christian siya. Ang nanay naman niya bandang huli ay nagkasya na lamang sa pagbato ng mga incantations o dasal sa kanyang mga kalaban upang matalo niya. Malamang nakahanda na naman ang nanay niya para sa darating na laban nila Mayweather…baka mas matinding incantation ang inihanda niya…huwag lang sana niyang samahan ng pagsirko-sirko at pagsayaw. By the way, nanay niya ang nasa likod ng pagsuot niya milyong-halagang outfit sa presscon. Sabi ng nanay niya…”deserve mo yan, anak”. Ganyan dapat ang nanay!

Si Mayweather naman, abut-abot ang pasalamat sa kanyang tatay na naghirap upang maging batikan siyang boksingero. Hindi niya nabanggit ang Diyos. Dahil sa ginawa ni Mayweather, sana ay hindi masumbatan ni Mrs. Dionesia Pacquiao ang kanyang anak na hindi nagbanggit sa kanya. Sa kabuuhan, talagang parang maamong tupa si Mayweather kaya marami ang natuwa sa kanyang pagbabago. Hindi kaya nag-alala lang ito dahil ang mga Holywood celebrities ay kay Pacquiao nakapusta? Kaya kapag nagsalita siya ng laban kay Pacquiao, siguradong “maaayos” siya!

May mga okasyong talagang nakakapagpabago ng tao, kahit panandalian lamang. Sa isang okasyon nga ay may isang taong akala ng marami ay mahina lang ang loob kaya walang kibo kahit nilalait na sa media, subalit biglang naging mabalasik sa pagbato ng mga paninisi sa isa pang tao. Naging kampanti yata dahil ang mga umatend sa okasyon ay inakala niyang puro niya kakampi – mga piling bisita. Ang mga okasyong may media ay itinuturing din na magandang venue upang makapagyabang, kaya ginagamit ang mga ito nitong tao at kanyang mga tagapagsalita upang maipagyabang ang mga ginawa daw niya, na sa totoo lang ay puro kasinungalingan. Kilala na itong tao sa pabago-bago niyang mga sinasabi, at sa pagsandal sa mga kaibigan na akala niya ay matatalino at magagaling. Subalit parang pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagbitaw sa isa dahil hindi na niya ito binabanggit kapag siya ay nanduduro ng paninisi sa isa pang tao!…ibig sabihin kasi ng “bff” ay “best friend FOREVER”!

Ang Nakakalungkot na Sitwasyon ng Larangan sa Palaro ng Pilipinas

Ang Nakalulungkot na Sitwasyon

Ng Larangan sa Palaro ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Hindi lang nakakalungkot kung hindi ay napakalungkot ang sitwasyon ng larangan ng palaro sa Pilipinas ngayon. Kung hindi nagagamit sa pulitika, ninanakawan din ng pondo ng mga tiwaling mga opisyal na itinalaga para dito. Lumutang ang mga kakayahan ng mga atletang Pilipino na tulad nina Elma Muros, Lydia de Vega, at marami pang iba noong panahon ni Marcos. Seryoso ang ginawang pamahala, dahil hindi ginutom ang mga atleta, binigyan ng karampatang allowances at kung anu-ano pang mga pangangailangan nila at incentives upang masuklian naman nila ng bigay-todong performance pagdating sa mga pandaigdigang kumpetisyon. Hindi ko idolo si Marcos, sinasabi ko lang ang katotohanan na malayung-malayo sa mga nangyari nang pinatalsik na siya dahil sa kanyang pagka-diktador. Lalong nalubog sa lusak ng siphayo ang larangan ng palaro sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Sinabi pa nga ng tagapagsalita ng Malakanyang na pumili na lang ang mga Pilipino ng mga larong angkop…saan angkop kaya ang ibig niyang sabihin? Sa height kaya…dahil ang pinakahuling dagok ay ang sunud-sunod na pagkakulelat ng Gilas Pilipinas sa lahat ng kumpetinsiyang sinalihan nito.

Nang mawala si Marcos, nagkaroon na rin ng free-for-all na pang-abuso sa sektor ng palaro. Puro plano ang nangyari, gamit ang mga atleta, naglaan ng budget na hinayaang manakaw. Yong sinasabing “quartering” ng mga atleta, walang nangyari dahil ang ipinangakong allowance ay hindi naman ibinigay ng maayos at ang mga tirahan nila sa Rizal Coliseum ay hindi maayos, animo “kuwadra” daw nang i-describe ng isang manunulat, wala silang nutritionist na dapat ay namamahala ng mga pagkain, at mga atleta mismo ang nagluluto. Mismong mga atleta ang naglabas ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mga interbyu sa radyo. Yong iba, umuwi na lang sa kanilang probinsiya upang magtrabaho kaysa magutom ang kanilang pamilya na dapat sana ay nasusustentuhan nila gamit ang ipinangako subalit hindi ibinigay na allowance.

Malaki ang problema ang larangan ng palaro sa Pilipinas dahil kinakain ng mikrobyo ng korapsyon…hindi na rin ito pinatawad ng mga taong ang isip ay umaapaw sa kasakiman. Nakakatawang isipin na matayog ang pangarap ng lahat ng mga iniinterbyung opisyal at mga “concerned parties” tungkol dito – hanggan doon nga lang…sa ngalngalan nila. Yan ang problema natin sa ating mga namumuno, may ugaling nagmamadali at may kayabangan pa. Kung magkukumpara ng ating mga atleta at mga kalakaran ay sa malalaking bansa agad, tulad ng Amerika, Japan, at Tsina, kaya hindi makatotohanan.

Dapat tingnan muna ang sitwasyon ng mga malalapit na karatig-bansa sa Timog-silangang Asya. Isang tanong lang naman ang kailangang sagutin….ano ang sistema ng mga karatig-bansa natin sa Timog-silangang Asya, at nakakakuha sila ng ginto o silver man lang na mga medalya? Ang tinutukoy ko ay ang Thailand, Cambodia, Malaysia, Indonesia, at Myanmar. Hindi na nga natin mapantayan ang mga ito, nag-aambisyon pa tayong mapahanay sa Tsina, Japan, at Amerika.

Hindi masama ang mangarap, subalit dapat ay maging makatotohanan tayo sa harap ng mga nangyayari sa ating bansa at uri ng sistemang umiiral na batbat ng korapsyon. Ang gobyerno sa kabuuhan ay namumutiktik ng mga kawatang mambabatas at mga opisyal!

Yong mga maiingay na mga mambabatas at mga opisyal na susuporta daw sa mga atleta, dapat ay maglabas ng pondo upang magamit man lang na pamasahe at allowance ng mga grupo na walang sinasandalang permanenteng sponsor. Isang halimbawa dito ay ang Dragon Boat Team na kamakailan lamang ay nakakopo ng mga medalyang ginto sa sinalihan nilang kompetisyon. Nagkabitin-bitinan at nagkatarantahan pa dahil wala silang kapera-pera upang magamit na pamasahe, panghotel at pangkain, ilang araw na lang bago ang takda nilang pag-alis. Mabuti na lang at may nagmagandang –loob. Nakabalik na sila’t lahat dala ang mga gintong medalya, ni ha, ni ho, mula sa mga ahensiyang may kinalaman sa palaro ay walang narinig, lalo na ang Malakanyang.

Sa larong bilyar, kung hindi pinakita ng dating tambay sa bilyaran na ngayon ay internationally-recognized na, si Bata Reyes, at iba pang mga manlalaro, malamang hindi rin sila papansinin ng pamahalaan. Nagsariling sikap ang mga bilyarista hanggang sila ay makilala, at saka pa lang nang-agaw ng eksena ang mga opisyal ng pamahalaan…namulitika lang, nakibahagi sa limelight!

Sa chess, ang Pilipinong si So na kinikilala na sa buong mundo ay nasa Amerika na at sa isang panayam ay nagpahiwatig na mas gugustuhin pa niyang lumipat sa kalinga ng Amerika dahil hindi siya inaasikaso ng ahensiya ng Pilipinas na may kinalaman sa larangan ng chess. Kapansin-pansin noon pa mang nasa bansa si So, kahit namamayagpag na siya sa larangan ng chess, halos hindi man lang maimbitahan sa Malakanyang, samantalang yong ibang nasa ibang larangan ay halos labas-masok dito upang tumanggap ng parangal mula sa Pangulo. Hanggang diyaryo lang ang “balita” tungkol sa mga panalo ni So, simula pa noong tin-edyer siya. Yong ibang balita nga ay nakalatag sa kakarampot lang na bahagi ng diyaryo. Ang pamilya ay dating nanirahan malapit sa amin at madalas kong kakuwentuhan kakuwentuhan ang tatay ni So na umaming wala silang natanggap na suporta mula sa gobyerno.

Hindi madaling ayusin ang problema ng Pilipinas sa larangan ng palaro, sa totoo lang. Kung ihahambing sa sakit, kalat na ang kanser sa kabuuhan nito…kanser na dulot ng korapsyon na hindi na nawala sa sistema ng gobyerno at kultura ng Pilipino. Nakakalungkot, subalit hindi ito dapat maging dahilan upang mapanghinaan ng loob ang mga may mga kakayahang magpakita ng galing upang makapagwagayway ng bandila ng Pilipinas….kahit pinagkaitan ng suporta ng korap na gobyerno ng Pilipinas!