To be “In” Socially as a Cover Up for Insecurities and Inadequacies

To be “In” Socially As Cover Up of

Insecurities and Inadequacies

By Apolinario Villalobos

 

The objective of some people in joining a social group is usually tinged with an effort to cover up their insecurities and inadequacies, as well as, the desire to flaunt unexpected success in life. Their effort to join an organization to boost their once timid personality is commendable but they should not use their identity with an organization to an overwhelming degree of arrogance which makes them social climbers.

 

Those who thirst for recognition may not even need to join any organization to earn it. They missed the fact that by being alone, only they will enjoy the recognition at the proper time and opportunity. On the other hand, if they are identified with an organization that might later prove to be questionable, they will eventually get a share of the stain, too.

 

I have met and talked to some people who joined the “Foundations” and “associations” sponsored by a politician because they were hoping that he could help them with their personal problems later on. They joined the “Foundations” and “associations” without knowing their objectives until they found out, albeit very late, that they were being used as conduits for ill-gotten funds from dubious transactions. At the end, their membership made them parties of the politician’s illegal acts. Until now, they are still being investigated.

 

And, here’s a story about a friend who tremendously improved his financial status because of hard-earned wage as a seafaring engineer. In due time, he was able to purchase a house in an exclusive subdivision in Tagaytay, aside from a Porsche sports car and a Benz van. In both, he has permanently stashed expensive golf sets which surprised me because he does not play golf. He also stuck stickers of La Salle, UP, Jaycees, and Rotary at the back windshield of the van, although, he has got nothing to do with them. He graduated from Cebu and not a member of any of the two organizations. I just smiled and pitied him, for he told me himself, how he struggled hard as an impoverished clerk/messenger while exerting much effort to finish his marine engineering course and capped it by passing the board. His multi-million home in Tagaytay is a mish-mash of furnishing, resulting to an overdone eclectic interior that grossly defies harmony. Such effort betrayed his inadequate social background.

 

Being a very good friend, I took the risk of pinching his ego by advising him to remove the stickers and golf sets from his van and just be his real self, adding that he should have more time with his family than with his seafaring buddies who enjoy rounds of beer on weekends. And, as I felt, too, that he wanted to be socially “in”, I advised him to join a religious group that is always involved in community outreach programs. He joined two groups but failed to find satisfaction so he left them. At the end, I just gave him the opportunity of joining me every time he is free during my rounds of RAS (random acts of sharing), that he found more fulfilling, as like me, he also identified himself with those whom we share simple blessings.

 

 

May Isang Social Climber

May Isang Social Climber…

 

Ni Apolinario Villalobos

 

 

Sa isang executive subdivision, wala pang 8:AM ay narinig na ng mga kapitbahay ang isang bagong lipat sa kanilang lugar na nakakuha ng malaking halaga ng pera dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa sa Saudi. Ayon sa kwento ng bagong lipat na babae sa kanyang mga kapitabahay, milyon-milyon ang halaga sa piso ng perang natanggap niya mula sa kumpanya ng namatay niyang asawa, bukod pa sa mga insurance nito sa Pilipinas. Nagpa-impress agad ang babae sa kanyang mga bagong kapitbahay upang masabi nilang hindi siya basta-basta. Nguni’t ang katotohanan ay dating nakatira sa isang low-cost subdivision ang pamilya ng babae at high school graduate lang siya. Dahil maganda, nakapag-asawa ng isang engineer. Nang umagang yon ay pinapagalitan nito ang kanilang kasambahay.

 

Misis:   Inday, sa susunod basta ang naghanap sa akin ay nakakotse, tawagin mo agad ako, maski nasa parlor ako sa labasan, dahil baka taga-Congress na naman, tulad noong nakaraang araw na basta mo na lang sinabihang wala ako maski nasa kabilang bahay lang ako, kaya tuloy hindi ko nakausap si amigang Congresswoman…. Huwag kang tatanga-tanga! Alam mo namang marami akong ka-transaksyon na mga opisyales ng gobyerno at mga negosyante. Tandaan mo yan ha?

 

(Sadyang  nilakasan ng babae ang kanyang boses upang marinig ng mga kapitbahay ang mga sinasabi sa kasambahay.)

 

 

Inday:   Opo.

 

(Pagkalipas ng dalawang araw, may bisitang dumating, nakakotse, bumaba ang isang babaeng naninilaw ang mga tenga, leeg, mga daliri at braso dahil sa mga gintong suot…kinausap si Inday na noon ay nagdidilig ng mga halaman.)

 

Babae: Nandiyan ba si Mrs……?

 

Inday:   (Halatang na-impress sa ayos ng babae at sa kotse nito.) 

Opo! Sandali po at tatawagin ko.

 

            Ma’am….may naghahanap po sa inyo, nakakotse po, at maraming suot na alahas! (sadyang nilakasan ang boses upang marinig ng mga kapitbahay)

 

Misis:   Aba’ y papasukin mo sa sala …at bigyan mo ng kape. Naliligo lang ako.

 

Inday:   Opo!

 

(Sa sala, hindi ginalaw ng bisitang babae ang kape, halatang nabubugnot. Nang lumabas si Misis ng kwarto at pumunta ng sala, muntik na siyang matapilok.)

 

Babae:  (Sumisigaw habang dinuduro si Misis)

Hoy! Balasubas! Bayaran mo ang utang mo. Walanghiya ka! Lumipat ka pala ng tirahan hindi mo man lang ako sinabihan! Buti na lang nakausap ko si Mrs….at sinabihan ako kung saan ka lumipat! Walanghiya ka! Apat na buwan mo na akong pinagtataguan ah! Kailangang magbayad ka ngayon din, kung hindi ipapupulis kita! Magrereklamo ako sa homeowners association ninyo at sa barangay! Titingnan ko kung may magagawa ang  pagkabalasubas mo!

 

(Naglabasan ang mga kapitbahay na nabulahaw dahil sa sigaw ng babaeng nagwawala. Dinig na dinig nila ang mga pinagsasabi nito pati na ang tungkol sa dalawang Bombay na naniningil din at nakasabayan niya noong huling hanapin siya nito. Para mapatahimik ang babae, nag-issue ang Misis ng post-dated check, subali’t nagpagawa pa rin ng kasulatan ang naniningil na kailangang mapirmahan din ng presidente o maski sinong opisyal ng homeowners’ association ng subdivision. Pagkatapos ng pirmahan, isinama ng babaeng naniningil ang Misis sa isang abogado upang ma-notarize ang kasulatan. Ang nilalaman ng kasulatan ay ang pagpayag ng Misis na kukunin ng babaeng inutangan ang kotse nito kapag hindi  nagkabayaran sa petsang ipinangako. Two days after, umalis ang katulong at driver, nabahala na baka hindi sila maswelduhan dahil nabisto nilang hindi na pala ito nakakabayad ng mga utang. Ikinuwento ito ng isa kong malapit na siya ngayong boss ng driver ng Misis na mayabang. Ininterview kasi niya ang driver tungkol sa pinakahuli niyang trabaho at kung bakit siya umalis, maski pa rekomendado ng kaibigan namin, bago niya  kinuha bilang driver. Sinabi pa pala ng driver na sa sala ng dati niyang among Misis ay may mga larawan ito na kasama yong kontrobersiyal na babaeng naka-detain sa isang “safehouse” sa Tanay at mga pulitiko. Pamilyar nga daw ang ilang mukha na kung minsan ay nakikita niya sa tv habang ini-interview..  Naihatid niya na rin daw niya ang dating amo sa isang party sa loob ng isang sementeryo sa Pasig … na ipinagtataka niya.)