Mga Kawawang Filipino Senior Citizens

Mga Kawawang Filipino Senior Citizens

Ni Apolinario Villalobos

 

Nakakainis lang isipin na kung para sa mga kurakot, ay may pera, pero kung sa mga may papalipas nang panahon- ang mga senyor… dalawang libong piso na pandagdag sa pensiyon ay dinedbol pa ng papanaog na presidenteng si Pnoy Aquino. Ironically, may panukala ang SSS na itaas ang sahod ng mga executives nila, pero pumalag ito sa dalawang libong pisong dagdag sa pensiyon ng mga miyembro dahil wala raw pondo.  Hindi ba malaking insulto yan sa katalinuhan ng mga Pilipino na palagi na lang ginagawang tanga ng mga hangal at tiwaling namumuno sa ibang  ahensiya ng gobyerno?

 

Hindi lang yan….napakarami pang mga senyor ang mga “able”, may kakayahan, o malakas pa na magpakita ng gilas sa trabaho pero hindi binibigyan ng pagkakataon dahil yon nga….senyor na raw kasi kaya hindi na “dapat” magtrabaho. Paanong magkaganoon, kung ang retirement age ng mga pulis at sundalo ay wala pang 60, at maraming lampas nang 65 na taon pero maliksi pa sa ibang wala pang kwarenta na matamlay dahil ang alam lang na gawin ay manood ng TV kung pumasok na ang mga anak sa eskwela at ang asawa ay sa trabaho, o di kaya ay mag-casino, o mag-ball room dancing, o mag-good time lang sa gabi.

 

Ang mga tumatandang magulang ay nahihiyang “humingi” ng pera sa mga anak. Okey lang sana kung ang mga anak ay kapos din kaya wala talagang maibigay. Subalit para sa mga pilosopo at walang utang na loob na mga anak,  obligasyon daw ng mga magulang ang magpalaki sa mga anak, at least man lang, hanggang umabot sa legal age na 18. Ang kaso lang, may mga magulang na nasobrahan na yata sa obligasyong ito kaya hindi nila naisip ang sariling kapakanan pagdating ng katandaan nila kaya walang naipon man lang habang pilit na iginagapang ang mga anak na ang gustong kurso ay engineering, medicine, Law, etc. Nang maging propesyonal ang mga walang utang na loob na anak, ang mga “mapagmahal” na mga magulang ay naging pulubi naman kaya naiwang nakanganga!

 

Marami akong nakausap na mga matandang sa kalye nakatira na pinalayas daw sila ng mga anak dahil sa panginginig ng kamay nila ay nakakabasag sila ng gamit…pinalayas sila mula sa sarili nilang bahay ng mga suwail na anak na titulado at may kotse na hindi man lang natikmang sakyan ng matanda nilang magulang!

 

May mga nakausap din ako na ang mga maintenance na gamot na tableta ay hinahati para ang isang piraso ay magkasya sa dalawang araw. Mayroon ding walang pambili dahil ang pensiyon ay wala pang tatlong libo isang buwan. Ang iba pa ay nahihiyang magsabi sa anak na palitan o i-refund ang perang nadudukot upang maipambaon sa pagpasok ng apo sa eskwela, kaya walang natitirang pambili ng gamot na pang-maintenance. Ang nakakaiyak ay kuwento ng mga magulang na pinagtataguan ng pagkain ng mga anak, o di kaya ay hindi man lang maipakilala sa mga bisita nilang sosyal!

 

Mabuti na lang dahil kahit papaano ay mga establisemyento tulad ng SM Shoemart malls na nagbibigay sa mga senyor ng trabaho bilang “Mall Receptionists”, at lunsod tulad ng Las Piἧas na humihirang sa kanila upang maging street sweepers. Kaylan kaya susunod ang iba?

 

 

The Senior Citizens (…a message to the youth)

The Senior Citizens

(…a message to the youth)

By Apolinario Villalobos

 

Never scorn or despise the senior citizens. Without them, there is no world fit for habitation. Without them, there would have been no bright guys running governments. Senior citizens are the seeds of humanity that brought forth different races that roam the earth. Senior citizens are what the youth have become –intelligent, ripened, seasoned, experienced, toughened, esteemed, honored, valued, appreciated, and many more.

 

The senior citizens toiled day and night to earn so that the youth in their care can eat decent meals and earn knowledge from prep schools, middle schools, colleges and universities. They sat it out all night when the youth in their care contacted diseases. They cried when the youth in their care succumbed to sickness and finally go to eternal sleep. The woman senior citizen carried what would become a child, for nine months which is  the fulfillment of her life as a mother. The elderly man, literally broke his back in carrying loads to earn an honest living for the growing youth in his care.

 

Never hate the senior citizens just because they break cups and plates due of trembling hands. Never call them useless creatures just because you feed them, after they have exhausted their savings to buy you nice clothes, gadgets and pay for your tuition. Never neglect their needs for medical attention, because for you, they can finally rest if their deterioration is hastened. You, the youth, are treading the road that leads to where they are now.

 

The senior citizens should be venerated. They deserve the same care that they once gave you as a growing youth. They should not be caricatured because of their wrinkled skin, stooped posture, bowed legs, gummy smile and chinky eyes due to dimming sight. They should not be shunned because of a typical smell, as they can no longer take a bath on their own.

 

The senior citizens should be loved the way they loved you since the first minute you saw the light of the world. They deserve it more than anything else…more than any weight of gold…more than the brightest sparkle of a diamond. They need to feel the warmth that they once wrapped your frail body.

 

You will become one, like them…ripened by time and toughened by trials.  They are you, years from now…