Pagkatapos ng Hagupit ni Ruby – sisihan at turuan na naman!

Pagkatapos ng Hagupit ni Ruby –

Sisihan at Turuan na naman!

ni Apolinario Villalobos

Hindi na nawala sa kultura ng gobyerno ang magturo at manisi kung may nangyaring kalamidad. Walang katapusang sisihan ang palaging nangyayari tuwi na lang matapos humagupit ang bagyo, tulad ng nangyari pagkatapos manalanta ang bagyong Ruby. At, ang Malakanyang naman ay walang ginawa kundi ang magtakip sa mga kakulangan ng ahensiyang pumalpak, sa halip na mangako ng masusing imbestigasyon upang mabawasan ang sama ng loob ng mga tao.

Ang sabi ni Ping Lacson ay dapat daw kasuhan ang mga kontraktor na nagpasimuno sa paggawa ng mga bunkhouses na pagkatapos gastusan ng malaki ay nasira din ng bagyong Ruby dahil sa kahinaan ng mga materyales na ginamit. Mga kontraktor lang ba? Paano ang mga opisyal ng DPWH na sangkot? Paano siya mismo na siyang “czar” ng rehabilitation? May kasabihang kapag ang isang tao ay nanduro o nagturo ng isang daliri sa kanyang kapwa, ang tatlo naman niyang daliri ay nagtuturo sa kanya! Kung maaalala, si Ping Lacson ang unang nagbunyag ng anomalya tungkol sa mahihinang klaseng materyales na gagamitin sa pagpagawa ng bunkhouses. Naging sikat agad siya sa mga diyaryo, radyo at TV. Marami ang nagpasalamat dahil nagsalita siya bilang isa sa magpapatunay na may korapsyon sa gobyerno. Subalit pagkatapos niyang makipag-miting sa pangulo, biglang kumambyo ang kanyang pananalita – underdelivery lang daw ng materyales ang nangyari – walang anomalya! Ang ginawang Master Plan sa rehabilitasyon, napirmahan after one year mula nang manalanta ang bagyong Yolanda!

Mabuti na lang at maagap ang media sa pagpilit na talagang may anomalya sa pagpapagawa ng mga bunkhouses, sabay pakita sa TV ng mga yerong ginamit na animo ay karton kung tupiin ng isang matanda at pamakuang kahoy na walang anuman nang kanyang baliin. Ipinakita rin ang mga coco lumber na animo ay panggamit lang sa kulungan ng aso, sahig na yari sa plywood, at mga poste na ang sukat ay angkop lang sa kulungan ng manok. Wala yatang TV sa Malakanyang at hindi nagbabasa ng diyaryo ang mga opisyal!

Tulad ng dati, maagap sa pagsalo ang Malakanyang sa pagsabi na kahit nasira ng bagyong Ruby ang mga bunkhouses, napakinabangan din naman kahit papaano, dahil “temporary shelter” lang naman daw talaga ang mga ito. Ganoon lang????!!!!Kung ganoon kalabo ang mga sinasabi ng Malakanyang, talagang walang mangyayari sa tuwid na daan na pinagyayabang ng pangulo ng bansa, dahil nangangahulugang dahil sa kalabuan ng paligid hindi ito matatahak ng maayos, at ang matindi ay hindi pa ito mahanap kung saan ba talaga!

Hindi naipapatupad ang rehabilitation policy na dapat ay maayos na hindi hamak kaysa dati ang mga gagawin. Ngayon lang nabunyag sa publiko ang patakarang ito. Mayroon pala nito, bakit hindi pinatigil agad ang mga proyekto sa simula pa lang nang makitaan ang mga ito ng anomalya? Bakit nagbulag-bulagan ang DPWH? May natapalan bang mga mata?

Ang tanong ng marami, ay hanggang kaylan ang “temporary” na sinasabi ng Malakanyang kung hanggang ngayon ay wala pang linaw ang rehabilitation program para sa Tacloban at karatig lalawigan na sinalanta ng bagyong Yolanda, dahil kapipirma lang nito ng Pangulo? Hanggang walang linaw kung saan magkakaroon ng permanenteng tirahan ang mga sinalanta ng bagyo, sa “temporary shelter” sila titira. At dahil sa kakuparan sa pagkilos ng gobyerno, baka magka-apo na lang ang nga bakwet sa mga bunkhouses, ay hindi pa sila nakakaalis dito!

Simple lang naman kasi ang dapat sabihin ng Malakanyang dahil malinaw na nakikita ang resulta ng ginawa ng DPWH at mga kontraktor nito: “paiimbistigahan natin ito upang matukoy ang mga taong maysala”…yong lang, wala nang iba. Subalit, hindi yata kayang masabi dahil ni isa sa mga tauhan nitong lampas ulo na ang mga kaso ay kinakanlong pa rin at pilit pinagtatakpan…hanggang ngayon!

At si Ping Lacson naman, sana sa pagkakataong ito ay magpakita ng maski kapiranggot na simpatiya sa mga nasalanta ng kalamidad sa pagmamatigas na magkaroon ng masinsing imbestigasyon upang maparusahan ang maysala. Aminin din niya kung may pagkukulang siya blang “czar” na ang papel ay tagabantay, tagapuna, tagagawa ng report na kung hindi pansinin ay sa media na lang niya ipalabas, para hindi iisipin ng taong bayan na wala siyang ginagawa.

Tendaya

(Here’s a poem composed for the Leyte Mountain Trail, that I, together with the PAL Mountaineering Club with guest climbers from Visayas and Mindanao, traversed in 1982. We started our trek from Leyte and went down the Ormoc slope in Samar. It took us four days to cover the length of the range through intermittent heavy rains which we did not know to be precursor of an impending typhoon. Tendaya is the old name of the mountain range, and the old folks who live on its ridges also refer it to Leyte.)

 

Tendaya

(Tribute to Leyte)

By Apolinario Villalobos

 

Listen, oh, listen, Tendaya of the old//listen to this simple song// made alive

by the winds that blow//through the verdant fastness//of your ranges and valleys.

Listen to this humble soul//whose heart aches to sing to your beauty//a reason why he came this far//that such he may finally see.

So please let me, as I implore time//to slow down its hands//while I now begin//though the words may not suffice// to describe such a haunting paradise.

I’ll be a liar if I say//that your lakes Malugsum and Mahagnao//can’t inspire a simple man//now, sweating though having fun.

Lightning may strike me//if I say that your placid Imelda Lake//is not a splendor to see//so too, with Lake Casudsuran//seemingly like a drop of tear, yet just grand.

Towering age-old trees// stud your mountains and valleys//where meander, rivers and brooks//that gurgle beneath stacked boulders//with patches of lichens and moss.

Orchids and vines frame gorges//that seem to hide some secrets//from strangers who, like me//came to satisfy their curiosity.

But, I don’t mind//for who am I to force you//to reveal your secrets//respected even by time?

Thank you, Marabang River //fed with rivulets of sulphuric and sweet waters//yielded by Mother Earth’s womb//you’re the vein of life//that stand along your path.

With all those giant lilies and ferns //that guard the streams//with all those birds and cicadas//that fill the air with nature’s hymns…

Can I ask for more?

Even the blood-sucking leeches//seemed right in preventing intruders//from trampling your sacred grounds//the arch of rainbow in Mahagnao//and the inviting splash of Guinaniban//mesmerize those who have come//to find a tranquil place under the sun.

Alas!, here you are//rugged, yet, delicate//and among the few retreats left//where man could find a place//a long-sought solace …to be at peace with himself.

 

Sa Gitna ng Kalamidad, Lahat ng Tao ay Pantay-pantay

Sa Gitna ng Kalamidad
Lahat ng Tao ay Pantay-Pantay

Ni Apolinario Villalobos

Napatunayan na ng maraming pagkakataon na sa gitna ng matinding kalamidad, lahat ng tao ay pantay-pantay. Kung may naimbak man na pagkain at tubig ang ilan, hindi ito tumatagal. Kung nasa lugar na inaakalang ligtas, hindi pa rin normal ang pamumuhay. May natira mang karampot na pagkakaiba ang mga nagdurusa, ito ay unti-unti ring nawawala. Lahat ay bumabalik sa payak na pagkatao na may parehong pangangailangan – tubig, pagkain, gamot, damit, bubong, ilaw.

Aanhin ang kumikinang na mga alahas, buntun-bunton na pera sa bangko, mga magagarang sasakyan, mga mala-palasyong bahay, kung lubog sa baha ang kapaligiran, walang bukas na bangko at palengke, sira ang mga shopping centers, walang kuryente at ang mga kalsada ay hindi madaanan dahil sa nakatambak na mga iba’t ibang bagay?

Ang pagsubok sa pamamagitan ng kalikasan ay itinuturing ng mga naniniwala sa Diyos na isang pitik upang gisingin ang tao at kilalanin ang Kanyang kapangyarihan. Nguni’t sa mga hindi naniniwala sa Kanya, ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan ay resulta ng kapabayaan ng tao na bumalik sa kanya, na kung ating wariin ay ganoon pa rin ang tinutumbok – Diyos na siyang may lalang ng lahat. Kung ating pansinin, iisa lang sinasambit ng lahat ng apektado – Diyos. May nananawagan ng tulong, may naninisi at nagtatanong sa Kanya kung bakit hinayaan Niya na mangyari ang mga pinsala. Patunay lamang ito na nasa kaisipan ng tao ang Diyos subalit nakakalimutan hanggang dumating ang pagsubok sa pamamagitan ng kalamidad.

Ang masaklap, paglipas ng mga kalamidad na nagpagising sa lahat, ang iba ay bumabalik sa dating gawi. Kaya palagi na lang may nagtatanong: Kaylan matututo ang tao?