Hinahanapan na ng Butas si Duterte Batay sa Kanyang Mga Salita

HINAHANAPAN NA NG BUTAS SI DUTERTE

BATAY SA KANYANG MGA SALITA

Ni Apolinario Villalobos

 

 

TAKEN OUT OF CONTEXT ANG SINABI NI DUTERTE NANG INTERBYUHIN SIYA TUNGKOL SA PINATAY NA REPORTER SA QUIAPO. MALINAW ANG SINABI NIYA NA KARAMIHAN SA MGA TAGA-MEDIA AY MALINIS PERO MAY IBANG HINDI, ISANG KATOTOHANANG ANGKOP DIN SA LAHAT, SA ANUMANG LARANGAN MAN SILA.

 

MASYADONG PINALAKI NG MGA TAGA-MEDIA ANG ISYU. ANG GUSTO YATA NILA AY MASABING LAHAT SILA AY MALINIS. SA KOMUNIDAD NG MEDIA, HINDI MAAARING KUMALAT ANG MGA USAPAN KUNG SINO ANG MGA TIWALI DAHIL SA PANINIWALANG WALANG MAITATAGO SA MATA NG MEDIA KAYA ANG MGA MIYEMBRO AY NAGBUBUWIS NGA NG BUHAY UPANG MAKAPASOK LANG SA MGA DELIKADONG LUGAR. MAY ORGANISASYON NAMAN SILA, BAKIT HINDI NILA LINISIN ANG HANAY NILA?

 

SINAGOT LANG NI DUTERTE ANG TANONG AT WALA SIYANG SINABING ITIGIL NG MEDIA ANG PAGBATIKOS SA MGA TIWALI. AT, WALA RIN SIYANG SINABING DIRETSAHAN NA ANG MGA TIWALI AY BASTA NA LANG PAPATAYIN AT HINDI IDADAAN SA LEGAL NA PROSESO ANG KASO NG MAHUHULI.

 

SA INI-REPLAY NAMAN NG ISANG RADIO STATION NA INTERVIEW NG REPORTER NILA KAY DUTERTE BILANG KARUGTONG SA ISYUNG PAGPATAY NG REPORTER SA QUIAPO UPANG PALABASIN YATA ANG NEGATIVE SIDE NITO, ANG TANONG AY KUNG ILANG BESES NANG NASAGOT NI DUTERTE, NAGKAKAMPANYA PA LANG SIYA…. IPINANGAKO NIYANG WALA SIYANG SASANTUHIN SA MGA MAGKAKAMALING ITATALAGA NIYA KAHIT KAIBIGAN PA NIYA. IBIG SABIHIN. DAHIL DIYAN, LUMALABAS NA PANGUNGULIT NA ANG PAGTANONG NG REPORTER NG NASABING RADIO STATION KUNG BIBIGYAN NI DUTERTE NG TANING, HALIMBAWA AY ANIM NA BUWAN KUNG SINO MAN SA MGA CABINET SECRETARY NIYA ANG MAGKAMALI. SA UGALI NI DUTERTE, TALAGANG MAIIRITA ITO. NABANGGIT NI DUTERTE ANG “EXASPERATION” NIYA SA QUESTION SA PINAKAHULING INTERVIEW TUNGKOL SA INSIDENTE.

 

SA PANANAKOT NG MEDIA COMMUNITY KAY DUTERTE NA HINDI IKOKOBER ANG MGA PRESS CONFERENCE NIYA, BINARA NIYA ITO SA PAGSABING, GO AHEAD DAW, DAHIL NOON PA MAN AY AYAW NA NGA NIYA NG MGA INTERVIEW AT GUSTO PA NIYA ANG MGA KUHA NG CELLPHONE CAMERAS. BAKA MAMIS-INTERPRET NA NAMAN SIYA SA BINANGGIT NIYANG, “SIGE PATAYIN NYO ANG MEDIA”….ANG SISTEMA, HINDI TAO NA MIYEMBRO NG MEDIA.

 

OBVIOUS NA ANG GUSTO LANG NI DUTERTE AY MAGTRABAHO SA BAYAN AT LALONG AYAW NIYA NG MGA INTERBYUNG PANG-SOSYAL O HALATANG PANINIPSIP ANG INTENSIYON!

 

SA PAGREPORT, NAG-UUNAHAN ANG MGA REPORTER SA PAGBALITA NG “SCOOP” KAYA HALIMBAWANG USOK PA LANG ANG NAKIKITA SA BAHAY AY IBINABATO NA AGAD NILA SA KANILANG ISTASYON AT ANG MGA DETALYE AY “TO FOLLOW” PARA MASABING SILA ANG NAUNA AT HINDI ANG IBANG ISTASYON. PAANO KUNG NAGKAROON NG MAKAPAL NA USOK SA INIREPORT NA BAHAY DAHIL NAG-IIHAW PALA NG MARAMING SEA FOODS DAHIL MAY PARTY?

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

Ang Hamunan nina Roxas at Duterte

ay Pagpapakita ng Maruming Pulitika sa Pilipinas

ni Apolinario Villalobos

 

Ang namumukod-tanging katangian ng pulitika sa Pilipinas ay pagiging marumi nito. Ang mga kandidato ay nagbabatuhan ng mga putik. Kaya may kasabihan sa Pilipinas na kung ayaw mong mabisto ang katauhan mo ay huwag kang pumasok sa pulitika. Ang dahilan noong-noon pa ng mga pulitiko, na “pagtulong sa kapwa” ang dahilan ng pagpasok nila sa pulitika ay pinagtatawanan na ngayon. Sinasabi pa ng iba na ang pulitika ay isa sa mga larangan kung saan ay yayaman ang isang tao – na unfair naman sa mga talagang walang intensiyong mangurakot….ng malaki. Tanggap naman ang 10% na komisyon na ang tawag noon pa man ay “for the boys”, na ayaw pa ngang tanggapin ng iba dahil nakakahiya sa sinumpaan nilang tungkulin. Ang masama lang kasi sa ibang nanalo at nakaupo na sa puwesto, hindi lang 70% ang gustong kurakutin, kundi 100% dahil ang project ay hanggang papel lang!

 

Hindi sana umabot sa hamunan ang dalawang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa kung hindi sana pinakialaman ni Roxas ang nananahimik na Davao City. Alam naman niyang alagang-alaga ito ni Duterte pati na ng mga Davaweἧo, pati ng mga taong nakatira sa mga bayang nakapaligid dito. Kung papansinin, nagpakumbaba pa nga si Duterte nang punahin ang pagmumura niya at tinanggap pa ang “lecture” ng Obispo sa Davao City. Ito ay pakita lang na okey sa kanyang punahin ang mga personal niyang pagkakamali sa mata ng mga moralista, pero ang kantihin ang inaalagaan niyang katahimikan sa Davao na kung ilang taon din niyang nilinis at pinatahimik ay maituturing na “below the belt”.

 

Nang gantihan naman ni Duterte si Roxas tungkol sa nakakadudang pag-graduate niya sa hindi naman gaanong kilalang eskwelahan sa Amerika, pumalag din siya. Ngayon ay nagsisisi siya dahil pati ang kredibilidad niya sa larangan ng edukasyon na isa sa mga pinagmamalaki niya ay nalagay sa balag ng alanganin. Dahil sa panggagalaiti niya, marami tuloy ay nagsasabing baka nga totoong hanggang kodakan lang ang pag-graduate niya  sa Amerika.

 

Ang daming maaaring ipaliwanag ni Roxas sa mga tao upang magkaroon ng linaw ang mga isyu na may kinalaman din sa sinasandalan niyang presidente ng Pilipinas…bakit hindi na lang niya dito ituon ang kanyang effort sa pangangampanya? Bakit kailangang siraan pa niya si Duterte na nananahimik na nga? Mag-concentrate na lang sana siya sa “tuwid na daan” na pinangako niyang ipagpapatuloy, para marami pang mahatak kung sakali. Huwag na niyang pakialaman si Duterte na ang kapalaran ay nasa kamay ng COMELEC. Sa ginagawa niya, halatang ninenerbiyos siya dahil malakas ang hatak pareho ni Duterte at Poe. Mukhang pumalpak na naman ang campaign machinery na tumutulak kay Roxas.

 

Sa interbyu kay Duterte sa isang radio station sa Manila tungkol sa kanyang pagkandidato, nakiusap siya sa mga sumusuporta sa kanya na maging mahinahon at itigil na ang pagbabanta ng “rebolusyon” kung siya ay ma-disqualify. Bukambibig niya ang pagtanggap ng disqualification  kung ito ang desisyon ng COMELEC, kaya sinabi pa niya na kung maaari ay ituon din ng mga sumusuporta sa kanya ang atensiyon nila sa ibang mga kandidato, upang makapili sila ng karapat-dapat kung sakali ngang siya ay ma-disqualify. Pinapakita ni Duterte na hindi siya sakim, dahil ang gusto lamang niya ay maging realistic ang mga supporter niya batay sa mga umiiral na sitwasyon. Sa isang banda, malinaw pa rin ang pahayag niya na hindi siya umuurong sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.

 

Naisahan ni Duterte ang mga Detractors sa Pag-amin ng mga Ginawa Niya…hindi siya Plastic tulad ng Iba!

Naisahan ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin

ng mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang kagatul-gatol na inamin  niyang nagkaroon siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na “kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga ito?

 

Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?

 

Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay “Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang Pilipino,  tulad ng Maranao, Maguindanao, Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon – lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man 100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi driver.

 

Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan. Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.

 

Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat, na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist groups.

 

Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!

 

Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan, etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!

Rod Duterte and Davao City

Rod Duterte and Davao City
By Apolinario Villalobos

For those who just read news about Rod Duterte, mayor of Davao City, the impression they get is the seemingly arrogance of the guy. But those who have known him for a long time, the feeling is admiration for having the guts to declare war against the smugglers who are sabotaging the country’s economy and the involved government officials. His action has become the favorite subject of rumor mongers in piers, coffee shops and even the houses of lawmakers. Who will not be irritated by the laxity of the people who are supposed to check on this activity and people behind it? And, so, can Duterte be blamed for giving warning to, DavideBangayan a.k.a. David Tan who is already identified as the perpetrator of this illegal activity in his turf?

During a Senate hearing about rice smuggling, Duterte, with profound coolness, let go of a simple introduction of his purpose in attending the hearing and as a finale, showed a photograph of David Bangayan who desperately kept on denying that he is also known as David Tan. But he failed to match the fire in the eyes of Duterte who, once more let out a stern warning that he (David Bangayan) shall be shot if he continues to smuggle rice into Davao City, adding that, he will do it for the country, and that he is ready to spend the rest of his life in jail. His pronouncement did not please de Lima of the Department of Justice who declared that the National Bureau of Investigation must “gather”, yet, additional evidences before necessary charges can be filed against Bangayan. As if such unpleasant statement of de Lima is not enough, Etta Rosales of the Commission on Human Rights took her position in the limelight by asking the Senate to charge Duterte with contempt. The acts of the two ladies just put substance to the statement of Duterte which implied that the government has more talk than act.

Before the administration of Rod Duterte, Davao City was a notorious hideaway of criminals from surrounding provinces, cities and towns. Touted as the biggest city in the world in terms of area, lawless elements made use of the wide domain in eluding the arms of the law. Agdao, a seaside district even became known as a “killing field”. Local tourism did not gain much as regards arrivals due to the unsafe atmosphere of the city despite its being gateway to Mt. Apo, the highest mountain in the Philippines at 10,311 feet above sea level, its being the showcase of famous fruits of the south, such as durian, oranges, rambutan, and the world famous Pearl Farm Resort. Fortunately, those bad impressions are now relegated to the past withDuterte’s assumption of the city’s stewardship.

Davao is the only city in the whole Philippines, known to strongly impose no-smoking policy in restricted areas and such reminder is being echoed by flight attendants just before incoming commercial flights taxi their way into the tarmac of the Davao International Airport. It is also the only city in the country where fireworks are not allowed during New Year celebration. Based on my experience, it is the only city where I found taxi drivers who return fare change to the last centavo!

And, now, with smugglers trying to invade the peaceful turf of Duterte, who sadly admitted that all he could do is conduct covert investigations, as his frequent checking at the piers might be viewed as connivance, made do with stern warning declared publicly, putting his reputation at risk. The detractor grabbed the opportunity by letting go a tirade of accusations, in an effort perhaps to earn a mileage of publicity and public sympathy, to which the impatient Filipinos, especially the direct victims, are not sold.