Sobrang Trapik at Problema sa Bigas, pareho lang ang mga ugat – korapsyon at pagkagahaman

Sobrang Trapik at Problema sa Bigas, pareho lang ang mga ugat

 – korapsyon at pagkagahaman

ni Apolinario Villalobos

Dahil sa hindi pagkontrol sa pagpasok ng mga imported na mga sasakyan, bago man o luma sa kabila ng hindi naman paglapad ng mga kalsada, talagang magkakaroon ng siksikan, na ang girian ng mga motorista ay umaabot pa minsan sa barilan. Nagkaroon nga ng mga “fly-over” subalit kulang pa rin. Upang mabawasan sana ang mga gumagamit ng mga sasakyan, nagkaroon ng mass transit systems na LRT at MRT, subalit dahil sa hindi magandang pamamalakad, palpak din. Hindi maayos ang lahat dahil may mga gustong kumita.

Hindi masosolusyunan ng pagdami ng mga MMDA traffic enforcers ang problema sa trapiko dahil kalsada ang isyu na pinatindi ng hindi makontrol na pagdami ng mga sasakyan. Ang plano namang pagkaroon ng “subway” ay isang kahibangan dahil ang Maynila ay binabaha, kaya ang tingin dito ay pagkakaperahan lang. Nakakatawa din ang planong subway, kahit pa sinasabi ng mga taga-gobyerno na gagawin ang lahat upang maiwasang ito ay bahain…paanong mangyari yan, eh kung ang flyover ngang nasa itaas na ay binabaha, yon pa kayang sa ilalim ng lupa?  Ang plano namang mga extension ng LRT papunta sa probinsiya ay naaantala ng mga dahilang hindi maunawaan. Malamang ay agawan ng isang bagay na alam na ng taongbayan. Nagsulputan pa ang mga “on call” na taxi na ang nagpapatakbo ay application sa cellphone, kaya lalong nadagdagan ang kanilang bilang na gumagamit ng kalsada.

Ang isyu naman sa kakapusan ng bigas ay tila hindi maintindihan ng mga mambabatas kung paano ugatin ganoong ang dahilan ay ang mga panukalang inaprubahan nila kaya nagsulputan ang iba’t ibang real estate developments na “kumain” ng mga palayan, gulayan, niyugan, at maisan sa iba’t ibang panig ng bansa, na tinayuan ng mga condo buildings, malls o shopping centers, at mga subdivision. Kumita nga ang mga taong dating nagsasaka sa pagbenta ng mga taniman nila, subalit ang epekto naman ay malawak dahil buong bansa ang naghirap. Nasaan ang mga batas na magmimintina sana sa pagiging agrikultural ng Pilipinas upang maging self-sufficient sa bigas man lang?

Kailangan pa ngayong umangkat ng bigas at ibang gulay sa mga kapit-bansa sa Asya. At ang nakakahiya, sa Pilipinas nagpakadalubhasa ang mga rice technologists ng mga bansang ito! Sa madaling salita, dahil sa kagustuhan ng gobyerno na gumaya sa ibang bansang mauunlad, pinilit nitong pagmukhain ding maunlad ang Pilipinas kaya hindi kinontrol ang pagbenta ng mga lupa sa sinasabing “investors”. Dumami nga ang mga infrastructures, marami naman ang nakanganga dahil sa gutom! At ang kumita ay mga foreign investors na pinapadala sa kanilang mga bansa ang kanilang mga kita!

Taun-taon ay dumadami ang mga Pilipino, subalit hindi man lamang naisip ng gobyerno na gumawa ng mga planong pangmatagalan lalo na sa mga isyu ng maayos na pamumuhay, pagkain at tirahan. Kapag nagkaputukan na ng problema, kanya-kanya na ng hugas ng kamay ang mga inutil na pasuweldo ng taong-bayan at nagtuturuan kung sino ang maysala…ganoong lahat sila ay iisa lang naman ang kulay!

Two Thoughts on Fake Rice and Noodles, and Poisoned Durian Candies

TWO THOUGHTS ON FAKE RICE AND NOODLES,

AND POISONED DURIAN CANDIES…

By Apolinario Villalobos

  1. THE LAWMAKERS SHOULD INVESTIGATE THEM, “IN AID OF LEGISTATION” – IMMEDIATELY, WHILE THEY ARE STILL VERY HOT ISSUES, ESPECIALLY, AS THEY SEEM TO HAVE A “PURPOSE”, IN VIEW OF THE COMING ELECTION. ALSO, MOST IMPORTANTLY, THE BETTER FOR THEM TO GET BEST EXPOSURE THAT THEY ALWAYS DESIRE.
  1. THE LAWMAKERS MUST EAT THE FAKE RICE AND NOODLES, AND THE POISONED DURIAN CANDIES TO MAKE THE RESULT OF THEIR INVESTIGATION “FACTUAL”, TO AID THEM IN COMING UP WITH “FACTUAL”, HENCE, REALISTIC LAW.
  1. THEY SHOULD EAT THE FAKE RICE FOR ONE MONTH AND THREE DAYS SO THAT THEY WILL KNOW THAT IT IS INDEED POISONOUS, AS SOME IRRESPONSIBLE GOVERNMENT SPOKESPERSONS ALLEGE THAT THE POISON TAKES EFFECT AFTER ONE MONTH OF CONSUMPTION – ONLY.

IT IS ONLY BY DOING THE ABOVE THAT THE “INTELLIGENT” AND “HARDWORKING” LAWMAKERS CAN SHOW THEIR “SINCERITY” IN PASSING LAWS THAT ARE NOT INTENTIONALLY- MADE DEFECTIVE SO THAT THEY BE EASILY “BROKEN”…IN AID OF CORRUPTION.

THE LAWMAKERS SHOULD TAKE SPECIAL NOTE ON WHY ALL OF THE ABOVE ARE ONLY CENTERED ON DAVAO, THE DOMAIN OF DUTERTE. THEY SHOULD ASK THEMSELVES WHY….WITH ONE MOST IMPORTANT QUESTION…IS IT A DEMOLITION “JOB”?

THE POISONED DURIANS, ALTHOUGH, DISTRIBUTED IN SURIGAO CITY, ARE WITHOUT QUESTION SYNONYMOUS TO DAVAO OR DAVAO CITY…AND, THE PERPETRATORS SEEM WANT TO SHOW THAT DUTERTE IS INUTILE IN CHECKING THEM.

Nasaan Ang Tone-toneladang Bigas?

Nasaan   ang Tone-toneladang   Bigas?

Ni  Apolinario Villalobos

 

Simple lang   ang  tanong   ng   marami: nasaan   ang tone-toneladang   bigas   na   sinasabi  ng National   Food   Authority (NFA)?  Kung  interbyuhin   ang   mga  taga-  NFA,  may  kayabangan pang sinasabi  nila  na  hindi   magkakaroon  ng   problema ang  bansa  sa  kakulangan  ng  bigas. Pero,nasaan   nga?   Dahil   ang  hindi   namalayan  ng   marami,  biglang   sumirit   ang  presyo  ng   bigas  sa  lahat   ng  pamilihan, lalo   na  sa  mga grocery  stores.  Wala nang   makitang   magandang   klaseng   commercial   rice  na  mababa   sa 40pesos  ang  presyo.  May  regular na  “NFA  rice” mura   nga   pero   inirereklamo  ng   mga   tao  dahil   durog-durog  at  may mga   malilit  na   butil   ng  bato.  

 

Nang    pumutok  ang   isyu  tungkol   sa  smuggled   rice,   ang   inasahan   ng   mga   tao ay   ang   pagbagsak    ng   presyo   nito   sa    pamilihan,  dahil   sunud-sunod  ang   pagdating   ng  mga   bigas   na   hindi   napatawan    ng    karampatang   buwis,  kaya  dapat   mura   ang   bentahan   sa    mga    pamilihan.   May    mga    pinagyayabang       ang  Bureau  of  Customs  na   nakumpiska    nila, pero   saan   ang    mga    ito?  Kung   meron  man bakit   hindi   na    ilabas at  ibenta    sa   murang   halaga   sa   mga    tao?

 

Hindi  pa   malinaw   hanggang   ngayon   kung   anong  hakbang   ang   gagawin   ng   mga   ahensiyang    may  kinalaman    sa   bigas    upang    masolusyunan   ang   roblema.   May   mga   iniimbestigahan    nga    subali’t    nang    masapawan   ng   isyung   eskandalo   ni   Vhong Navarro,     nakalimutan    na    yata    ang    pag-imbestiga  at  wala     nang   ginawa   upang   mapatawan    ng   parusa    ang    mga    sangkot   sa illegal    na    pag-angkat    ng    bigas.  Samantala,   ang    mga   Pilipino   ay   maluha-luha  habang   nakatingin   sa   mga  presyo   ng   bigas   sa   mga      pamilihan….kung    hanggang   kaylan,    siguro hanggang  ang  mga  tiwaling   opisyal   sa   pamahalaan    ay   kapit- tuko    sa   kanilang    mga    tungkulin.

 

 

Kaning Tutong at Kape ( Burnt Rice and Coffee)

*Kaning  tutong  at  kape…

(Burnt rice and coffee)

 

Ni Apolinario Villalobos

 

Kaning tutong, pilit kinakayod

Sasabawan ng mainit na kape

Nang  maski paano’y lumambot-

Biyayang maituturing ng  iba

Upang maipanlaman sa sikmura

At mapawi ang gutom sa umaga.

 

(Burnt  rice at the bottom of the pot

All it needs is coffee to soften it a bit

For  the poor,  a  blessing  from  heaven

Enough  to  fill  a  grumbling,  aching  tummy

That  for  days,  trembled  with  pain, agony

Blissful  breakfast,  to  last the whole day.)

 

(*Filipino language)