Ruby…young hooker of Manila

Ruby
(Young Hooker of Manila)

By Apolinario B Villalobos

A star sapphire glitters in the dark
just when your first cry tore the silence apart
and two faces smile with no word said
but a heartfelt thanks to the God above.

Into this world comes forth
another flower for their eyes and bundle of joy
who there lies for every body to behold
and now your story’s being told.

You’ve trodden enough
roads of stones and thorns so rough
for a woman but you are strong in heart
and full of hope that even the searing sun
could not wilt your will
melt your strength as you go on still
just like the fire
I find in your name.

Advertisements

Tanggapin Kung Ano ang Limitasyon ng Kakayahan…at huwag ikahiya ang kahirapan, pati pagka-senyor

Tanggapin Kung Ano Limitasyon ng Kakayahan….
At huwag ikahiya ang kahirapan pati pagka-senyor
Ni Apolinario Villalobos

Maraming mga kabataan ang napapariwara dahil hindi naibigay sa kanila ng kanilang magulang ang lahat ng hinihingi nila. Ang iba ay hindi lang napariwara kundi naging suwail din dahil natutong magalit o mainis sa mga magulang na hindi sila napagbigyan sa kanilang mga luho. Tahasang masasabi na sa lahat ng mga nabanggit, mga magulang ang may pagkakamali dahil habang sa murang gulang pa lamang ang kanilang anak ay hindi nila ipinakita at ipinaliwanag kung hanggang saan lang ang kaya nilang ibigay. Ang akala ng mga magulang na may ganitong pagkukulang ay pagpapakita ng pagmamahal ang pagbibigay sa lahat na hingin ng anak. Hindi nila alam ay unti-unting nahuhubog ang isip ng anak nila sa maling paniniwala.

May mga nababasang kuwento at nari-report sa TV at radyo tungkol sa mga batang prosti o nagbebenta ng aliw, at ang iba naman ay nakakausap ko mismo. Marami nito sa mga lungsod ng bansa, hindi lang sa Maynila. Ang nagtulak sa iba ay kahirapan, subalit mayroon din namang naghabol ng kikitaan upang maipantustos sa mga luho ng katawan na sa murang gulang ay kanilang natutunan. May mga nakausap ako na nagsabing gusto lang daw kumita upang may pambili ng bagong cellphone na mamahalin, magagandang damit, alahas, at iba pa. Ang simpleng luho ay lumaki hanggang madagdagan ng bisyo tulad ng alak, sigarilyo at illegal na gamot. Dahil madaling kumita ng pera gamit ang mura nilang katawan, hindi na nila naisipan pang bumalik pa sa kanilang mga magulang.

May mga magulang kasi na ayaw tumanggap ng kahirapan sa buhay. Ikinahihiya din nila ito kaya pilit na pinagtatakpan ng mga perang inutang. Kadalasan ito rin ang dahilan ng away ng mag-asawa. Meron pang mga magulang na nagtuturo sa mga anak na magkunwaring anak-mayaman. Marami akong mga kaibigan na ganito ang ugali, kaya naaawa ako sa mga anak nila na lumalaki sa pagkukunwari. Dahil ang ikinabubuhay ay halos puro sa utang galing, hindi rin nawawalan ng kumakatok sa kanilang pinto araw-araw upang maningil ng pautang. Ang isang kaibigang pinayuhan ko na magbago na ay nagalit pa sa akin, kaya sa inis ko rin, hindi ko na pinautang uli. Hinayaan ko na lang na hindi niya ako bayaran sa huling inutang niya sa akin na nalaman kong ibinili pala ng bagong cellphone para sa anak, ganoong ang dahilan sa akin ay pandagdag daw sa ibabayad sa tuition.

Ang isang nakakatuwa ay ang ayaw pagtanggap ng iba ng kanilang pagkasenyor na dapat ay itinuturing na biyaya dahil umabot sa ganoong edad. May isa akong kaibigan na nagdaos ng kanyang bertdey subalit hindi pinabatid ang kanyang gulang. May isa siyang kumareng maurirat at nagtanong, na sinagot naman ng may bertdey ng “57 years old”. Narinig ito ng anak at sinabihan ang kanyang nanay na, “ mama talaga, ilang beses ka na bang nag-fifty seven?”. Bilang parusa, isang linggo yatang hindi binigyan ng allowance ang bata, kaya nagkasya ito sa pamasahe lang, at pagbaon ng kanin at kung anong ulam meron. Ang edad ng nanay na kaibigan ko ay 64.

Sa dyip namang nasakyan ko, may isang ale na nakisuyo sa aking mag-abot ng kanyang pamasahe na minimum. Napansin kong ang halaga ay pang-senyor citizen. Nang matanggap ng drayber nagtanong kung bakit kulang, mas mababa kasi kaysa regular na minimum fare. Ang ale naman, bagong kulay yata ang buhok kaya nagmukhang bata, hindi tuloy mukhang senyor, subalit ibinulong lang sa aking senyor daw siya. Sinabi ko naman sa drayber na “senyor daw” subalit may kalakasan, at narinig ng ibang pasahero kaya tumingin sa ale at sa akin. Nagalit sa akin ang ale, tiningnan ako ng masakit, at pabulong na sinabing, “nilakasan pa!”…sabay ismid. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nakinig sa stereo ng jeep na ang tugtog ay, “The Falling Leaves”.

The Alley

The Alley

By Apolinario B Villalobos

 

 

Beneath the shadow of two buildings

Pockmarked with holes, squares

Enough for one or two,

The alley beckons to me

and through it, I squirm my way.

 

I go through it with counted steps and smile

at girls with pouting lips

as I was prodded on with curiosity 

to peek inside the room

foreboding, clouded with gloom.

 

Heavily made up faces, some young, some old

all with ready smile, entice the timid and the bold

for short-lived happiness along the alley

where life is lived from day to day

and for what comes next

Nobody could say…