Ang Nakakalasing na Kapangyarihan at Pera

Ang Nakakalasing na Kapangyarihan, Pera man o Poder

…kasama dito ang “hawi boys” ni Binay

Ni Apolinario Villalobos

Bihirang-bihira ang mga taong nagsimula sa wala ang hindi nalalasing sa kapangyarihan. Ayon sa mga dalubhasa sa sikolohiya, natatanim sa kaisipan ng mga taong ito ang pangarap na kung sakaling magkaroon sila ng pera, kaginhawaan o poder, babawi sila sa pagpapakasaya. Ang malungkot, dahil dito, kadalasan, akala nila may kapangyarihan na sila upang magsamantala sa kapwa. Nagbunga ang ganitong kaisipan ng kasabihan sa Ingles na “what are we in power for”, o sa Filipino na maski biro ay, “magkano ka?” o di kay ay ang “inggit ka lang!”.

Ang mga biglang nagkaroon ng maraming pera, hindi alam kung ano ang gagawin dito, itabi ba sa bath tub? o hihigaan sa kama. Ang mga naluklok bigla sa mataas na pwesto sa pamahalaan, biglang nagkaroon ng sangkaterbang bodyguards o mga hawi boys, hindi na malapitan o makalabit man lang ng mga dating kaibigan. Yong mga napapagsabihan tungkol sa kanilang masamang gawi, sumasagot ng “hintayin ninyo ang panahon ninyo”.

Yong mga hindi naman talaga pansinin dahil sa pangkaraniwang hitsura, kulay ng balat na animo ulekba, biglang naging gwapo o magandang babae. Ang pangong ilong, naging cute, ang magaspang na balat naging smooth. Talaga din namang dahil sa pera o poder, sila ay naging gandang Pilipina o gwapong Pilipino. Hindi na sila maitim, kundi morena o moreno na, ibig sabihin ay brown – kulay Pilipino. Upang mapansin sa mga okasyon, ang mga may kapandakan, kailangang magkaroon ng malawak na espasyo sa paligid nila at dito pumapapel ang mga hawi boys, kasi kung walang espasyo, sila ay lulubog at ni buhok nila ay hindi makikita.

Merong mga ganitong taong dahil sa sobrang “kalasingan” sa kapangyarihan, sa simpleng di pagkakaintidihan kaya hindi napagbigyan sa gusto, ay buong kayabangang magtatanong, “hindi mo ba ako kilala?” Sila yong mga may lakas ng loob na pumapasok sa mga kalyeng one way. Sila yong nagpipilit lumabas sa mga gate ng exclusive subdivisions na may oras ang gamit. Sila yong nambubulyaw ng mga reporter na nagbo-broadcast ng kanilang mga kasalanan.

Kung wawariin, may mga namumuno na talagang napakayaman pero ang pinagsimulang pera ay galing sa maliit na negosyo lamang at hindi yaman ng pamilya. Tulad ng isang naging mayor ng isang lunsod na nagsimula sa pagtinda daw ng lugaw. Masipag daw sa pagtinda ng lugaw…naging mayor at noon daw nagsimula ang kanyang swerte. Minahal siya dahil sa mga itinatag daw niyang maraming foundation na namamahala daw sa pagtulong sa mga mahihirap. Pero ang tanong ng marami ay kung paano yumaman ang pamilya niya? Sa pagtinda daw ba ng lugaw? Kung totoo ito, talaga din namang nakaka-inspire!

Matalino talaga ang Diyos dahil gumagawa Siya ng paraan upang mabunyag ang gawaing hindi maganda. Tulad na lang ng kasong Napoles na dahil sa sobrang pagdududa ng isang ginang Napoles na siya ay naiisahan sa ginagawa niyang kamalasaduhan, nagawan niya ng hindi maganda ang isa niyang empleyado at kamag-anak pa, kaya sa bandang huli ito ay pumalag at siya (Napoles) ay isinuplong.

Sa isang bagong pangyayari naman, sa loob ng Dasmarinas village, isang exclusive na subdivision, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng convoy ni Mayor Junjun Binay ng Makati at mga guwardiya ng subdivision. Gustong lumabas sa isang gate ang grupo ni Mayor pero hindi pinayagan dahil lampas na sa oras ng itinakdang paggamit nito. Sinabihan sila na gamitin ang talagang gate para labasan ng mga galing sa loob ng subdivision. Subali’t hindi pumayag ang grupo ni Mayor Binay, may isa pa siyang bodyguard na kumasa ng baril. Ang pinakamatindi, nagtanong daw si mayor sa mga guwardiya ng ganito: hindi nyo ba ako kilala? Tumawag ang grupo ni mayor ng mga pulis Makati at dinampot ang mga guwardiya, dinala sa presinto. Hindi man lang kumibo si senadora Nancy Binay na kasama sa convoy. Nakatira siya sa subdivision kaya dapat alam niya ang mga patakaran. Hindi totoo ang balitang hindi namukhaan ng mga guwardiya si mayor Binay dahil may kadiliman sa lugar, kaya nagtanong pa siya kung kilala ba siya o hindi.

Ang pangyayari ay pinagpiyestahan sa social media – lahat ng komento laban sa mga Binay. Sa halip na gumitna, pinanigan pa ni vice-president Binay ang ginawa ng anak. Kaya tuloy narinig sa radyo ang sinabi ng isang broadcaster na noon daw bago pa lang ipinatupad ang batas na pagbabawal sa paggamit ng wangwang, dumaan daw ang convoy ni vice-president sa isang one way na kalye. Nang ibinalita ito ng isang babaeng reporter, pinagalitan daw siya ni vice-president. Marami ang nakakapansin na sa mga opisyal ng gobyerno, si vice-president Binay daw ang may pinakamaraming bodyguards, talo pa ang presidente. Pati ang pambulyaw din daw ni senador Nancy sa isang guwardiya ay naungkat. Pangkaraniwan na daw sa kanila ang magtanong ng “hindi mo ba ako kilala” tuwing may makaalitan. Marami tuloy ang nagtatanong na kung ngayong hindi pa daw presidente ang nakakatandang Binay, paano na kung talagang presidente na?

Nang minsang ako ay mag-emcee sa isang maliit na okasyon sa SM Mega Mall nakaranas ako ng mapait na karanasan sa mga hawi boys ni vice –president Binay na noon ay mayor pa lang ng Makati. Habang hinihintay ko ang ibang bisitang darating, nakatayo ako sa halos dalawang dipa lamang ang layo mula sa pagdadausan ng okasyon. May dumating na mga naka- short sleeved barong tagalog na mga lalaki – humahangos. Pinapaalis ako sa aking kinatatayuan dahil darating daw si mayor Binay. Nagreklamo ako, sabi ko, kung dadaanan si mayor, maluwag naman, at dagdag ko pa, mag i- emcee ako sa isang okasyon na hindi kalayuan, sabay turo sa lugar na may mga upuan. Bisita din pala si mayor Binay. Hindi man lang humingi ng pasensiya ang mga hawi boys maski napahiya sa inasal nila. Tiningnan lamang ako ng matalim…kaya hindi na ako nagulat sa bagong pangyayari sa Dasmarinas Village.

Kung yong kawawang pulis sa Tacloban na nagbanggit lamang ng numero bilang pagtaya kung ilan ang namatay sa Tacloban dahil sa bagyong Yolanda ay tinanggal sa pwesto, bakit hindi gawan ng karampatang aksyon ang pamunuan ng pulisya sa Makati na humuli sa mga guwardiya ng Darmarinas village, upang magsilbing aral sana sa iba pang mga pulis na hindi yata alam ang dapat gawin? Talagang bulag ang hustisya!

Dahil sa pangyayari sa Dasmarinas Village, siguradong magkakaroon ng dugtung-dugtong na mga rebelasyon tungkol sa tunay na kulay ng mga Binay. Ito lamang ang hinihintay na pagkakataon ng mga kalaban nila sa pulitika. Kung ang mga senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay nadawit sa eskandalo ni Napoles, ano naman kaya ang ipapalabas tungkol sa mga Binay? Tungkol din kaya sa kanilang yaman at mga properties? Paanong nagkaroon? at saan galing? Mag-abang na lang tayo…tiyak marami ang lalantad.

Sa ganang akin, kung nagkataong tumakbo at nanalo bilang presidente si Binay…na ibinoto ko dahil bilib pa naman sana ako sa kanya, at saka pa lang nagkabistuhan ng tunay na kulay, baka i-untog ko ang ulo ko sa pader!

Pasalamat tayo sa Panginoon at nagkaroon ng insidente sa loob ng Dasmarinas Village – dahil sa pahamak na gate…

Ang Negosyo sa Kuryente…at ang maagang pangangampanya ni Jericho Petilla

Ang Negosyo sa Kuryente
…at ang maagang “pangangampanya” ni Jericho Petilla
Ni Apolinario Villalobos

Kasama sa pagnenegosyo ang agam-agam sa pagbagsak o pagkalugi nito. Ang negosyante ay dapat maging handa kung ano ang gagawin sakaling ito ay mangyari. Kasama sa kahandaan ang pagbalik ng nawalang puhunan at pagtanggap ng pagkakamali. At, upang hindi na maulit pa, dapat kilalanin ng negosyante ang uri ng kanyang mga kostumer upang makaisip siya ng angkop na istratehiya o pamamalakad.

Ganyan dapat ang MERALCO at iba pang ahensiya na may kinalaman sa negosyo ng kuryente. Ang palaging sinasabi nilang dahilan upang makapagtaas ng singil ay ang pagkalugi daw. Paano silang malulugi, ganoong sila lang naman ang nagpapatakbo ng industriyang ito? Ang mga tao ay walang mapagpilian dahil ang MERALCO ay nag-iisa, kaya walang kakumpetensiya na maaaring maging dahilan ng agawan ng mga kostumer.

Mismong MERALCO ang umaamin na malaking boltahe ng kuryente ay ninanakaw dahil sa mga illegal na koneksiyon. Bakit hindi nila gawan ng paraan upang matigil ito? Bakit nila ipapataw ang kalugian sa ibang mga kostumer na hindi naman gumagawa nito? Ibig bang sabihin, halimbawa, ay magtataas ng presyo ang isang grocery dahil madalas silang kupitan o di kaya ay holdapin?

Yong sinasabi namang “nawawala” na kuryente dahil sa haba ng dinadaluyan nito, kaya pagdating nito sa malalayong customer ay mahina o manipis na, ay isinasama pa rin sa paniningil sa lahat. Kasalanan ba ng mga kostumer kung palpak ang paraan nila sa paglatag ng mga kable? Ibig bang sabihin, sa pagdeliber halimbawa ng buhangin, dahil hindi maganda ang disenyo ng trak kaya maraming natatapon, ang mga natapon ay ipapataw sa omorder?

Hindi makatarungan na ang ganitong uri ng “pagnanakaw” ay gawin ng mga negosyante ng kuryente sa mga kostumer. Subali’t dahil umiiral, pagpapakita lamang ito ng kahinaan at pagka-inutil ng pamahalaan at ng ahensiyang may kinalaman dito, ang Department of Energy. Dapat, anuman ang mga kalugian ng mga negosyante sa kuryente ay sarilinin nila, dahil inaasahan silang handa sa ganitong pangyayari. Kung hindi naman napaghandaan, dapat ay aminin nila at bitiwan ang negosyo upang mahawakan ng ibang responsable, matino, at matapat – hindi mapanlinlang!

Ang masakit pa ay ang paggastos ng milyones para sa informercial ng hepe ng Department of Energy, si Jericho Petilla na animo ay nangangampanya na sa pagka- senador sa 2016 election. Ginagawa niyang tanga ang mga tao sa pagsasabi ng mga dapat gawin upang makatipid sa kuryente, ganoong, ang mga ito ay matagal nang alam maski ng mga bata.

Ang Kapangyarihan ng Pera

Ang Kapangyarihan ng Pera
Ni Apolinario Villalobos

Ang buhay ni Hesus ay tinapatan ng tatlumpong pirasong pilak. Sa halagang yon, siya ay namatay sa krus na paraan niya sa pagligtas sa sangkatauhan. Ibig sabihin, kung hindi dahil sa tatlumpong pilak ay nakasadlak pa rin tayo sa ating kasalanan hanggang ngayon.

Ang kapangyarihan ng pera ay hindi matatawaran. Maraming pamilya ang nabuwag at magkaibigang nagpatayan dahil dito. Mayroon ding napariwara dahil pinagpalit ang kanilang dangal sa kinang nito. Mayroon pang nagsugal ng buhay, makahawak lamang ng ilang bungkos ng salapi. May mga taong dahil nasilaw sa pera ay bumigay kaya nalaman ang tunay na layunin kahit anong pilit nilang pagtatakip dito.

Ang mga bansa ay pinapatakbo ng pera, kaya kung alin sa kanila ang may pinakamarami nito ay itinuturing na makapangyarihan. Sa pamamagitan ng pautang ay natatali nila ang utang na loob ng mahihirap na bansa upang maging kaalyado nila.

Pera ang pinapakilos upang magkaroon ng mga nakamamatay na imbensiyon ng tao. Ito rin ang ginagamit upang masira ang buhay ng dating matitino na nalulong sa bawal na gamot, lalo na ng mga kabataan sa nagsimula ang bisyo sa alak at sigarilyo. Ito rin ang dahilan ng pagiging suwail ng mga anak na dahil hindi masunod ang luho ay natutong maging tampalasan sa kanilang mga magulang.

Subali’t kung iisiping mabuti, ang layunin ng pera ay upang mapagaan ang buhay ng tao, dahil nang nagkaroon siya nito ay hindi na niya kailangan pang magbitbit ng kanyang kayamanan tulad ng bulto-bultong ginto, pilak, alahas, at mga hayop gaya ng ginagawa noong unang panahon. Ngayon, ang kailangan ng tao ay ilang pirasong papel at barya na pera, tseke o credit card, at maaari na siyang mamili o maglakbay.

Hindi dapat isisi sa pera ang mga hindi magandang nangyari sa buhay ng tao. Ang hindi magandang paggamit sa pera ang dahilan kung bakit nasira ang tao.

The Power of Money

The Power of Money

By Apolinario Villalobos

Money is not the root of all evils. It is the love for it and its improper use that make it such. Those who have been able to deposit hefty sums of this tender regardless of denomination are  generally,  of two types. One type are those who remain footed firmly on the ground and remained simple in their ways, and the other one are those who developed wings of arrogance that buoyed them up so that they feel “superior” than the rest of humanity.

There is not much to discuss about the first type, those who remained footed firmly on the ground despite their material wealth as they are doing just fine as far as God and their brethren are concerned. As for the second type – well, they are something else, and very interesting, too.

If money is used improperly, the following may just be the result:

1. It can make one stiff-necked, such that he will never be able to look back to where he came from before he became rich.

2. It can give him a horse-vision, such that his focus is just forward, making him such a “grand peacock” that never looks sideward.

3. It can make him feel like a “god”, such that he thinks he is in control of everything and everybody.

4. It can transform him into a robot– no past, no genetic origin because he has disowned his brothers, sisters, parents, cousins, friends (as they may just ask for money if he happens to throw them even just a simple squint).

I once had a very close friend. Like me, he was a survivor, too, of the harsh life in Manila. We came from the same province and both of us belong to poor families. Unlike me, however, he was nailed to his first job, while I got promoted after four years. Promotion came to him after another four years, during which I was already a manager.

Fortunately for him, however, he married, though late in his life, a widow, who though not a looker, got a lot of glitter – businesses in Manila and four major provinces. In other words, he hooked himself a millionairess. And, that was when his transformation took place.

The case of my friend inspired me to come up with the four enumerated transformations after we bumped each other in mall in Makati. When I greeted him, he glanced at me with a blank look. I was and still close to his brother and sister who are now working in Manila and they told me that their mother died without seeing their now rich brother. The reason was, he cut off his communication with them. They could not just get in touch with him so that he can be told of  the news about their dying mother. Eventually, the poor mother died without seeing her rich son. They were told that he now lives in a very uppity subdivision in Alabang and that’s all. One sister was able to contact him while she was applying for a job. That was the time when he was about to marry the widow and she was told by him to just wait for his letter to be sent to their address in the province. The sister thought all the while that he could help her find a place for her to stay in Manila. But it did not happen. Out of pity, I brought her to my former boarding house in Baclaran and introduced her as my cousin so that she will be given a discount by my former landlady.

My friend indeed sent a letter much later to his sister, with an enclosed money – 2,000 pesos. In that letter was a clear instruction for the whole family – not to locate him, and just let him get in touch with them, if he has the time.

Here is another case of a friend who got married at a very young age. He also came from a struggling family. He was fortunate to have met a hardworking girl who toiled her way through college. While he was not able to finish the course that he started, the girl became an engineer. Both have business acumen. They started a small business that grew tremendously in just less than ten years. They went into franchising. They were able to stash a lot of money which they used in buying shares of resorts and two condos. They lived in one unit and rented out the other.

Unfortunately, they became paranoid. They distanced themselves from their families and relatives, thinking that they will ask for a share of their fortune. They distanced themselves from friends, thinking that the latter will ask their help in sending their children to school or burden them with hospital bills, etc. Only the phone numbers of their office were known. Calls were strictly screened. They have practically isolated themselves.

In both cases, my two friends thought that with money, they could buy themselves comfort and security. In a way, they were able to do it. They have cars, luxurious dwellings and foods, salaried secretaries and guards.

I suppose that with their stature, my two friends could be surrounded now with newfound friends who are equally rich. But all of those have no meaning as they lack the warmth of the real comfort and security that do not have monetary value. It is the warmth of friends and family – the warmth that goes with the thought of belonging, of being together no matter what happens.

We cannot buy love. We cannot buy loyalty. They have no monetary value. Their value is measured by the heart and not by the ounce of gold, silver, platinum or karat of whatever precious stone.

I know of a filthy rich guy who also started from scratch. He died of cancer but during the wake, his rich friends wondered why no relative showed up. Their wondering gave them the impression that their rich friend could have been bad to his family because until the day he was interred, only his wife and two children, aside from them rich friends were around to bid him farewell. As you see, even the friends whom the dead rich fellow thought were his friends, sent him off with a bad impression.

Well, that’s money for you.