Napoles is the Most Appropriate State Witness in Pork Barrel Scam

Napoles is the Most Appropriate

State Witness in Pork Barrel Scam

By Apolinario Villalobos

 

If Duterte would like to dig up the roots of the pork barrel scam the investigation of which he would like to reopen, the most appropriate state witness is Napoles. Only she knows who were the government officials, lawmakers and the responsible agency staff who manipulated the “operation”, and likewise, benefited from the scam.

 

As a practice, government “commissioners” would come up with projects from which they could derive “fat commissions”. The project is complete with ways on how to circumvent restrictive laws and cohorts such as NGOs and sources of funding. The NGOs serve as “conduits” of funds from financiers which in the case of the pork barrel scam is Napoles. In other words, she was used by the government officials and knowledgeable agency staff, as they know when funds would be released for certain projects. These government people tell Napoles what to do to get hold of the fund. Meanwhile, in most cases, she may have already “advanced” the commission of the concerned government officials. The system literally makes Napoles, “buyer” of projects.

 

If Napoles shall surface as a prime state witness, the statements of government officials about their signature being forged shall definitely crumble. Although, it is true that concerned officials did not sign the documents personally, they may have given the authority to Napoles or her staff to forge their signature, as what Benhur Luy had been alleging, so that the processing of documents could be facilitated even without them (government officials) around. This is the technicality that “BRIGHT” lawyers of crook officials always use. Forging signatures in official documents is very prevalent….and everybody knows that!

 

Finally, if the scheme of making Napoles the principal witness in the reopening of the pork barrel scam cases would materialize, it will definitely make the world of erring government officials smaller day by day….

Ang “Kahalagahan” ni Napoles bilang Ugat ng Pork Barrel Scandal

ANG “KAHALAGAHAN” NI NAPOLES

BILANG UGAT NG PORK BARREL SCANDAL

Ni Apolinario Villalobos

 

 

UNETHICAL ANG GINAWA NI SOLICITOR GENERAL NA PAGSALITA TUNGKOL SA KASO NI NAPOLES DAHIL SINABI NITONG ABSUWELTO SI NAPOLES SA KASONG ILLEGAL DETENTION KAY LUY, PARA NA RIN NIYANG SINABI NA WALANG KASALANAN SI NAPOLES. SA ISANG BANDA, MAAARING MAY MABIGAT NA DAHILAN. ANG ILLEGAL DETENTION CASE AY PWEDENG PATIKIM LAMANG SA IBA PANG FAVORS NA PWEDENG IBIGAY KAY NAPOLES BASTA “IKANTA” NIYA ANG MGA “KLIYENTE” NIYANG MGA SENADOR AT KONGRESISTA, AT IBA PANG MGA OPISYAL NG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON.

 

PWEDENG GAMITIN SI NAPOLES NA STATE WITNESS DAHIL SIYA LANG ANG MAY KARAPATANG MAGTUTURO KUNG SINO SA MGA SENADOR AT MGA CONGRESSMAN, AT IBA PANG OPISYAL,  NA NAKIPAGKUTSABA O NAKIPAG-CONNIVE SA KANYA TUNGKOL SA PORK BARREL ANOMALIES. YAN ANG PINAKAMABISANG PARAAN UPANG MAKASUHAN ANG MGA TIWALI SA GOBYERNO DAHIL ANG MGA INFORMATION NA MAKUKUHA KAY NAPOLES AY MAITUTURING NA “FIRST HAND”….ANG MULA KAY LUY AY “SECOND HAND” LANG.

 

KUNG IDADAAN SA MATHEMATICS, SIMPLE LANG NAMAN ANG IPAPAKITA: ISANG NAPOLES NA ANG KATUMBAS AY NAPAKARAMING MGA SENADOR AT KONGRESISTA, AT KUNG SUWERTIHIN PA AY MGA NAGING KALIHIM O MGA OPISYAL NG MGA AHENSIYA.

 

HINDI NA ISYU ANG PERANG NAWALDAS DAHIL GINAMIT NA NG MGA SENADOR AT KONGRESISTA….WALA NA….LUSAW NA! PERO ANG NANDIYAN PA AY ANG MGA TAONG SANGKOT NA DAPAT MAPANAGOT….AT, ANG IBA AY NAKAUPO PA SA MGA BULWAGAN NG MGA MAMBABATAS AT NAGMAMALINIS.

 

ANG TAWAG KO SA MOVE NA YAN NG GOBYERNO AY ANG “PAG-UGAT”, O PAGDUKAL, O PAGHUKAY UPANG MATANGGAL ANG UGAT NG ISANG KASO. KAILANGANG TUMBUKIN ANG UGAT NA SI NAPOLES.

 

KUNG MATALINO ANG MGA ABOGADO NG GOBYERNO, LALO NA ANG SOLICITOR GENERAL, MADYIKIN NILA O GAWAN NG PARAAN KUNG PAANONG MAIPAKITA NA “GINAMIT” LANG SI NAPOLES O “PINILIT” NG MGA  TIWALING MGA SENADOR AT KONGRESISTA UPANG MAGLABAS NG PERANG PAMBILI NG PROJECT FUNDS. PALABASIN NILANG LEAST GUILTY SI NAPOLES UPANG MA-QUALIFY BILANG STATE WITNESS.

 

 

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy na Pinaghandaan Niya

Umaayon ang mga Pagkakataon kay Pnoy

na Pinaghandaan Niya

Ni Apolinario Villalobos

 

Sa pagkalaglag ni Mar Roxas mula sa kalinga ni Pnoy Aquino dahil sa hindi pagka-apruba sa dalawang libong pisong dagdag sa buwanang pensiyon ng mga retirado, wala ring problema sakaling manalo si Jejomar Binay. Dapat tandaang ang kalaban ni Binay ay ang tatlong senador na pursigidong siya ay makulong-  sina Escudero, Trillanes at Pimentel. Sa isang banda ay paulit-ulit na sinasabi ni Binay na malaki ang utang na loob niya kay Cory Aquino na siyang nagluklok sa kanya sa Makati City bilang mayor nang umupo ito bilang presidente pagkatapos ng People Power 1. Dahil diyan, malayo sa isip niya na sumuporta sa anumang balak na kasuhan si Pnoy, bilang pagpapakita ng utang na loob. Wala rin siyang probema dahil naghihintay na sa kanya ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, na lalo pang nilakihan sa halagang nakakalula.

 

Maraming mapaggagamitan ang pork barrel fund na inaprubahan ni Pnoy, lalo na sa panunuhol upang maharangan ang anumang tangkang kasuhan siya sa kanyang pagbaba at pagkawala ng immunity. Sa Ingles wika nga ay, the road has been paved for smooth travel….o pag-absuwelto kay Pnoy mula sa anumang kaso. Majority ng miyembro ng Korte Suprema ay naimpluwensiyahan na ni Pnoy at ang iba ay iniluklok naman niya sa panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi maiiwasang magkaroon sila ng utang na loob sa kanya. Yong mga inuluklok ni Pnoy na nagsasabi ng, “gagawin ko lang ang trabahong itinalaga sa akin”, ay mabuti pang manahimik na lamang mula ngayon dahil siguradong sisirain lang nila ang binitiwang pangako. Hindi dapat kalimutan na ang isang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay matiim na nakaangkla sa “utang na loob” na siya namang dahilan kung bakit napakarumi ng pulitika sa Pilipinas.

 

Ang mga nabanggit na senaryo ay malamang na matagal nang nakikita ni Pnoy kaya kung gumawa siya ng mararahas na aksiyon na taliwas sa mga inaasahan ay ganoon na lang. Samantala, ang pag-asa na lamang ay ang kasong inilalatag sa kanya ni Juan Ponce Enrile tungkol sa direktang pananagutan niya sa madugong kamatayan ng SAF44 sa Tokanalipao, Mamasapano, sa probinsiya ng Maguindanao. Subalit kung ito ay ihahain sa Korte Suprema, tatanggapin naman kaya ng karamihan ng mga mahistrado ang “command responsibility” bilang batayan ng kanyang kasalanan? Ano ang magagawa ng isang mabigat na ebidensiya sa harap ng mga naimpluwensiyahang kaisipan na nabaluktot kaya hindi makagawa ng patas na desisyon? Nangyari na yan nang kung ilang beses….at siguradong mangyayari pa!

Ang Kababawan ni de LIma

Ang Kababawan ni de Lima
Ni Apolinario Villalobos

Pagkatapos ma-disable ng pamahalaan sina Enrile, Revilla at Estrada, sa pamamagitan ng mga patung-patong na kaso na ikinasadlak nila sa kulungan, heto si de Lima at titigil na raw sa pagsampa ng mga kaso sa iba pang mga tiwaling opisyal na nabistong mga kaalyado pala ng pangulo. Idinahilan ni de Lima ang marami pa daw niyang “priorities”kaya hindi na kaya ng schedule, lalo pa at siya ay magbibitiw na. Ganoon lang? Hindi ba mahalaga ang mga kasong may kinalaman sa pagnanakaw sa kaban ng bayan kaya nagkandahetot-hetot ang Pilipinas na lalong ikinasadlak ng mga Pilipino sa hirap at gutom?

Sa napakaagang pagkakataon ay ipinakita ni de Lima ang kanyang pagka-iresponsable bilang inaasahan sanang hepe ng isang mahalagang ahensiya na siyang aalalay sa mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga tiwaling opisyal upang makamit ang hustisya. Ano ang sinasabi niyang mga “priorities”?… ang pagbibiyahe upang magpakilala sa mga tao bilang isa sa mga kakandidato para sa senado? Kung yon ang dahilan, lalo siyang lumalabas na iresponsable at hindi maaasahan o mapagkakatiwalaan dahil hindi siya marunong magtimbang ng mga “priorities”.

Ang dapat sana niyang ginawa ay madaliin ang pag-file man lang mga mga kaso, upang maitala sa record ang pangalan ng mga taong sangkot at ang mga ibinibintang sa kanila ng Commission ng Audit. Kung hindi man umabot sa mga deadline dahil sa nalalapit na eleksiyon, saka na lang niya ipamana sa papalit sa kanya. Ang masama, nagpaka-obvious siya sa paghugas ng kamay dahil kaalyado ng kanyang boss ang mga taong dapat sana ay kakasuhan na.

Ang ginagawa kaya niya ay bahagi ng alituntunin ng boss niya sa pagtahak sa “tuwid na daan” daw?

Pilipinas: Bansa ng Mga Imbestigasyon

Pilipinas: Bansa ng Mga Imbestigasyon

…na walang katapusan

Ni Apolinario Villalobos

Sa buong mundo, ang pamahalaan ng Pilipinas na yata ang may pinakamaraming ginagawang imbestigasyon. At ang masaklap, sa loob ng isang taon, maswerte na kung may isang kaso ng korapsyon na naresolba. Ang sabi nga ng iba, malugod naman daw na tinatanggap ng iba’t ibang korte ang mga kaso, tinatatakan, at ini-eskedyul – lang. Kung matuloy man, Diyos lang ang nakakaalam!

Ang mga mambabatas, matatakaw sa publisidad. Kaya basta kasong popular sa mga tao, kahit labas na sa kanilang hurisdiksiyon, ay pinakikialaman upang mahagip lang sila ng mga TV camera at ma-interview sa radyo. Scoop kasi. Sabi ng isang komentarista sa radyo, baka gusto din nilang imbestigahan kung bakit nawalan ng ganang kumain ang aso ng isang masyadong sikat na artista…o, kung bakit naghiwalay ang dalawang sikat na artista!

Nang pumutok ang Maguindanao Massacre, hindi magkandaugaga ang mga mambabatas sa pagsawsaw. May mga nangakong hindi sila titigil hangga’t hindi naparusahan ang maysala, pati ang Presidente ay nangako ng agarang imbestigasyon upang matuldukan agad ang kaso. Nasa korte na nga ang kaso, subalit sa kabila ng mga malinaw na ebidensiya, ang mga pangunahing sangkot na mag-aamang Ampatuan, ay hindi pa rin nasisintensiyahan. Halatang dini-delay ang imbestigasyon sa pamamagitan ng mga technicalities. Ang dahilan ay hinihintay pa raw na mahuli ang iba pang mga sangkot…hanggang sa pumutok ang isyu na nagkakabayaran, kaya lalong nagkalitse-litse ang mga hearing! Samantala, ang mga kamag-anak ng mga biktima na galing pa sa malayong isla ng Mindanao ay nagkandabaon sa utang dahil sa pangangailangang pamasahe, pagkain at bayad sa mumurahing hotel sa Maynila.

Nang lusubin ni Misuari ang Zamboanga, imbistigasyon uli. Animo na-dilubyo ang siyudad. Ang mga biktima ay lupaypay na sa hirap dahil sa kawalan ng hanapbuhay pati nang maayos na tirahan. Ganoon din ang nangyari nang lusubin ng BIFF ang ilang bayan sa Mindanao…imbestigasyon din ang ginawa. Alam na pala kung saan naglulungga si Misuari ay kung bakit hindi pa rin ito masugod upang mapanagot. Alam din kung saan ang kampo ng BIFF, ay kung bakit hindi rin malusob.

Sa kaso ng MNLF, ang hawak lang ni Misuari ay isang maliit na faction nito. Ang ibang factions ay sa ilalim na ng ibang matitinong MNLF leaders, kaya hindi maaaring gawing dahilan na baka magkagulo kapag inaresto ito. Inabot tuloy ng pag-uusap para sa kasarinlan ng Bangsamoro, at gusto pa ng Kongreso imbitahin si Misuari at ang pamunuan ng BIFF, kaya gustong ipa-suspinde ang kanilang warrant of arrest! Halata ang delaying tactic na ginagawa ng Kongreso, upang bumaba man si Pnoy, hindi pa rin tapos ang usapin. At, ang kahihinatnan nito ay magdedepende sa bagong Presidente. Kawawa namang ang mga probinsiya at bayan sa Mindanao na umaasa dito.

Nagkalokohan sa mga proyekto para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. May kinalaman ito tungkol sa pagbili ng mga mahihinang klase ng materyales para sa pabahay. Pati ang mga relief goods ay nagkandabulok at pinagnanakaw….imbestigasyon uli, na wala namang kinahinatnan! Abut-abot pa ang pagdepensa ng Pangulo sa mga ahensiyang natutukoy, kaya malakas ang loob ng mga namumuno sa mga ito na magpabaya sa trabaho, dahil ni hindi man lang sila nawawarningan. Ang namumuno sa DSW, matamis ang ngiti habang ini-interview sa TV…marami na rin naman daw ang nabigyan ng relief goods!

Sa isyu ng pagmimina ng black sands at iba pang mineral ng bansa, na ginagawa ng mga banyaga…nagpa-TV rin kunwari si Secretary de Lima na nasa site pa kung saan ginagawa ang pagmimina. Ang sabi, dapat ma-imbestiga…ano ang nangyari? Wala! Kaya ang mga Tsino humahalakhak sa kasiyahan habang naghahakot ng barko-barkong itim na buhangin patungo sa kanilang bansa.

Ito na naman ngayon ang walang katapusang lifestyle check ng mga opisyal ng gobyerno. Karamihan sa mga kongresista ay malabnaw sa isyu dahil siguro alam nila na kung lalahatin sila sa imbestigasyong gagawin, isama pa ang mga senador, baka mabibilang sa mga daliri ng kamay at paa ang matitira! …lusaw ang Kongreso at Senado. Kawawa ang Pilipinas, wala na ngang pera, sarado pa ang Senado at Kongreso!

Masaklap ding isipin na ang mga dapat mag-imbestiga ay may bahid din ng korapsyon at ng pagdududa ng taong bayan. Hindi kaila sa lahat na may mga taga-BIR na nakakatikim ng suhol. Ang Commission on Audit (COA) ay nabisto na hindi pala gaanong mapagkakatiwalaan ang resulta ng kanilang mga pag-audit ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang Ombudsman ay nababanggit na rin sa mga kahina-hinalang usapin. At kung sakali lang naman na sila ang gagawa ng lifestyle check, hindi rin pwede dahil nagrereklamo din sila sa kakulangan ng tao, kaya nga patung-patong ang mga kasong pumapasok sa kanila na nag-iipon lang ng agiw at alikabok! Kung sa kaso naman ng mga pulis na tiwali na dapat imbestigahan, hindi pwedeng ang gumawa ay ang kanilang pamunuan pati ang NAPOLCOM dahil may mga dapat palang natanggal nang mga pulis noon pa dahil sa mga krimeng nagawa nila, subali’t nagdo-duty pa rin!

Wala akong maisa-suggest na simpleng gagawin upang matuloy ang lifestyle check at iba pang imbestigasyon. Ang nasa isip ko kasi ay kumplikado dahil ang suhestiyon ko, dapat na gumawa ng lifestyle check at iba pang imbestigasyon ay isang audit firm na banyaga upang talagang neutral ang mangyayaring pag-imbestiga.

Ang Mga “Milagro” sa Pilipinas

Ang Mga “Milagro” sa Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos

Ang tao, lalo na ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga milagro. Ang malaking bahagi ng population ng Pilipinas ay Kristiyano, kaya ang bansa ay batbat ng mga milagro kagaya ng imahen ng Virgin Mary na lumuluha, Sto. Niῆo na sumasayaw at sumasapi sa mga taong nagpipilit iniipit ang boses upang maging boses-bata, mukha ni Kristo at Virgin Mary sa dahon, dingding, palapa ng niyog at kung anu-ano pang mga pangyayari. Ito marahil ang nagbunsod sa mga taong tiwali, lalo na yong mga nasa gobyerno, na gumawa ng mga “milagro” dahil iniisip nila na madaling mapaniwala ang mga Pilipino. Kaya’t bukod sa mga nabanggit, may iba’t- ibang klaseng “milagro” pa ang nangyayari sa Pilipinas:

Ang “milagro” ng pagkawala ng pondo mula sa kaban ng bayan. Mula pa noong naging republika ang Pilipinas hanggang ngayon, lahat ng administrasyon ay may mga sariling milagro tungkol dito. Mula sa maliit na bilang, unti-unting dumami hanggang umabot sa nakakamanghang sukdulan sa kasalukuyang administrasyon. Dahil sa ginawa ng tao na batas tungkol sa pagkainosente ng isang pinagbibintangan hangga’t hindi napatunayan, lahat ng mga sangkot ay nagpipilit na wala talaga silang kasalanan, kaya kanya-kanya sila ng upa ng mga magagaling na abogado na kayang ipagpalit ang puri sa salapi, at animo ay mga de-susing manikang nagsasalita ng mga na-memorize na mga batas na pantakip sa mga kalasalanan ng kliyente nilang magnanakaw. Ang magandang dahila nila: trabaho lang!

Ang “milagro” sa pagkawala ng mga donasyon sa pangangalaga ng DSW. Maaaring “milagro” na maituturing ang pagkawala ng mga donasyon para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda, kahit pa may nakabantay na guwardiya. Lalong milagro rin ang hindi pagkapansin ng mga taga-DSW ng pagka-expire ng mga de-lata kaya hinayaang mabulok, kesa ipamigay lahat sa mga biktima. At lalung-lalong milagro ang parang walang anumang pagsalita ng namumuno sa harap ng TV, at pilit na naghuhugas- kamay sa pagsabi na marami na rin naman daw ang naipamigay na!

Ang “milagro” sa pinamigay na mga materyales pang-repair ng bahay sa mga taga-Zamboanga. Nagmilagro ang paglambot ng kahoy na nakaya pang bulatlatin at taktakin ng matandang nakatanggap nang ipakita sa TV. At ang yero, ay parang walang anumang pinunit na parang manipis na karton, pero siyempre, hiniwa muna ng kapiraso, sabay hila at ayon…napunit nga! Milagro!

Ang “milagro” sa EDSA hulidap. Nang lumutang ang karamihan sa mga sangkot na nahuli sa video at “nagsurender” daw, ang abogado nila ay nagsalita upang ipagpilitang wala sila sa pinangyarihan ng hulidap! Ang laking “milagro”! Hallelujah!

Ang “milagro” ng pagkabawas daw ng kriminalidad sa bansa dahil sa pinuno nitong si Allan Purisima. Nagmimilagro ang report dahil taliwas sa mga tunay na nangyayari. Nagsalita pa ang pangulo at nagdepensa kay Purisima, ganoong ilang araw na ay sunud-sunod ang balita tungkol sa hulidap na ginagawa ng mga pulis! May nagbebenta pa ng droga! Milagro ang pagkaroon ng lakas ng loob ng pangulo na magsalita sa harap ng kanyang mga cabinet secretaries at mga piling kaalyado sa pulitika, sa isang pagtitipon sa Malakanyang – para siguradong masigabo ang palakpakan! Si Jejomar Binay, Bise-Presidente at cabinet member din…hindi naimbita! May sa tagabulag yata kaya hindi napansin…talagang milagro! Ang liwa-liwanag na nga eh, hindi pa nakita!

Ang “milagro” ng pananatiling buhay ng mga gutom na Pilipino dahil halos wala nang kakayahang kumain ng sapat sa maghapon. At sa kabila ng ganitong kagimbal-gimbal na eksena, nagawa pang magsalita ng taga-Malakanyang na “tiis-tiis muna”! Baka ibig niyang sabihin ay “mamamatay din kayo, pagdating ng panahon…hintayin ninyo ang ikalawang sigwada!”

Maitututing na ngang isang “miracle” country ang Pilipinas. Ang daming mga pangyayari na hindi maipaliwanag. Kaya bahala na lang si Lord. Tulad ng biglang pagyaman ng isang ordinaryong mamamayan na taga-Makati… ang pagkapantas ng isang babaeng hindi nakatapos ng kolehiyo subali’t napaikot sa palad ang mga mambabatas upang magkamal ng limpak-limpak na salapi at nagawa pang mag-display ng rosary na bigay daw ng santo papa….. at milagro ding nakakangiti at nakakapagsalita pa sa kabila ng kakapalan ng mukha ang ilang mga opisyal ng gobyerno na ayaw umalis sa puwesto sa kabila ng pagka-inutil nila sa pagpatupad ng tungkulin!

Imposible ang Pagbabago Kung Ang Mga Balakid ay Kaalyado ng Namumuno

Imposible ang Pagbabago

Kung Ang Mga Balikid ay Kaalyado ng Namumuno

Ni Apolinario Villalobos

Nagsisimula ang lahat ng kahirapan sa pagpapatupad ng mga panununtunan tungo sa pagbabago, kung ang mga taong itinalaga ng namumuno upang umalalay sa kanya ay pinagkakautangan niya ng loob. Hindi niya basta maaalis sa puwesto kahi’t hantaran na ang pagka-inutil at pagkatiwali ng mga ito. Kapag ganito na ang situwasyon, anumang galing ng namumuno, ang mga inutil at tiwali niyang alalay ay humihila sa kanya upang hindi siya makausad…sa halip na makatulong, nagiging mga pabigat ang mga kaalyado niya.

Ang mga alalay na inutil at tiwali ay hindi lang mistula, kundi talagang balakid sa patuloy na pag-usad tungo sa kaunlaran kahit na ang namumuno ay nakikitang may masidhi at tapat na adhikain. Kadalasan nakikitaan sila ng matinding kayabangan dahil ang isinasangkalan nila ay ang “amo” nilang namumuno, at pakiramdam nila ay hindi sila matitinag sa kanilang kinalalagyan. Dahil sa ganitong sitwasyon, nababalewala ang mga nakatala sa nakaraan na magagandang bagay tungkol sa pinagmulan ng pinuno. Wala ring magagawa ang pagiging matalino nito.

Kung hindi magawan ng paraan ng namumuno na mabuwag ang mga balakid, lumalabas na siya ay mahina din, hindi marunong makipaglaban, hindi marunong mangatawan ng responsibilidad para sa nakararami. Dahil damay na rin ang namumuno, lumalabas na may sabwatan sila ng kanyang mga kaalyado sa mga pangyayaring hindi maganda sa bayan, tulad ng pangungurakot sa kaban ng bayan at hindi pagtagumpay ng mga proyekto. Pati ang pagkatao ng namumuno ay nakakalkal upang hanapan ng butas. Napapansin tuloy ang mga kahinaan niya na sana ay pinalalampas na lang ng taong bayan.

Ang gagawin na lang ng namumuno ay humanap ng paraan upang hindi sumingaw ang baho ng kanyang administrasyon kaya, magkukumahog siya sa pagtakip. At, ang pinakahuling paraan ay ang pananatili niya sa poder …subali’t ang tanong ay “hanggang kaylan siya mananatili upang mailigtas sa mga kaso ang kanyang mga kaalyadong malinaw namang may mga dapat panagutan”…at pati na rin siya?

Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Hindi na Nahiya at Nakonsiyensiya!…si Janet Lim Napoles

Ni Apolinario Villalobos

Talagang sagad-buto na ang kawalan ng hiya at konsiyensiya ni Janet Lim Napoles sa pagpapangalandakan ng rosary niyang bigay pa daw ng Santo Papa. Ginamit pa ang relihiyon at Santo Papa. Buti na lang hindi niya sinabi na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob sa pagpatayo niya ng mga “negosyo”! Walang pinag-iba ang ginagawa niya sa ginawa rin noon ng dating mayor ng isang bayan sa Laguna na na-convict dahil sa pag-rape ng isang estudyanteng babae na pinatay pa niya pati ang boyfriend nito. Nang makulong ang mayor, karay-karay niya ang isang imahen ng birhen sa kulungan. Subali’t kalaunan, napansing umiba ang kilos niya at pananalita – parang nasasapian. Matindi ang epek ng kakaibang pagkilos niya dahil sa haba ng buhok niyang magulo. Yon pala, palaging high o bangag sa droga! May butas pala ang imahen ng birhen kung saan ay itinatago niya ang drogang dinidiliber pa rin sa kanya dahil bahagi na ito ng kanyang buhay! Yon palang padasal-dasal niya habang nakaluhod sa harap ng imahen, at may hawak pang rosaryo, ay parang pagpapasalamat siguro dahil nakarating ng matiwasay ang rasyon niyang droga. At yong kunwari ay naghihimas siya sa imahen pagkatapos ng dasal, dumudukot na pala ng “gamot” niya!

Yong retreat house ni Napoles na pinamahalaan pa sa mga alagang pari, pinangtakip din sa malasadong gawain niya. Pinalabas pa na hindi daw dinitine si Benhur Luy at pinabantayan sa mga pari upang hindi makatakas, kundi ay pinag-retreat lang daw upang mawala ang kasalanan na panloloko sa kanya…dumiretso ba naman si Luy sa mga kliyente niya, kaya nabawasan ang kanyang kita! May kasabihang ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Si Luy bilang kasangkot ay umamin na, si Napoles kaylan kaya? Baka siguro habang buo pa ang kanyang rosary ay ipagpipilitan niyang inosente siya! At ang mga pari…nakasotana pa rin kaya?

Tapos na siya sa pagpatanggal ng cyst daw sa isang bahagi ng katawan niya na nagdulot ng matagal din namang bakasyon sa ospital. Ano na naman kaya ang ipapatanggal upang makapagbakasyon uli?

Inalipusta daw ng netizens ang kanyang pananalig dahil kung anu-anong katatawanan ang pinaggagawa dahil sa rosaryo niyang bigay daw ng santo papa. Kulang pa nga iyan dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng pera ng taong-bayan, na itinatanggi naman dahil wala daw siyang pirma sa mga dokumento. Kung hindi ba naman ung…s! Paano niyang gagawin yon, eh, isa yon sa mga payo sa kanya ng isang magaling na taga-gobyerno – huwag maglagay ng pangalan niya at pumirma sa mga dokumento upang sa paper trail ay walang ebidensiya laban sa kanya!

Huwag daw isama ang anak sa kaso niya. Pagkatapos ipangalandakan nito ang nakaw na yaman sa internet, ganoon lang?…huwag idamay?… eh nakinabang naman ng todo-todo, kaya animo artistang taga-Holywood kung umasta sa mga ipinagyabang na mga eksena sa party niya, sa internet! Estudyante lang daw?…saan naman galing ang perang pinangsosyo niya sa isang anak din ng pulitiko upang makapagpatayo sila ng pagawaan ng sapatos? Yan ba ang “inosente”?

Masama ang loob ni Napoles dahil sa nakikita niyang pamamaraan ng paglabas ng ngitngit at sama ng loob ng mga Pilipino dahil sa ginawa niya. May paiyak-iyak pa siya. Naalala ba niya ang kalagayan ng mga Pilipinong ginamit niya at kanyang mga kasabwat noong panahong ang turing niya sa perang ninakaw ay animo ordinaryong papel na walang anuman kung itambak sa bath tub at kama? Naalala ba niya ang mga Pilipinong nakanganga sa kawalan dahil sa kanilang panloloko habang namimigay siya ng “rebate” o commission sa mga pulitiko? Naalala ba niya ang mga gutom na mga magsasakang lubog sa five-six na utang, at ginamit nila sa ghost projects, habang nagpapakalansingan siya at mga bisita niya, ng mga hawak nilang kupeta ng alak tuwing magpaparty siya nang ubod rangya? Malamang abut-abot ang pagsisisi niya dahil ang mga taong akala niya ay makakatulong sa kanya kaya binusog niya ng pera, ay nagtakwil sa kanya!…na kulang na lang ay magtakip ng ilong tuwing naririnig ang pangalan niya!

Talagang ang taong nasusukol ay kung anu-ano na lang ang sinasabi, pati na ang promise na tamaan siya ng kidlat kung siya ay ngsisinungaling! Nawawala sa sarili kaya pati kalikasan at Diyos ay isinasangkalan!

Shortage at Pananamantala…pareho lang

Shortage at Pananamantala…pareho lang

Ni Apolinario Villalobos

 

Kailan lang ay nagsalita na naman ang mga taga-gobyerno na wala naman daw talagang shortage sa bigas, hanggang Setyembre pa nga daw ang stock. Baka ang tinutukoy nitong mga taga-NFA at Department of Agriculture ay ang NFA rice na binibili sa ibang bansa, na nakaugalian nang pagkitaan, sabi nila. Paano ang commercial rice? Wala daw talagang shortage, at malamang ay pananamantala lamang.

 

Ginagawa nilang tanga ang taong bayan, samantalang pareho lang naman ang pananamantala at shortage – magkapatid na pinsala sa mga Pilipino. Kung walang nanananamtala, walang shortage. Simple lang naman, dahil kung walang nagho-hoard o nagtatago na isang panananamantala, wala talagang shortage. Ano ang ginagawa ng mga ahensiyang may kinalaman dito sa mga taong nananamantala o nagtatago ng mga bigas? Wala! Dahil palagi nilang sinasabi, wala daw silang kapangyarihan. Kung ganoon pala, dapat lusawin na ang NFA at Department of Agriculture at National Police o Armed Forces of the Philippines na lang ang pakontrolin ng mga bagay na may kinalaman sa pagkain dahil may kapangyarihan silang manghuli. Yong mga inutil at kapal-mukhang kapit-tuko sa mga ahensiya, dapat ay pinapakain ng ipa!

 

Hindi na sila dapat nag-iinspiksyun sa mga palengke na may karay-karay pang mga TV cameras at reporters dahil napapamura lang ang mga nanonood. Para lang nilang nilalagyan ng asin ang sugat na pinagdudusahan ng mga Pilipino. Nagsasayang lamang sila ng panahon dahil wala naman pala silang mga konkretong magagawa. Ang simple nga lang na pagbenta ng NFA rice sa mga palengke ng kung ilang oras lang ng limitadong dami ng bigas ay hindi nila masita, magsasabi pa sila ng mga banta sa mga nananamantalang mga negosyante daw.

 

Hanggan kaylan kaya magtitiis ang sambayanan sa kapabayaan ng mga taong-gobyerno na inutil?!

Kasabihan ng “Matatalinong” Pilipino

Mga Kasabihan ng “ Matatalinong” Pilipino

Ni Apolinario Villalobos

 

“Patay ang evacuees kung ilang araw na hindi mabigyan ng relief goods…sorry na lang.”

 

“Dahil kontra-partido ka, manigas ka…wala kang assistance na maaasahan.”

 

“Dapat palitan ang balot ng relief goods, para masabing nagtatrabaho rin kami.”

 

“Hangga’t kayang kumita sa isang project, lubus-lubusin na…dagdagan pa…oooppssss!”

 

“Huwag pakialaman ang aking mga kaibigan na inilagay ko sa pwesto.”

 

“Tiisin ang gutom kung tumaas ang presyo ng bigas, dahil susunod ang iba….sure yan.”

 

“Hangal na mga Pilipino…gustong bigas ay libre na, mabango pa!”

 

“Kung walang kamera at reporter, walang inspeksiyon ng palengke.”

 

“Mangisay kayo sa pagkain ng bilasang isda, pati karneng bocha dahil wala kayong pera.”

 

“Eh, ano kung may amoy ang bigas…importante, kumita kami.”

 

“Tiisin ang dilim kung naputulan ng kuryente…mangutang kayo pambayad sa MERALCO.”

 

“Bahala kayong umalingasaw kung naputulan ng tubig dahil walang pambayad.”

 

“Goodbye muna…biyahe kami sa Amerika…marami yata kaming nakurakot…inggit lang kayo.”

 

“Kung kapit-tuko ako sa pwesto, gumaya na lang kayo…eyebags, gusto nyo”?

 

“Mainggit kayo sa magandang boses ko…ganda pa ng goodbye song ko.”

 

“Kung ayaw ninyo ng matuwid na daan, ang San Juanico Bridge na lang ang itutuwid ko.”

 

“Hayaan na yang mga Tsino, darating din sila sa atin ng mapayapa…ang iba nandito na nga.”

 

“Hayaang hakutin ng Tsino ang black sand, iniihian at iniiputan lang naman dito sa atin.”

 

“Maganda ang kalbong bundok, walang gubat na mapagtaguan ang mga bandido.”

 

“Ang lumalabas ng bilibid para magpa-ospital, hindi kasama sa bilang ng kakain…tipid!”

 

“Kung hindi sana nabisto, nadagdagan pera namin ngayon….kung malasin nga naman.”

 

“Kung type mo ang buhok ko, magpa-highlight ka rin.”

 

“Oh, my God, may nakapuslit na naman sa ibang bansa…saan kami nagkamali…na naman?”

 

“Hindi ako ang nagturo sa kanya…accountant ako, hindi guro…pwede ba?”

 

“Akala ko hindi kaban ng bayan ang nabuksan ko…akala ko box ng make up…’di ko kasalanan.”

 

“Wala na akong pera, pati puri, dahil ako’y minus matris at obaryu na, ‘di na ako mabubuntis.”

 

“Yong nakita nyong mga alahas, sa 168-Divisoria ko lang nabili, pero imported galing Tsina.”

 

“Hindi ninyo ako magagalaw, lahing bayani yata ako…Joke! Joke! Joke!”